bc

A Second Chance to Life (BXB)

book_age16+
1.8K
FOLLOW
8.1K
READ
stalker
aloof
self-improved
drama
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
city
first love
like
intro-logo
Blurb

What is the real happiness?

Makukuha ba ito kapag nakuha mo na ang yaman na gusto mo?

Makukuha ba ito kapag nakuha mo na ang paghanga ng ibang tao?

O kapag minahal ka ng taong minamahal mo mula pa noon?

Halina at samahan natin si Joross Javier sa paghahanap sa happiness na hinahanap niya at kung ano nga ba ang mas mahalaga.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Regret
-=Joross Point of View=- "Goodbye!" nakangiti kong paalam sa mga kasamahan ko sa trabaho, minabuti ko na kasing mauna na sa kanila, nagbabalak kasi sila na uminom after shift lalo na't Friday night at wala kaming pasok bukas.  "Sus! Wala ka naman pala eh, puro ka salita!"  "Aga agang uuwi eh wala ka naman asawang naghihntay sa bahay!"  :"Masyado ka namang paspecial Joross!" Sunod sunod na tukso naman ang narinig ko sa mga ito dahil sa hindi ko pagsamang iyon, kesyo napakilljoy ko naman daw at wala naman daw akong asawang uuwian, lahat ng panunukso nila ay tinawanan ko na lang, sanay na din naman ako sa mga pagbibiro ng mga ito. Hindi ko na pinansin ang patuloy nilang panunukso , nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makasakay na ako sa elevator, nang mapag-isa ay tuluyan nang nawala ang ngiti sa mga labi ko na kaninang pinapakita ko sa kanila. Hindi ko maiwasang hindi maging malungkot ng dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Oo nga at maayos naman ang trabaho ko, pero hindi ko maiwasang hindi magsawa sa mga nangyayari, para kasing paulit ulit lang ang nangyayari sa akin, wala nang bago. Papasok tapos uuwi, kinabukasan papasok at uuwi uli at magpapatuloy iyon hanggang sa dumating na ang rest day ko. Napaka-routineal ang nangyayari sa buhay ko na hindi ko maiwasang hindi magsawa. Madalas sinisisi ko ang sarli ko ng dahil sa kinahinatnatan ng buhay ko ngayon. Kung nagawa ko lang sanang tapusin ang pag-aaral ko ay baka may iba pa akong puwedeng gawin sa buhay ko. Hindi naman kami mahirap kaya naman kayang kaya akong pag-aralin ng mga magulang ko kung tutuusin, dangan nga lang at nagloko ako noong college. Kung nakapagtapos ako ay baka iba ang tinatakbo ng buhay ko ngayon. I have nothing against my current job, isang marangal na trabaho ang trabaho ko ngayon, at maganda din naman ang pasahod. Napapagod lang talaga dahil sa paulit ulit na ginagawa ko sa araw araw. Natauhan lang ako sa pag-iisip kong iyon nang dumating na ako sa ground floor ng building na pinapasukan ko. Agad akong naglakad hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng building, nang makalabas ay agad akong naglakad papunta naman sa sakayan ng bus, minabuti kong dumaan sa mall na madalas ko ding dinadaanan kapag pumapasok at umuuwi ako. Sa paglalakad kong iyon ay natigilan ako ng mapadaan ako sa department store sa mall na iyon. Natigilan kasi ako ng makita ko ang reflection ko sa salamin. Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa nakikita kong reflection ko doon. Tumambad kasi sa akin ang reflection nang isang matabang lalaki na walang kaayos ayos sa katawa, maitim at nanlalalim ang mga mata. Kaya nga hindi na ako nagtataka na madalas akong lokohin at tuksuhin ng mga katrabaho ko sa opisina. Uling, matiim, sunog, baboy at kung ano ano pang masasakit na salita ang naririnig ko sa kanila. Nasasaktan ako sa tuwing tinutukso nila ako ng ganoon, mas lalo ngang nawawala ang kakapiranggot kong self confidence ng dahil sa panunukso nila.. Kahit nasasaktan ay pilit ko pa ding hindi pinapahalata sa kanila ang totoong nararamdaman ko ng dahil sa mga pinagsasabi nila. Sa tuwing maririnig ko kasi ang mga iyon ay hindi ko maiwasang maramdaman at isipin na ako na yata ang pinakapangit na tao sa buong mundo. Mas lalo siguro nila akong tutuksuhin at kukutyain kung sakaling malaman nila ang totoo kong pagkatao. Ang tunay kong pagkatao na ako... bilang isang closeted gay. Sa edad ko kasing twenty nine years old ay hindi ko pa din magawang ipagtapat sa pamilya ko ang totoo kong pagkatao. Natatakot kasi ako na madagdagan na naman ang mga disappointment na dinulot ko sa pamilya ko. Nadisappoint ko na nga sila nang hindi ako nakagraduate ng dahil sa pagloloko ko noong college, tapos malalaman pa nila na ang anak nila ay isang bakla. Hindi ko na ata kakayanin pa na mapahiya ang mga magulang ko kung sakaling malaman ng iba ang totoo, hindi ko kakayanin na lokohin sila ng ibang tao sakaling lumabas ang totoo kong pagkataon, kaya naman kahit sobra na akong nahihirapan sa pagtatago kong ito ay pilit ko iyong sinarili. May mga ilang kaibigan din naman ako na nakakaalam ng totoong ako, hindi ko nga lang magawang ipagtapat sa mga bago kong katrabaho ang bagay na iyon. Medyo nadala na din kasi ako. Naranasan ko na kasing mabully ng ibang tao nang ipagtapat ko sa kanilang bakla ako. Sobrang sakit ng mga narinig ko ng nalaman nila ang tinatago ko, at para hindi ipahalata na nasasaktan ako ay pilit ko na lang tinawanan ang masasakit nilang mga biro, kaya ngayon nga ay nag-aalangan at natatakot na akong magtiwala pa sa iba, lalo na't hindi ko alam ang magiging pakikitungo nila kung sakali. Malapit na ako sa sakayan ng bus, nang maisipan ko namang tuluyan nang mamasyal sa mall na iyon. Malapit lang ito sa opisina kaya nga kapag lunch break ay madalas dito kami kumakain ng mga kasamahan ko. Naisipan kong mag stay muna tutal naman mahirap na ding sumakay ng ganitong oras, dahil nga sa rush hour. Naisipan ko na din na itreat ang sarili ko lalo na't sahod naman. Agad naman akong dumiretso sa isang fast food chain na nasa mismong ground floor kung nasaan ako, bigla naman akon natigilan nang makapasok ako sa naturang restaurant. Hindi ko naiwasang mabuhayan ng loob ng mapansin kong napatingin sa akin ang isang guwapong lalaki na nasa loob, mas lalo akong nagkalakas ng loob ng bigla na lang itong ngumiti sa akin. Gaganti na sana ako ng ngiti dito nang may marinig akong nagsalita sa bandang likuran ko. "Excuse me!' nagulat na lang ako ng marinig iyon sa likuran ko at nang lingunin ko ito ay tumambad sa akin ang isang guwapong lalaki na may pagkachinito ang itsura. Nakasuot ito ng fitted black shirt at fitted pants na bumabagay sa itsura nito. Agad naman ako nitong nilampasan at dumiretso sa guwapong lalaki sa loob. Bagay na bagay ang dalawa dahil pareho silang guwapo at may magandang pangangatawan. Kung puwede lang bumuka ang lupa at kainin ako nito ay mas nanaisin ko pang mangyari iyon, sobrang pagkapahiya kasi ang naranasan ko ng dahil sa pagkakamali kong iyon. Ang lakas kasi ng loob ko para isipin na may isang guwapong magkakagusto sa isang tulad ko. Mas lalo akong tinablan ng hiya nang mapansin ko ang palihim na pagtingin ng dalawa sa akin, napansin ko din ang pagbubulungan ng dalawa na para bang pinag-uusapan nila ako. Dali dali naman akong lumabas ng store na iyon at agad dumiretso sa third floor kung saan meron ding fast food chain na madalas kong kainan tuwing lunch break. Patuloy akong nakaramdaman ng labis na pagkapahiya hanggang sa makarating na ako sa naturang restaurant na iyon.  Pinilit ko naman alisin sa isip ko ang nangyaring iyon at agad na din akong nag-order. Sinabi naman ng cashier na iseserve na lang ang inorder ko kaya naman agad akong naghanap ng bakanteng puwesto. Sakto naman ng mapansin kong may bakanteng mesa sa pinakasulok na bahagi ng naturang restaurant kaya agad akong nagtungo roon. Habang naghihintay ng mga order ko ay naisipan ko naman na kunin ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Agad kong inaccess ang f******k account ko, mabuti na lang at libre ang pag-access ng f******k ngayon, wala pa naman akong load ngayon. Agad naman bumungad sa akin ang pictures ko from five years ago. Tumambad sa akin ang payat kong pangangatawan, nagawa ko kasing magpapayat ng taong iyon. From one hundred ninety pounds ay nagawa kong pababain ang timbang ko ng dahil sa once a day diet ko. Noong mga panahon na iyon ay madali akong nakakahanap ng karelasyon ko noon. Sabi nga nila guwapo naman ako, may iba naman na nagsasabi na may itsura daw ako. Ang pinakaasset ko ayon sa mga nakikilala ko ay ang mga mata ko. Ayon sa kanila ay maganda ang mga mata ko lalo na't napapalibutan ng mahahabang pilikmata, matangos din ang ilong ko at bahagyang mapula ang mga labi ko. Kung noon ay madami dami din ang nagkakagusto at nagpaparamdam sa akin, ngunit ibang iba na ngayon lalo na't ang mas napapansin ng iba ay ang timbang ko, kaya nga siguro ilang taon na nang huli akong nagkaboyfriend, noong mga panahon na payat pa ako. Nagpatuloy ako sa pagbrobrowse ng bigla kong makita ang post ng classmate ko noong high school. Alam ko naman na hindi dapat, pero hindi ko maiwasang hindi mainggit dito, lalo na't hindi kaila sa akin kung paano ito nagtagumpay sa larangan na pinasok nito. Base kasi sa mga post nito ay masasabi kong asensadong asensado na ito, maliban sa estado sa buhay ay hindi ko mapigilan maiinggit sa itsura nito. Masasabi kong guwapo ito, at may magandang pangangatawan. Makinis din ang mukha nito na para bang alaga ito sa derma. Malayong malayo sa itsura  ko na mataba, at malaki ang eyebags dala na din ng araw araw kong pagpupuyat. Hindi naman nagtagal ay tuluyan ng akong nawalan ng gana sa pagtingin sa f******k account, wala din naman magandang mangyayar kung patuloy akong maiinggit  sa kaklase kong iyon. Sakto naman nang dumating ang mga order ko. Isang two piece hot and crispy chicken breast part, dalawang rice at isang large coke. "Akala ko ba diet ka na?" pangungutya ko sa sarili ko. Kakasabi ko lang kasi kahapon na ngayon araw ko sisimulan ang pagdadiet ko, pero gaya ng mga nakaraan kong pagpaplano ay hindi ko din iyon natupad, madalas sa madalas ay nauuwi iyon sa pangako kong magdadiet na lang ako next week. Siguro dito ko na lang dinadaan ang lahat ng stress at frustration na nararamdaman ko sa buhay ko, dinadaan kong lahat iyon sa pagkain. Nagsimula na ako sa pagkain, at katulad ng mga nakaraang araw ay pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na magbabawas na talaga ako ng pagkain sa susunod na araw. Matapos kumain ay sandali pa akong namasyal sa loob ng mall hanggang sa inabot na ako ng isang oras paglalakad lakad ng walang tiyak na direksyon, nang mapagod ay saka lang ako nagpasyang umuwi. "Nandiyan ka na pala Joross." ang salubong sa akin ni Mommy nang tuluyan na akong makapasok sa bahay, pagkauwing pagkauwi ko. Nang makalapit ay agad nitong inabot ang isang papel, at kahit hindi ko tignan kung ano iyon ay alam ko na kung para saan ang papel na iyon. Nakasulat sa papel na iyon ang mga kailangan kong bayaran ng buwang iyon. Nakakuha kasi ako ng pera sa Tita ko at maliban pa doon ay may mga binabayaran din akong monthly installment plan sa credit card nito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi, pero ang weird lang talaga. Noong hindi pa ako nagtatrabaho ay hindi pa ako nagkakaroon ng utang, pero ngayong nagtatrabaho na ako ay saka naman ako nagkakaroon at nababaon sa mga utang. Madalas nga halos buong sahod ko ay nauuwi lang sa pagbabayad ko ng mga utang ko sa credit card, kaya naman wala na din akong naiipon mula sa mga sahod ko. "Sige po, idadaan ko na lang po mamaya kay Ate Lydia ang bayad." pilit na ngiting sagot ko dito. Agad na din akong tumanggi ng alukin ako nitong kumain dahil kakatapos ko lang din naman kumain kanina. Minabuti ko na lang na umakyat ng kuwarto. Nang makapagbihis ng pambahay ay agad akong nahiga sa kama ko, hindi agad ako nakatulog at nanatili lang akong nakatingin sa kawala, nakatingin ako sa labas ng bintana sa kuwarto ko, pero ang totoo ay wala naman talaga akong tinitignan. Kung maibabalik ko lang talaga ang panahon noon, pipilitin kong makapagtapos ng pag-aaral at aayusin ko ang buhay ko.  Siguro kung makapagtapos ako ng pag-aaral ay ibang iba ang mangyayari sa buhay ko ngayon, siguro may choice akong pumili ng gusto ko, hindi katulad ngayon. Pero alam ko naman na kahit na anong pagsisising gawin ko ay hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan, ang kailangan kong gawin ay tanggapin ng buong puso ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Wala naman akong ibang puwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko lang, kung hindi sa mga pagkakamali ko at sa mga desisyon ko ay hindi magiging ganito ang buhay ko. Siguro hindi ako tatanda na madaming what ifs na maiisip, siguro nasa maayos ang buhay ko ngayon at maipagmamalaki ko ang sarili. Tuluyan na akong nakatulog na nandoon pa din ang pagsisisi sa dibdib ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.5K
bc

OSCAR

read
226.2K
bc

NINONG II

read
618.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
272.8K
bc

My Favorite Subject

read
216.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook