bc

I Want Nobody But You

book_age0+
7.0K
FOLLOW
46.8K
READ
contract marriage
one-night stand
love after marriage
opposites attract
second chance
pregnant
arranged marriage
police
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Makalaglag panga ang kakisigan at kagwapohan kung mailalarawan si Police Chief Inspector Alexani Miller, kaya nga naman naging playboy ang imahe nito. Mayvel Aznar should know that in the few months of their marriage.

Tumakas si Mayvel sa isang arranged marriage kaya nga naman gusto niyang magrebelde sa mga magulang sa pamamagitan ng pagpapakasal sa isang estranghero na pumapayag na maging temporaryong asawa niya.

Nang makilala niya si Alex sa isang bar, naisip niyang perfect timing ito sa pinaplano niya, kaya naman nag proposed kaagad siya ng marriage sa lalaking sa gabi na yon lang niya nakilala. Pero nang ma approved ang VISA niya nakipag annul kaagad siya sa lalaki base sa kanilang napagkasunduan. Lumipad siya sa States at nagsimula doon ng panibagong buhay.

Lumipas ang limang taon pero hindi na siya muling nag-asawa pa. Ang gusto lamang niya ay ang magkaroon ng isang anak. At para matupad yong plano niya, kailangan niya ng isang sperm donor.

Perpekto na sana ang plano niyang magkababy dahil may nakita na siyang potential donor. Ngunit kailangan niyang umuwi sa Pilipinas dahil nagkasakit ang kanyang ina. Then she met her new neighbor. All six feet five heartbreaking inches of Alexani Miller, right next door.

Papano pa kaya matutupad ang plano niyang magkababy kung sa simula pa lang ay marami ng hadlang? At ang pinakaunang hadlang pa ay mismong kapitbahay niya na dati niyang asawa. Hahayaan kaya niya itong muling manghimasok sa buhay niya?

*****

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Time Goes By
SEATTLE  Hindi maiwasan ni Mayvel ang mapangiti. Hindi dahil iyon ang last day niya sa work, pero dahil iyon sa kanyang boss, ang Mayor, an elegant man who was addicted to hundred-dollar haircuts and hundred-dollar suits, na ngayon ay nakaluhod sa harapan niya, begging her to stay. "Hindi ka na ba talaga mapipigilan, Vel." "Sean, alam mo naman ang rason diba? Nagkasakit ang mommy ko." ani Mayvel sa bagets na Fil-Am Mayor. Lumingon naman ang Mayor sa opisina ni Mayvel at napakislot sa sobrang kalat nito. "Look how badly your despedida party turned out." Hindi na lamang siya nag protesta, kahit pa gaano siya ka organisado sa lahat ng bagay. Alam niya kasi na kung siya mismo ang nag organized sa kanyang party hindi iyon ganon kakalat. May pagka Obsessive-Compulsive pa naman siya. "At ano ba yang klaseng caterer ang nakuha nila? ang aalat ng mga food, tataas pa yata ang uric acid ko niyan." komento pa ng Mayor. "I'm sure it won't happen kung si Chloe pa ang naka in-charge. Binigyan ko kasi siya ng listahan sa mga pinili kong caterers." "Maybe you should stay." anang Mayor sa kanya, tumayo na ito at pasalampak na umupo sa kanyang leather chair. "Bakit kailangan mo pang mag resign? Eh Pwede ka namang mag file ng indifinite leave." "Hindi ko kasi alam kung makakabalik pa ba ako." ani Mayvel. "Masasanay ka rin pag wala na ako." dagdag niyang sabi. Five years ago... "Dad, ayoko pong magpakasal sa hindi ko kilala." mangiyak-ngiyak na saad ni Mayvel sa ama. Tiningnan niya ang kanyang ina na parang nanghihingi siya ng simpatiya. "Abel, hindi kaya pabigla-bigla itong desisyon mo." ang Mommy niya. "Mom, ano to? bakit ipapakasal ninyo ako sa hindi ko man lang kilala?" "Nabigla rin ako sa desisyon ng Dad mo, hija." katwiran ng kanyang ina. "Abel, baka hindi pa handa ang anak natin." "That's my final decision, May. Para rin yan sa kapakanan ng anak natin." "Para sa kapakanan ko Dad? o para sa kapakanan mo?" may pag-aakusa niyang sabi sa ama. "Ipapakasal mo ako sa taong hindi ko man lang kilala, and worst sa hindi ko pa mahal!" mangiyak-ngiyak na pahayag niya. Napataas na rin ang boses niya sa ama. "Wag mo akong pagtaasan ng boses, Mayvel. Umupo ka!" angil ng kanyang ama. "Hindi ako papayag, Dad." tanggi niya. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa anak ng kasosyo mo." "Then, I don't have a choice but to disinherit you." Napasinghap silang tatlo. Tatanggalan kaya siya ng mana kapag hindi talaga siya magpakasal sa lalaking iyon? "Napaka unfair mo naman dad. Hindi mo man lang inintindi ang sarili kong kaligayahan." Hindi na niya hinintay pang magsalita ang kanyang ama, dali-dali na siyang lumabas sa kanilang bahay. ----- Nasa isang bar si Mayvel at umiinom na mag-isa, tinanggihan kasi siya ng mga kaibigan niya dahil may iba't iba daw itong lakad, hindi rin pwede ang pinsan niyang si Bethany dahil napag-alaman niyang maselan pala ang pagbubuntis nito. Kaya tuloy all by herself ang peg niya, kailangan pa naman niya ng taong makakausap. She can feel that she's already drunk but she can't stop herself from drinking. Napalagok ulit siya ng isang pang shot ng tequila bago pa siya pumunta sa dance floor. Mayvel happily floated around the dance floor, whirling from one pair of accomodating male arms to another. Mali yata ang mga sinasabi ng expert. Her one hundred and ten pounds were only supposed to be able to absorb two point one ounces of alcohol...and look at her! Five -- or was it Six? -- shots of tequila and she was as sober as an egglant. She began an energetic two-step with one particular good looking guy nang makaramdam siya ng konting pagkahilo, marahil dala lang ito sa iniinum niyang tequila, or di kaya sa kanyang pagsasayaw. But she was having a wonderful time! Hindi pa kasi niya naranasang maglasing in her twenty-four years of existing. Mayvel didn't realize that the alcohol-dazed pleasure she was experiencing would be fleeting, at best. Nor did she realize that she would have to pay for it in the morning with a pounding headache, and something much worse that she couldn't even begin to imagine right now. Sa ibang banda, kung iisipin rin niya, makakawala nga naman nang pansamantalang hinanakit ang tama ng tequila. Mayvel sparkled as she whirled around the dance floor, drawing friendly, interested and downright lustful glances from the Saturday night boys watching her. Also, the short shimmering dress she wore hugged her slim figure and bared the length of her shapely legs. Samantalang si Alex naman ay nagmamasid lamang sa babae kanina pa. She was whirling around the room almost desperately, moving from one partner to the next without staying in any man's arm for long, as if in fear that she would be trapped. Sa napapansin niya parang lahat yata ng tao roon ay nakatuon lamang ang pansin sa babae, habang graceful naman itong sumasayaw. Matagal-tagal din niya itong tinitigan, at nagtataka siya kung siya lang ba ang nakakakita sa lungkot ng mga mata nito kahit masayahing mukha pa ang pinoproject nito. Her dancing seemed like an effort to run away from something, while every man in the room held her at one time or another. He just watched as she escaped time and time again and move on, like a beautiful, frightened butterfly. Nanlaki nalang ang mga mata ni Alex nang makita niya ang isang lalaki na binigyan ng maiinom ang babae at tinanggap naman iyon ng babae at ininum. Hindi na kailangang itanong pa niya sarili, basta ang alam niya na kailangan niyang protektahan ang babae. Agad naman siyang napatayo sa kinaupoan niya at linapitan ang kinaroroonan ng babae. Nakaramdam naman ng biglang pagkahilo si Mayvel. Parang umiikot na yata ang paningin niya. Babagsak na sana siya sa lupa kung hindi lang siya mabilis na nasalo nang kung sino. His strong solid arms around her waist was firm, and it was solidity that Mayvel needed more than anything right at the moment. Her eyes rose over the column of a strong neck, angular jaw, and collided with steel gray eyes. They held for one long moment in a curious, pounding silence before Mayvel melted toward that strength. "Dance?" she pleaded huskily, at kusa niyang ipinulupot ang mga kamay sa batok ng lalaki bago paman ito makasagot. She held on to him like a lifeline, and out of necessity Alex own arms closed around her, drawing her more securely to his hard body. The song playing now was a slow one, a soft cry from the heart of woman who couldn't hold on to love. "Mm," she breathed, nagsimula na ring umikot ang kanyang paligid. Kaya mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa lalaki as if ito lamang ang naka steady sa paningin niya. "Ahmm...Miss, okay ka lang?" nag-aalalang bulong nito. "Nahihilo ako...pwede bang huminto muna tayo sa kakaikot?" reklamo niya. "Napasobra yata ang nainum mong tequila..Ilan bang shot ng tequila ang naubos mo?" "Six...or di kaya seven." "For God's sake." Suddenly, Mayvel collapsed against him. "I don't feel too good," she told him. Inalalayan naman ni Alex si Mayvel papalabas ng bar. "Where are we going?" "Lalabas na tayo dito." sagot ni Alex. "No..." huminto naman si Mayvel sa paglalakad. "I'm not a strange man." sabi sa kanya ni Alex, habang mahigpit siyang hinahawakan nito. "Oh yeah?" hamon niya sa lalaki. "What's not strange about you?" Alex studied her ironically, wondering how he could possibly answer that question. "My name's Mayvel Aznar," she told him without waiting for a response. "What's yours?" "Alex. Alexani Miller," sagot naman ng lalaki. "Saan naka parked yong kotse mo, Mayvel?" "Somebody took it." Mayvel gestured accusingly to the parking valet coming toward them. "It was him." Napabuntong-hininga lamang si Alex habang papalapit sa kanila ang valet. "What kind of car is it, Mayvel?" "Red." "Red?" kumpirma ni Alex. "Yon lang?" "Okay lang sir." sabat ng valet. "Naalala ko pa ang kotse niya." Alex watched as the boy scooted away to retrieve the car, buti nalang at naalala pa ng valet ang kotse nito. Nang pinarada na ng parking attendant sa harap nila ang red convertible na audi na sasakyan ng babae, agad namang inalalayan ni Alex si Mayvel patungo sa kotse nito. "Gusto mo bang ikaw nalang ang magmamaneho, Alexander the Great?" "Magandang ideya yan." Napatingin si Mayvel kay Alex nang makapasok na sila sa loob ng kanyang kotse. "Saan tayo pupunta?" "Iuuwi na kita." Bigla namang napakislot ang mukha ni Mayvel at nagsimulang pumatak ang kanyang luha. Nabigla naman si Alex sa pag-iyak ng babae. "Bakit ka umiiyak?" "Ayaw ko pang umuwi." "Why not?" Mayvel studied him loftily, managing to see even through the tears. "I just want to have fun." Nawawalan naman ng pasensiya si Alex sa babae. "Iuuwi na kita, sa ayaw at gusto mo." "Hindi mo ba ako narinig? ayaw ko pang umuwi..bakit alam mo ba kung saan ako nakatira?" "H-hindi, dahil sasabihin mo naman sakin ang address mo." "Pano kung, ayokong ibigay sayo ang address ko?" "Eh di isasama kita sa bahay ko." mabilis na sagot ni Alex. Pinag-aralan muna ni Mayvel si Alex. Then she saw the irritation and the helplessness in his eyes, but also she saw more than that. "Ayokong mapag-isa. Naiintindihan mo ba ako? I don't want to be alone..not now." "What do you want from me, Mayvel?" he asked reluctantly, not wanting to hear the answer, fearing where it would lead. Oo nga playboy ang imahe niya, pero sa babaeng kagaya ni Mayvel ayaw niyang mag take advantage, lalo na't pinakiusapan lang siya sa pinsan nitong si Bethany na iuuwi niya itong ligtas. "Can I ask you something?" "Nagtatanong ka na eh." pamilosopo ni Alex. "Are you married?" "No." "Good! Kasi may proposal ako sayo." "What?" "Marry me, Alexander." her passionate pleading made Alex heart twist. "What? nababaliw ka na ba? lasing ka lang at correction hindi ako si Alexander. Ako si Alexani." "Hindi pa ako masyadong lasing Mr. Alexander Miller. At alam ko ang mga sinasabi ko sayo." "Kung papayag ka sa alok ko, hindi ka naman manghihinayang. May trust fund ako sa bangko at kaya kitang bayaran bilang asawa ko hangga't hindi pa na a-approved ang VISA ko. Wag kang mag-alala, sa papel lang tayo kasal at hindi naman tayo aabot ng isang taon magpapa annul rin naman tayo." diri-diretsong pahayag ni Mayvel. Talagang nagulat si Alex sa narinig niya mula sa babae. Kaya tuloy hindi siya agad nakapagsalita. "Pano kung hindi ko tatanggapin ang alok mo?" paghahamon niya. "Kung hindi mo tatanggapin ang alok ko. Eh di wag, maghahanap nalang ako ng ibang lalaki na pumapayag sa gusto ko." No! It can't be. Naalarma si Alex sa sinabi nito. "Nagbibiro ka lang diba? at isa pa lasing ka." "Hindi pa ako lasing at hindi ako nagbibiro!" tumahimik bigla si Mayvel at nakita nalang niya na tumutulo na naman ang luha nito. Damn! Pagmumura ni Alex sa kanyang isipan sabay hampas sa manibela. Nabigla naman si Mayvel sa paghampas ni Alex sa manibela. Pinaandar na nito ang sasakyan saka siya nito tinitigan. "Maghanda ka. Magpapakasal tayo ngayong gabi sa kakilala kong huwes." ----- PRESENT Palinga-linga ngayong naglalakad si Mayvel sa magagandang bulaklak na nadaanan niya patungo sa parking lot ng city hall. Huminto muna siya para pagmasdan ang napakagandang tanawin. Hanggang sa narinig nalang niya ang tunog ng isang high heels na papalapit sa kanya. Napalingon siya, at napangiti nang makita na ang auntie Pia niya pala ito. Ang tiyahing kumupkop sa kanya pagkarating niya sa States, at matagal na rin itong nagtatrabaho sa city hall. "Sigurado ka na ba Mayvel sa pag alis mo? At sigurado ka bang ipagpatuloy mo pa rin ang planong magkababy kahit nasa Pilipinas ka na? Tandaan mo, single parenthood isn't any bed of roses, you know." "Sigurado na po ako, auntie." panigurado niya sa tiyahin. Ang auntie Pia lang kasi niya ang nakakaalam sa plano niyang magkababy. "Salamat sa hinanda mong party para sakin, auntie. Hindi ko talaga inasahan iyon." at nagkayakapan na lamang sila ng kanyang tiyahin. "Leaving isn't going to be quite as easy as I thought it would be. Ma mi-miss ko kayang lahat dito, auntie." "Ma mi-miss ka rin namin Vel, balitaan mo kami pag matutuloy yang pagbubuntis mo, huh? balita ko kasi pumapayag yong German na mag donate kahit nasa Pilipinas ka na. Naku! bigtime yon ha, batam-bata pa at CEO na sa kanilang kumpanya." Yan ang hinahangaan niya sa kanyang auntie. Suportado kasi siya nito sa lahat ng bagay, kabaligtaran naman sa kapatid nito - na daddy niya. "Salamat talaga, auntie. Paano nalang kung wala ka." "So, kailan ang plano ninyo?" "Pagkarating ko po sa Pilipinas, susunod rin daw siya." Mayvel said, her voice infused with every bit of the confidence she felt. Even though her OB-GYN had cautioned her that three, sometimes four artificial inseminations were the norm before a pregnancy 'took'. Ngunit positive pa rin naman siya na mabubuntis siya kaagad bago pa siya mag thirty years old next year. "Well, good luck my dear niece. Take care and keep us posted." at muli na namang nagyakapan ang mag-tiyahin. "I will. Maraming salamat sa lahat, auntie." Naglalakad na sana si Pia pabalik sa city hall nang may bigla siyang naalala. "Siyangapala Vel, I almost forgot to tell you. Naalala mo pa yong sinabi ko sayo na police agent sa Pinas na nabalitaan ko last week. The one who got blown through the plateglass window?" Hindi na kasi siya updated sa news and current affair sa Pilipinas simula ng dumating siya sa Seattle, wala rin namang ibang nakakaalam na pumunta siya sa States kahit pa ang matalik niyang pinsan na si Bethany. "Yeah, what about him?" "Hindi ako nakatiis eh, kaya tinanong ko si Bethany kung sino." saad ng auntie niya. "Sino daw?" kinakabahan man siya kung mapasino iyon pero hindi na lamang niya ito pinapahalata. "Wala ka ba talagang instinct kung sino yon?" Kahit hindi pa sabihin ng auntie niya, alam na niya kung sino ang tinutukoy nito, kaya tuloy mas lalo siyang kinakabahan. Sa kwento kasi ng auntie niya, may isang police agent daw na kasama sa raid sa isang pagawaan ng shabu sa Pinas ang nabaril. Thank God at nakasuot ito ng full gear at bulletproof vest kaya hindi ganon ang pinsala, kaya lang dahil sa impact ng pagbaril nito kaya ito tumilapon sa labas ng bintana habang nabasag naman sa katawan nito ang dingding na salamin. Pinipigilan lang daw ng taga media na ihayag ang pangalan nito, kaya nga nitong mga nakaraang araw ay nabagabag talaga siya kung sino nga ang police na iyon. "Vel, your ex!" exclaimed ng kanyang auntie na nagpapukaw sa kanya sa malalim na pag-iisip. "Oh." nag-aalala man siya para sa dating asawa pero hindi pa rin niya ito pinahalata sa kanyang tiyahin. Instead, she struggle to come up with some sort of appropriate comment. "Well, I'm glad he wasn't hurt." "Sana nga okay lang si Xani." segunda naman ng tiyahin niya. Napatango lamang siya. Oo nga, it's been five years simula nang iwanan niya ang Pilipinas at si Xani. It's been five long years na hindi man lang niya namalayan ang paglipas ng panahon. "Vel, bakit hindi nalang si Xani ang gawin mong donor?" "I'm sorry. May sinasabi ka ba sakin auntie?" hindi niya narinig ang sinabi ng kanyang tiyahin dahil nahulog na naman siya sa malalim na pag-iisip. "Ang sabi ko bakit hindi nalang si--" "I'd better get going auntie, before the traffic gets too bad at baka mahuli pa ako sa aking flight. Thanks again for the wonderful party." paalam niya at mabilis na hinalikan sa pisngi ang kanyang tiyahin. "Oh, sure dear. Good luck Mayvel..But I still think--" "Bye, Auntie." *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession (Tagalog)

read
88.7K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
387.9K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.5K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
532.5K
bc

Contract - Tagalog

read
752.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook