bc

THE BEAUTIFUL WOLF SERIES 2: DEBBIE STONEX

book_age0+
2.4K
FOLLOW
11.3K
READ
alpha
dark
badboy
powerful
luna
Twilight
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Debbie Stonex. Ang pangalawa sa anim na magkakapatid. Hindi basta-bastang babae. May kakayahan siya na wala sa pangkaraniwang mortal.

ABILITY : Kaya niyang makita ang nakaraan at ang hinaharap. She can read mind, too.

Galit siya sa mga tao dahil sa pagkamatay ng kanila mga magulang. Gagawin niya ang lahat mahuli lang ang pumatay sa mga ito.

May isang lalaki na papasok sa buhay ng dalaga, si Tyron Siegfred, ang malapit na kaibigan na private investigator ng kanyang Kuya Dave na siya namang asawa ng kanya Ate Amelia.

Una pa lamang niya ito nakita, alam niya nang hindi niya ito magugustuhan dahil ang una impression niya dito ay babaero at higit sa lahat mahilig ito manigarilyo. The Badboy be like.

Ngunit maiiwasan ba ng dalaga ang lalaki gayoong alam niya sa umpisa pa lang ng pagkikita nila ay ito ang lalaki itinakda para sa kan'ya.

Her mate. Her human mate.

chap-preview
Free preview
TBW SERIES2: ONE
Kasulukuyan patungo si Debbie sa opisina ng Kuya Dave niya,ang lalaking itinakda sa kanyang Ate Amelia na ngayon ay asawa na nito.Masaya siya para sa mga ito,nagdadalang-tao na rin ang kanya Ate Amelia at isang buwan na lang magsisilang na ito. Hindi naging maganda ang umpisa nila ng Kuya Dave niya,hindi naging maganda ang pakikitungo niya rito dahil galit siya sa mga kauri nito at hanggat hindi niya nahuhuli ang pumatay sa kanilang mga magulang hindi magbabago ang tingin niya sa mga tao maliban sa Kuya Dave niya na handa ibuwis ang buhay maprotektahan lamang silang magkakapatid. Labis-labis ang nararamdaman niya guilt at konsensya ng saluhin nito ang bala ng para sa kanya maraming buwan na ang nakakalipas dahiL sa pagmamatigas niya.Iyun na ang nag-ugat para magbago ang pakikitungo niya rito. "Good morning ,ma'am ..how can I help you?" bungad ng isang babae ng marating niya ang palapag ng opisina ng kanya Kuya Dave. Napapantastikuhan pinagmasdan siya ng babae.Inalis niya ang hood ng jacket niya sa ulo.Napaatras ang babae ng tumitig siya rito. Yeah,don't s**t on me. "M-ma'am?" medyo maputla na nito turan. "Pinapunta ako rito ni Kuya Dave.." matabang niya tugon rito. "G-ganun po ba,uhm,s-sandali lang po,inform ko lang po si Sir Dave may kausap po kasi siya ngayon sa loob,"may nginig sa boses nito saad. " Sir Dave..may bisita po kayo dumating,"iwas ang tingin nito sa kanya habang nakikipag-usap sa kabilang linya. Hindi na niya kailangan hintayin pa sabihin nito na pumasok siya dahiL matalas ang pandinig niya narinig na niya pinapapasok na siya. Napamaang ang babae na walang pasabi na tinungo niya ang pintuan. Agad na sumalubong sa kanya ang malamig at malinis na opisina.Malawak ang loob ng opisina at nakakuha ng pansin niya ay ang floor to ceiling na glass wall na nakaharap sa siyudad. "Debbie.." anang ng Kuya Dave niya. Nasa bahagi kanan ng opisina naroroon ang desk ng kuya Dave niya.Nakangiti ito tumayo at inanyayahan siya maupo sa visitor's chair na kaharap lang ng desk nito. Agad na humalinghing ang inner wolf ni Debbie ng magtagpo ang mga mata nila ng lalaki.His Mischievous gray eyes. Ngumiti ang lalaki sa kanya pero walang emosyon na umupo ang dalaga sa katapat nito upuan. "Debbie,please meet Tyron,"papakilala ng Kuya Dave niya rito. " Hi,Debbie..it's nice to meet you,finally"magiliw nito bati sa kanya na nakalahad pa ang palad sa kanya. Malamig lang na sinulyapan ng dalaga ang binata. Napunta sa pagkangiwi ang pagngiti nito ng hindi niya tanggapin ang pakikipag-kamay nito. Isang pagtikhim mula sa Kuya Dave niya ang pumukaw sa kanila. "Simulan na natin ang plano," anito. Kahit hindi sulyapan ni Debbie ang lalaki alam niya nakatingin ito sa kanya. "Naisip ko na convenient na manatili si Tyron sa Farm para sa pag-iinbestiga.Alamin ang bawat sulok roon at kilalanin ang mga tauhan sa farm na matagal ng naninilbihan.." business-like turan ng Kuya Dave niya. "Mas makakabuti kung hindi nila malalaman na isa akong inbestigador para madali ako makakilos sa paraan na gusto ko," saad ng lalaki. Saglit na tinapunan niya ng tingin ang lalaki na may ngiti sa labi na tila alam na titingin siya rito.Agad na binalik niya ang tingin sa Kuya Dave niya. "Pwede ko siya gawin trabahador sa farm," komento niya. Ngumisi naman ang kuya Dave niya sa ideya niya iyun. "Well,good idea.." anito na tumingin sa lalaki na hindi makapaniwala na sinang-ayunan iyun ng kaibigan. "Wait,you mean,damn,wala nga ako alam na trabaho eh," palag nito sa ideya iyun. "Hindi mo naman kailangan magtrabaho ng mabibigat,sabihin na lang natin kunti pagtulong lang tulad ng paghaharvest hindi na mahirap iyun since malaking tao ka naman," saad niya rito. Natigagal ang lalaki at tila napahiya sa sinabi niya. "Uhm.." "Gagawin mo yun para wala makaalam na may hidden agenda ka sa biglaan pagsulpot mo roon,Mr.Siegfred." Natigagal ang lalaki at tila napahiya naman ito sa sinabi niya. "So,are you good with it?" nakangisi turan ng Kuya Dave niya sa lalaki. "Yeah,I guess so..baka isipin niyo ang arte ko," "Yeah,sana hindi ka na lang naging private investigator kung puro angal ka naman.."anas niya na ikinabigla ng lalaki. Yeah,that's rude,Debbie.. Tumayo na siya at hindi na nag-abala pang hintayin ang magiging saloobin ng lalaki. " I have to go,Kuya Dave...ipapaalam ko na lang kung kailan kami muli magkikita ni Mr.Siegfred." "Sige,salamat sa oras mo,Debbie.." Hindi na niya tiningnan ang lalaki hanggang sa makalabas siya ng opisina. Ang sama mo naman sa kanya! galit na alingawngaw ng inner wolf niya. Ginawa ko yun para ngayon pa lang alam na niya kung saan siya lulugar. sagot niya sa kanya inner wolf. Yeah,as if naman maiiwasan mo,duh,he's your mate! Our mate! Hindi na niya inabala sagutin ang galit na inner wolf niya.Heck,alam niya iyun pero Wala siya oras para dun. Hindi niya pinansin ang babae ng yumuko lang ng makadaan siya sa desk nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Loving A Werewolf

read
45.2K
bc

The Alpha and the Princess

read
708.1K
bc

The Twin Alphas' Galaxy Wolf

read
380.4K
bc

The Gamma and The Witch (#2 of the Denali pack)

read
109.9K
bc

Her Heartless Italian Billionaire

read
477.9K
bc

THE SECRET HEIRESS

read
110.2K
bc

Runt's Revenge

read
7.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook