bc

Tasty Secret - SPG (Book II of Adam's Desire Series)

book_age18+
6.3K
FOLLOW
35.0K
READ
revenge
possessive
badboy
badgirl
tragedy
comedy
twisted
bxg
mystery
crime
like
intro-logo
Blurb

Nang muling magdesisyon si Conor na pumasok muli sa isang relasyon matapos ang nangyari sa kanyang nakaraan, akala niya'y magiging madali na ang lahat.

Katulad ng normal na ginagawa sa panliligaw, simpleng pagbibigay ng chocolates at bulaklak at pagde-date lang ang kanyang alam para mapasagot si Madget, ang kanyang kababata.

Ngunit bakit hindi lang iyon ang requirements ng dalaga para sagutin si Conor sa panliligaw nito?

Bakit kailangan pang ipakita ni Conor ang kanyang ari para makuha lang ang matamis nitong oo?

Susuko ba siya? O Magpapasubo na lang kaya?

Tasty Secret - SPG

Book II of Adam's Desire Series

chap-preview
Free preview
Prologue
"GUSTO MONG PAGKAKITAAN ANG LITRATO NG ARI KO?" Nagulat ako sa sinabi niya sa akin na kung maaari raw ay kukuhanan niya ako sa kaniyang studio ng hubo't hubad. "Oo, tiyak bebenta iyan. Bibigyan naman kita ng shares, huwag kang mag-alala," sabi niya pa saka tinapik tapik ang aking balikat. Tumitig ako sa kaniyang mga mata at halatang seryoso siya. Sa hitsura niyang titibo-tibo ay mayroon pala siyang ganitong ugali. May pagnanasa ba ang babaeng ito sa akin? "Seryoso ka ba?" Tanong ko sa kaniya. "Hindi ako nagbibiro Conor. Mukha ba akong joker?" Saka niya mabilisang tinapik ang sikmura ko at medyo napalakas yata iyon. "Aaww!" Napadaing ako. Kababaeng tao nito, parang bakal ang kamay. "Ay, napalakas ba? Kala ko tigasin ang abs mo, Dre?" Sabi pa niya saka umakbay sa akin. "Pero hindi ako makapaniwala sa alok mo sa akin. Tinawag mo ako dito sa studio mo para lang alukin ako sa bagay na imposibleng mangyari?" Napakamot ako sa aking batok habang sinasabi ito sa kaniya. "Ayaw mo ba? Malaking pera ang makikita natin diyan. Malay mo ma-discover ka pa ng mga modeling industries kapag nakita nila ang mga litrato mo. More opportunities kapag nagkataon," panggogoyo niya pa. "Pwede naman akong magmodelo na hindi nagpapakita ng ari ko diba?" "Iyon na ang uso ngayon brad. Huwag ka nang umarte. Makikita lang naman nila, hindi naman nila makukuha," sabi pa niya saka nag-set ng studio. "Oy, hindi pa ako pumapayag, nagse-set ka na diyan," sabi ko pa saka natatawang tumayo. "Just in case gusto mo na kaagad ngayon," sabi niya pa. "Hindi ba pwedeng mag-ahit muna?" Biro ko sa kaniya. Sa totoo lang ay hindi pa ako pumapayag at binibiro ko lang siya. "Huwag ka nang mag-ahit, the more hairs the more pang-akit," sabi niya pa sa akin. Natatawa ako sa kaniya sapagkat mayroon pala siyang ganitong side. "Binibiro lang naman kita Madget. Sa totoo lang ay hindi ako papayag sa sinasabi mo," sabi ko sa kaniya saka namulsa ng kamay. "Seryoso ako sa sinasabi ko. Kikita tayo, Conor," sabi pa niya. "Hindi ko gustong pagkakitaan ang ganitong bagay dahil marami pa namang paraan para kumita ng pera," sabi ko sa kaniya saka naglakad pabalik sa kaniyang counter. "Kahit bayaran na kita agad ngayon ng 10 thousand pesos per shot?" Sigaw niya sa akin. Napahinto ako. Ten thousand pesos per shot? "Ilang shots ba?" "Depende sa gusto mo, basta't huwag kang umarte sa ipapagawa ko sa'yo," namewang siya sa akin. "Seryoso ka ba talaga?" Tanong kong muli sa kaniya. Lumapit siya sa akin saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Sa palagay ko naman ay hindi ka basta bastang size kaya't mabebenta talaga ang litrato kung sakali. Pero isang bagay lang ang ipinagtataka ko kung bakit ayaw mong magpakuha ng litrato kahit mayroong siguradong kita," sabi niya saka ako parang kinikilatis. "At ano sa tingin mo ang dahilan?" Sinubukan ko siya sa pagtitig pa lang. Naningkit ang kaniyang mga mata at ako naman ay napangiti. "Mayroon kang itinatago diyan na hindi mo gustong makita ng iba," sabi niya sabay turo sa pantalon ko. Napalunok ako. "At ano sa palagay mo ang itinatago ko?" Tanong ko. "Bakit hindi natin subukang alamin?" Aniya. Sinusubukan talaga ako nito. Unti-unti kong tinanggal ang pagkakabuckle ng belt ko sa harapan niya. Napataas ang kanang kilay niya dahil sa ginawa ko. "Hep hep, akala ko ayaw mo?" aniya. "Baka kasi isipin mong maliit ako at iyon ang itinatago ko," sabi ko pa sa kaniya. "Alright, let's see," kunwari ay walang gana niyang wika saka nag-inat ng leeg at ulo. Tinanggal ko na ang butones ng pantalon ko at nang unti unti kong ibaba ang zipper nito ay saka naman may tumawag sa cellphone ko mula sa aking bulsa. "Tsk." Napairap siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook