bc

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)

book_age12+
1.4K
FOLLOW
9.5K
READ
contract marriage
love after marriage
pregnant
arranged marriage
drama
comedy
Girl Power Counterattack
Multi-professional Billionaire Writing Contest
Writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

ISANG MABILISANG HALIK ang iginawad ni Paul kay KM. Dampi lamang iyon ngunit madiin. Nangilabot siya roon. Ang mga mata nito'y walang bahid ni katiting na emosyon. Cold and isolating. He looked at her as if she was a piece of trash. Or maybe she was really a trash. Everyone treated her that way.

Kung may isinampal kay KM ang tadhana, iyon ay ang lumaban sa lahat ng makakaya niya. 'Wag magpagupo sa problema. At may paraan ang lahat ng bagay para makuha. By all any means, she got what she had wanted. And she faced all the consequences bravely.

Last night, the moon was full so she prayed for him. She asked to the moon for him.

Sa buwan na marikit

Bigyan ang hiling ng abang maliit

Sinasambit nang marapat

Ang pagsamong wagas at sapat

And she granted her wish.

But she wasn't careful what she wished for. She made a mistake. She could feel it in her bones with his cold, dangerous stare.

At mukhang hindi sapat ang kanyang lakas upang harapin ang pagkakamaling nagawa niya. Dahil pinikot niya si Paul Angelo Pablo...

chap-preview
Free preview
Prologue
AYON SA KANYANG Ina, kapag kabilugan ng buwan at humiling ka pagsapit ng hatinggabi, matutupad lahat ng kahilingan mo. Iyon ang ginawa ni KM kagabi – taimtim siyang humiling sa buwan na sana dumating ang kanyang ama para sa kanyang recital.             Naalala pa niya ang pag-uusap nila ng kanyang ama.             “Pa, ‘wag mong kalimutan ‘yong recital ko bukas,” anang labing-isang gulang na si KM sa kanyang ama habang nag-aagahan sila.              “Panglimang beses mo nang sinabi sa akin iyan,” saad ng ama ni KM na si Albin Macatangay habang humihigop ng kape at nagbabasa ng diyaryo.             “Baka makalimutan po kasi ninyo,” aniya.             “I will come,” anito na hindi man lamang tumingin sa kanya.             “Pa,” singit ng kanyang kapatid na si Daneia. “Pinapatawag ka ng principal namin at kailangang kausapin ka raw niya.”             Napalingon siya sa kanyang kapatid. Alam niyang gawa-gawa lamang nito iyon. Grade 5 pa lamang ito ngunit alam na nito kung paano paikutin ang tao sa paligid nito.             “Panonoorin ko ang recital mo pagkatapos kong makausap ang principal nila Daneia, okay?” ang sabi ng kanyang ama sa kanya.             Pero ang layo ng school niya sa school namin baka hindi mo maabutan ang recital ko. Iyon ang gustong irason ni KM sa ama ngunit tumahimik na lamang siya.             Tumingin siya kay Daneia na nakangisi sa kanya.             Pero umaasa si KM na darating ang kanyang ama. Pinanghahawakan niya ang pangakong binitawan nito.             Ngunit malapit na ang kanyang pagtatanghal pero walang Albin Macatangay ang nagpakita.             “KM, ikaw na ang susunod,” tawag sa kanya ng kanyang guro na si Miss Noemi Paz.             “Saglit na lamang po Ma’am. Parating na po ang papa ko,” aniya na nanginginig ang kamay, nagsimulang lukubin siya ng kaba at takot. Iyon ang kauna-unahang magtatanghal siya sa harap ng maraming tao.             Hinawakan siya sa balikat ng kanyang guro at niyakap siya.             “Kristine Marie, kung wala kang bilib sa sarili mo, walang bibilib sa iyo. You can do it, baby.”             “Saglit na lang po, Ma’am. Five mintues po. Pakiusap po, Ma’am,” naiiyak niyang pakiusap.             “Okay, pero five minutes lang.”             Naghintay si KM.             Isang minuto.             Humiling ako sa buwan kaya alam kong darating ka. Dalawa... Hindi ko kayang mag-isa, Pa.             Tatlo...             Pa, asan ka na?             Apat..             Nangako ka sa akin, Pa.             Lima.             “KM, let’s go.”             Inakay siya ni Miss Noemi Paz mula backstage papuntang bulwagan.             “Believe in yourself and never let that pressure overrule you okay?” Napakagat siya ng labi at tumango. Niyakap siya ulit ng mabuting guro. “It’s okay, baby. Nandito naman ako. I will be your number one fan. Now, go.”             Isipin mo na lang mag-isa ka, KM. Kinakabahang naglakad si KM sa bulwagan. Nanginginig ang kanyang mga kamay at pakiramdam niya namanmanhid ang kanyang buong katawan sa kaba... at sakit sa hindi pagdalo ng kanyang ama.             Nilingon ni KM ang mga manunuod sa kanyang recital, nagbabakasakaling makita roon ang kanyang ama. Ngunit dahil doon, nilukob siya ng kaba nang makita ang napakaraming tao.             Kaya mo ito, KM.             Nabigyan siya ng lakas ng loob nang umupo ni siya at hinarap ang piano. Kung may isang bagay na kanyang ipagmayabang ni KM, iyon ay ang mag-piano. Huminga siya nang malalim.             “Ladies and gentlemen, Kristine Marie Macatangay, Grade 6 student with her piece The Song of the Moon,” anunsiyo ng emcee kasabay ng masigabong palakpakan.             Nalunod siya sa dami noon at nabingi siya sa lakas ng palakpakan.             KM started playing the instrument. Itinuon niya ang sarili sa lamyos at ganda ng musika. Tumahimik ang mga tao. Malungkot ang kanta. Kwento iyon ni Buwan para kay Lobo na naiwan sa lupa. Iyon ang paborito niyang piyesa dahil pakiramdam niya siya si Buwan na nag-iisa na lamang. Paborito niya iyon dahil iniwan din siya. Iniwan na siya na kanyang nanay isang taon na ang nakakalipas.             Pagkaalala sa inang pumanaw, sa amang hindi tuputupad ng pangako at sa kantang kanyang tinutugtog, nanumbalik ang sakit sa kanyang puso at nanubig ang mga mata niya.             Umagos ang luha sa kanyang mga mata at napahagulgol siya. Dahil doon, nagkamali siya ng tipa at hindi nasunod ang piyesa. Naging magulo ang magandang melody. Naging sintunado ang banayad na kanta.             Nagulat ang mga tao at narinig ni KM ang ingay at bulong-bulungan.             Siya man ay nagulat sa pagkakamaling nagawa. Tumayo siya mula sa upuan at tumakbo palabas ng bulwagan. Tumakbo siya nang tumakbo at walang pakialam sa mga taong nakakasalubong at marinig ang mga pangungusap na ayaw niang marinig.             Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Siya ulit ang paksa at hindi siya nakaligtas sa mga pangungusap na paulit-ulit na ipinamumukha sa kanya.             “Mag-isa na lang siya.”             “Patay na ang nanay niya.”             “Meron siyang ama, pero anak lamang siya sa labas.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook