bc

My Daughter's Keeper (Tagalog / Filipino)

book_age16+
3.4K
FOLLOW
23.4K
READ
love-triangle
fated
second chance
inspirational
dare to love and hate
police
band
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Teaser:

Katarine Salvador became the legal guardian of Gracie nang mamatay ang ina nito dahil sa sa sakit. Kata's life turned upside down - from being a badass drummer of their band into a full-time mother. Everything was going so well until Nicholo Alejandro Montecardozo, her undeniably good-looking ex, who's now an agent, was sent to the mansion to protect Gracie and her from an unknown assailant.

Their complicated situation became worse nang malaman ni Cole na ang ina ni Gracie ay si Yuri, ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay noon in the first place. And to make the matter worst, ang matigas na puso ni Kata ay unti-unti na namang lumalambot the longer she spends time with Cole. She tried to divert her attention through Tony na obviously ay attracted sa kanya, but her heart was longing for Cole and she hated it. But she had to stop once and for all! Cole already has a beautiful girlfriend na kabaligataran niya sa lahat ng bagay, idagdag pa na hindi siya gusto ng ina ng binata.

So, she set aside her feelings and focused on living her life without any complications of that so-called love, until they uncovered a secret written on Yuri's diary that put their lives into a different direction. Now, it's gonna be one hell of a twist!

***

"Bakit ba ang tigas ng puso mo? Alam ko naman, nararamdaman ko, sa bawat haplos mo, sa bawat halik mo, sa bawat titig mo... ako pa rin ang laman ng puso mo."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1.1
ISANG matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Nicholo nang marinig ang musikang pumailanlang sa Isla Amihan. Hudyat na magsisimula na ang event. Mula sa pag-aayos niya ng gamit ay nag-inat siya at sumilip mula sa one-way glass wall ng cottage niya at saka pinagmasdan ang beach. Binuksan niya ang sliding door at sinalubong siya ng katamtamang malamig at sariwang hangin. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya dahil tila nakikisama ang panahon sa nakatakdang pagsasaya ng mga beach-goers at siyempre, ng mga magbabarkada at lovers na nagsadya pa sa tagong Isla ng Amihan para sa Valentines Concert ng Summer Rain Band. Ang kadiliman ng gabi ay hindi maaalintana dahil sa nagsasayaw na ilaw ‘di kalayuan mula sa cottage niya. Palibhasa’y elevated ang cottage niya, kitang-kita mula roon ang stage patalikod sa dalampasigan. Tila ba nakikisaya rin ang dagat sapagkat banayad ang alon na iniiigkas nito sa buhanginan. Sinipat niya ang wristwatch niya. It’s nine in the evening at isang oras mula ngayon ay nakatakda nang tumugtog ang Summer Rain Band as main event ng Valentines Concert ng resort. He needs to get ready. Today is a special day for him… and for Katarine. *** “OUCH!” daing ni Katarine nang muling makagat ang dila habang nakikipag-usap sa vocalist ng banda na si Yuri. “Ay, kasura! Sino ba naman ang nag-iisip sa akin at ayaw akong tantanan?” patuloy na reklamo niya. Natawa ang kaharap niya bago itinaas ang kamay at ipinagpatuloy ang pagme-makeup sa kaniya. “Baka boyfriend mo,” tudyo nito saka amused na tumingin sa kaniya. Kumunot ang noo niya saka ngumuso. Hindi niya sigurado kung naramdaman ba ng babae ang pagkatensyon niya nang lumunok siya nang wala sa loob niya makalipas ang ilang sandali. “Wala akong boyfriend, ah,” kaila niya saka umiwas ng tingin sa kaharap. “Okay, sabi mo, eh,” patuloy na tudyo nito saka ipinagpatuloy ang ginagawa. “Thirty minutes before set, get ready girls,” imporma ni Brian, ang leader ng banda at siyang main guitarist. Ito rin ang nagsisilbing manager nila. “Roger!” sagot niya saka sumaludo rito. Tatlong taon na ang banda nila at kahit pa nga mahigpit ang lalaki, alam niyang para naman iyon sa kapakanan ng banda. Well, sa kanilang dalawa lang naman ni Yuri mahigpit ang lalaki. Sila lang naman talagang dalawa ang pinagbabawalan nitong makipagrelasyon samantalang ang mga lalaking kabanda nila ay kabi-kabila ang mga babae. Unfortunately, nasa kontrata nila ni Yuri na kapag nahuli silang may boyfriend, they will be automatically cut out from the band. At iyon ang ayaw nilang mangyari ni Yuri. Bukod sa passion nila ang pagbabanda—siya sa pagda-drums habang si Yuri naman ay hilig ang pagkanta—hindi rin sila maaaring mabakante kahit pa isang buwan o isang linggo lang… kailangan nilang kumayod para kumita para may panggastos. Nagkakilala sila ng babae sa banda nang i-recruit sila pareho ni Brian mula sa ibang banda na na-dissolved na. Mas matanda siya rito ngunit ‘di hamak na mas disiplinado kumpara sa kaniya. They are total opposites. Kung anong demure ni Yuri ay siyang pagkamaton naman niya. At since sila lang ang babae sa banda, sila ang naging close despite their differences. Mabait naman kasi si Yuri at magaan talaga ang loob niya rito antis pa. Pero siyempre may limitasyon pa rin sa pagitan nila. They’re close but not close enough to tell Yuri about her secrets lalo na sa love life. She has a trust issue at kahit parang kapatid na ang turing niya kay Yuri, she still has reservations. “Done,” wika ni Yuri na pumukaw pagbabalik-tanaw niya. “You should practice putting on makeup, Kata. Paano kapag wala na ako?” dugtong nito bago tumayo. Inirapan niya ito saka niya sinipat ang sarili sa salamin. Hindi naman nagbago ang histura niya, nagkaroon lang ng kulay ang labi at mukha niya na malimit ay tila siya isang bangkay sa putla. “Ikaw lang naman kasi ang nangungulit na mag-makeup ako, eh. The boys don’t mind kung ipangalandakan ko ang bare face ko sa stage,” aniya saka tumayo bago isinuot ang leather jacket na nakasampay sa upuan. Bumuntong-hininga ito bago siya nginitian. Inilapit nito ang mukha sa salamin bago muling nag-apply ng pink lipstick. “Tara na,” yaya niya rito saka siya naunang gumiya papalabas. Inihatid lang siya ng tanaw ni Yuri bago nito kagyat na pinunasan ang luhang umalpas sa mga mata nito na kanina pa nito pinipigilan. Kagyat nitong kinuha ang isang papel na nasa bulsa ng suot na floral beach dress bago bumuntong-hininga at ibinalik iyon sa pagkakakipit sa bulsa. *** The Valentines Concert was indeed a success. Hindi magkamayaw ang mga taong dumalo at nakigulo sa kanila. The crowd was so passionate and crazy at the same time. There was never a dull moment kahit pa nga nagkaroon ng kaunting aberya nang mamatay ang ilaw for a span of five minutes at lukubin ng kadiliman ang beach. Ah, that five minutes was way beyond Katarine’s imagination. Without words, alam na alam niya kung sino ang humatak sa kaniya kanina mula sa kinauupuan niya sa stage and forced a deep, savage kiss at the backstage! Alam na alam niya ang amoy at mga hawak ng lalaking muling nagpawindang ng katinuan niya kanina without even saying anything. She knew from her heart, it was Nicholo. Napahugot siya ng hininga bago inisang lagok ang laman ng kopita niya. Gumuhit ang hapdi na dulot ng alkohol sa lalamunan niya, but strangely as it is, hindi siya nakaramdam ng sakit, bagkos, she felt relieved. Sumensyas siya sa barman para sa isa pang ladies drink bago iniligoy ang mata sa kabuuan ng bar na kinaroroonan niya. It was an extension of celebration dahil sa success ng concert. The Eternity Disco Bar is located right in front of where the concert was held. “They left, does it mean it’s okay for us to talk and flirt?” Mula sa likuran niya ay napapitlag siya nang maramdaman ang mainit na hawak ng bagong dating sa braso niya at ang malalim na boses nito. Awtomatikong naglandas ang kilig sa buong katawan niya nang maramdaman ang init ng hininga nito sa punong-tainga niya. Umupo ito sa tabi niya saka ngumiti nang ubod ng tamis sa kaniya. “What are you doing here?” She tried her best to be civil. Ayaw niyang malaman nito na nagkukumahog ang dibdib niya just by the mere presence of him. Sumenyas ang lalaki sa barman for a drink then faced her. God, he is indeed a good-looking man! Ilang beses na ba niyang narinig mula sa mga taong nakakakita rito na kahawig ito ni Piolo Pascual? Mas payat at matangkad nga lang ito kumpara sa aktor but now that he’s wearing a jacket and sitting beside her, hindi talaga maipagkakamaling hawig na hawig ito ng aktor maliban sa nunal ng aktor sa may sentido. Tumikhim siya saka umiwas ng tingin dito nang umangat ang labi nito, palatandaan na napansin nito ang pagtitig niya rito. “Isn’t it obvious? I came here to see you,” balewalang tugon nito saka sumimsim ng alak. “We’re through, Cole. Ipinagpalit kita sa pangarap ko. Hi ndi pa ba sapat na dahilan iyon para maghiwalay tayo at kamuhian mo ako?” she said that without meeting his eyes. Instead, she stared at her glass. He chuckled then shook his head. “If that’s the only reason why I loved you, then it just meant that I really didn’t love you at all,” mahiwagang anas nito then took another sip. Maang siyang nag-angat ng ulo at napatingin dito. “I’m not competing with your dreams, Kata. I’ll be happy to support you with whatever you like… as long as you are happy. Ganoon ang pagmamahal. Mapagbigay at hindi madamot. Now, could we go out from here and talk somewhere else? Masyadong maingay at mausok dito,” pahayag nito. Well, whatever he said made her realized one thing… this is the man she wanted in her life. For the rest of her life. *** “I NEED to go, Cole. I’ll come back later. Magpapakita lang ako kay Yuri,” wika ni Katarine kay Nicholo habang nagsusuot ng damit na nagkalat sa sahig matapos ang mainit na pagsasanib ng katawan nila. “Okay, but make it quick, all right?” anito saka siya kinintalan ng halik sa noo. Tumango lang siya at lumabas. She left in a hurry. As much as she wanted to stay, hindi pupuwede dahil baka mabuko siya. Magpapakita lang siya kay Yuri para kapag nagtanong si Brian, may maisasagot ang babae na doon siya natulog kasama nito. She’ll go back to Nicholo kapag tulog na si Yuri. She wanted to make love with him for another round.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
324.6K
bc

Married By Mistake

read
170.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

The ex-girlfriend

read
138.2K
bc

Be Mine Again

read
98.0K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
474.8K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
175.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook