bc

Blood and Flesh (Blind Eyes II)

book_age16+
535
FOLLOW
2.2K
READ
kickass heroine
warrior
tragedy
bxg
mystery
genius
witty
city
betrayal
war
like
intro-logo
Blurb

I can't escape in this kind of mess or this so-called war. Since, na sa itlogan pa akong ng aking tatay, tadhana na talaga na maging ganito kagulo ang aking buhay. Kahit anong pilit na takasan ang mga ito ay hahabulin at hahabulin pa rin ako.

Ganiyan na ba talaga ako kaganda? Pati tadhana ay patay na patay sa akin? Psh!

I always remember, when someone told me, ‘it is not the strongest or the most intelligent who will survive but those who can best manage change’.

But for me, instinct seeks for ways to survive. Nothing else.

Pero paano, kung ako rin pala ang susi para mahanap ang taong matagal na nilang inakalang patay? Paano, kung ang ala-alang binaon ko sa limot ang makakatulong sa akin para malaman ang kasagutan na bumabagabag sa isip ko? O baka ang mga taong nasa paligid ko o mga bagay ay ito palang ang magbibigay simula sa lahat?

Sino nga ba ako?

Anong connection ko sa kilala nilang Blind Eyes?

Sino nga ba si Athena Hestia?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Masayang naglalakad ang isang lalaki at isang bata na limang taong gulang, papunta sa sasakyan nila. Para makapunta na sila sa lugar kung saan maninirahan ang masayahing bata na kailanman ay darating ang araw na magugulo ang buhay. Mangyayari sa kaniya ang nangyari sa kaniyang mga magulang lalo na sa nanay niyang nagbigay ng kilabot sa underground world.   "Why, Tito? May dumi po ba face ko?” Inosenteng tanong ng bata sa tito niya na panay tingin rito.   “Kanina pa po kasi kayo napapatingin sa akin. Is there something wrong po?" Hindi maiwasan na magtanong sa kakaibang kinikilos ng tito niya kanina pa.   Ngumiti lang ang lalaki at kinurot nang mahina ang pisngi ng batang katabi na nitong nakaupo sa likod ng kotseng gagamitin nila.   "Wala lang. Mamimiss kita,” sabi nito. “Kaya lagi mong tandaan na lahat ng nangyayari sa buhay mo ay may dahilan. Huwag kang magtanim nang galit kanino man dahil nakakasira iyon ng buhay. Always use your heart and mind for every decision that you will make soon. Naiintindihan mo ba si Tito?" Paalala na lang ng lalaki sa bata habang gulong-gulong nakatingin lang ito sa lalaki.   "I don't understand po, Tito. I'm not that good sa filipino po. Ang bilis mo po magsalita,” sagot na lang ng bata. “I know someday I will understand everything that you say po. But for now, I will keep it in mind po. Don't worry, Tito. I will be good citizen to our country. I will not harm anyone po." Sabay ngiti ng bata afterwards.   "Flame? Sigurado na ba kayo sa gagawin ninyo? Ibibigay na ba talaga natin siya? Hindi naman kayo nabibigla, diba?"  tanong ng kasamahan nila na magiging driver nina Flame ngayon. Ang tinawag ng bata na tito.   "Yes, hindi na siya ligtas sa poder natin lalo na't marami na ang nagkaka-interest sa kaniya,” sagot nito. “We need to keep her safe as much as possible. Sila lang ang makakatulong sa atin para itago ang bata." Sabay lingon sa batang katabi niya na panay ngiti habang tinitignan ang sarili sa cellphone na hawak na siyang binigay ng Tita Keira niya.   "About sa nanay niya?"  tanong naman ng kasamahan niya ulit habang nakatingin sa kaniya sa harapan ng salamin.   "Si Keira lang ang may alam kung nasaan nga siya nguit, 'di niya sinasabi sa amin. Nakabubuti na rin iyon para sa siguridad niya. Anytime by now, siguradong hahanapin nila tayo isa-isa ng kalaban para malaman kung tama bang wala na siya. The less we know, the less chance na makuha siya ng iba."   "Masaya ako dahil may anak siya pero nakakalungkot isipin na dahil lang sa mga taong nagkaka-interest sa mata ng nanay niya ay magugulo rin ang buhay ng batang iyan,” sabi ng lalaki ba na mababakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. “Sana, 'di niya makuha ang klase ng mga mata ng nanay niya dahil aside sa nakakatakot ay delikado pa pag may nakakita o maka-alam. Paniguradong siya na naman ang panibagong target ng kalaban."   Natahimik tuloy si Flame sa sinabi ng kasama niya. 'Yun din ang isa sa iniiwasan nilang lahat. Ang malagay sa panganib ang bata tulad ng nangyari kay Katana na master nila. Ayaw nilang maulit muli ang nakaraan. Sapat na nangyari 'yun kay Katana, huwag na muling mangyari sa anak nito kasi sobrang hirap na ang dinanas ng nanay ng bata. Masyado na ring mahigpit ang mundo sa kanila.   "Alam ko dahil laganap na ngayon ang subastahan at ang maskara ng nanay niya ang bini-bidding nila ngayon,” ani ni Flame. “Sa pagkakaalam ko ay aabot na iyon ng bilyon. Masyadong maraming gustong umangkin sa mga meron ng tinaguriang kilabot ng underground world na si Blind Eyes.” Sabay tingin nito sa labas. “Nasa isip nila na kapag na sa kanila na ang ibang kagamitan nito ay kakatakutan sila ng iba. Isa na rin doon ang mata nito." Dugtong nito.   "Paano kung nagka-isip na siya? Paano hanapin niya ang toong magulang niya pag nasa poder na siya ng mga ito?” tanong naman ulit ng kaniyang kasama. “Sigurado akong masisisi tayo niyan dahil kinuha niyo siya sa nanay niya." Sabay iling nito.   Napabuntong hininga na lang si Flame dahil sa sinabi ng kasama niya. Pero wala na silang ibang maisip na paraan dahil pagnalaman ng madla na may anak ang master nila ay siguradong sa murang edad nito ay imbes makipag-patentero siya sa mga kapwa bata niya ay nakikipag-patentero na siya sa kalaban at sa mga bala.   Iniiwasan nila na matulad ang kapalaran ng bata sa nanay niya. Ayaw nilang madungisan ng dugo sa murang edad ang bata dahil sa gulo ng buhay nila. As much as possible ay iiwasan nila na mangyari 'yun.   "Tito? Malayo pa po ba tayo?” tanong na lang bigla ng bata. “I’m sleepy na po kasi. I want to sleep and cuddle some pillows." Sabay pout nito.   Ilang beses napakurap si Flame dahil sa ginawa ng bata. Nakikita niya ang babaeng minsan na niyang minahal, ang ina ng batang katabi niya. Ang babaeng bumihag minsan sa puso niya ngunit nagwasik din kalaunan.   "Little Katana,” sinabi niya sa bata na may lambing na tono, “Malayo pa tayo, okay? Sleep ka muna, ha? Gigisingin ka ni Tito if we are there na. We will inform you."   "Why you always call me ‘Little Katana’ po, Tito?” tanong naman nitong muli nang mapansin ang kakaibang tawag ni Flame sa bata. “My name is Athena Hestia, not ‘Little Katana’." Pagtatama nito habang kumunot na naman ang noo ng bata na namana naman panigurado sa ama niyang si Allen.   "Kasi iyan ang name ng mommy mo. Katana is her name at dahil parang carbon copy mo si mommy mo ay naisipan ko na tawagin kang Little Katana. You don't like it?" Habang tumatawa nang mahina.   Akala kasi ni Flame na hindi na mapapansin 'yon ng bata ngunit nagkamali siya. Masyado talagang matalino ito at mausisa talaga sa mga bagay-bagay. Alam na alam talaga ng bata kung sino dapat ito.   "Really?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “My God! I'm so excited to see her! And I'm so excited to grow up, Tito. So that, we can have some chit-chat together like a twin! I'm super duper excited, Tito." Masiglang sabi ng bata pagkatapos sa kaniya na ikinangiti nilang dalawa ng kasama niya na si Harry.   Nang masiguro nila na nakatulog na ito ay tinabi nila ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabilis na sinilid nila ang bata sa tube kung saan minsan na roon nilagay si Katana. Kasi magbibigay 'yon ng protection sa bata. Minabuti nilang maging handa, masyadong delikado rin ang sitwasyon nila kaya nila ginawa 'yon.   "I guess, matagal-tagal pa bago natin siya makita ulit," saad ni Harry, habang nakatingin sa bata bago pinaandar na ng lalaki ang sasakyan nila.   "Oo, nakakatuwa pa naman siya,” sang-ayon naman ni Flame. “Ngunit, may sinumpaan tayo sa organization kaya gagawin ko ang lahat basta mapanatiling ligtas siya. Pag nasa tamang edad na siya ay pa-unti-untiin nating sabihin sa kaniya ang lahat.” Baling nito sa bata. “Mananatili naman tayo na tignan siya sa malayo. So, technically makikita pa rin natin siya ngunit, hindi na tulad ng dati."   Tumango-tango naman si Harry sa sinabi ni Flame kasi tama naman ito.   "I know, matalino naman kasi ang bata. For sure, madali para sa kaniya na intindihin ang lahat,” ani nito. “Sa tamang oras at panahon, 'yon ang kailangan natin para maging handa siya sa responsibilidad na kahaharapin niya pag lumaki na siya."   Nawala ang ngiti nilang dalawa nang may biglang nagpaulan ng bala sa kanila sinasakyan. Paglingon ni Flame sa likuran, may apat na sasakyan ang humahabol na sa kanila.   "Sh*t! Paano na 'to?" tanong nito, habang nag-iisip kung anong susunod na hakbang na gagawin nila.   "May malapit na ilog ba rito sa kinalalagyan natin, Harry?" tanong agad ni Flame, habang inaayos ang baril at pinaputukan ang nasa likod   "1 down!" sigaw niya.   "Meron, malapit na,” sagot naman ni Harry. “Anong gagawin mo?" tanong nito agad, habang binibilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan nila.   "Doon na lang kami daraan.” Agad na naging sagot nito. “'Di naman nila tayo mahahabol pagpinalabas natin na patay na tayo, diba?” tanong agad ni Flame na hindi sigurado sa kung anong susunod na gagawin nila.   Tumango naman si Harry sa plano ni Flame dahil wala na silang magawa. Iyon na lang ang huling paraan nila para maihatid nang matiwasay ang bata.   Lumipas ang ilang minutong putukan at banggaan ay sa wakas nakita na nila ang ilog na tinutukoy ni Harry. Kaya, hinanda na nila ang gagamitin nila sa paglabas ng sasakyan ng hindi nahahalata ng kalaban. Nasakto lang din na dumidilim na rin ang kalangitan na makakatulong sa plano nila sa mga oras na 'yon.   "Tito? What's happening?" tanong ng bata nang maalimpungatan ito dahil sa kakaibang takbo ng sinasakyan nila.   "Little Katana,” sabi niya rito, “Can you sleep again? Tito will play kasi."  Pagsisinungaling niya pero 'di sumunod ang bata bagkus pilit itong bumabangon. Ngunit dahil nasa tube ang bata ay 'di ito makalabas na ikinakunot na naman ng noo nito.   "Mahirap talaga pagpinanganak na matalino ang kaharap mo, Flame,” komento naman ni Harry. “Ihahanda ko na at pagkatapos kong magbilang hanggang tatlo ay matatabunan tayo ng mga puno at ipapagewang-gewang ko. Doon na tayo sabay-sabay na tatalon, tubig na ang sasalubong sa atin sa ibaba," paliwanag nito pagkatapos.   Tumango lang si Flame bago binaling ang atensyon sa bata para kausapin.   "Is there someone chasing us, Tito?" tanong ng bata na namimilog na ang mga mata na waring iiyak na.   "Shhh! No baby, okay?" Pagpapakalma niya sa bata habang nagbibilang na ang kasama niya.   "3! Go!"  sigaw ni Harry.   Tumalon na sila kasama ang tube kung saan nandoon ang bata. Bago pa sila lumubog sa tubig ay narinig nila ang malakas na pagsabog ng sinasakyan nila kanina.   "Tito!" sigaw ng bata nang makitang may sugat siyang natamo dahil nadaplisan ito kanina.   Ngumiti lang siya rito at nagsimula na silang sumisid pailalim para 'di mahalata na nasa ilog na sila.   Sumenyas si Harry sa kaniya na kailangan na niyang pindutin ang emergency button na sinasabi ni Keira before sila umalis kanina. Ayaw man niya ay kailangan niyang gawin iyon dahil para 'di ma-trauma ang bata sa nangyari. Nang mapindot niya ito ay lumabas ang usok at sinakop na nito ang tube. Tuluyan na ngang nawalan nang malay ang bata dahil sa usok. Usok na magiging dahilan para mawala pansamantala ang mga alaala nito kasama sila.   ***   "Siya na ba iyan?"  tanong ng kamukhang-kamukha ni Keira na si Karie sa kanila.   "Oo siya na iyan,” sagot naman ag ani Flame. “Sana maalagaan niyo siya ng maayos at malayo siya sa kapahamakan." Bilin agad nito sa babae.   "We will. Sige, kami na ang bahala sa bata,” ani ng babae. “Sana naman alagaan niyo rin ang kambal ko." Bilin naman ng babae rito.   Umalis na rin sina Flame para bumalik na sa lungga nila dahil kailangan na rin sila roon. Hindi rin sila pwedeng magtagal dahil hindi na rin ligtas.   "Hon, hali ka na?" tanong ng kaniyang asawa na kakarating lang sa gawi nila na may ngiti sa mga labi. Nilabas na nila agad ang bata sa tube at pinasok sa kanilang kotse.   Nang makarating sila sa bahay nila ay sumalubong sa kanila ang anak nilang si Persy.   "Dada! Mama!” Masayang salubong ng anak nila sa mag-asawa. “Who is she? Siya na po ba ang sister ko?!" tanong nito na bakas ang excitement sa mukha nito nang makita ang batang bitbit ng dada niya.   "Yes, she is,” sagot naman ni Karie sa kaniyang anak. “She is your sister, Persy." Dugtong nilang mag-asawa na ikinatili ng bata dahil sa tuwa habang nakatingin sa batang dala-dala ni Karie.   Hindi maiwasan ng mag-asawa na mapangiti dahil sa inakto ng kanilang anak. Akala kasi ng mga ito ay ayaw magkaroon ng kapatid ang unica ija nila. Ngunit, nagkamali pala sila ng akala. Masaya sila sapagkat hindi sila mahihirapan na palakihin ang batang binilin sa kanila ng kaniyang kambal na si Keira.   ***   Saktong pagdating nina Flame sa hide-out nila ay laking gulat nila ng makitang abo na ito. May iba silang kasamahan na nakahandusay na sa sahig, iyong iba ay sunog na. Kaya nabahala sila kung pati ang babaeng tinatago nila ay nahanap na rin ng kalaban.   Nakarinig sila ng kaluskos kaya agad nilang binunot ang kanilang baril. Magpapaputok sana sila ngunit laking gulat nila ng makita si Chloe na may maraming sugat. Umiiyak din ang babae kaya agad nila itong nilapitan para alalayan.   "Nasaan si Keira?"  Kinakabahang tanong ni Harry sa babaeng kakarating lang sa gawi nila.   "I don't know. Naghiwalay kami nang biglang sumugod dito ang kalaban,” sagot nito agad. “About Katana... 'di… 'di ako umabot sa pinagtata-taguan n-namin sa k-kaniya... I'm s-sorry." Sabay hagulgol ng babae. Agad naman siyang niyakap ni Flame para patahanin at para rin 'di bumagsak sa lupa ang babae dahil kitang-kitang mahina na ito.   Mukhang hindi biro ang bagong kakalaban sa master nila at sa Black Hearth.   "Anong gagawin natin?"  Mahinang tanong ni Harry. Bakas sa mga mata ng lalaki ang sakit at lungkot dahil sa nangyari sa mahal niya at sa master nila.   Nalulungkot din sila dahil sa mga kasamahan nilang namatay dahil sa biglang pagsugod ng mga kalaban. Hindi nila aakalain na matutunton sila ng mga ito. Sa haba ng panahon na pamamalagi nila sa hide-out nila ay ngayon pa lang sila nahanap ng mga ito pero sa ganitong paraan pa.   "We will protect her daughter and this time sisiguraduhin natin na 'di tayo mabibigo sa pangalawang pagkakataon,” ani ni Flame makalipas ng ilang minutong pananahimik. “May possible na wala na rin si Keira at nawala na rin si Katana. Ngunit, anak na lang niya ang natitirang pag-asa natin sa labang ito.” Dugtong nito.   Magsasalita pa sana si Harry ngunit hindi na lang niya tinuloy.   “Anak lang ang tatapos sa kahibangan ng kalaban sa paghahanap sa nanay niya.” Sabay buntong hininga ni Flame. “Hindi ibig sabihin noon ay gagamitin lang natin siya. Ihahanda lang din natin siya sa tamang panahon sa responsibilidad na naiwan ng kaniyang ina." Sabay tingin sa dalawang kasama niya.   Napatango na lang sina Chloe and Harry sa sinabi ni Flame dahil ‘yon lang talaga ang nararapat. Wala silang karapatan na ipagkait sa bata ang katotohanan sa hinaharap.   "Paano si Allen?" Hindi mapigilang itanong ni Harry kay Flame na ikinailing ng kasama niya.   ------------   Lumipas ang ilang araw ay nagising na rin ang bata.   "I'm Persy,” sabi ng batang babae nang makitang nakatitig sa kaniya ang batang babaeng inuwi ng kaniyang mga magulang. “You will be my sister from now on. What is your name?"  tanong nito na may ngiti sa kaniyang mga labi.   Kumurap lang ng ilang beses ang bata babae dahil sa batang babaeng nagngangalang Persy, at ngumiti rin kalaunan.   "I'm Athena Hestia,” pagpapakilala nito. “And it is my pleasure to be your sister," sabi nito pagkatapos.   Tuwang-tuwa ang mag-asawa sa nasaksihan nila nang maisipan sana nilang silipan sa isang silid si Athena ngunit iyon na ang nabungaran nilang dalawa. Para talagang matagal na magkakilala ang dalawang batang babae na nagsimula na ring magkuwentuhan.   Inuobserbahan na rin nila si Athena pagkalipas ng ilang taon dahil nasabi na rin sa kanila ni Keira na may posibilidad na may mga pangyayari na mag-iiba ang kulay ng mata ng bata. O 'di kaya ay ang kilos nito dahil si Athena ay kakaiba sa normal na kasing edad nito.   "Ang daya!"  Matinis na sigaw ng anak nilang si Persy na kakapasok lang sa bahay nila, habang natatawang nakasunod sa kaniya si Athena.   "Hi, dada and mama,” bati ng anak nila sa kanila nang makita sila nito.   "Hey, Tita and Ninang," bati naman ni Athena sa kanila.   "So, anong problema at ang prinsesang si Persy ay parang nakainom ng isang barrel na suka?" tanong naman ni Karie sa dalawa na hindi naiwasan na matawa.   "Dada, naman,” angil naman ni Persy sa kaniyang dada na si Karie. “Kasi itong si Thena. Nakakainis! Ibuking ba naman ako na nagka-crush ako sa isang kaklase namin,” sumbong nito. “Ayon, panay dikit sa akin dahil crush din ako!" Sabay nguso nito at tumabi pa ito sa asawa ni Karie na si Dennise. Yumakap na parang bata ang kanilang anak dito.   "Masaya nga dahil pinapansin ka na.” Depensa naman ni Athena sa kaniyang ginawa. “'Di ka na mamomroblema kung paano kaniya papansinin,” sabi pa nito habang natatawang tumabi sa tita niyang si Karie at kiniss ito sa pisngi.   Napangiti ang mag-asawa dahil alam nila na mabuti ang pagpapalaki nila sa dalawa lalo na kay Athena. Masaya rin sila dahil hindi naman mahirap na gawin iyon dahil mabilis naman makaintindi ito. Nagpapasalamat din sila dahil hindi ito nagtatanong ng personal na bagay tulad kung sino nga ba ito. Ngunit, alam nilang mag-asawa na darating din ang araw na kakausapin din sila ni Athena regarding about sa sarili nito.   "Wala na ngang thrill! Kainis!" sagot naman ng isa.   "Ganoon ba? Gusto mong agawin ko siya?" Pilyang tanong ni Athena na ikinagulat nilang tatlo.   "Athena!" Hindi makapaniwalang tawag nina Karie at Dennise sa anak nilang si Athena sa biglaang sinabi nito.   Nag-peace sign lang si Athena at sinabing, "Joke lang! Kayo talaga." Sabay bungis-ngis nito.   "Neknek mo!” React naman agad ni Persy. “'Di niya talaga magagawa iyon mama dahil si Athena ay masyadong misteryoso iyan sa school namin," sumbong na naman ni Persy.   "At least ako ay hindi naninira ng gamit sa school,” sumbong naman ng isa na ikinanlaki ng mga mat ani Persy. “Ako pa ang ginagawa mong abugado para maabswelto ka sa kasalanang ginagawa mo.” Dugtong pa nito.   "Persy?!"  Mabilis na tawag nila sa anak nila na siyang dahilan para tumakbo si Persy palayo sa kanila.   Agad naman sinundan ni Athena ang kaniyang kapatid habang tuwang-tuwa dahil nakalamang na naman ito rito. Sa mga ganoong bagay ay alam ni Athena na lagi niyang nalalamangan si Persy dahil masyado itong pasaway sa school nila. Pasaway in a way na tolerable naman. Hindi naman ito nananakit ng tao ngunit masyadong mahilig manira ng gamit sa school nila.   Pero alam nina Karie and Dennise na hiram ang bawat sandali na kasama nila ang dalawa lalo na ang tinuring nilang anak na si Athena. Darating sa punto na mangyayari ang kinakatakutan at kinababahala nilang mag-asawa. Ang masali ang dalawa sa underground world na hindi malabong mangyari iyon lalo na't kabilang din sila noon. Kahit 'di na sila sumasali at nagagawi roon ay part pa rin sila ng mundong iyon. Kung mangyari man iyon ay ang magagawa nila ay pagsabihan ang mga ito para hindi sila makaagaw masyado ng atensyon sa magulong mundo nila.   ***   Napatigil si Athena sa pagsunod kay Persy nang tumunog ang kaniyang telepono. Agad sinagot ang unknown caller, laking gulat niya sa taong nagsalita sa kabilang linya. Sobrang lamig ng boses nito na waring galing sa hukay.   "It is not the strongest or the most intelligent who will survive. But those, who can best manage change."    -----------------   I can't escape in this kind of mess or this so-called war. Since, na sa itlogan pa akong ng aking tatay, tadhana na talaga na maging ganito kagulo ang aking buhay. Kahit anong pilit na takasan ang mga ito ay hahabulin at hahabulin pa rin ako.   Ganiyan na ba talaga ako kaganda? Pati tadhana ay patay na patay sa akin? Psh!   I always remember, when someone told me, ‘it is not the strongest or the most intelligent who will survive. But those, who can best manage change’.   But for me, instinct seeks for ways to survive. Nothing else.   Pero paano, kung ako rin pala ang susi para mahanap ang taong matagal na nilang inakalang patay? Paano, kung ang alaalang binaon ko sa limot ang makakatulong sa akin para malaman ang kasagutan na bumabagabag sa isip ko? O baka ang mga taong nasa paligid ko o mga bagay ay ito pa lang ang magbibigay simula sa lahat?   Anong connection ko sa kilala nilang Blind Eyes?   Sino nga ba si Athena Hestia?   Sino nga ba ako?  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.1K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook