bc

Hate to Love You

book_age18+
4.1K
FOLLOW
16.8K
READ
arrogant
badboy
dare to love and hate
drama
bxg
heavy
bully
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

May mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan.

Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at poot na dala ng masamang nakaraan.

Kaya mo bang magmahal at magpaubaya?

Kaya mo bang magpatawad at tanggapin kung sino man siya?

Kaya mo bang kalimutan ang poot at pagkasuklam para mahalin siya?

Can you fully give your heart to the person you hate the most?

Credit sa book cover @soapflipsandflops

chap-preview
Free preview
Prologue
Naglalaro ng putik ang pitong taong gulang na si Vivien sa malawak na likod bahay ng mga Perez. Ang pinakamayamang angkan sa kanilang bayan. Ang Nanay niya ay katulong at labandera sa mansiyong iyon. Sabado ng umaga dahil hindi nakauwi ang kanyang Tatay, napilitan ang kanyang ina na isama siya sa mansyon. Abala ang kanyang ina sa paglilinis sa loob ng bahay. Binilinan siya nito na sa likod lang at huwag na huwag papasok sa loob. Kaya naman dahil walang magawa, napagtuunan niya ng pansin ang maliliit na bahagi ng tubig ulan. Umulan kagabi kaya naipon ang mga tubig sa lupa. Tuwang-tuwa siyang nagtampisaw sa tubig. Habang ang malamyos na hangin ay dumadampi sa kanyang balat. Sumisilip din ang sinag ng araw mula sa malalaking puno ng mangga sa bakuran. Hindi pa nakuntento pati kamay niya ay naglaro doon. "Yuck! You are playing with the dirty water?" Nagulat siya noong may mag-salita mula sa kanyang likod. Agad siyang tumayo at tiningnan ang nagsalita. Dahil sa paglalaro, nakatabing ang ibang buhok niya sa kanyang mukha. Kaya para makita ang kanyang panauhin, gamit ang maruming kamay, hinawi niya ang buhok. Nadumihan tuloy ng putik ang kanyang mukha. Ngumiti ang bungal na si Vivien. Isang batang lalaki na kasing edad niya ang nakatayo sa 'di kalayuan. Chubby ang batang iyon. Nakadamit ng puti at maong shorts. Nandidiring lumayo pa lalo ang batang lalaki sa kanya. "Gusto mo makipaglaro?" Dahil inosente at walang kaalam-alam, naka ngiti pa rin niyang inaya ang bata para maglaro. Ang batang lalaki naman ay nandidiring lumayo pa lalo sa papalapit na batang babae. "Stay away from me, you dirty and stinky brat!" sigaw nito at lalong nagkumahog para makalayo. Dahil hindi naman nakakaintindi ng English si Vivien ay nagpatuloy pa rin siya sa paglapit. "Halika, masaya maglaro 'pag dalawa." Pilit niyang inabot ang kamay ng bata nang marumi niyang kamay. Sa pagkabigla sa kanyang ginawa ay naitulak siya ng batang lalaki. Napasalampak siya sa lupa. Siya namang paglabas ng kanyang ina mula sa bahay. "Senyorito!" Ang nasaktan na si Vivien ay agad na tumayo at mangiyak-ngiyak na tinignan ang inang papalapit sa kanilang dalawa. "Naynay, itinulak niya po ako," sumbong niya rito. Itinuro pa ng maruming kamay ang batang lalaki. Ngunit imbes na daluhan siya ng ina. Ang batang lalaki ang agad nitong nilapitan. "Okay ka lang ba senyorito? At ikaw Vivien, ano ang ginawa mo kay senyorito ha!" baling na tanong ng kanyang ina sa kanya. Naiiyak sa pagkabigla ang batang si Vivien. Hindi niya rin maintindihan kung bakit sa kanya nagagalit ang ina, kitang-kita naman nito ang nangyari. Siya ang nasaktan. Kahit sa murang isip, alam niyang wala siyang ginawang masama. Kinurot siya sa tagiliran ng ina. Napasigaw siya sa sakit ng kurot. "Nay, masakit," impit na sigaw niya. "Ikaw bata ka,'di ba sabi ko sa iyo huwag kang gumawa ng ikakapahiya ko!" nanggigigil na saad ng nanay niya. "Naynay, wala po akong ginawa sa kanya. Siya nga po nantulak sa akin e." Pagtatanggol niya sa sarili. Napalingon si Vivien sa batang lalaki. Pinapanood nito ang ginawang pangungurot sa kanya ng ina. Nakatawa pa ito at mukhang masaya na nakikitang sinasaktan siya ng ina. Muli siyang nagmakaawa sa ina dahil patuloy ito sa pangungurot. "Naynay, sorry na po." Namimilipit na sa sakit sa tagiliran si Vivien. "Huwag ka sa akin humingi ng tawad, mag-sorry ka kay senyorito," galit na utos nito at hinila siya patungo sa harap ng batang lalaki. Wala man kasalanan, napilitan siyang humingi ng tawad. Mapapagalitan at masasaktan lamang siya lalo ng kanyang ina. "Sorry." Tumingin siya sa batang lalaki. Nakalabi siyang humingi ng tawad. "I don't want you here anymore. You're dirty and stinky. Bleh!" Iyon ang tugon sa kanya ng batang lalaki. Lalong napaiyak ang batang si Vivien. Lalo noong binelatan siya ng batang lalaki. Agad tumakbo ang batang lalaki sa loob ng bahay. Nanlilisik ang mga mata ng kanyang ina noong tingalain niya ito habang nagpupunas ng luha. "Umuwi ka na nga bata ka! Siguro naman nandoon na ang walang hiya mong ama!" puno ng iritasyong utos nito sa kanya. "Naynay, hintayin na lang kita. Malayo po ang bahay," pakiusap niya. Nagbisikleta kasi silang mag-ina patungo sa mansyon. Malayo ang kanila sa mga kabahayan. Nakatayo ang kubo nila sa may bundok. Kung hahakbangin ng maliliit niyang mga paa, aabutin siguro siya ng isang oras mahigit sa paglalakad. "Hay naku Vivien, umuwi ka na. Baka matanggal pa ako sa trabaho dahil sa iyo. Ikaw ang malas sa buhay ko, tignan mo nga ngayon! Umuwi ka na," utos nitong pasigaw. Naiiyak na naman ang batang si Vivien. "Huwag na huwag mo akong dramahan bata ka ha! Umuwi ka na kung ayaw mong makatikim ulit sa akin!" Napatakbo ang batang si Vivien nang akma siyang papaluin ng ina. Mangiyak-ngiyak man ay nagpatuloy siyang maglakad. Alam naman niya ang daan pauwi. Habang naglalakad sa medyo mabatong daan, napapansin ng batang si Vivien na pinagtitinginan siya ng mga taong nadadaanan. Napayuko tuloy siya. "Ay!" sigaw niya na nagpalingon sa mga nagtsitsismisan sa harap ng tindahan ni Aling Juaning. Napansin niyang wala pala siyang suot na tsinelas. Sa takot niya sa nanay niya, napatakbo pala siyang hindi naisuot ang sapin niya sa paa. Napalabi ang batang si Vivien. Maglalakad siya ng higit isang oras tapos wala pang tsinelas. Napasalampak siya sa gilid ng daan. Sumakit ang kanyang paa sa naapakang bato.kaya sinipat niya iyon. "Ano'ng nangyari sa iyo Vivien," isang nag-aalalang tinig ang narinig niya. Tumingala siya. Inaaninag mula sa sikat ng araw ang babaeng nakatayo sa harap niya. Nakita naman ng babae ang pagkurap-kurap niya dahil sa sinag ng araw kaya bumaba ito para pantay sila ng nakasalampak na batang babae. Napangiti si Vivien nang mapagtantong si Mrs Belen iyon. Magiging guro niya sa pasukan. "Hello titser," Isang masayang ngiti ang ibinigay niya rito. Musmos man, ramdam niya kung sino ang mabait at nagbabait-baitan lang sa kanya. "Tignan mo ang itsura mo bata ka, bakit ang rumi-rumi mo? Nasaan ang tsinelas mo?" Sunod-sunod na tanong nito. Hinaplos ang mukha ng batang paslit. Inilagay din sa likod ng teynga ang nakatabing na buhok sa mukha ng bata. Tumayo si Vivien. "Nandoon po, doon sa malaking bahay," itinuro niya ng daliri ang gawi kung saan siya galing. "Bakit mag-isa ka, saan ka pupunta?" bakas pa rin sa mukha ng guro ang pag-alala nang muling ibaling ang tingin sa bata. "Uuwi na po ako sa amin," inosenteng sagot ng batang si Vivien. "Ikaw lang mag-isa?" nag-aalalang tanong muli ng guro. Tinanguhan ng batang si Vivien si Mrs. Belen na hanggang ngayon ay kababanaagan ng pag-aalala ang mukha. "Ma," tawag ng isang batang lalaki mula sa kabilang kalsada. Palapit ang sampong taong gulang na anak ni Mrs. Belen. May hawak itong dalawang supot ng soft drinks at tinapay na kabibili lang sa tindahan. Napalunok si Vivien nang makita iyon. Hindi pa siya nananghalian. Ala-una na ng hapon. Napansin naman ng mag-ina ang tingin niya sa pagkain. Nagkatinginan ang mga ito. "Gusto mo?" tanong ng nakangiting batang lalaki. "Hindi na, sa inyo 'yan," tanggi niya kahit pa kumakalam na talaga ang kanyang sikmura. Nakangiting nagtinginang muli ang mag-ina "Sa 'yo na ito," Inabot ng bata ang soft drinks at supot ng tinapay. Nag-alangan man ay nangibabaw na rin kay Vivien ang gutom kaya agad na nilantakan ang tinapay na bigay. "Salamat po," sambit niya habang puno pa ang bunganga. Siya namang pagdating ng tricycle na kanina pa siguro hinihintay ng mag-ina. "O siya, Vivien aalis na kami. Kung hindi lang sana kami nagmamadali ipapahatid na kita kahit hanggang sa kaya nitong tricycle. Kaya lang ay talagang kailangan kami sa hospital. Mag-ingat ka," mahabang saad ng guro, wala siyang magagawa kundi iwanan ang batang paslit. Ngumiti lamang si Vivien. Aalis na rin sana siya noong sigawan siya ng anak ni Mrs. Belen. Inalis nito ang tsinelas na suot at ibinigay sa kanya. "Malaki sa 'yo, pero mas okay na kesa maglakad kang naka-paa." Umiling siya para tumanggi. Nakatingin siya sa paa ng bata. "Bibili na lang kami sa bayan ng akin mamaya. Importante ikaw," nakangising sabi nito at saka tumakbo na patungo sa naghihintay na tricycle. Kumaway pa ito bago tuluyang sumakay. Isinuot niya ang tsinelas na malaki ng kalahati sa kanyang paa. Napangiti ang inosenteng si Vivien. Nangiti siya dahil hindi naman ganoon kamalas ang araw na iyon. Hindi siya malas ngayon. May libre na siyang pagkain,may kaibigan pa siya sa katauhan ng mag ina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook