bc

Samantha (Completed)

book_age0+
103
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
love-triangle
reincarnation/transmigration
fated
forced
no-couple
like
intro-logo
Blurb

It was a life no one ever dreamed of. A life full of lies, pains, nightmares, and grudges. There's no way out for escape to embrace reality because one thing for sure malevolence of vengeance and deception is coming to rule what's behind the tale of Samantha.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Uy, friend alam mo na ba ang nagbabagang balitang break na sina Carley Torres at Trippe Gomez?"Bungad ni Chynna. "Talaga? 'di nga? Break na sina Carley at Trippe na future husband ko?" Tanong ko naman sa chismosa kong kaibigan at kaklase na si Chynna Chua. Nasa Mt. Simeon High kami ngayon. "Oo nga, break na sila. Naku friend, baka ito na 'yung matagal mo nang hinihintay na moment para makuha ang loob ni Trippe. Saka malaki for sure ang chance mo. 'Di ba magbestfriend kayo since first year high school?" Litaniya ni Chynna sa akin habang abot tainga ang kanyang ngiti. Mas kinikilig pa siya kaysa sa akin. Tapos ito na naman siya ulit hinihikayat akong landiin si Trippe. "Pero parang imposible naman 'yun Chynna." Tugon ko rito. "Ang nega mo friend! Ba't mo naman nasabi 'yan ah? Maganda ka naman, old fashion nga lang. Volleyball varsity player ng Mt. Simeon High, pero laging talo naman ang team... pero okay na rin 'yun. Almost perfect ka na rin naman Sienna." Pahayag ni Chynna na may halong pang-aalaska. "Wow Chynna, thank you sa mga panglalait sa akin ah. Sobra kong na appreciate! Pero hindi talaga pwede." Sarkastikong sagot ko. "Eh, bakit nga kasi hindi pwede?" Anito. "Alam mo naman na twin sister ko ang ex girlfriend ni Trippe." Paliwanag ko. "Sino? Si Samantha? Oh, come on girl! Isang taon na siyang patay. Ikaw buhay pa at mas marami ka pang pagkakataon na maging kayo ni Trippe lalo na't break na sila ng lechugas niyang ex-girlfriend na si Carley." Hay, ang kulit talaga ng friend kong si Chynna. Pero thankful ako kasi may kaibigan akong kagaya niya na napakasupportive. "Chynna... Ah.. ewan! Bahala na! Sige, bye na muna. Pupunta pa ako sa aking locker. See you later sa Biology class." Paalam ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako patungo sa locker room. Naglalakad na ko sa hallway ngayon. Ibang-iba talaga ang feeling ko kapag naglalakad sa hallway na 'to papunta sa aking locker. Yung pakiramdam na akala mo ba'y parating may sumusunod o nagmamasid sa'yo. Hindi naman ganito ka-weird ang feeling ko dati. Nagsimula lang maging ganito ang pakiramdam ko simula noong namatay si Samantha. Gano'n pa man, masuwerte pa rin si Samantha kumpara sa akin noong panahong nabubuhay pa siya. Siguro dahil na rin sa sobrang perpekto niya habang ako naman isang ordinaryong high school, a typical girl. Yung parating pumapasok lang ng school para kumpletuhin ang attendance, magpasa ng assignments at mag present ng report sa klase. Tss, sobrang nakakabugnot na ang maging Sienna Lopez, ang dakilang nobody ng twin sister kong ubod naman ng pagkaperpekto na si Samantha Lopez. Teka ano 'yon? Ba't biglang humangin nang malakas dito sa hallway? Parang may nakita akong anino sa aking likuran? Hindi, baka guni-guni ko lang 'yon. Kailangan kong pumunta sa locker para kuhanin ang aking notebook sa biology. Baka malate pa ako sa aking klase nito. Napatigagal ako ngayon sa aking kinatatayuan. Nakikita ko siya ngayon sa aking harapan. Ang aking kakambal na isang taon nang patay. Teka, bakit ganito nararamdaman ko? Bakit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan? Natatakot na ako. Nakikita ko si Samantha na nanlilisik ang mga tingin niya at papalapit na siya sa akin. Gusto kong sumigaw sa takot pero hindi ko magawa. Papalapit na siya nang papalapit sa akin. Limang hakbang pa. Apat... Tatlo... Dalawa... At ngayo'y nasa harapan ko na siya. At pagkatapos no'n parang nagdilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay. *** "Thanks God, Sienna! Gising ka na!" Bungad sa akin ni Chynna nang imulat ko ang aking mga mata. "Anong nangyari? Nasaan ako?" Nagugulumihan kong tanong sa kanya. "Nasa clinic ka ng school Sienna." Aniya. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" "Nawalan ka nang malay kanina sa hallway. Buti na lang nakita ka ni Trippe bago siya pumasok ng biology class." Huh, ano raw? Tama ba ang narinig ko? Nawalan ako ng malay sa hallway? "What? Seriously Chynna?!" Bulalas ko habang nakahiga pa rin sa kama. "Oo nga. Nawalan ka nang malay kanina. Ano ba kasing nangyari talaga sa'yo friend at hinimatay ka?" "Hindi ko rin alam eh. Teka, ba't ka nandito? 'Di ba dapat nasa biology class ka natin?" "Don't worry Sienna. Okay lang na bantayan kita rito sa clinic. Absent yung teacher natin sa biology na si Mr. Roque." Paliwanag niya. "Bakit siya absent?" "Sabi nung mga kaklase natin, kaya raw hindi nakapasok si Mr. Roque sa biology class kasi inatake raw ito sa puso kaninang madaling araw lang. Nasa ospital ngayon si Sir Roque." Pahayag niya. "Kawawa naman si Sir Roque." Malungkot kong sambit. "Okay lang 'yun. At least, makakapagpahinga muna ang mga brain cell natin sa mga tinuturo niyang cell theory, evolutions at kung anu-ano pang masasakit i-memorize na mga key terms sa biology. O, ano friend? Okay ka na ba? Kung okay ka na, tara punta tayong bahay ko. Isama mo na rin si Trippe. Tutal 3:30pm na at uwian na rin." Anito. "Ano naman gagawin natin sa bahay ninyo aber?" Nagtataka kong tanong. "Kahit ano. Ah, alam ko na. May ibinigay kasi sa akin last week yung Tito Charles ko na isang astig na bagay. Gusto ko 'yun ipakita sa'yo?" "At ano naman ang bagay na 'yan Chynna?" "Basta pumunta na lang kayo ni Trippe sa bahay ko. Saka mo malalaman kung ano 'yun." Kung minsan, may mga pakulo pang nalalaman ang friend kong iyan kapag nagkukwento siya ng mga bagay-bagay sa akin. Pero sige dahil friend niya ko, "OO" na lang ang sinasagot ko sa kanya kadalasan. "Oo na sige pupunta ako. Isasama ko na rin si Trippe. Pwede na ba tayong umalis ng clinic? Okay naman na ang pakiramdam ko eh." Tanong ko sa kanya. "Sige dito ka lang Sienna hahanapin ko lang yung nurse na tumingin sayo kanina." Aniya. Tumango na lang ako sa kanya at binigyan ng isang pilit na ngiti. Napabuntong-hininga ako. Bigla kong naalala yung nakita ko kanina bago ako mawalan ng malay. Hindi ko alam kung totoo nga ba ang aking nakita kanina sa hallway. Nagpakita si Samantha sa akin o baka imahinasyon ko lang 'yun? Pero parang totoo talaga. Nakakakilabot ang mga tingin niya sa akin. Ang bagsik ng kanyang mukha. Parang galit na galit siya. Nakita ko rin ang suot niyang pulang t-shirt at maong noong huli ko siyang nakitang buhay pa. Pero nang nakita ko siyang suot-suot ang pulang tshirt at maong, ay puno at may bahid ito ng dugo. Nakakakilabot sobra. Pakiramdam ko kanina nang nakita ko si Samantha mamamatay na ako sa sobrang sindak. Kapatid niya ako pero bakit niya ako ginaganito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Contract - Tagalog

read
753.4K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.9K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.3K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.6K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook