bc

Dead Meat

book_age0+
1.8K
FOLLOW
4.5K
READ
dark
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

Three different but connected horror and gore stories in one book... When you get caught, you're a one dead meat!

Part 01: Bloody Forest

Part 02: Couple Trouble

Part 03: Killer Quake

chap-preview
Free preview
PART ONE: Bloody Forest (Chapter One)
PART 01: BLOODY FOREST One perfect vacation... But in one moment... Everything will change! TAONG 2003, sa Baryo Isidro… Nakita ni Ruben na nabitiwan ng kabiyak niyang si Gilda ang hawak nitong mga pinggan. Nabasag ang mga iyon at nagkapira-piraso. Tatanungin pa sana niya ito kung bakit ito nakatulala habang nakatingin sa nakabukas nilang bintana, pero hindi na niya ginawa dahil alam na niya ang sagot. Isang kumpol ng taong-bayan ang papalapit sa kanilang kubo sa gitna ng gubat. May mga dala ang mga iyon na sulo o kawayang may apoy sa dulo. Habang ang iba naman ay may itak at sibat na tangan. Nag-aalalang nagkatinginan sila ni Gilda. “R-ruben… A-anong gagawin natin? Mukhang wala na tayong magagawa para paniwalain sila na hindi tayo ang pumapatay sa-” “Ako ang haharap sa kanila. Itakas mo si inay at ang mga bata sa likod ng bahay habang kinakausap ko sila.” Matapang na turan ni Ruben. Malaki ang katawan ni Ruben. Resulta iyon ng trabaho niya bilang matador sa palengke. Kilo-kilong karne ng baboy ang araw-araw niyang binubuhat kaya naman banat na banat ang buto at muscle niya sa mabibigat na gawain. “Pero…” “Sundin mo na lang ako!” Sumigaw na siya para mapilitang sumunod ang asawa niya. Kilala kasi siya nito na iba siya kapag nagagalit. Muli niyang tiningnan ang mga taong-bayan na malapit na sa kubo nila. Panay ang mga sigaw ng mga ito. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito dahil samu’t sari ang mga pinagsasabi ng mga ito. “Ruben! Lumabas ka diyan! Alam na namin na kayo ang pumapatay sa mga tao dito sa baryo natin!” sigaw ni Kapitan. “At hindi niyo lang pinapatay, kinakain niyo pa!” sigaw naman ng isang lalaki. Nag-ipon ng laway si Ruben sa loob ng bibig at marahas iyong dinura. Ginagawa niya iyon kapag nakakaramdam siya ng matinding emosyon katulad ng tensiyon o galit. Kinuha niya ang kanyang itak at isinuksok iyon sa likod ng kanyang pantalon upang hindi makita ng mga taong-bayan. Kailangan niya iyon sa mga ganitong pagkakataon. Matapang na lumabas ng kubo niya si Ruben at hinarap ang taong-bayan na galit na galit. Mamamatay-tao, kanibal, aswang at kung anu-ano pa ang tinatawag ng mga iyon sa kanya. “Anong atin, kapitan?” Pilit na nagpakamahinahon si Ruben. “Alam na namin na kayo ang pumapatay, Ruben! Ikaw at ang pamilya mo!” “Wala kayong ebidensiya, kapitan. Nananahimik kami dito ng pamilya ko-- Ahhh!!!” Malakas na napasigaw si Ruben nang walang babala na suntukin siya ni kapitan sa mukha. Sa lakas ng suntok nito ay natumba siya. Sinamantala iyon ng mga taong-bayan para batuhin siya ng mga bato. Hindi na siya makatayo dahil sa pag-ulan ng mga bato. May tumama sa kanyang ulo, likod at kung saan-saan pa. Ginawa na lang niyang pananggala ang dalawang braso upang kahit paano ay hindi siya masaktan. “Tama na mga kabaryo!” Awat ni kapitan. Matapang pa rin siyang tumayo kahit duguan na ang ulo. Nanlilisik ang mga mata na tiningnan niya ang bawat isa na naroon. “Patayin na 'yan!” sigaw ng isa. “Patayin! Patayin! Patayin!” sigaw na ng lahat. “Ano, Ruben?! Umalis na kayo dito bago ka mamatay!!!” Nang duruin siya ni kapitan ay nagdilim na ang paningin ni Ruben. Mabilis niyang hinugot ang itak sa kanyang likuran at tinagpas ang kamay ni kapitan. Nahihindik na napasigaw si kapitan nang humiwalay ang kamay nito sa braso. Agad naman siyang pumasok sa loob ng bahay at isinara ang pintuan. Nagulat siya nang makita niya sa loob ng kubo si Gilda kasama ang nanay niya at tatlo nilang anak. “Bakit nandito pa kayo? Hindi ba’t ang sabi ko ay tumakas na kayo?!” “Napapalibutan na nila tayo, Ruben! Kahit sa likod ay may mga tao na rin!” sagot ni Gilda. “Mga putang ina nila! Papatayin nila talaga tayo!” Galit na sigaw ni Ruben. “Anong gagawin nating, tatay?” Umiiyak na tanong ng nag-iisang anak na babae nila na si Anna. “Labanan natin sila, 'tay!” ani Nestor, ang panganay. “Hayaan na lang natin sila, titigil din ang mga iyon…” sabat naman ng nanay niya na si Lucresia. “Mamamatay na po ba tayo?” inosenteng tanong ng apat na taong gulang na si Juan, ang bunso. “Mga kababayan! Sunugin natin ang bahay ng mga mamamatay-tao!” Narinig nilang sigaw ng mga tao sa labas. “Sunugin! Patayin!” -----***----- “SO, sinunog ba nila ang bahay nina Ruben? Is it true ba na sila ang pumatay sa mga namatay sa Baryo Isidro?” Seryosong tanong ni Miyaka sa nagkukwento na si Franco na siya namang driver ng van na sinasakyan nila. Magkatabi sila sa unahan. Silang dalawa na lang ang gising dahil tulog pa ang iba. Madaling araw pa lang kasi kaya antok na silang lahat. They are on their way papunta sa Baryo Isidro kung saan napili nilang magkakaibigan na mag-unwind. Si Miyaka, Franco, Kathleen, Tanya, Bettina, Billy at Ace. Schoolmates sila at magkakaibigan simula noong high school. Bakasyon naman kaya nagkayayaan silang pito na pumunta sa isang lugar na iba naman sa beach o bundok. Kaya naman nang mag-suggest si Franco na mag-camp sila sa gubat. Anito, walang kuryente o signal sa lugar na iyon kaya ibang-iba talaga. Mas maganda daw iyon dahil mapapalapit talaga sila sa nature. “Oo, Miyaka. Sinunog ng mga tao ang kubo nina Ruben at Gilda. Tinupok ng apoy ang buong mag-anak!” Napalunok ng laway si Miyaka sa sobrang takot. “Matapos na sunugin ang kubo at pag-aakalang patay na ang pamilyang iyon ay nagpatuloy pa rin ang p*****n. Hindi lang basta p*****n kundi brutal na pagpatay. Sinasabi nila na hindi naman talaga namatay ang mag-anak, nakaligtas daw ang mga ito at nagtatago…” Mahilig siya sa mga ganoong kwento. Mga katatakutan at kung anu-ano pang kababalaghan pero siya itong numero unong matatakutin. “Hay naku! Nagkwento ka na naman ng katatakutan, Franco. Paranoid na naman niyan si Miyaka, for sure!” Tumatawang wika ni Kathleen. Nagising na pala ito. “Hmm… Kwento-kwento lang naman iyon. Saka kung totoo man 'yon, matagal nang nangyari iyon. For sure, wala na doon ang pamilya ni Ruben at Gilda. Baka nga nasa abroad na sila, e!” biro pa ni Franco. Pilit na tinawanan na lamang ni Miyaka ang biro na iyon ng kaibigan upang kahit paano ay makumbinse niya ang sarili na huwag paniwalaan ang kwento nito. “S-siguro, iidlip lang din muna ako…” ani Miyaka. Bago matulog si Miyaka ay iniisip niya pa rin iyong kwento ni Franco. Kung iisipin, hindi imposible na totoo iyon. At nakakatakot isipin na baka hanggang ngayon ay nasa Baryo Isidro pa rin sina Ruben at ang pamilya nito. -----***----- MAG-ISANG naglalakad si Miyaka sa gitna ng kagubatan ng gabing iyon. Ang gusto lang niya ay magpahangin pero tila may tinig siyang naririnig mula sa kagubatan na parang tinatawag siya. Naliligaw na yata siya dahil kanina pa siya naglalakad pero hindi na niya makita ang daan pabalik ng vacation house. Wala rin namang silbi ang cellphone niya dahil walang signal doon. Ginagamit na lang niya itong pang-flashlight sa dinadaanan niya. Napatigil siya sa paglalakad nang may maramdaman siyang nagmamasid sa kanya. Nanlalaki ang mata na iginala niya ang mata sa paligid niya pero wala naman siyang nakita na kahit na sino. Pawang matataas na puno lamang ang naroon at ilang halamang ligaw. “Nasaan na ba ako? Dapat pala hindi na ako lumabas, e!” naiinis na sabi niya sa kanyang sarili. Wala naman kasing ibang dapat sisihin sa pagkaligaw niyang ito kundi ang sarili lang niya. Kung natulog na lang sana siya at tiniis ang maalinsangan na gabi sa kwarto nila ay hindi ito mangyayari sa kanya. Mag-uumpisa na sana siyang muli sa kanyang paglalakad nang mula sa likod ng isa sa malaking puno na nasa harapan niya ay may lumabas na isang lalaki na malaki ang katawan. Magulo ang manipis nitong buhok at sunog ang buong katawan. Ang suot nitong damit ay madumi at sira-sira. Bukod sa hitsura nito ang isa pang nagbigay ng takot kay Miyaka ay ang hawak nitong palakol. Napalunok siya at napaatras. Nanginig ang buong katawan niya sa takot. Sinasabi ng utak niya na kailangan na niyang tumakbo pero ayaw sumunod ng kanyang katawan. Parang may naghahabulang aso’t pusa sa dibdib niya sa lakas ng kabog ng kanyang puso. Biglang tumakbo ang lalaki palapit sa kanya! Ilang sandali lang ay nasa harapan na niya ito. Itinaas ng lalaki ang palakol at alam niyang sa mukha niya tatama ang matalim na bahagi niyon! -----***----- “AHHH!!!” Ang malakas na sigaw na iyon ni Miyaka ang pumunit sa katahimikan ng pagtulog ng lahat sa van. Naiinis at kakamot-kamot sa ulo na nagising si Tanya na nasa likuran ng upuan niya at hinampas siya ng unan dahilan para mahinto siya sa pagsigaw at matanto niyang panaginip lang ang lahat. “Ano ba, Miyaka?! Nakakabwisit ka! Alam mo ba 'yon?” Napagalitan pa tuloy siya ni Tanya. Pinagpapawisan na kinapa ni Miyaka ang mukha upang masiguro na wala siyang sugat doon at nang wala siyang makapa ay doon lang siya nakahinga nang maluwag. “P-pasensiya na. Nanaginip lang ako…” aniya. “f**k you!” ani Tanya at muli itong humiga. TO BE CONTINUED… (Note: Ang kwentong ito ay inspired sa movie na WRONG TURN.)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
360.8K
bc

NINONG II

read
616.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
170.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
450.8K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
496.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook