bc

His Disguise

book_age18+
449
FOLLOW
1.9K
READ
billionaire
revenge
playboy
self-improved
bxg
serious
realistic earth
illness
lies
prostitute
like
intro-logo
Blurb

He was living a carefree life while she lived selling her dignity for a dime to treat his sick father.

Galit na galit si Croix nang malaman niyang may babae ang kanyang ama. Upang mapanatili ang ala-ala ng kanyang ina, may nabuong planong paghihiganti sa kanyang isip na pagsisisihan niya sa mahabang panahon.

Would he fall for her? Or would she accept the fate the heavens gave her.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: The Daughter
SOPHIA. DUMIIN ang pagkakahawak ko sa aking telepono habang nakikinig sa kabilang linya. Sa tono ng boses niya'y normal na ang mga malalaswang salitang lumalabas sa kanyang bibig. “Hindi pwedeng iingot-ingot sa trabahong 'to. Kaya mo ba?” hindi ko agad nasagot ang tanong niya. Agad siyang pumalatak. “Andiyan ka pa ba? Ibababa ko na 'to, nagsasayang ka lang ng oras ko, Miss. Marami pa akong kailangang asikasuhin!” “K-kaya ko po,” nauutal kong sagot. “Good. Tatawagan nalang kita ulit!” Iyon ang una kong tawag na natanggap, isang job interview. Inunahan na niya akong patayin ang linya kaya hinanap ko nalang sa f******k ang grupong sinasabi niyang tignan ko upang magkaroon ako ng ideya sa magiging trabaho ko. Walang ampat sa pagtulo ang luha ko habang tinitingnan ang mga post sa discreet sss group na naglalaman ng mga masasagwang palitan ng mga comments. Mga salita tulad ng POPS (putok), VCS (video call s*x) at ES (extra service). Ilan lang iyan sa mga salitang pinagdaglat...hindi ko man kayang lunukin, pero kailangan. “Walk mamaya...Slim, gfe, milf, QC & Fairview area. PM...” Pinuputakte ang comsec, kung kailan, saan at presyong kailangang bayaran. May ilan ding nakapagpost ng ilang kababaihang nilalako ng mga 'di kilalang Mamang. Hindi ko mapigilang mapahikbi. Nangangatal ang aking labi at gusto ng humagulhol sa kawalan ko ng pag-asa. Ilang taon kong iningatan ang aking dangal ngunit dito lang pala ang bagsak ko. Walkers for hire. May alam si Beth na handler na humahawak ng mga baguhang estudyante. Mahal daw sa kakilala niya dahil mayayaman ang mga miyembro. Iyon nga, siya iyong nakausap ko kanina. Napabuntong hininga ako sa kawalan. Walker ang bagong tawag sa mga bayarang babae na kumukuha ng mga customers online. Ngayon ko lang din nalaman na may kalakaran sa social media katulad nito. Kumbaga, hightech na Magdalena! Alam kong napakalaking kasalanan itong gagawin ko, hindi ko alam kung may masasaktan akong pamilya sa papasuking trabaho ito. Ang mga asawang walang kaalam-alam at bulag sa ganitong sistema ng mga lalaking uhaw sa laman. Nakakaawa man ngunit kailangan kong pumikit at magpapakabingi dala ng matinding pangangailangan. Kailangan ko itong gawin para kay Tatay. Bilang panganay, nasa aking balikat ang mabigat na responsibilidad para sa aming pamilya, namatay si Nanay sampung taon na ang nakakaraan. Hindi ko alam na magiging ganito ang kapalaran ko. Hindi ko ito inaasahan. Gustong kong umahon sa hirap, pero hindi sa ganitong paraan. " Mars, huwag ka na ngang umiyak! Nalulungkot din ako, eh,"ani Beth na nakasuot ng palda sa aking harap. Kulay asul ang kanyang mga kuko at sabog sa kulot ang buhok, amoy ko pa nga ang medisinang ginamit niya. “Tahan na!” “Sino ba kasing hindi maiiyak, ang tapang ng medisina mo. Nakaligo ka na ba?” “Ayy, no pwede. Hmm! Para naman tatagal ang pagkakakulot ng korona ko.” Mula pagkabata, magkaibigan na kaming dalawa hanggang lumaki at nagtrabaho sa pabrika na pagawaan ng mga tela. Kung hindi lang sana nagkapandemya, hindi ko mararanasan ito. Wala na talaga akong maisip na paraan. Sino naman kasing may tama sa utak ang magpapautang nang isang daang libong piso? Ano namang ipambabayad ko, eh nagsara na nga pansamantala ang pinagtatrabahuan ko. " Kung meron lang sana akong ari katulad sayo. Ako nalang sana 'di ba. Para hindi ka na malungkot. Malas at may lawit ako,may itlog pang free." Hindi ko napigilan ang ngumiti. Kung wala siguro ito sa tabi ko, nabaliw na ako. May dalawa pa akong mga kapatid. Puro mga lalaki. Katulad ko, hanggang Senior Highschool lang din ang natapos. Hindi kasi kakayanin ni Tatay na pag-aralin kami sa kolehiyo. Mahal na mahal namin si Tatay. Mula nang mamatay si Nanay inubos niya ang lahat ng kanyang atensyon at pagmamahal sa aming tatlong magkakapatid. Hindi siya naghanap ng iba. Meron namang pumupunta sa bahay at handang magpaka-ina sa amin ngunit walang nagtagumpay. Saksi kaming magkakapatid kung paano niya inalagaan ang ala-ala nila ni Nanay. Siya ang modelo ko. May mga naging boyfriend naman ako kaso kapag nakakakita ako nang kaunting red flags, ekis na agad. Mahirap na. Pero ngayon, hindi ko na alam kung matutupad pa ba ang pangarap kong magkaroon ng masaya at buong pamilya. Katapatan, pagmamahal at pagtitiwala. Napakasimple man sa pandinig ngunit ito ay mga bagay na pinakamahirap makamtan at hindi nabibili ng salapi. ISANG linggo na ang nakakaraan mula nang atakehin si Tatay. Sabi ng Doktor kailangan operahan agad para hindi magkakaroon ng komplikasyon kaso wala pa talaga, eh. " Marsss, Sofia Bernabeee! Asan ka ba?" Nagising ako sa matinis na tili ni Beth. Lumagabog ang pintuan sa ilang ulit niyang katok, hindi lang katok, mukhang sinamahan pa ng sipa para siguraduhing magigising ako. “Ang aga-aga...anong problema?” nakapameywang akong humarap sa kanya. Dinaanan lang akong parang hangin, sinadya pa niyang banggain ang aking balikat. Gusto kong haklitin ang hanggang batok niyang kulot na buhok. “Good news, Mars! May customer ka na!" Mahigpit niya akong niyakap, at saka tumalon. Para tuloy kaming nanalo sa lotto. Masama man, pero naramdaman ko ang konting sayang bumalot sa aking puso. “Anong customer, Ate?” tanong ni Dos na hindi namin napansin na nakasilip sa pintuan ng kwarto ko. Palihim kong siniko si Beth. Napakadaldal. Siguradong paglalamayan siya kapag nalaman nilang nilalako niya ako. “Wala iyon Dos, ahm—, c-customer namin sa pagbebenta ng nga damit online." “Mag-iingat ka sa baklang 'yan Ate ha. Kapag tinalo ka niyan sabihan mo agad kami ni Tres at uupakan namin.” " Mahal, wag ka ngang ganyan! Kung makaupak ka parang wala tayong pinagsamahan, ah!" Pumipitik pa ang kanyang mga kamay habang nagsasalita. At talagang ginalit niya pa si Dos. Sasagot pa sana si Dos, pinigilan ko na. Ang ikli pa naman nang pasensya ng kapatid kong ito. Kung gaano kalaki ang katawan ganun rin kaliit ang pagpipigil ng pisi. Kaya dito sa amin, walang gagawa sa akin ng masama dahil kahit sino kaya nilang tatlo. Masarap sa pakiramdam na alam mong may magtatanggol sa iyo kahit anong oras. Halos lahat ng mga nangyayari sa akin ay dapat alam nila. Kahit na nanliligaw pa lang, kailangan kilala nila.Pero sa pagkakataong katulad ngayon, hindi nila pwedeng malaman kung paano ko kikitain ang perang pampaopera para kay Tatay. Siguradong hindi sila aayon sa plano ko. ** Araw ng pagtatagpo namin ngayon ng sinasabi ni Beth na magiging customer ko. Nagawa pang taasan ng naging handler ko ang presyo. Dalawang daang libong piso kapalit ng aking sarili. Nandito na ako sa hotel kung saan ang aming tagpuan. Room 309. Hinahanap ko pa kung saan dahil hindi ako sanay na pumapasok sa isang marangyang hotel. Pawis na pawis ang aking mga palad sa nerbiyos habang mahigpit na humahawak sa sling ng aking bag. Bumukas ang pinto at pinapasok ako ng isang may-edad na lalaki. Sinuyod niya ng tingin ang aking kabuuan bago ako pinapasok sa silid. Napayakap ako sa aking sarili ng bumungad ang lamig na nagmumula sa air-conditioner. Bumaling ako sa paligid. Queen sized bed, may ilang pirasong kasangkapan at magkahalong kulay puti at grey ang interior. Maaliwalas sa paningin at sa madaling tingin masasabi kong mamahalin. Masarap sa ilong ang amoy na nanggagaling sa air freshener. Pati hangin, amoy mamahalin. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Nandito na ako, wala na itong atrasan. "Monte would be lucky to rip your kitty tonight!” Napaatras ako ng mag-iba ang paraan ng kanyang paninitig. Mas lalong bumundol ang kaba sa aking dibdib ng pasadahan niya ng dila ang kanyang pang-ibabang labi. “Matapos mo siyang paligayahin, knock on my door! Kahit biniyak ka na niya, dadagdagan ko ang bayad. Just satisfy me in bed!” Gusto kong takpan ang aking tenga, huwag lang marinig ang mga bastos niyang salita. Bastos? Sa trabaho kong ito, walang rerespito sa akin. Iniwas ko ang aking mukha ng haplusin niya ang aking pisngi. Mariin nalang akong pumikit nang maglandas pababa sa aking balikat ang kanyang daliri. “Wow...ang sarap mo sigurong papakin!” gigil niyang sabi. Napaigik pa ako nang dumiin ang pagpisil niya sa aking balikat. Pikit-mata akong nakatayo, pinandidirihan ang aking sarili. “Hmm—, okay po. Kakatok nalang po ako mamaya!” pinanatili kong kalmado ang aking boses kahit ang totoo'y para na akong mahihimatay sa nerbiyos. “Room 302. I'll wait for you there!” Nakahinga ako ng maluwag nang tumunog pasara ang pintuan. Senyales na nakaalis na ito at bumalik sa sariling suite. Muntikan na ako do'n, ah. Dalawang oras na ang nakakaraan ng tumunog ang pinto senyales na nandito na siya. Umayos ako ng upo sa malaking kama at pinasadahan ng tingin ang aking sarili. Kaya ko 'to! Humugot ako ng isang malalim na hininga. Desperada na akong gawin ito. Ang kaisipang nag-aagaw-buhay si Tatay ay sapat ng dahilan upang patatagin ang sarili ko. Isang matipunong lalaki ang pumasok, na sa hinuha ko ay kasing-edad ni Tatay. Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagtatanggal ng kanyang kurbata at nilapag sa mesa. Napatingin siya sa gawi ko at napaatras sa gulat dahil sa aking presensyang hindi niya inaasahan. “Who are you? What are you doing here?” *** Tumatakbo ako sa pasilyo habang yakap ang perang naging kabayaran ng aking pagkatao. Mahigpit ang pagkayapos ko sa maitim na bag, hindi alintana ang basang mukha, makaalis lang ako sa lugar na 'to. Para kay Tatay! Nakasalalay dito ang buhay niya, kailangan kong magmadali. Lumilinga ako habang pumapara ng taxi mula sa harapan ng isang 'di kalakihang apartment. Naging maayos naman ang naging partehan namin ng humawak sa akin na bading. Parating na ako, 'Tay! sigaw ng aking isip. Alas-diyes na ng gabi nang makarating ako sa ospital kung saan naka-confine si Tatay ngayon. Humahangos akong tinungo ang front desk at sinimulang iproseso ang kanyang operasyon sa puso. Ilang papeles ang aking pinirmahan bago siya maipasok sa operating room. Nabawasan ng kaunti ang bigat, sa kaisipang gagaling na siya at muli naming makakasama sa bahay. KINAUMAGAHAN, pareho kaming tatlong parang mga lantang gulay dahil sa puyat. Successful ang operasyon kagabi kaya't nag-alay ako ng padasal. Hindi man lang alintana ang sakit ng katawan mula sa pagmamaluktot sa upuan upang makapagpahinga at walang gustong umuwi ng bahay. “Mars, ito na iyong mga pinadala mong damit. Mahal, dinala ko na rin iyong mga bihisan mo at ni Tres,” matinis niyang sabi. Nag-iba na naman ang kulay ng kuko niya, berde na ngayon, kahapon kasi sa pagkakatanda ko dilaw 'yon. “Wala ako sa mood para makipagbangayan sayo, Roberto Jr,” mababang boses na sagot ni Dos. “Sinasaktan mo na naman ako, Mahal!” “Iidlip muna ako Ate. Baka magdilim ang paningin ko't papatulan ko iyang kaibigan mo.” Tumango ako para manahimik na siya. Mabait naman itong si Beth, ayaw lang talaga ni Dos na kumukiringking sa kanya itong kaibigan ko. Medyo nakakaangat sa buhay ang pamilya nila kumpara sa amin. May iilan silang bahay na pinauupahan, nakatira kasi kami malapit sa mga pabrika at eskwelahan kaya marami silang tenant. Kinikwenta ko lahat ang presyo ng mga gamot para sa maintenance ni Tatay. Napabuntong-hininga nalang ako. Kung kinakailangan kong pumasok ng tatlong trabaho, tatanggapin ko para lang matugunan lahat ng pangangailangan namin. Napakahiwaga ng buhay. Hindi natin alam kung ano ang darating sa hinaharap. Narito tayo ngayon sa milenya na halos lahat ng bagay nangangailangan ng pera. Wala ng libre. 'Money can't buy happiness' 'ika nga. Noon 'yun ngunit ngayon kung wala kang pera, wala kang halaga. Muli kong tiningnan ang aking lumang telepono, binuksan ko ang Notes app at tinanggal sa pinned ang ika-sampu. Doon nakatago lahat, nakasulat ang aking kailangang gawin na hindi ko dapat makalimutan. Siyam na hiling nalang, matatapos na ako! Tinago ko sa aking bulsa ang aparatu at niyakap ang sarili. Gusto kong guminhawa sa buhay, 'yung tipong kaya kong makasama ng matagal ang mga taong mahal ko. Iyong hindi ko na poproblemahin ang perang para sa kalusugan nila, at walang miyembro ng aking pamilya na kakapit sa patalim, magkaroon lang ng pera, katulad ko...na hindi ko lubos maisip na pagsisisihan ko ang desisyong iyon sa mahabang panahon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook