bc

Singles

book_age16+
930
FOLLOW
4.5K
READ
second chance
billionairess
bxg
humorous
city
stubborn
civilian
like
intro-logo
Blurb

Ang “SINGLES” ay isang reality tv show kung saan ang mga napiling bachelors at bachelorettes ay titira sa iisang bahay, susundan ng mga cameras at bibigyan ng mga tasks na karaniwang ginagawa ng magkasintahan.

Sa ikatlong season ng programang ito ay mapapabilang ang isa sa mga hinahangaang bachelors sa businessworld, si Jan Michael Reyes. Kilala siya sa pagiging modelo, professional nurse at magaling na businessman. Being in his early 30s ay marami na ring mga babaeng na-link sa kanya pero ni isa sa mga ito ay wala siyang ipinakilala sa publiko bilang kasintahan niya.

Will love find its way as he gets along with the simple and jolly yet millionaire hater lady, Katelyn Roque? Or will they end the season with being strangers again?

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Jan Michael's POV : "Meet the Bachelor"
“Sir, may meeting po kayo mamayang 10:00.” “Ok.” Pumasok na ako sa opisina ko. Marami na namang tambak na papeles ang kailangan kong pasadahan. Bilang panganay ay sa akin ipinagkatiwala ni Papa ang pamamahala ng ilang JMR hotels dito sa Pilipinas. These hotels are just a few of Reyes Group of Companies’ businesses. Bukod pa dito, tumutulong rin ako sa aking mga pinsan lalo na sa mga anak ni tito Miguel. Alam ko kasi ang pakiramdam ng sa murang edad ay kailangan nang makabisado ang pasikot-sikot ng mundong ginagalawan namin. Negosyo, pera at mga taong kapag kaharap ka ay kakampi mo pero pag nakatalikod ay mga lihim mong katunggali. Napabuntong hininga ako sa kapal ng mga papeles na kailangan kong pasadahan. Pinayagan nga akong kunin ang kursong gusto ko n`ong kolehiyo pero I still end up taking another business course `coz the family needs me. Hay! The prize of being panganay na apo. Sumalangit nawa ang kaluluwa ng aming lolo at lola. I called my secretary to make a cup of coffee. Energy drink ko rin `yan. “Sir, galing po pala si Miss Claudette dito kahapon. Hinahanap kayo.” Inilapag niya ang tasa ng kape sa mesa ko. May kinuha sa folder na hawak niya. “Ibigay ko daw po ito sa inyo.” Lumabas na ito ng opisina. Kinuha ko ang papel saka ko itinapon sa bin. Paulit-ulit lang naman si Claudette. I had enough of her dramas. Magpapakamatay daw e hanggang ngayon buhay pa siya. Inumpisahan ko nang i-review ang mga reports ng bawat department nitong Pasay branch. And someone just entered my office without any permission. “What do you want?” Tanong ko without even raising my head. “We didn’t raise you to be this arrogant, Hijo.” Inilapag ko ang nire-review kong papeles saka ko binalingan ng pansin si Daddy, “Ang-aga mo naman para sa meeting Mr. Juan Primitivo Reyes?” Ngisi ko sa kanya. Napailing na lang siya. Cool si Daddy. Sa sobrang cool niya ayaw niyang tawagin namin siya sa kanyang napakamodernong pangalan. “Hindi naman siguro masama na dalaw-dalawin ko ang aking anak?” “Pinapaalala ko lang sa inyo na sa bahay niyo ako galing kaninang umaga at kasabay ko pa kayong nag-breakfast nina Mom.” “Kaya hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend e. Bakit hindi mo gayahin ang kapatid mo.” Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Paulit-ulit na litanya niya `yan tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend. “Dad? Thank you for being such a supportive father but please don’t compare me to Jmark. Nakailang babae na nga siyang dinala sa bahay pero ne isa wala siyang pinakilalang girlfriend niya. And you’re proud of that?” Kunot-noo kong tingin sa kanya. Hindi ko na nga mabilang kong ilang babae na ang dinala ng kapatid ko sa mga family occasions. Kahit isa walang daw siyang girlfriend doon. “Ang sa akin lang Anak, you are in the right age to get married. Why don’t you go and date my some women? Mahahanap mo rin ang babaeng para sa`yo.” I think, I know where this is going. Those looks and convincing antics. Hay! “Get to the point. Give me the name, address and restaurant.” Natawa man siya ay may kinuha siya sa bulsa niya at inilapag sa mesa ko. “Pretty, intelligent, c*m laude from Pan Pacific University. Mas matanda ka lang ng isang taon.” Then he left at once. That’s how frustrated my dad is when it comes to my “Hey I’m 32, I’m the oldest son and I need to be married soon” status. Hay! Another blind date for the bachelor. After my meeting, I immediately went to the restaurant written on the small paper. Daddy even wrote a good luck at the bottom. Haha! I never bothered to change my clothes since I am not really interested with this date. I was stuck in the traffic for about thirty minutes. Kung sino man yung babaeng ka-date ko ay siguradong nag-aalburuto na sa inis. Forty-five minutes na kasi akong late. Mag-aalas dos na pala. Agad akong bumaba ng kotse pagkarating ko sa The Promise Restaurant. I bet my dad chose this restaurant. With all his hopeless romantic ideas! He even made a list of things Jmark and I should do if we are going to have our dates. “Reservation for Mr. Jan Michael Reyes, please.” The waiter guided me to the reserved table. May babae nang nakaupo. Nakatalikod ito pero halata ang pagiging sopistikada. So poise I could really feel that she is from Elite family. “Hello, Sorry I’m late.” Tumingala siya para lang taasan ako ng kilay. “I know you’re not interested but can you be considerate with the time Jan Michael?” Namumukhaan ko ang babaeng `to! It’s her alright! Siya ang isa sa mga pinangingilagang estudyante ng Pan Pacific University dahil sa galing niya academically pero isa rin sa mga hinghangaan dahil sa taglay niyang kagandahan. “So? Tatayo ka na lang ba diyan?” Naupo ako sa tapat niya. “Pwedeng hindi ka naman pumunta dito. Why waste your time Miss Harmony Pascual?” “Just like your reason for wasting your time here.” Their family is owned some well-known subdivisions. I wonder kung pang-ilang date na `tong pinaunlakan niya. Wait. This isn’t a date. Kumain lang kami. Hindi nag-usap. We got ourselves busy with our phones receiving and replying to some business matters. That is something mutual right? Umalis na rin kami agad ng restaurant matapos kumain. It doesn’t really matter kung magkasundo kami o hindi. Pareho kaming panganay kaya’t malamang sa malamang ay napilitan rin lang siyang mag-entertain ng mga blind dates. “So let’s call it a day?” Sabi nito pagkalagay ng phone sa bag niya. Nilahad niya ang kanang kamay niya. “I’m looking forward to talk about business with you Mr. Reyes. That’s it.” Nakipagkamay ako sa kanya bago siya umalis. Naupo na muna ako. And as usual nag-send ako ng message kay Daddy na the date went well but there is no spark. Not at all! --- Maaga pa naman. I drove my way to Tito Miguel’s home. Time for cousin visits since nagsasawa na ako sa pagmumukha ng dalawang kapatid ko. Just kidding. “Manang nandito na ba si Migs?” “Wala po sila sir. Sina Young Lady lang po ang nandito at si Miss Ara.” Pinuntahan ko nga ang dalawa sa garden. Istorbohin ko ang lovebirds. Birthday nga pala ni Ara ngayon. Sumandal ako sa pinto habang pinagmamasdan silang sumasayaw. “So tell me? Is this what my sister taught you?” Epic ang mukha ng magaling kong pinsan. Parang umakyat lahat ng dugo niya sa utak niya! Si Ara naman napakamot na lang rin sa ulo. “Kuya naman! Hindi ba sinabi ni Mama sa`yo na may dinner sa bahay niyo ngayon?” Umiling ako. Sinungaling ko naman. Sinabi ni Mama pero nakalimutan ko lang. “So hindi ako tanggap dito kung gan`un?” Kunwareng pagtatampo ko naman. Ayoko pang umuwi dahil siguradong ilalagay na naman ako sa hotseat ni Daddy. “May magagawa pa ba ako?” Inis nang irap ni Mika. Naudlot kasi ang sweet moments nila ni Ara kaya nagtatampururot siya. Naku! Habang nagpapaluto si Mika ay naghanap siya ng mapapanood namin sa mga collection ng kuya niya. “Hoy baka censored na `yang makita mo diyan,” biro ko sa kanya. “Don’t worry Kuya. Nakatago ang mga p**n vids n`un.” Tawa naman niya. Finally she found one and immediately put it in the player. At dahil isa akong mabait na pinsan ay naupo ako sa gitna nilang dalawa. Natatawa ako dahil obvious ang pagkainis ni Mika. Panay pa ang kain ko ng pop corn. Inaalok ko naman siya pero tangin pag-iling lang ang tugon niya. “Angboring naman niyan.” Reklamo niya. “Hanap ako ng bago.” “Huwag na.” Pigil ko sa kanya. Tumayo ako saka lumipat sa kabilang upuan. “Oh `yan tabihan mo na.” Nahiya pa daw siya e `yon lang ang hinihintay niya. Seryoso lang akong nanonood nang pinukaw ni Mika ang pansin ko. “Bakit?” Tugon ko habang nakatuon pa rin ang pansin ko sa tv. “Someone’s calling on your phone. Claudette.” Iniaabot niya ang phone ko. “Alam mo na ang gagawin mo diyan.” “Sure ka?” Tumango ako. “Ikaw na lang pala Ara. Kilala ni Claudette ang boses ni Mika e.” Inabot ni Mika ang phone kay Ara. ”Hello? Who is this b***h? Mind if you stay away from my man?” Nakakatawa `tong ganito. Napapabilib na ako ni Ara sa galing niyang panggagaya sa accent ni Mika. “Go to hell where you came from! b***h!” Bumuntong hininga si Ara pagkapatay ng tawag. “Ayoko ng ulitin `yon, Kuya!” Nagtawanan na lang kami nang maraming pinadalang text messages si Claudette. Binasa pa nang malakas ni Mika ang ilan pero nang magsawa ay deresto delete na. --- “Bakit ba wala ka pang girlfriend Kuya?” Tanong niya nang nangdidiner na kami. “Hindi ko pa siya nakikilala siguro.” “Anong hinihintay mo? Magpakasal muna kami ni Ara bago ka maghanap?” Sinulyapan ko lang siya saka muling sumubo. “Sabihin na nating ganito, I haven’t found my Liam and Ara who could make me fall and forget that I am a Reyes.” “E kung sumali kayo d`on sa isang tv show?” Suggestion ni Ara. ”Maraming nagkakatuluyan dun `di ba? `Yung Singles?” “Naniniwala ka d`on? Set up lang yun Ara. Para tumaas ang ratings. Hindi totoo na nagkaka-inlove-ban ang mga couples d`on.” Pagkontra ko naman sa kanya. “Kilala ko yung producer n`on at lahat ay scripted hanggang sa huli.” “But you can’t hide the fact na kinikilig rin ang mga couples sa show na `yon, right? Baka kasi na-overdose ka sa trabaho kaya nakalimutan mo na ang kiligin.” That’s Mika. “At ikaw naman Mika. Parang ino-overdose mo na ang sarili mo sa kilig kaya nakakalimutan mo nang kailangan mo ring magbigay ng oras sa pag-aaral at negosyo.” Bawi ko agad sa kanya. “Uy hindi ah!” Pagtanggi niya agad. “Baka isipin ni Ara nakakaligtaan ko na ang ibang bagay.” “Hindi nga ba?” Seryoso at may pag-aalalang tingin ni Ara sa kanya. Nagpanic tuloy bigla si Mika. Itinuloy ko nalang ang pagkain ko habang nagkakaroon sila ng maliit na argument. “Sir, may tawag po kayo. Si Lady Marie po.” I’m in trouble. Tumawag na ang reyna ng aming tahanan. “You’re dead.” Pang-aasar ni Mika. Nagpunta muna ako sa living room para kausapin si Mama. “Yes ma?” “Anong ginagawa mo diyan? Have you forgotten about the dinner?” “Opo e. Sorry. But I will be home later.” “You should be. Nandito ang mga magulang ni Claudette.” “What? So ako na pala ang liligawan ngayon? Hahaha.” “Business matters, Son. Don’t be so assuming.” “Hahaha. Oh yeah? Front lang nila `yan. Bye, Mom!” I dropped the call and went back to the dining area. Ok naman na `tong dalawa pagdating ko e. Nagkukulitan na. “So? Uuwi ka na?” Parang gustong-gusto akong palayasin ng pinsan kong `to. “Hindi. Pack your things. We’re going to Baguio tomorrow after ng game. Susunduin ko kayo.” -- It was already 9:00 nang inihatid namin si Ara. Pabalik na kami ngayon sa bahay nina Mika. Nababalot lang kami ng katamikan. “You want to spill it out?” “I’m okay.” “It’s about her right?” “Years had passed Miks pero nandito pa rin siya.” Turo ko sa tapat ng puso ko. “Call me an idiot but I still love her.” “Idiot.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.3K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.1K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.5K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook