bc

X (Tokuyu University II: School for Peculiars)

book_age16+
267
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
tragedy
bxg
mystery
superpower
stubborn
like
intro-logo
Blurb

X was sent to the university for a mission. Her target is just inside that well-known university that is only exclusive for peculiars; peculiar in body, mind, sight, and hearing, ruled by tokuyu ranks and officials. She entered the school to kill the 21st-century Saiko ranku (first rank), but it was never easy. Tokuyu students hate her because they believe that she's strong and extraordinary. Then a boy came into her life and barged in.

Everything became difficult as she stayed longer inside, but those challenges taught her that she wasn't useless. He gave her the courage to break free and to abduct the mission.

But the thing is, "Only peculiars should be in that University."

She's not peculiar.

She's just an ordinary, but skilled human.

Punishment is now above her.

"Please live, because I want you to and I will be grateful also."

She's out of breath. There's despair and sadness. Would she be able to grant Simeon's request? Now that the time is near.

chap-preview
Free preview
Simula
TAHIMIK NA HININTAY ni Ashton ang tuluyang pagsarado ng hagdanan na lagusan palabas ng unibersidad. Nilingon niya ang lalaking taga-bantay sa tabi niya. Ngumiti ito sa kaniya. Malaki ang ginawang pagbabago ni Frezzilliana sa unibersidad, dahil rito nawala ang mahigpit na batas. Ang mga taga-bantay na katulad ng katabi niya ngayon ay binigyan na muli ng kalayaang gumalaw—malaya mula sa kontrol ng xymix. Tila naging normal na eskuwelahan. Pagkatapos ng mga buwan ng ensayo ay maaari nang umuwi ang mga estudyante para sa summer vacation. Gayunpaman, hindi na pinatupad ang semestral at Christmas break dahil sa masasayang na panahon na dapat sa ensayo na lang ilaan. Pinayagan lang ang summer vacation para manatiling alerto at may alam ang mga estudyante sa buhay sa labas. Ikatlo, ang mga gaya niyang ranggo ay maaari nang kausapin ng mga normal na estudyante, ngunit hindi dapat nawawala ang paggalang. Bagama't naroon pa rin ang mga benepisyo bilang isang ranggo, wala na ang mabibigat na parusa. Ang kaibahan nga lang ay ipinagbabawal pa rin ang pagpapakita ng mukha ng mga ranggo na gaya niya, sila pa rin ang inaasahang mamumuno sa mga estudyante, at hindi nila dapat makalimutan ang kanilang imahe. Ikaapat, napalitan na ang mga opisyales. Ang kaniyang nakatatandang kapatid na ang nakaupo sa puwesto ng kataas-taasang Yomashi. At kung ilalarawan niya man ang lahat, masasabi niyang nagkaroon ng kulay ang madilim na paligid at nawala ang mabibigat na ulap. Tinanguhan niya ang taga-bantay, senyales ng kaniyang pag-alis. Inalis na ang bakas ng bulaklak ng Erurena. Hindi na rin naman iyon mapakikinabangan. Sumisimbolo lamang iyon sa isang mapait na pangyayari. Ngayon ay labing pitong taon na siya. Tatlong taon na simula nang mag-umpisa ang enrollment ng mga estudyanteng tokuyu na hindi kabilang sa sampung bata na pinili para mag-ensayo sa loob nang sampung taon. Ngayon ang huling taon para sa kanilang batch. Magtatapos na siya. "Ang guwapo niya talaga!" Napailing si Ashton. Iba na ang mga kabataan na ka-batch niya: ang 21st century. Masyadong vocal ang mga ito sa kanilang nararamdaman, pag-uusapan ka na parang hindi mo naririnig at wala ka sa kanilang harapan. Katawa-tawa na kung magsalita ang mga ito ay para bang nakita na ang kabuuan ng kaniyang mukha. "Good Morning, Saiko Ranku." Mula sa harapan niya ay may humintong magandang babae. Madalas itong magbigay sa kaniya ng cake. Noong nakaraang taon ito nag-enrol at simula nang unang beses nilang magkasalubong ay hindi na siya nito tinigilan. "A present for you," dugtong nito. Hindi ipinakita ni Ashton ang nakalolokong ekspresiyon. Bakit pa nga ba siya mag-aabalang magtago? Sapat na ang cloak na suot niya para hindi siya makita nito. Sa harap ng mga estudyante ay para siyang bato. Gayunpaman, tinatrato niya nang maayos ang mga ito. Kay Frezzilliana niya lang ipinakikita ang totoo niyang ugali. Hindi siya komportable sa iba. Walang imik na kinuha ni Ashton ang malaking paper bag. Mukhang nag-evolve ngayon ang ibinibigay nito. Hindi na cake, regalo naman. Tumagos ang paningin niya sa hood ng cloak. Doon niya nakita ang babaeng nakatungo at nagpipigil ng kilig. Alam niya iyon dahil literal na namumula ang mukha nito. Napatanong siyang bigla sa kaniyang isip, 'Kung ipinakita ko ba sa mga ito kung ano talaga ako, ganito pa rin sila aakto?' "S-salamat!" Umangat ang isa niyang kilay. Siya ang binigyan, ito pa ang nagpasalamat. Tumango na lang siya at nilagpasan ang babae. Nang marating niya ang ikalawang palapag ng unibersidad ay roon niya nadatnan sa hallway ang ikaanim na ranggo. Sabihin na lang natin na ito ang pinakamalapit sa kaniya sa mga ranggo, si Ian Chen. "Another gift again?" Pumihit at sumabay sa kaniya si Ian papunta sa bakanteng silid na ginawa niyang tambayan niya kung saan siya lang ang maaaring pumasok. Nga lang, ang walang-hiya na si Ian ay walang pakialam sa salitang privacy. "Oh! Tambak na!" Napakamot si Ashton sa gilid ng kaniyang tainga nang buksan niya ang kabinet, nagtumbahan kasi ang mga hindi pa bukas na regalo roon na kahapon niya lang natanggap. "Sabi ko naman sa 'yo, kung ayaw mong buksan ibigay mo na lang sa akin!" Hindi niya pinansin si Ian. Nag-focus siya sa pagpapatas ng mga regalo para muling magkasya sa double-doors na cabinet. Masaya niyang isinarado iyon nang mapagtagumpayang ilagay ang bagong regalo. "Masyado kang weirdo para sa isang Saiko Ranku. Woah!" Naiwasan ni Ian ang ibinato niyang kulay pilak na dart. Tumawa ito bago hinagis pabalik sa kaniya ang dart na nasalo niya agad. Naglakad siya papunta sa malaking bintana na sakop ang buong dingding, gawa ito sa salamin kung saan hindi siya makikita ng mga nasa labas. "Sa isang araw yata, mabibilang ko lang ang mga salitang sinasabi mo." Nagpatuloy sa pagsasalita si Ian, habang siya naman ay nakikinig pero nanatiling tahimik. "Ang daming enrollees ngayon, 'no?" Nakiupo si Ian sa sofa na kinaroroonan niya, nakaharap ito sa bintana. "May nakasalubong ako kanina, binati ko na nga hindi man lang bumati pabalik. Ranggo ako at napahiya ako siyempre!" Paano nga ba itong papansinin nang kung sino mang iyon? Masyado itong malandi para sa isang lalaki. "Sinong tinitingnan mo?" Umusog sa tabi niya si Ian. Gusto niya sabihing wala siyang tinitingnan pero ang totoo, may nakaagaw na ng pansin niya. "It's her!" ani Ian. Mula sa school ground ay naroon ang babae, nakatagilid ito sa kaniya kung mula sa puwesto niya titingnan. Nakaupo ito sa stone bench at sinasandalan ang stone table sa tapat niyon imbis na sa lamesa na ang open space ang kaharap. Ang mahabang tuwid at itim na buhok nito ay nililipad ng hangin, tila hindi nagsusuklay na halos tabunan na ang sariling mukha kaya maliit lang na porsiyento ang makikita. May salamin sa mga mata, malabo siguro. At kahit magulo ang buhok ay pormal ang pagsuot nito ng uniporme, hindi katulad sa ibang mga babaeng estudyante sa unibersidad na iba't ibang mamahaling sapatos at palamuti ang suot. Ang babaeng ito lang yata ang nakita niyang nakasuot ng complete uniform. Siguro ay dahil baguhan ito, baka sa susunod ay makuha na nito ang gawi ng mga babae sa unibersidad. May lumapit dito, grupo ng mga babae na kikay manamit. Sinipa ng nasa gitna ang sapatos nito dahilan kaya nag-angat ng paningin ang babae na kanina lang ay nananahimik. Noong batch ng Kuya niya ay walang ganitong klase ng mga estudyante. Ngayon, nauso ang katulad ng mga iyon: mean girls. Ang pagpasa ang inaatupag ng mga estudyante noon pero ngayon, ang gusto na ng mga ito ay sumikat. Marahil ay dahil wala na ang parusa para sa mga sampung estudyanteng bagsak taon-taon. "Pagtitripan pa yata ni Shasha!" It's Ian, tinutukoy ang leader ng mga babaeng iyon. Tiningala ng babae nang walang reaksiyon ang mga ito habang magkakrus ang mga braso nito. Hindi niya ito gawain pero ginamit niya ang pagiging peculiar in hearing at pagiging peculiar in sight niya para makiusyoso. "What you'd done earlier in the cafeteria was embarrassing! Apologize, four eyes!" Parang walang narinig ito at nanatili lang na nakatingin kay Shasha na nagsalita kanina. "Bingi ba 'yan?" Ika ng babae sa kaliwa ni Shasha, nagmistula itong back-up. Dumaan ang dalawang segundo. Matapos ay... "Sorry," patay nitong sinabi at walang mababahirang emosyon, kundi parang may accent. Umawang ang labi ni Ashton. Hindi makapaniwalang ganoon kababa ang pride ng babae. Tumayo tuloy siya para umalis na sana dahil nawala na ang interes niya pero... "Better! Marunong ka naman pala mag-sorry." "Woah!" Natatawang tumayo si Ian at mas lumapit sa bintana. Nang makita niya ang scenario ay nag-iba na ito. Nakatalikod na ang babaeng iyon mula kina Shasha, mukhang aalis na sana nang pumihit ito para lingunin ulit ang tatlo. The way the girl turned her head was damn cool. She brushed her hair calmly, maybe trying to hold her anger back. Sa paningin ni Ashton para bang naging hudyat iyon ng isang giyera. "What's with that?" Tumawa nang nakaloloko si Shasha. "Sorry... because this might smash your pretty face," anang babae. "Ash! Ano pang hinihintay mo? Gulo 'to!" ani Ian Chen nang matunugan iyon. Maging si Ashton ay nagulat sa mabilis na pangyayari. Hindi na natuloy ni Shasha ang sanang sasabihin nang sa isang iglap ay nagkagulo na, at sa isang sipa ng babaeng iyon ay tumumba si Shasha. Dumami ang mga estudyanteng nanonood. Tumayo si Shasha at sinubukan na labanan ito pero bawat tira ni Shasha ay nasasalo ng babae at mas napupuruhan lang lalo ang bratinela. "Ashton!" Hindi siya makagalaw kahit na tinatawag na siya nang paulit-ulit ni Ian. Mayamaya pa ay sumali na ang mga kasama ni Shasha pero hindi naging sapat ang mga iyon para matamaan man lang ng kahit na suntok o sipa ang baguhang babae. Tungkulin nila na panatilihin ang kapayapaan sa loob ng unibersidad. Dapat ay nag-teleport na siya sa roon ngayon pero nanatili siyang nakatayo sa tapat ng bintana, mas piniling manonood. Bigong suminghal si Ian at walang nagawa kundi ang bumaba sa building. Dahil hindi ito peculiar in body ay natagalan pa bago niya ito tuluyang matanaw mula sa ibaba. Kasabay ng pagdating ni Ian doon ay ang paglitaw na rin ng ilang ranggo sa senaryo. Mariin siyang napapikit at kuyom ang kamaong nag-teleport na rin nang hindi makatiis at natauhan. Nang dumating siya ay iba na ang kaniyang naabutan. Huminto na ang away, magkahiwalay na ang panig ni Shasha at ang babae ay tinapik ang kamay ni Ian Chen pabitaw sa braso nito na senyales na kakalma ito at hindi na kailangan pang pigilan. Blangko pala talaga ang mga mata nito. Si Yrrana ang ikatlong ranggo ang hinuha niyang nagpahinto ng komusyon dahil nakapagitan ito sa bawat panig. Gaya niya, pinapanood din nito ang babae na papalayo na ngayon. Halos humawi ang mga estudyante at maging ang mga ranggo nang dumaan ito. Lahat sila ay nakasunod ang paningin dito hanggang sa nawala na ito nang tuluyang lumiko sa kabilang gusali. Sabay-sabay na nagkatinginan silang mga ranggo. Siyam lang sila ngayon dahil ang ikalawang ranggo ay nasa labas ng unibersidad dahil sa isang pribadong gawin. Matapos ay sabay rin nilang ibinaling ang mga paningin sa grupo ni Shasha. Nakatungo ang mga kasama nito, ang isa na may hawak kay Shasha ay napabitaw nang padabog na kunin ni Shasha ang sariling braso. "First day of class, Ms. Sharein Arzago. You didn't even let this day pass to create chaos. I lost count of all the fights that you started. She is a new enrollee for our last year here before we graduate, you should have approached and welcomed her instead of picking a fight with her," sopistikadang sinabi ng ikatlong ranggo na si Yrrana. Hinayaan niyang ang ikatlong ranggo ang magsalita, hindi naman talaga siya nagsasalita kapag may mga pangyayaring ganito. "How did it start?" Humakbang palapit sa harapan ni Shasha si Juszine, ang ikaapat na ranggo. Ang mahinang tilian mula sa mga babaeng estudyanteng nanonood ay umabot sa tainga niya. Nilingon niya kung saan iyon nagmula at agad namang napayuko ang mga iyon nang makita na nakatingin siya, ngunit naroroon ang panibagong kilig dahil sa ginawa niyang pagbaling. "Is that necessary?" Agad na sumabat ang ikalimang ranggo na si Ruhence. Of course, Ruhence would protect and save his girlfriend. Naramdaman niya ang paglapit ni Ian sa kaniya, nagpapahiwatig. "Of course, Ru," seryoso itong sinagot ni Juszine. Nakita niya ang ginawang pag-ismid ni Laxy sa dalawa, ang ikawalong ranggo na may matingkad at mahabang tuwid na pulang buhok. Kahit na naka-hood ito ay nahalata niya iyon. "Ash." Lumapit na rin sa kaniya ang ikasampung ranggo na si Hazethe. Kinukulot na naman nito ang hanggang balikat na buhok gamit ang daliri. "Should we?" Isa lang ang ibig sabihin, kung pagigitnaan ba nila sina Juszine at Ruhence o hahayaan na lamang. Hindi pa rin siya nagsalita, imbis ay pinanood niya si Nyttea ang ikapitong ranggo na lapitan si Juszine. "Kung hindi natin ito aagapan agad, baka mas lumala pa ito sa susunod," dumipensa ito para kay Juszine. Natatawang pumagitna sa tatlong ranggo na malapit nang mag-away ang ikatlong ranggo na si Yrrana. "Baka kayo naman ang awatin namin? Tumigil kayo." Ang tawa nito, hindi ibig-sabihin ay masaya kundi naiinis na panigurado. "Just answer Juszine." Maging ang ikasiyam na ranggong si Paiver na hindi rin gaanong nagsasalita ay nagsalita na, napipikon na rin. Narinig niya ang mapang-asar na pagsipol ni Ian. Walang nagawa si Shasha kundi ang bumuntong-hininga. "Hindi niyo ba nakikita? She's weird. It makes me hate her." Nanatili ang nananantiya niyang titig kay Shasha lalo na dahil sa sinabi nito. Narinig niya ang pagtawa ni Ian sa tabi niya. "Oo nga, ang weird." "What a reason." Nang-iinsultong tumawa si Juszine dahil sa isinagot nito at nang-aasar na tiningnan si Ruhence. "What do you expect? We are born to fight!" Talagang hindi nagpatalo si Shasha. Sabay silang nagkatinginan ni Yrrana, napangisi ito. "We are born to fight..." Hindi niya na napigilang hindi magsalita. "But not to make a fight, Sharein." Pinasadahan niya ng tingin ang grupo ni Shasha. "I saw what happened, and if you want to make us believe that the girl you called weird was the one we should blame, who's stupid would believe you? And how you reasoned out?" Tumango si Yrrana. Tiningnan niya si Ruhence na nararamdaman niyang matalim ang titig sa kaniya. "Another thing, Xionne Ishihara is quietly sitting here until you enter. Gawain lang ng walang modo ang guluhin ang nananahimik," Yrrana added. Bahagyang umawang ang labi ni Ashton nang marinig ang pangalang iyon. "Gumanti lang ako." Inis na suminghal si Shasha, naghihingi ng tulong na tumingin sa kasintahang si Ruhence. "Siya ang unang umatake." "You're the one who pushed her to do that. Hindi ka naman siguro basta-bastang sasaktan ng isang baguhan nang walang dahilan?" si Nyttea naman ang nagsalita. Lumapit si Ruhence sa kasintahan, hinawakan ito sa palapulsuhan, at walang anu-anong hinatak palayo sa komusiyon. Natawa agad si Hazethe na nasa tabi niya. "Ang sweet ni lover boy." Lumapit naman si Laxy sa kaniya. "Are we just going to let this slide, again?" Diretso siyang tumingin mula sa gusali kung saan lumiko ang babaeng nakasalamin kanina. Imbis na siya ang magsalita ay si Ian na ang gumawa, ginamit niya ang kaniyang pagiging peculiar in mind para maparating ang nais sabihin kay Ian. "Kapag pinalaki 'to, madadamay si Ishihara. Damay ang walang kasalanan. Shasha benefits because her mother is an official, we all know that." Halos sabay-sabay na nadismaya ang mga ranggo sa narinig. Sharein Arzago is a pain in the ass for them. Queenbee, that's how she is called by the students except them: the ranks. Idagdag pa ang kasintahan nitong isa sa kanila, si Ruhence Salvador, pero kay Shasha pumapanig. Nakangisi nang talikuran sila ni Paiver Santiago ang ikasiyam na ranggo. Bihira nila itong makita sa ganitong estado dahil madalas talaga ay wala itong imik. "But X is someone you also shouldn't get troubled with. Nakita niyo ang ginawa niya? She's too unpredictable to defeat." Ang mga salitang iniwan nito ay ang paulit-ulit na gumulo sa kaniyang isipan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married to a Hot Magnate

read
356.6K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
271.5K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.9K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.0K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook