bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

book_age18+
135.8K
FOLLOW
829.8K
READ
billionaire
pregnant
arranged marriage
arrogant
comedy
twisted
bxg
nerd
office/work place
passionate
like
intro-logo
Blurb

FALLEN SERIES #3

[WARNING! SPG! MATURE CONTENT]

PAANO ipaglalaban ni Hescikaye ang batang dinadala niya sa sinapupunan niya? Gayong ang bunsong kapatid niya mismo ang siyang kaagaw niya sa lalaking minamahal niya.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Hescikaye "Tsk. Who told you, I would love you? Look at yourself!" puno ng panunuyang sabi niya. Nagsisikip ang dibdib ko ngunit pilit ko itong iwinawakli. Nanatili akong nakatitig sa kanya habang wala siyang tigil sa pangda-down sa akin. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa hitsura kong ito? Isang probinsyana, parang pugaran ng ibon ang aking buhok dahil sa bukod sa napakabuhaghag nito ay napakagaspang pa. May ilang balat din ako sa pisngi at ilong. Dinaig ko pa ang isang mangkukulam. Samahan pa ng makapal ko ding bangs sa aking noo. Naka-reading glasses, gusot-gusot na uniporme at sipit na tsinelas lang ang tangi kong suot. At ang kaharap ko naman ngayon ay ang mismong anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Isang napakagwapo at napakakisig na binata. Kararating ko lamang dito sa Manila magmula pa sa Palawan. Pinili kong iwan ang buhay ko doon upang lumayo sa mga magulang ko na walang ibang kayang gawin kun'di ang maniobrahin ang buhay ko. Nakikitira ako ngayon sa apartment ng isa kong kaibigan at siya ang nagrekomenda sa akin upang makapasok sa kumpanyang ito bilang cook. Dahil sa magaling naman akong magluto ay kaagad akong nakapasa sa panlasa ng ama ng aroganteng ito kahit na ba napakapangit ko. Ini-assign nila ako sa isang exclusive at malaking branch nila ng restaurant dito sa BGC Taguig at hindi ko naman akalain na ang anak nilang ito ang magiging amo ko dito. "Stop staring at me, will you?!" sigaw niyang muli sa akin. Napayuko na lamang ako. Abot-abot ang aking hiya sa mga kasama kong naririto at naririnig ang pagbulyaw niya sa akin. Narito kami ngayon sa loob ng kusina. "I-i'm sorry, Sir. H-hindi na po mauulit," paghingi ko ng paumanhin. Napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ko ang panlalabo ng aking paningin at anumang oras ay papatak na ang aking mga luha. "You're here at my company to work. Put your damn self where you belong. Act according to your position. Is that clear?!" bulyaw niyang muli at 'di ko mapigilan ang mapapikit. "Y-yes, Sir," tila bulong na lang ang lumabas sa aking tinig. Kahit nakatago lamang ako sa posturang ito ay hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng hiya. Hiniling ko na sana ay lamunin na lang ako ng sahig. "Stop making your fantasies. You're too ugly to like you," huli niyang sinabi bago umalis sa aking harapan. Parang sinibat ang puso ko sa sinabi niyang iyon. "Back to work!" sigaw niya sa lahat bago tuluyang lumabas ng kitchen. "Buti nga sa iyo," ani naman ng girlfriend niyang si Hannafaye bago paismid na sumunod sa boyfriend niya. Hindi ako nakakilos mula sa aking kinatatayuan. Hindi ako makatingin sa aking mga katrabaho dahil sa sobrang hiya. Siya si Mclaren Lewis Garland, ang lalaking sinagip ko noong muntik na siyang malunod sa dagat sa Palawan. Siya rin ang kauna-unahang lalaking bumihag sa puso ko at pinag-alayan ko ng sarili ko. At siya naman si Hannafaye, ang bunso kong kapatid na siyang nakatakda namang ipakasal sa kanya. Hindi nila ako nakilala sa postura kong ito. Wala sa sarili akong napahaplos sa puson kong bahagya pa lamang bumubukol. Paano tayo lalaban, anak? Paano natin ipaglalaban ang daddy mo, gayong siya mismo ang nagtataboy ng sarili niya palayo mula sa atin mismo! Sana ay bangungot lang ang lahat ng ito!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
380.2K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.9K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
628.0K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
290.8K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
630.5K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook