bc

Horizon

book_age16+
1.6K
FOLLOW
8.6K
READ
kickass heroine
sweet
gxg
bisexual
humorous
city
enimies to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

Totoo bang basta seafarer womanizer?

Naniniwala ka bang basta piloto nang-iiwan sa ere?

Paano mo liligawan ang isang taong inis na inis sa'yo?

Paano pag nalaman mong konektado ka sa babaeng una niyang minahal?

Paano na lang si Shanika na inlove na inlove kay Prey?

chap-preview
Free preview
1
Horizon 1 2012 SHANIKA's POV Masakit na namn ang ulo ko pagkagising. Inabot na kasi ako ng madaling araw sa party ng kaibigan e. Hindi nga ako umuwi sa unit ko. Dito na ako sa unit nina ate Zynthia tumuloy. "oh hangover?" nilagay niya ang tasa ng kape sa tapat ko. "Saan ba kayo nagparty?" "Sa bahay ni Lindsay. Birthday kasi niya. Angsarap ng mga alak dun." Nakaramdam na naman ako ng pagsakit ng ulo ko. s**t! "oh? Anong nangyari sayo?" "Masakit na naman kasi..." "Lagi bang ganyan?" Umiling ako. "Paminsan-minsan lang. Kapag pagod. Yata ewan ko. Maggamot na muna ako. Punta na rin akong airport maya-maya." Nang makainom ako ng gamot ay nawala na rin ang p*******t ng ulo ko. Marami nang missed calls si ate Mauren. Hays! Mapagsasabihan na naman ako nun pag nalaman niyang pumarty ako hanggang umaga. Nang makapag-ayos na ako ay saka ko na siya tinatawagan. Humanda ka Shanika sa sermon na ate mo! She's my half sister. Anak ako sa ibang babae. Pero hindi na iba ang turing nila sa akin. Ulila na ako. namatay si nanay dahil sa brain cancer. Nung nadiagnose siya hindi na makuha sa gamutan. Hay! ayokong malungkot ngayon. Tinawagan ko na si ate. Isang ring lang sinagot na niya. pangitain na lagot talaga ako! >>Hi ate... (Saan ka na?) >>>Paalis pa lang. dito ako natulog sa unit nina ate Zynthia. (Bakit? Wala ka bang bahay? Nagparty ka na naman siguro.) >>>Ate...lobatt na ako..tawag ako mamaya..babye... I love you! Hay! Yan lang ang tanging paraan para maiwasang mabasag ang eardrums ko!                 "Good morning Maam Sej!" bati ko kay Maam Segun Silv Salazar. SEE-GAHN. Ganyan daw ipronounce ang pangalan niya. She's my superior here in Phil Airlines. Gusto ko siya iimpress! Kasi sabi ni ate Mauren strict daw siya at iilan lang ang trainee na kinatuwaan niya. Tiningnan lang niya ako tapos nilampasan. "you're 5 minutes late Silverio. Huwag mo nang uulitin to kahit magaling kang piloto hindi ka pwedeng mahuli kahit ilang Segundo." "Sorry po..." Hindi ako pinansin! Palabas na ako ng office tapos nakita ko si ate Mauren. Kunot ang noo. Iniwasan ko nga yung tawag pero heto na up close ang personal. "Good morning Mauren." Bati ni Maam Sej. "Kunot ang noo natin ha?" "Kausapin ko lang tong kapatid ko." Lagot na! tingin pa lang ni ate kasi para na akong nasisilaban. Humalukipkip siya. "Now what? Give me valid reasons bakit ka nagpaparty gang madaling araw? Ilang gabing sunod-sunod na to ha?" "alternate naman ate. Hindi sunod-sunod." "Yan! Napakapilosopa po! Huwag mo nang uulitin to Shanika. Sinasabi ko sayo kapag nagkarecord ka kay Miss Sej, mahihirapan kang makabawi." Tinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. "I know. Kaya maiwan na kita dito. Flight na namin in 30 minutes." Nilampasan ko na siya pero tinawag pa niya ako kaya nilingon ko siya. "May bilis ka ate?" "Ingat ka. Miss ka na ni daddy. Punta ka sa bahay kapag free ka." "Next week ate." -- I love the clouds! Gusto ko din ma-experience ang sky diving. "Hindi ka turista dito. Safety ng mga passengers ang isipin mo hindi yang pag-daydreaming." Masungit talaga si Maam Sej! Napakasungit! "Sorry maam. Naisip ko lang kasi mag-sky diving." "Sporty. Adventurious pero laging late." "Hindi naman palagi. Twice a week lang maam." Napailing siya. Totoo naman kasi. hindi ako nalilate nang higit sa dalawnag beses. I suck in waking up early! Touch down Davao! Bukas pa ulit ang balik Manila kaya sa hotel na muna kami. Kasama ko sa room si Miss Sej. "Matutulog ka lang maam Segun? Labas tayo mamaya with the crew." "Hindi sila lulamabas kapag ako ang piloto."sagot ni Miss. "You can go if you want. Just be here before midnight." Sure! Gusto ko maglibot na muna. Hindi na ako nagbihis. Sayang yung ilalaba ko e. Angsarap damhin ang sinag ng araw! Sana next time international flight na! pero dami ko pang trainings na kailangang pagdaanan nun! Reyna pa naman ako ng katamaran. Bakit nga ba ako nagpiloto? Balak ko kasing sunduin ang mga taong iniwan sa ere! Haha. biro lang. Idol ko si ate Mauren. Kahit pinipilit ako ni kuya Moises, kakambal niya, na mag-seawoman ako tulad niya mas matimbang pa rin yung kagustuhan kong magpalipad ng eroplano. Sa Abreeza mall muna ako. Nakakaganda ba tong uniform ko at marami ang nagsesecong look sa akin? Bibili ako ng sapatos. Pero kakain na muna ako. nakakagutom ang masungit-sungitan ng superior mo e. Habang kumakain napansin ko ang isang babae na nakablondfold. Nakaopen-arms siya. May placard na nakasabit sa kanya. I am bisexual. Can you give me a hug? Anong trip niya? Hindi siya binibigyan ng pansin ng mga dumadaan. Hay! ano ba namang mga tao to? hug lang ipagdadamot nila? Bilisan ko nang kumain. Ti-nake out ko na ang drinks. Nilapitan ko siya. Dalawang dipa siguro ang layo ko. Mas matangkad ako sa kanya. Infairness, nice biceps kaso. Maputi. I wonder kung maganda rin ang mata niya. Nakaopen-arms pa rin siya. Isang dipa. Hindi ba siya nangangawit? Tuluyan ko na siyang niyakap. "Nakailang yakap ka na?" tanong ko habang tinapik-tapik ang likod niya. "10 in one hour." Sagot niya. "Thirsty?" Tumango siya. Yung drinks ko itinapat ko sa bibig niya yung straw. "hindi ko pa ininuman yan. inom ka na muna." Ginawa naman niya. "Thank you. Pwedeng isa pang yakap?" "Sure." "Thanks."sabi niya saka kumalas sa yakap. "Maraming salamat." "Wala yon. mahal ka namin." Ginulo ang buhok niya. "I'll go ahead." Umalis na ako. Napakaewan ng mga tao dito. Isang yakap lang ipagkakait pa? "Miss!!!" Nilingon ko siya. "Huwag kang magpapalit ng pabango ha?!" Napapiring pa rin siya habang isinigaw yon. Precripto 88. Favorite scent ko yon. Never pa akong nagtry ng ibang pabango dahil loyal ako. haha! Biro lang ulit. Hindi ko nga rin alam pero sobrang attached ako sa scent na yan. -- Bumalik na ako sa hotel. Nasa harap ng laptop si Miss Segun. "Kumain ka na miss Segun?" "No. Ikaw ba?" "Done na. Inaantok na nga ako e." Nilapag ko sa bed yung mga pinamili ko. "huwag kang gumastos nang higit pa sa sweldo mo. Kung sa lahat ng flights natin mamimili ka paano ka makakaipon?" Wow! Tono ng ate ko yon ha? "Last na to. Hindi naman marami pero thanks sa paalala." -- Night came. Kausap ko ulit si ate Mauren. Gabi-gabi tong tumatawag. Kapag ganito mandatory na tatawagan ko siya. (Sumakit pa ba ang ulo mo?) >>>Kaunti. Ate huwag ka ngang magworry. Paranoid ka na naman. (Hindi naman mawawala yon sa akin. Pagbalik mo magpacheck ka ulit ha?) >>>Nagpacheck up na ako diba? Wala lang to. stress lang. baka gawa nung aksidente dati. Naaksidente kasi ako noon. Nakalimutan ko ang ilang alaala. Na hindi ko na rin naman pinipilit alalahanin. Move on na ako sa panibagong buhay na binigay ni God sa akin. >>>Huwag ka nang mag-alala ha? healthy ako...super healthy! (Oo na! Sige na matulog ka na. Huwag ka nang aalis ng hotel. Baka magparty ka na naman diyan.) >>>Grabe ka ate! Hindi na ako lalabas. Pero maraming magaganda dito. (Hindi porke tanggap nina mommy at daddy na bi tayo e maglalandi ka diyan. Trabaho ang pinunta mo diyan Shan! Trabaho!) >>>Paranoid! Haha. wala akong sinasabing ganun! Okay. Bye na. Humiga na ako. Hindi ko nga maiaalis na mag-alala sila pero healthy naman ako. Malayo to sa pinapangamba nilang magaya ako kay Mama. "You only have Mauren who worries a lot. Imagine me. I have 4 siblings who always call and check on my locations." Natatawang sabi ni maam Segun. Tumunog naman ang phone niya. "Hello... Oh nandito pala kayo? Sige.puntahan ko kayo... Oo na. libre ko na! Huwag mong painumin si Prey. Baka umiyak na naman! okay sige. Bye!" Nagmadali siyang nagbihis. "Akala ko miss walang night out kapag ikaw ang piloto?"biro ko sa kanya."Sama na lang ako." "Hindi pwede. Ngayon lang nila ako makakasama dahil busy ako tapos isasama pa kita. Magtatampo ang mga yon lalo si Prey. Dalhin ko na tong susi." Nang makaalis siya kinuha ko nama nang sketchpad ko. hindi pa kasi ako makatulog! So what to sketch now? Dito ko idinodrawing ang mga images na bigla-bigla na lang sumusulpot sa isip ko. hindi ko alam kung kasama ito sa past ko or produkto na lang ng imahinasyon ko. Binuklat ko ang pad. Hay! Hindi malinaw! Hanggang sa makarating ako sa pahina ng car accident. Isa to sa mga dahilan kung bakit ayaw ni ate na mag-car racing ako. pero hindi ko naman maiwasan ang hilig ko talaga sa mga kotse kaya sinusuway ko siya. Fuck! Heto na naman ang pagsakit ng ulo ko! nabitawan ko na ang pad at pencil. Parang gumagapang sa buong katawan ko yung sakit. "Clareth! Anak! Huwag kang bibitaw! Huwag mo kaming iwan..."     PREY'S POV Pag sinasapian talaga tong mga kaibigan ko angbilis magdesisyon! Gusto nilang gumawa ng social experiment. Dito pa talaga sa Davao ang trip nila. "Nakakahappy to!" excited na naman si Jasmine. "Bukod sa maraming magagandang chix marami pang hotels!" Binatukan siya ni Nicole. "sige subukan mong mambabae mamaya. Kakalbuhin kita talaga!" "Grabe. Hindi na mabiro. Oh suot mo na to Prey. Nakapwesto na rin si Nikee para sa video." Idea ni Jasmine to. Yung placard na may nakalagay na I am bisexual, can you give me a hug? Tatlong destination pa nga to e. Manila-Cebu at dito sa Davao. At ako ang natalo sa bunutan ng match stick kaya ako ang isasalang nila. Nakakalungkot! Sa isang oras ko ay parang sampu lang ang yumakap sa akin. Pansin ko lang sa mga yumakap sa akin mahilig sila sa cologne. 5 yata sa kanila cologne ang gamit, yung dalawa medyo mamahalin ang pabango. Yung tatlo wala. Plain lang yung amoy nila. Yung hugs nila sincere! May mga goodluck messages pa. mayroon din naiyak kasi anak daw niya lesbian. Mayroon isa na gustong tanggalin ang piring ko. no! ayoko nga! Nangangawit na ako! Teka. Hmmm... May naamoy akong ibang pabango. Parang malapit lang siya. Prescripto 88! Oo yun nga! Yung not so feminine smell yet it isn't masculine to! I think he or she is closer to me now. I open my arms. Hoping for a hug. Curious ako kung babae o lalaki yung amoy Prescripto. Please hug me! Just a slight hug! Closer! Naamoy ko na. shoot! It's a she! Taller than me! Prescripto 88 with minth scent of her hair! "Nakailang yakap ka na?" tanong niya habang tinapik-tapik ang likod ko. "10 in one hour." Sagot ko. I don't know pero nagregister sa isip ko yung amoy niya. yung tono ng pananalita niya niya. Feels comfortable. "Thirsty?" I nodded. Leche kasi mga kaibigan ko! hindi man lang ako painumin dito! Naramdaman ko ang pagdampi ng straw sa labi ko. "hindi ko pa ininuman yan. inom ka na muna." I sip on it. Thank god! Nakainom din! "Thank you. Pwedeng isa pang yakap?" coz I feel addicted to that mint scent and prescripto 88! "Sure." "Thanks."sabi niya saka kumalas sa yakap. "Maraming salamat." "Wala yon. mahal ka namin." Ginulo niya ang buhok ko. ikaw na matangkad! Medyo nainis ako tuloy. Ano ako? bata? Hay, pero dahil mabango ka. Okay lang. "I'll go ahead." Siguro hindi pa siya nakakalayo. "Miss!!!"sigaw ko. "Huwag kang magpapalit ng pabango ha?!" Hindi ko alam bakit ko yong sinabi. Much worse sinigaw ko pa talaga. hay! back to business! -- "So? Kumusta ang maraming yakap?"natatawang tanong ni Jasmine pagkarating namin sa hotel. "Inggit ako. next time ako naman ha? Kiss naman ang hingin ko." "Malandi ka talaga." binato siya ni Nicole ng throw pillow. "ako na lang bruh! Kiss and hug para sulit." Dagdag naman ni Nikee. Ang dalawang to talaga! "So? May memorable hug ba?"taning ni NIkee."Sincere hugs ba lahat?" Tumango ako. "sincere naman. at may memorable." "noodin natin yung video bruh. Tapos pahanap mo siya! baka yan na yung paraan para makamove on ka kay Francis. " Kahit kailan talaga Jasmine! Hindi ko na nga iniisip ang walang hiyang lalaking yon tapos ipapaalala mo! Angsama tuloy ng tingin sa kanya ni Nicole. "ano? Dapat always niyang maririnig yung francis...francis...francis para makamove on na siya. immunity tawag dun mga bruhs.! Immunity!" "Tangina..." disappointed na napahimalos si Nikee. Apologetic yung tingin niya sa akin. "Bruh hindi ko narecord yung video..." What? f**k! Halos dalawang oras akong nakatayo doon tapos hindi pala nakarecord?! God! Parang biglang naramdaman kong napilay ang balikat ko! yung effort ko! nasayang na naman!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
130.5K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.5K
bc

NINONG II

read
618.2K
bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook