bc

Dancing with Stranger

book_age18+
2.5K
FOLLOW
16.8K
READ
billionaire
forbidden
possessive
opposites attract
kickass heroine
independent
CEO
bxg
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

R-18 | SPG

SERIES IV: BENJ LEBRADO

Hindi maganda ang naging nakaraan ni Samara Guzman. Kaya ng gusto niya ng bagohin ang buhay na nakasanayan ay iniwan niya rin ang trabahong natutunan niya ng mahalin sa ilang taon niyang ginagawa ito. Ngunit hindi niya akalain na ang isang taong saglit na dumaan sa buhay niya noon muli niyang makikita sa bagong buhay na binubuo niya. At ang masama ito ay magiging amo niya.

Paano niya nga sasayawan ang lahat ng pagsubok na darating sa kanya?

Kaya niya bang bitawan ang pagsasayaw para sa kaligayahang nais niya?

Paano kung sa huli ay malaman niya ang sanga-sanga nila kaugnayan?

chap-preview
Free preview
Simula
PRIMERA CLUB, CEBU Napakamot nalang ako sa ulo ko ng marinig ang malakas na hiyawan ng bumukas ang ilaw sa stage na nasa harap ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Ang alam ko kanina ay naglalakad lang ako sa labas at ini enjoy ang bakasyon ko. Pero mapaglaro talaga ang tadhana dahil namalayan ko nalang na hinihila ako ng isang babaeng hindi ko kilala papasok sa bar na ito. Sinilip ko ang teleponong kanina pa nagba vibrate dahil sa tawag ng mga kaibigan ko. Aabalahin ko muna ang sarili ko, kaya maging abala rin muna kayo. Iyon ang nasa isip ko habang inaantay na mag-umpisa ang kung ano mang palabas ang nasa harap ko. “Handa na ba kayo? Ngayong gabi ang huling sayaw n’ya kaya lubosin niyo na,” anunsiyo ng bakalng nagsalita sa gitna ng entablado. Bigla tuloy akong naging interesado sa sinabi n’ya. Ganoon ba ito kagaling para abangan ng lahat ng taong nandito? Dahil hindi lang basta nanonood ang mga taong nandito, dahil puno ang buong lugar na animo’y siya lang ang inaantay. “Handa na ba kayo?” Muling sigaw ng emcee. “Bigyan natin ng malakas na palakpak at hiyawan ang huling sayaw nang Dyosa ng Club Primera! Please, welcome Ramaaa!” Kasabay ng sigaw ng emcee ay ang malakas at walang patid na sigawan ng mga tao sa paligid at pagpatay ng ilaw. Nang muling bukas ito ay nakatutok lang ito sa gitna kasabay ng paglabas ng isang babae sa gitna. Tinanggal ko ang butones sa suot kung kulay asul sa polo dahil parang biglang uminit at nahirapan akong huminga. Ganoon din ba ako ka excite? Kasabay ng pag play nang kanta sa background ay biglang umilaw ang maliliit na bombilya sa paligid niya at sabay na sumayaw sa saliw ng tugtogin ni Donna Summer na Last Dance. Bawat galaw niya ay hindi ko mapigilang hindi mapasunod ang mata ko sa kanya. Para akong nahihipnotismo nang bawat galaw niya. Wala sa sariling naitaas ko ang kamay ko sa kanya. “Yes, sir.” “Can I take her out?” Kita ang sa mukha ng baklang lumapit sa akin. “Hindi po binobook si Rama. Maari n’yo lang po s’yang panoorin mula sa stage na iyan,” paliwanag n’ya na tinuro pa ang entablado. Ganoon s’ya ka eksklusibo? Bawal s’yang lapitan o hawakan? Pero parang hindi ko kakayanin na lumabas ng bar na ito ng hindi ko s’ya nakikilala. “Magbabayad ako ng kahit magkano para sa ilang oras,” saad ko sa kanya. Masyado na akong desperado para makilala ang babaeng ito. Dahil kung papalagpasin ko pa ang isang araw ay baka hindi ko na s’ya makitang muli. Ito na ang una at huling pagkakataon kaya isusugal ko na lahat. Saglit itong natigilan at nag-isip bago nagpaalam sa akin. At muling natutok ang mata ko sa babaeng naka masakara at parang si Cleopatra sa gitna ng intablado. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kumuha ng atensyon ko ng ganito. Pagpatay ng ilaw sa entablado ay bumagsak din ang balikat ko. Mukhang hindi ko na nga s’ya makikilala pa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako bagsak balikat na tumayo. “You’re leaving already?” A voice ask me from behind. I think my jaw fall on the floor on what I’ve seeing right now. “Rama...” I think my heart almost jump when I saw how a small smile appear on her lips before she turned her back on me. Akmang susundan ko s’ya pero agad akong hinarang ng isang malaking lalaki na nakasunod sa kanya. Nang makaalis ito ay nilapitan ako ng lalaking kausap ko kanina ang floor manager. May binigay s’yang papel sa aking papel na hindi ko alam kung para saan. Pero nang mabasa ko ang laman noon ay ang malungkot kung gabi ay bigla nalang nagliwanag gaya ng buong lugar na kinatatayoan ko. Halos liparin ko ang labas ng bar bago sumakay ng taxi papunta sa hotel na nakalagay doon sa sulat. “Kuya, ayos na ba ang itsura ko?” tanong ko sa taxi. Natatawa niya akong nilingon. “Okay naman sir. Siguradong tubagon ka dayon sa imong hinigugma,” napakamot ako bigla sa ulo ko dahil sa sinabi n’ya. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman ako manliligaw. Pero sabagay ganoon din ang suma noon gusto ko pa rin magpaimpress sa harap ng babaeng ‘yon. Ibinababa n’ya ako sa isang mamahaling hotel. Kalaban pa yata ito ng hotel namin baka hindi ako papasukin. Muli kung binasa ang papel na hawak at nakalagay doon ang numero ng kwartong pupuntahan ko. At habang papalapit ng papalapit ako sa kanya ay bigla akong kinakabahan ng patid. This is the first time that this happens to me. I never had goosebumps like this on any woman before. No matter how rich or wealthy she is, so its kinda new to me. Hindi ko alam kung saan napunta ang yabang at lakas ng loob na lagi kung dala ngayong oras na ito. Pang ilang ikot ko na ito sa harap ng pintuan at hanggang ngayon ay hindi ko magawang kumatok. Damn! I feel like something inside my stomach were like grinding and its making me dizzy. “Tatayo ka naalng ba o papasok?” Napaangat ang tingin ko sa babaeng nakasandal sa pinto at pinapanood ako. “I’m sorry. I just—” “Pumasok ka na. Baka may makakita sa ‘yo hindi ko kasalanan kung dudumogin ka nila,” saad niya bago ako muling talikoran. s**t! Naiinis ako sa tuwing tumatalikod s’ya sa akin pero wala akogn magawa cause she’s not f*****g mine. “Opo ka. May gusto kang inumin?” tanong niya na para bang sana’y na sana’y sa ginagawa n’ya. “Akala ko ba ito ang unang beses mong pumayag sa isang customer mo?” Hindi ko mapigilang itanong sa kanya dahil mas lalo s’yang nagiging mahiwaga sa paningin ko. Nagkibit balikat s’ya bago kumuha ng kopita at alak at nilapag ito sa harap ko. Naikuyom ko ang mga palad ko ng hindi ko maiwasang hindi sundan ng mata ko ang bawat galaw n’ya. Ang suot niya kanina ay iba na sa suot niya ngayon pati ang telang pula na nakatakip sa mukha n’ya kanina ay nag-iba din. Kahit nakatakip ang mukha n’ya ngayong ng isang gold chain na maskara at tanging mga mata lang ang nakalabas ay hindi ko mapigilang maakit sa mga matang ‘yon. Para itong isa sa mga Prinsesa sa bansang Arabya na napaka sagrado. “Kasali ba sa babayaran mo ang buhay ko? Nandito ako sa harap mo bilang si Rama hindi ang kung ano pa man. Kung ganito k asa ilang oras akong uupo sa harap mas mabuting umalis ka na. Wala ko ikaw pugs asa paghimo bisan unsang desisyon kung ngano nga gusto nimo nga makasama ako karong gabhiona. Ayaw paghukum sa tanan nakong lihok!” Nakakaintindi ako ng Cebuano kahit papaano. Kaya alam kung galit na ito sa akin dahil sa sinabi ko. “Gusto kitang makasama dahil sabi ng kanina ito ang huling beses kang sasayaw sa entabladong ‘yon. At it orin ang huling gabi ko dito sa Cebu. Bukas uuwi na ako ng Manila. Kung ito na ang huling gabi mo doon hindi ko na alam kung paano kita babalikan.” Pagtatanggol ko sa sarili ko dahil alam kung masama na ang tingin n’ya sa akin at iyon ang hindi ko matatanggap. Saglit s’yang natigilan habang nakatalikod sa akin. Aalis na ba s’ya? Cause if she is I need to do something to make her stay with me. Even for hour I wanted to spend it with this lady in front of me. “I will pay—” “Tang’na! Hindi ako sumama dito sa ‘yo kasi kailangan ko ng mas malaking pera mo.” Agad akong natigilan sa narinig mula sa kanya kahit na nagmura na s’ya ay napaka sexy nya pa rin tingnan para sa akin. “Kung ganoon anong rason mo?” God, nagayuma ata ako ng babaeng ito. “Wag kang mag-isip ng husto Mister. Ikaw ang unang lalaking sinamahan ko sa ilang buwan ko na itong ginagawa. At kapag sinabing bawal ay walang lalaking nangahas sa polisiya kung iyon, bukod sa ‘yo.” Naikuyom ko nalang ang kamao ko sa naririnig mula sa kanya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa bago siya kinabig at sinalubong ng halik. Mga halik na dapat ay dampi lamang, ngunit habang dahan-dahan ding nanghihina ang braso n’yang tumutulak sa akin palayo ay mas lalo akong nahihirapang bitawan s’ya. “Bastos ka!” Isang sampal ang tumama sa pisngi ko kasabay ng pagbitaw ko sa kanya. Napapailing akong natawa ng hawakan ko ang pisngi ko. “Tsk! Did I do it the wrong way? Hindi ka ba nasarapan?” I smirked at her. Alam kung tunog gago ako ngayon. Pero mas lalong hindi ko maatim na bawiin ang bagay na ginusto ko namang gawin na kahit kaunti ay wala akong nararamdamng pagsisisi. Napapikit ako ng muli ay isang malakas na sampal ang dumapo sa pingi ko. Buti nalang talaga wala dito ang mga gago kung kaibigan dahil baka hindi lang ito ang abutin ko sa kagagohan ko ngayon. “Binuang ka man! Unsa man ang katungod nimo nga halokan ko? Akala ko iba sa kanila pero isang ka rin palang potang’na!” Galit na galit nitong sigaw bago akmang tatalikoran ako. Pero bago pa ito muling makahakbang palayo sa akin ay nahawakan ko na ang braso n’ya at hinila palapit sa akin. Sisigoradohin ko ngayong gabi hinding-hindi mo ako makakalimotan. Ang mga labing nasa harap ko ngayon ay parang isang ilaw sa harap ng gamo-gamo na mahirap tanggihan. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay bago s’ya sinibasib ng halik. Halik na mapaghanap at parusa. Nalasahan ko pa ang lasang kalawang na kumakalat sa loob ng bibig ko ng kagatin n’ya ang labi ko. “Then I’ll gave myself a right to kissed and have you tonight!” bulong ko sa kanya bago s’ya tinulak pabagsak sa kamang nasa likod n’ya. “Damn you!” bulong n’ya kasabay ng pagdaloy ng mga luhang kumawala sa magaganda n’yang mata. At parang may sumuntok sa akin dahilan din ng pagkirot ng puso ko. Tang’na talaga! Bago pa ulit ako mawala sa ulirat ko ay tumayo na ako at walang lingon s’yang tinalikoran. Sa susunod na magkita tayo pangako hindi na kita pipilitin at hindi mo na ako muling iiyakan pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tamed to Be Yours

read
384.8K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
327.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
240.8K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook