Prologue
“`MA, CAN you read me a story.
Please?” Inayos ni Eleonor ang kumot bago naupo sa
tabi ng anak.
“What story do you want me to read, hmm?”
Pinisil niya ang tungki ng ilong ng nito.
“I want Luna and The Alpha, please?” she
pleaded.
“Hindi ka pa ba nagsasawa sa kuwentong
iyon?” Eleonor asked.
Mabilis na umiling ang paslit. “I still love
hearing their story. Will you please, `Ma?” The little
girl pouted her lips.
Matamis namang ngumiti si Eleonor. “Okay, as
you wish…” aniya at kinuha ang libro sa ibabaw ng
beige na bedside table.
Naging mapayapa ang buong silid habang ang
pagbuklat lamang ng bawat pahina ng libro ang maririnig.
“Once upon a time, there was an Alpha cursed
by a witch-vampire who has seen no love in his
arrogant heart. Every night, he forgets himself and
becomes dangerous to everyone. The only way he
could break the spell was to learn how to love and be
loved by the choosen Luna, but who could ever learn
to love a beast?” pag-uumpisa ni Eleonor.
“Me!” masiyahing sagot ng paslit kasabay ng
paghikab nito.
Matamis na ngumiti si Eleonor at nagpatuloy sa
pagbabasa. “Two years later, a hunter from Atheia
Village was captured by the Alpha and imprisoned him
for trying to kill the beast. The Hunter's daughter, an
innocent woman who dreamed to live in a castle, finds
her father trapped in an underground cell. The daughter
offered she'll be a replacement of her father in the cell
instead. The Alpha accepted it with a promise she'll
stay by his side forever. But everything changed when
he learned the true identity of the hunter's daughter.
She is the Luna in the prophesy. The Alpha was
bewildered and chose to push her away, instead of
keeping her by his side.”
“`Ma…” putol ng paslit sa ina.
“Yes, dear?”
“Hindi po ba mamahalin ni Alpha si Luna? Can
you change the story? Make it a happy ending!”
Mapait na ngumiti si Eleonor. “We can change
our paths, but we can never change our destiny, my dear. Not everyone's love story ends up with a happy
ending.”
Nalungkot ang paslit. “Pero bakit po sila Snow
White, Cinderella, Belle, Jasmine, Aurora and
Pocahontas, mayro’ng happy ending?”
Hinawakan ni Eleonor ang pisngi ng kanyang
anak. “When you grow up, you'll understand. For now,
you should sleep.” She prompted her child to her fluffy
pillow and covered her with a thick sheet.
“`Ma…”
“Hmmm?”
“I hope I will meet my Alpha someday.”
Bahagyang lumukot ang mukha ni Eleonor.
Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kanyang
anak. Hindi niya gustong maranasan ng anak kung ano
ang naranasan niya noon. Imbes na tumugon ay
nagpaalam na lang siya at kinintalan ng halik sa noo
ang anak. “Good night, my dear…”
"Good night, `Ma. Good night, my Alpha,” she
murmured before she close her eyes.
Hinaplos ni Eleonor ang buhok ng anak. Pagod
na nagbuga siya ng hangin at kasunod niyon ay
lumiwanag ang kamay niyang nakatapat sa anak.
“Forget about the Lycans. You don't deserve someone
like them. Dissipati peribunt!” she hissed as the little
memories of her baby slowly fading about the lycans.
Hindi makapapayag si Eleonor na matupad kung ano
ang nasa propesiya. Not her daughter.
“Eleonor…” Bumaling ng tingin si Eleonor sa
pintuan kung saan nakatayo si Fred. Alam niyang
kanina pa ito nakatingin sa kanila simula noong
pumasok siya sa silid ng anak.
“Mas makabubuti kung wala siyang alam
tungkol sa mga Lycan,” Eleonor uttered. Inayos niya
ang kumot ng anak bago tumayo.
“Tungkol ba ito sa nakita mo sa hinaharap?” he
asked.
Tumango si Eleonor. “Nasabi ko na sa `yo
kung ano ang napagdaanan ko sa kamay ng mga
katulad nila at alam mo kung ano'ng klase silang
nilalang. Kaya hindi ako makapapayag na mangyari
iyon sa aking anak.” Mapait na ngumiti si Eleonor.
“Malaki ang pagpapasalamat ko sa `yo, Fred. Dahil sa
kabila ng pagkatao ko ay nagawa mo akong tanggapin
at tulungan.”
“Alam kong mabuti kang bampira, Eleonor.
Biktima ka lang din at walang kasalanan kaya
naiintindihan kita.” Fred tapped her shoulder.
“Maraming salamat, Fred.” Eleonor hugged
him. Natigilan si Eleonor nang may maramdamang
ibang presensya sa paligid.
“M-may nararamdaman ka ba?” kunot-noong
tanong ni Fred.
“S-someone is nearby—” Napasinghap siya at
nanlaki ang mga mata. “I need to get out of here, Fred.
Malalagay lang sa kapahamakan si Celestine kung hindi ako aalis dito.” Kumuha ng bag si Eleonor at
nagmadaling inilagay ang lahat ng damit niya.
“Pero—”
“Hindi lang si Alaric ang naghahanap sa akin
ngayon. Tiyak pati ang Alpha ng Garrette ay
pinaghahanap na ako dahil sa ginawa ko sa kanyang
anak.” Malungkot na sinulyapan ni Eleonor ang anak.
“Kaya mas makabubuti kung lalayo ako…”
“Sigurado ka ba? Saan ka naman pupunta?”
alanganing tanong ni Fred.
“Kahit saan basta malayo kay Celestine.”
Akmang aalis na siya nang higitin siya ng kaibigan sa
braso.
“Pero paano ang anak mo?”
“You can take care of her. You'll be a good
father, I know you will.” She smiled bitterly.
“Makakalimutan niya rin ako, Fred…” aniya
sabay hinawakan ang ulo ng kanyang anak at
lumiwanag iyon.
“Don't do this to your daughter, Eleonor!” He
tried to stop her but the light started to dim and fade.
“Sabihin mo sa kanyang matagal na akong
patay.” Tears started to fall from her eyelids. “Mas
makabubuti sa kanya na hindi niya alam na isa akong
bampira.”
“Eleonor…”
Muling lumiwanag ang kamay ni Eleonor at itinapat
ito kay Celestine. “Hindi mapipigilan ang paglabas ng
pagiging isa niyang pambira. Pero susubukan kong pigilan ito hanggang sa may magmamahal sa kanya
nang tapat. Amare autem intermissum quod sanguis!”
Matapos niyang magbitiw ng orasyon ay kinintalan
niya ng halik sa noo ang anak. “Mahal na mahal kita,
anak. Hanggang sa muli…” aniya pagkakuway
bumaling kay Fred. “Ikaw na ang bahala sa kanya.”
“Eleonor, don't do this,” pigil ni Fred sa huling
pagkakataon pero desidido na si Eleonor.
“Paalam, Fred…” Malungkot siyang yumakap
kay Fred bago tuluyang umalis.