bc

Trapped with the Devil

book_age0+
3.4K
FOLLOW
15.1K
READ
murder
dark
possessive
kidnap
arrogant
aloof
mafia
twisted
bxg
like
intro-logo
Blurb

Magbabago ang buhay ni Hera kasabay nang pagbabago ng kanyang itsura. Papasok ito sa mansiyon ng isang makapangyarihang lalaki na kinatatakutan ng marami na si Connor Ace Scott. Hiram na mukha, hiram na katauhan. Ano nga ba ang mangyayare sa buhay ni Hera sa katauhan na kanyang hiniram lamang kay Barbara? Ang asawa ni Connor.

Chat Conversation End

chap-preview
Free preview
Prologue
Dinig ang pagkasa ng baril na nagmumula sa nakangising demonyo. Demonyo na mahaba ang sungay at nanlilisik ang mga mata. "Pag bilang ko ng sampo nakatago ka na." Ngising sabi nito na parang nag lalaro lang ng tagu taguan. Hawak hawak ang isang bagay na pinagmumulan ng napakaraming dugo. "Isa." Unang bilang nito. Hindi magkanda ugaga ang babae na halos ikamatay na kung saan isisiksik ang katawan. "Dalawa." Nangingisay ang mga kalamnan ng babae sa sobrang taranta nito. "Tatlo." Napaiyak ang babae dahil hindi nito mabuksan ang bintanang nakakandado mismo. "Apat." Ngising demonyong sabi ng lalaki habang hinahanap ang babae. "Lima. Where are you my Barbara?" Halos malagutan ng hininga ang nag ngangalang Barbara sa pag banggit ng demonyo sakanyang pangalan. "Anim." Napakunot ang noo ng demonyo ng hindi mahanap ang babaeng si Barbara. "Pito." Napangisi muli ang demonyo ng maaninag nito ang tumatakbong anino ni Barbara. "Walo." Napahagulgol si Barbara dahil sa laki ng mansion ay wala siyang mapagtaguan. "Siyam!" Pasigaw ng nagbibilang ngayon ang demonyo at muling nanlisik ang mga mata habang hawak hawak parin niya sa kanang kamay ang isang makakapag sindak kay Barbara. "Bar-bara." Ngising sambit ng demonyo sa pangalan nito habang nakataas na ang sulok ng labi. "Where are you my wife?" Halos yumanig ang mundo ni Barbara sa paglapit ng tinig na yon. "Sampo." Wala ng emosyong sabi ng Demonyo. Papatayin na niya sa sindak si Barbara. ..-.. Hawak hawak ni Barbara ang kanyang bibig habang nakasiksik ang balangkinitang katawan sa gilid ng book shelf. Wala siyang magawa kundi doon magtago sapagkat wala siyang mapagtaguan. Ikinandado ng kanyang demonyong asawa ang lahat ng maaari niyang pasuking silid. Tumutulo ang pawis na may halong dugo ni Barbara. Kagat kagat ang ilalim na bahagi ng bibig habang lumuluha ang mga mata. Ang mga kamay ay nangangatog sa takot dahil hinahanap na siya ngayon ng kanyang demonyong asawa para patayin. "Where the f**k are you?" Wala ng emosiyong sabi ng demonyo. Sumigaw ito ng malakas tsaka pinaputok ng dalawang beses ang baril. "Tarantado ka! Asan kana!" Sigaw ng demonyo sa asawa. Hawak hawak padin sa kaliwang kamay ang bagay na kinatatakutan ni Barbara. Isa pang malakas na putok ang kanyang pinakawalan. "Tama na Connor! Maawa ka sakin tama na!" Nakahawak sa magkabilang tenga si Barbara habang umiiyak. Napalingon naman ang Demonyong si Connor sa gawi ng book shelf kung saa'y natatakpan ng kadiliman dahil sinadya niyang patayin ang kuryente ng buong mansion. Bakas ang malapad na ngiti ng demonyo na nasisinagan pa ng buwan. "There you are my dear wife." Sabi nito at ini-angat ang bagay na kinatatakutan ni Barbara. Napaluhod agad si Barbara sa asawa. "Maawa ka Connor w-wag mo akong papatayin. W-wag maawa ka. Nagkamali ako p-patawarin mo ako." Nanginginig ang kamay nitong nagsusumamo sa demonyo. Isang malalim na tingin lamang at ngisi ang ibinigay sakanya ni Connor. At itinapat ang bagay na hawak sa asawa na siyang ikinasindak pa lalo nito. "Halikan mo ang gagong to." Utos ng demonyo sa asawa. Patuloy ang pag agos ng mga luha ni Barbara. Diring diri ito na may halong takot. Takot dahil ang bagay na hawak hawak mismo ng demonyong si Connor ay walang iba kundi ang ulo ng lalaking kabit ni Barbara.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Delinquent (Athens Wolves Series Book 1)

read
1.5M
bc

Alpha's Hybrid Mate

read
8.4M
bc

My Dangerous Husband

read
283.9K
bc

Rogue (Alpha Dom’s Book 2)

read
254.8K
bc

Alpha's claim

read
2.3M
bc

Bad Sex: His uncle's mistress

read
9.2M
bc

Loving A Werewolf

read
45.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook