Pilit na nagtatago sa kahit anumang sulok si Luna.
Ngunit hindi nawawala ang lalaking nakatayo at maalab ang mga titig sa kan’ya.
Nakasuot ito ng itim na maskara, maayos ang tindig at may mga mapupulang mga mata.
Kahit malayo ito ay ramdam na ramdam niya ang madilim nitong presensya.
Nanginginig ang tuhod niya, namamawis pa ang kanyang noo dahil sa matinding kaba.
At hindi niya kayang maihakbang palayo ang kanyang mga paa.
Para siyang natuod, hindi makagalaw at makakilos.
At ang mga bibig niya ay kumusang nagtikop at 'di man lang siya makasigaw na pawang dinaig pa niya ang namaos.
Wala siyang lakas at hindi na siya makapalag nang makalapit na ito sa kan’ya.
Lalo na nang magsimula nitong hawakan ang maseselang parte ng katawan niya.
Wala siyang ginawa.
Nagpaubaya lamang siya sa mga mapupusok na halik nito.
Hinayaan niya lang itong alipinin siya sa kapusukan.
Paano siya makakatakas sa mga ginagawa nito kung mismong sarili niya ay nagugustuhan ito?
Paano siya makakalaban at makakapalag kung may sariling isip ang katawan niya't hinahanap-hanap ito?
Paano siya makakalaya sa estranghiyong lalaking ito na obsess na obsess sa kan’ya?
Kung siya mismo, wala siyang lakas na makalayo rito.
Siya si Luna Fajardo.
Hindi siya matatawag na biktima.
Dahil siya mismo ang nagkulong sa sarili niya sa mundo ng lalaking puno ng pagnanasa sa kan'ya.