bc

Ayla and the Seven Men (COMPLETED)

book_age16+
715
FOLLOW
2.5K
READ
possessive
friends to lovers
dare to love and hate
twisted
scary
small town
self discover
special ability
reckless
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Zyl always played Ayla's Knight in shining armour . Palagi siya nitong pinagtatanggol kay Goyong—ang aswang niyang manliligaw. Ngunit paano kung isang araw ay matuklasan ni Ayla na ang Zyl na pinagkakatiwalaan niya ay may itinatagong lihim sa kaniya?

Matatanggap ba niya ang natuklasang tunay na pagkatao nito o lalayo siya upang maiwasang maganap ang babala na nakasulat sa propesiya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Aray!” malakas na sigaw ni Ayla habang hawak ang kaliwang balikat. Napakagat siya sa kaniyang labi at impit na umungol nang maramdaman ang sumisigid na kirot sa kaniyang balikat. Pakiramdam niya ay may matulis at mainit na bagay ang gumuguhit sa balat niya. Pabagsak sa sahig na bumaba si Ayla mula sa kaniyang kama na kinahihigaan. Habol niya ang kaniyang paghinga habang iniinda ang sakit na gumuguhit sa kaniyang balikat. Sinikap niyang tumayo. Halos nakayuko at hawak ang nasasaktang balikat na bumaba siya ng hagdanan patungo sa sala. Ni hindi na niya nagawang abutin ang switch ng ilaw. Kahit madilim ay sinikap niyang tunguhin ang kinasasabitan ng salamin. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng hininga habang itinukod ang isang kamay sa dingding. Kakarampot na ilaw lamang na mula sa poste sa labas ang lumulusot sa malilit na siwang ng dingding ng bahay ang tanglaw ni Ayla. Nasulyapan niya ang orasan na nakasabit sa dingding sa ibabaw lamang ng TV. Pinasingkit niya ang mga mata upang sipatin ang oras. Nalaman niyang alas dose impunto na pala ng hating-gabi. Dalawang beses nang nangyayari ang p*******t ng balikat niya pagpatak ng hating-gabi sa hindi niya malamang dahilan. Sa kabila ng sumisigid na kirot na nararamdam niya sa kaniyang balikat ay humarap siya sa salamin. Binuksan niya ang ilang butones ng suot niyang pantulog at ibinaba ang manggas niyon. Bahagya siyang tumagilid upang makita ang dahilan ng kirot sa balikat niya. Kumawala ang malakas na singhap mula kay Ayla sa nakita. Nanlalaki ang mga matang pinakatitigan niya ang pagguhit ng pula at mala-sinulid na liwanag sa kaniyang balikat. Hugis apoy iyon at hindi siya makapaniwalang tila nagniningas iyon! Nanginginig na umangat ang kaniyang kamay upang damhin ang marka sa kaniyang balikat. Ngunit agad din niyang binawi ang daliri nang maramdamang mainit iyon. “Maligayang kaarawan, Mahal na Sefira.” Gulat na napalingon si Ayla sa pinanggalingan ng boses at muntik na siyang napasigaw kung hindi lamang niya nagawang takpan ang sariling bibig. Dumagundong ang t***k ng kaniyang puso nang mapagtanto ang anyo na nasa kaniyang harapan. “S-Sino ka!” nanginginig ang katawan sa labis na takot at pagkabigla na bulalas ni Ayla. “Ako si Alvadon. Ako ang itinakdang maging gabay mo bilang aming bagong pinuno. Ang aming Sefira,” wika nito na inalagay ang nakakuyom na kamao sa tapat ng dibdib at bahagyang yumuko. Napakapit si Ayla sa dingding dahil sa takot at pagkalito. Hindi siya makapaniwalang nakikita niya ang nilalang na iyon sa kaniyang harapan. Isang tao ngunit nagkakatawang kabayo. Isang kentawra at tinawag siya nitong Sefira!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
26.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.2K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
530.4K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.5K
bc

Reckless Hearts

read
255.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook