bc

Don't Touch My Birdie

book_age4+
2.2K
FOLLOW
13.6K
READ
brave
CEO
comedy
sweet
bxg
humorous
kicking
bold
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Si Patricia Katty o Pinky, isa sa pinaka-inosenteng babae sa balat ng lupa. Ang lahat ng makakausap niya'y mapapanganga sa angking kalinisan ng mga lumalabas sa bibig niya. Hindi n'yo naman siya masisisi, virgin pa nga kasi't inosente. Hanggang sa nakatagpo niya si Calvin Josuah na ubod ng pagkalandi, at ubod ng pagka-green minded.

Ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Pinky ay katumbas ng mahahalay na imahinasyon sa utak ni Calvin. Ngunit hindi naman iyon sinasadya, sadyang inosente lang talaga si Pinky kung magsalita. Isang inosente at isang green-minded, pinagtagpo ng tadhana. Tadhanang paglapitin sila't parehong mahulog sa isa't isa. At saka nga pala. . . para dumihan ni Calvin ang kalinisan ng mga salitang lumalabas sa bibig ni Pinky

chap-preview
Free preview
Chapter One:
Don't Touch My Birdie by: JheangLiit Chapter 1: Malamig ang simoy ng hangin at kapag ganito malamig, nagsisitayuan talaga ang mga feathers ni birdie. Siguro dahil giniginaw siya? Hindi ko alam kasi ibon siya at wala naman akong feathers. Balahibo lang ang meron ako, at kapag malamig, totoong nagtatayuan din ang mga balahibo ko, bakit kaya? May scientific explanation kaya ‘yong pagtayo ng mga balahibo? Hinimas himas ko ang mga balahibo ni Mia na kulay berde habang pinapakain ko s'ya ng bird seed sa loob ng kanyang hawla. Nasa veranda ako ng aming bahay. New year's eve na mamayang gabi kaya naman nandito halos lahat ng mga kamag anak namin at syempre pati ako, kasama kaya ako sa kapamilya, hindi lang kapamilya, kapuso pa! Hindi naman pwedeng kapatid kasi yah know, iyong mga pinsan namin, nandito rin. "Hay! new year na naman, marami na namang magpapaputok! I hate putukan, maraming nadidisgrasya... Lumulobo tuloy ang... ang mga daliri nila! Pagkatapos dudugo pa... bakit kasi may mga taong mahilig magpaputok?" I wonder. Binigyan ko pa ng isang dakot na bird's seed si Mia, ang alaga kong birdie. "Pinky, ano na naman ba 'yang sinasabi mo kay Mia? Kinakausap mo na naman 'yang alaga mong ibon." Nilingon ko si Babes, ang kapatid kong may kulay talong na utak. Ewan ko ba sa kanya, kung ano anong kabastusan ang iniisip. Hindi n'ya ako gayahin, napakainusente at mabait na bata. "Hayaan mo na ako at minsan lang naman kaming magkasama. At saka wala naman akong kung ano anong sinasabi sa kanya, sinabi ko lang naman sa kanya na malapit na ang oras ng putukan," sagot ko sa kanya. Muling ibinaling ko ang paningin kay Mia na ngayon ay sarap na sarap sa pag-tuka sa maliit na butil ng bird seed sa lagayan n’ya ng pagkain. "What? Ano? Araw ng putukan?" Takang tanong n'ya habang nakataas pa ang kilay, pumameywang pa siya. "Ang green minded mo talaga 'no? New year ang ibig kong sabihin!" Nagkaroon ng relief sa kanyang mukha pagkatapos kong sabihin na new year nga iyong akala n'ya kabastusan. Hello? Eh, totoo naman po kayang araw ng putukan ang new year! Taon taon na nga lang may napuputukan. Iyong iba sa loob pa nagpapaputok, ang lalakas ng tama ng mga taong ‘yon! Dapat sa labas sila magpaputok. Pero minsan hind parin maiiwasang madisgrasya kahit sa labas nagpapaputok, kung minsan kasi, may naiiwan pa, hindi kasi kaagad binibitawan. "Halika na nga Pinky! Maghahanda na tayo para sa new year's eve mamaya. Tayo ang nakatoka sa pagbili ng mga rekadong gagamitin sa pagluluto." Isinara ko ang kulungan ni Mia at saka ako tumayo. Bumaling ako kay Babes at naglakad palapit sa kanya. "Ok sige, halika na Babes!" Umakbay pa ako kay Babes, bagamat mas matanda s'ya sa akin ng isang minuto. Mas matangkad pa rin ako sa kanya, fraternal twins kami. Yes, kambal kami na hindi magkamukha. Mukha s'yang talong at ako naman mukhang birdie. Pero joke lang syempre. Kamukha kasi s'ya ni mommy at ako naman medyo hawig ni daddy na pinaghalong mommy. Medyo hindi ko gets? Ang g**o ko talaga. "Alis na po kami, mom!" Paalam ko kila mommy nang makita ko silang busy sa paglilinis at pagdedecorate ng buong bahay. "Ok, ingat sa mga nagpapaputok mga anak huh?" Paalala ni mommy na agad kong sinang ayunan. "Yes mom. Sasabihan ko po silang wag ipuputok!" Nakita kong namula si daddy, si mommy naman natawa na lang at bahagyang hinampas pa si daddy. Ganyan talaga si daddy o kaya si mommy minsan o kaya minsan ‘yong ibang mga kamag anak ko kapag nagsasalita ako. Bastos daw kasi ako magsalita. Hello? Anong bastos dun ano? Eh, talaga namang dapat sabihan ang mga nagpapaputok sa labas na huwag iputok dahil nakakasama! Lalo na kung mga bata pa. "Hay nako Pinky, dapat sa'yo tinatakpan ang bibig!" Galit na sabi ni Babes nang makalabas kami sa bahay. Dumiretso kami sa garahe para kunin ang sasakyan ni Babes, iniwan ko kasi ang kotse ko sa condominium na tinitirhan namin dahil pareho naman kaming pupunta rito. "Bakit naman tatakpan ang bibig ko? Papaano naman ako makakasubo?" Nangamot ng ulo si Babes at halatang problemadong problemado na talaga sa akin. Lagi na lang talaga... "Pinky, ilang taon ka na ba?" Binuksan ni Babes ang driver's seat at saka s'ya pumasok sa sasakyan niya. Ako naman ay pumasok na rin sa kotse para syempre makaalis na kami! "Hay nako Babes, kakambal ba kita? Bakit hindi mo alam na 23 years old na tayo? My God!" Bakit hindi n'ya alam na 23 na kami? Hala baka may alzheimers na s'ya? "Diyos ko!" Sigaw ni Babes at pinaandar na ang kotse n'ya. Hindi na lang ako nagsalita, alam ko naman na ganito ako, eh. Hindi ko alam kung bakit napaka inosente ko? Para akong bata? Siguro dahil hindi pa ako nakakapanuod ng p**n kaya inosente ako? O, di kaya dahil virgin pa ako? O, kaya dahil hindi pa ako nagkakaboyfriend? Hay nako ang hirap maging inosente. Pagkakamalan ka pang eksperto sa mga bagay na hindi mo naman talaga alam. Tumagal ng halos dalawampung minuto ang byahe namin ni Babes dahil sa traffic. Rush hour na kasi ngayon dahil mamaya ay new year's eve na. May mga naririnig na akong putukan kahit na umaga pa, marahil ay 'yong mga pasaway na mga bata 'yon. Paminsan minsan nga kahit matanda pasaway parin. Ipinarada ni Babes ang kotse n'ya sa parking area ng mall at lumabas na kami ng kotse. Syempre para makapunta na kami sa Mall. "Tara na Pinky." Hinawakan ni Babes ang kamay ko papasok sa loob ng mall. Takot kasi s'yang mawala ako sa paningin nya, ewan parang baliw talaga ang kakambal ko. Hindi na nga ako bata, eh. Kaya nga ‘yung hotdog na binibili ko, laging may cheese. 'Yon kasi sabi ni Aljur Abrenica sa commercial n'ya ng tender juicy hotdog hehe. Maraming tao sa loob ng mall dahil nga rush hour. Nakakainis nga eh, dahil siksikan at naaamoy ko ang mga mababahong kili kili nila. Naghalo ang amoy ng pabango at amoy pawis dito sa loob ng mall. Tiniis ko na lamang dahil wala namang ibang malapit na mall at isa pa nandito na kami alangan maghanap pa kami ng hindi matao. Nang matapos kaming mamili at nabayaran na ay dali dali kaming lumabas sa mall. "Ah, Grabe!" Pinunasan ko ang pawis sa aking noo. Pinagpawisan ako dun, ah! "Ang init sa mall, bakit ganun? May aircon naman." Pagrereklamo ni Babes habang naglalakad kami papunta sa parking area. "Ganun talaga, kapag masikip masyadong hot!" Sabi ko habang binubuksan ni Babes ang kotse. May narinig akong humalakhak sa likod ko. Sexy ang tawa n'ya at lalaking lalaki. Nilingon ko iyon at nakita ko ang isang lalaki sa loob ng kotseng Isuzu tatak at kulay itim. Kinindatan n'ya ako na halos ikinatulala ko. May kulot kulot s'yang buhok na parang pansit canton lalo pa at kulay blond iyon pero kahit na ganon gwapo s'ya. Dinilaan n'ya ang labi n'ya na ikinagulat ko. Hala? Anong nanyari? Ang manyak naman! Kahit gwapo s'ya hindi ko palalampasin ang nakakadiring tingin n'ya ano! "Hoy! Kuya hindi ako p****k, ha!" Sigaw ko sa kanya na dahilan kung bakit mas napatawa s'ya. "Hoy Pinky, ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Tanong sa akin ni Babes at napalingon na rin s'ya doon sa lalaki. Pinaandar ni pansit canton hair ang kanyang kotse pero bago s'ya tuluyang makaalis. "Good bye miss hot!" Shit na malagkit. Tinawag n'ya ba akong miss hot? Bakit miss hot? Eh, hindi naman ako mainit, ah. "Babes hawakan mo nga 'yung noo ko," utos ko kay Babes. "Huh? Bakit? Masama ba pakiramdam mo?" Lumapit naman s'ya sa akin at sinipat ang noo ko. "Hindi naman, ah? Hindi ka naman mainit." Kumunot ang noo ko. "Eh, bakit tinawag akong miss hot 'non? Loko 'yun, ah!" Napasapo na lang si Babes sa kanyang noo. Bakit kaya? Hot din kaya s'ya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.0K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

My Husband's Mistress

read
297.5K
bc

The Sex Web

read
130.9K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook