bc

Turn Me On

book_age18+
17.8K
FOLLOW
249.4K
READ
opposites attract
submissive
independent
dare to love and hate
billionairess
heir/heiress
sweet
bxg
office/work place
faceslapping
like
intro-logo
Blurb

Girl Like You Series

Book 2 (Chelsey & Luigi)

|R-18|

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam ni Chelsey na hindi talaga sila magka-match ng guwapong Assistant ni President Braun na si Luigi. Sa bawat pagkakataon na magkasama silang dalawa ay lagi silang nagbabangayan na parang aso't-pusa dahil sa pagiging suplado nito't pagiging ungentleman.

Lumaki siya sa simpleng pamumuhay kasama ang kanyang kinagisnang ina at masaya siya sa kung ano ang meron siya ngayon. Kailanman ay hindi niya pinangarap ang marangyang pamumuhay at bumalik sa totoo niyang pamilya.

Isang pangyayari ang bumago sa buhay niya nang dumating ang dati niyang manliligaw na minsan na siyang ipinagkanulo at sirain ang buhay niya. Bumalik si Jared dala ang malaking pasabog na siyang tinakasan niya noon at iniwasang mangyari, balak nitonh ianunsiyo ang pag-iisang dibdib nila.

Ngunit inunahan niya ito at sa harap ng maraming sikat na tao at mga reporter ay ipinagsigawan niyang buntis siya at si Luigi ang ama.

"What the hell did you do that?" salubong ang kilay na singhal sa kanya ni Luigi.

"Eto naman parang luging-lugi ka sa akin, ah!" nakahalukipkip na saad niya rito

"You lied to everyone and put me in the hot spot, sa tingin mo okay iyon sa akin?" asik ni Luigi na salubong pa rin ang kilay. Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinila paalis sa lugar na iyon.

"S-saan mo ako balak dalhin?" tanong niya.

"Bubuntisin kita, mas maganda nang totohanin natin ang kasinungalingan mo kaysa pareho tayong malagay sa alanganin!" nakangising sagot nito.

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA   Kinakabahan man ay inipon ni Chelsey ang lahat ng lakas ng loob at kapal ng mukha na meron siya para magawa ang pinaplano niya.   It’s now or never, self! Huwag kang kabahan, at matakot. Kaya mo iyan! Aja! Pagpapalakas niya sa kanyang sarili.   Nasa isang malaking event siya at kasama niya si Briella. Imbitado sila sa isang malaking pagtitpon ng mga kilalang tao sa industriyang ginagalawan nila. Of course, nandoon din si President Braun at ang masungit nitong Assistant na akala mo ay ipinaglihi ng nanay nito sa kasungitan.   Wala siyang balak  gumawa ng eksena o manggulo sa Event na iyon ngunit kung hindi niya gagawin iyon ay tiyak na katapusan na nang pagiging malaya niya at magsisimula na naman siyang matali sa isang bagay na tinakasan niya noon.   Gago kasing Jared na iyon! Bakit kasi biglang lumitaw ang damuhong na iyon kung kailan okay na ang buhay ko! Gigil na wika niya sa kanyang isip.   At para namang alam nitong gusto niya itong patayin ay bigla itong sumulpot mula sa likod niya.   “Hand aka na ba sa announcement ko?” nakangising tanong sa kanya.   “F*ck off, Jared! Kailanman ay hindi mo ako madadala sa ganyang taktika mo!” nakasimangot niyang singhal rito.   Ipinilig lang nito ang ulo at akmang lalapit sa kanya nang ambaan niya agad ito ng kamao. Natawa ito ng pagak at nakipag-fist bump sa kanya.   “There’s no one here who can stop me, hun,” anito at kinindatan siya. “See you after I announce our engagement.”   Nagtagis ang bagang niya at gusto niyang sampalin ito ngunit kapag ginawa niya iyon ay alam niyang mapupunta sa kanila ang isyu at iyon ang ayaw niyang mangyari dahil posibleng maungkat ang kalokohan niya noon. Huminga siya ng malalim at pilit kinalma ang sarili, pagmulat niya ng mga mata ay wala na ito sa harapan niya at nakikipag-usap na sa isa sa mga naroon.   Jared Alejandro, dati niyang manliligaw at kaklase nang nasa Senior High pa lang siya. Nag-iisang anak ng mga beteranong artistang sina Jaan at Alfred Alejandro. Nakilala niya ang binata dahil nagkalapit ang mga magulang niya at mga magulang nito, isa rin sa mga minor stockholder ng kompanya nila ang ama nito kaya mas lalong nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki na mapalapit sa kanya noon.   Sa umpisa ay nagkasundo silang dalawa, naging magkaibigan pero nang sabihin nito na manliligaw ito sa kanya ay doon na nagbago ang lahat. Nanliligaw pa lang ito sa kanya pero pakiramdam nito ay pag-aari na siya nito, may isa pang pangyayari noon na talagang hindi niya nagustuhan at simula niyon ay kinamuhian na niya ito. Iyon din ang naging dahilan kaya umalis siya sa poder ng pamilya niya at sumama sa taong nag-alaga sa kanya simula pagkabata niya.   “What are you doing here?”   “Ay punyetang kuneho!” gulat na saad niya sabay takip ng bibig niya dahil napalakas ang pagmumura niya.   Narinig niya ang pagsinghal ng kaisa-isang taong kanina lang ay laman nang pinaplano niyang kahibangan.   “Huwag ka ngang manggugulat!” sita niya rito.   “You’re spacing out, that’s not my fault,” masungit na sabi nito.   Sininghalan niya ito at balak pang patulan ang pagsusungit nito nang marinig ang boses ni Jared na nagibabaw sa buong lugar. Nanlaki agad ang mga mata niya at walang inaksayang pagkakataon.   Shocks! Sana lang talaga makisama ang ugok na ito! Taimtim niyang hiling.   “Oh my God! You’re really want to hear the good news here?” malakas na sabi niya, kulang na lang ay sumigaw siya para makuha ang buong atensyon ng lahat.   Humarap siya kay Luigi na agad nagsalubong ang kilay at walang kaalam-alam sa mga susunod na pangyayari.   Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat, nakita niya ang nagtatanong na tingin ni Briella ngunit hindi na siya puwedeng umatras pa.   “Come on, love. Don’t give me that look,” sabi niyang pinandilatan pa ito ng mata.   Makisakay ka! Makuha ka sa tingin, Luigi!   “What the hell are you talking about?” mahina ngunit mariin nitong tanong.   Gumapang sa katawan niya ang kilabot sa malalim na boses nito na puno ng pagbabanta ngunit saka na niya iyon iisipin. Kailangan niyang maunahan si Jared sa pinaplano nitong pagsira sa buhay niya.   “I’m . . . I’m pregnant, love! You’re going to be a father soon! Isn’t it amazing?” malakas na sabi niya.   Dumaan ang ilang minutong katahimikan sa buong lugar, at wala siyang ibang marinig kundi ang malakas na t***k ng kanyang puso.   Sa isip niya ay paulit-ulit na pumapailanlang ang sikat na liriko nang kanta ni Basilio.   Lord! Patawad! Pagka’t ako’y makasalanan. Makasalanang nilalang! Lord! Lord! Patawad!   Napuno nang bulungan ang buong lugar ngunit wala na doon ang atensyon niya kundi sa madilim na mukha ni Luigi. Ilang beses siyang napalunok,  pinilit na ngumiti at ipinakitang masaya siya.   “Come on, lo—” Hindi niya naituloy pa ang sasabihin dahil bigla na lang siyang hinila ni Luigi. Halos kumawala ang kaluluwa niya sa malakas na pagkakahila nito, mula sa gilid ngmga mata niya ay nakita niya ang nakatulalang mukha ni Jared at bagsak ang panga nito.   Ha! Ano ka ngayon? Akala mo ba ganoon mo ako kadaling matatala! Salute my middle finger a*s*ole!   “Aw!” napasigaw siya nang biglang huminto si Luigi sa paglalakad at tumama ang mukha niya sa matigas nitong likod. Shocks! Ang bango naman ng Guwapong Hitler na ito! Leche lang at walang kahit na katiting na pagiging gentleman sa katawan nito!   Marahas itong napabuntong-hininga at lumingon bago nakapameywang na tumingin sa kanya.   “Are you out of your mind? Anong masamang hangin na naman ang pumasok sa utak mo at ginawa mo iyon?” salubong ang kilay na singhal nito sa kanya sabay duro sa noo niya.   Napasimangot siya at tinampal ang kamay nito.   “Grabe, ah. Galit na galit? Gusto nang manakit? Hindi ko ba puwedeng bawiin iyon at sabihing nampa-prank lang?” singhal niya rito pero sa isip niya ay wala siyang balak bawiin iyon.   Saka na kapag naglaho na ulit sa buhay ko ang Jared na iyon!   “Do you really know what you did? Hindi magandang biro ang isigaw sa lahat ng tao na nabuntis kita. You’re ruining my name and—”   “Wow ha,” putol niya sa sinasabi nito at agad na bumangon ang inis sa kanya. “Parang luging-lugi ka kung totoo mang nabuntis mo ako! Hindi mo ba nakikita ang kagandahan ko? Palibhasa sarili mo lang ang nakikita mo!” singhal niya rito.   Lumalim pang lalo ang mga gitla sa noo nito at ang kaninang madilim na anyo nito ay mas lalo pang dumilim. Kulang na lang ay mag-super saiyan na ito dahil sa maitim na puwersang nagsisimulang bumalot sa katawan nito at sa paligid nila.   Maya-maya ay ngumisi ito at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. Magiging ang malalim nitong biloy sa kaliwang pisngi ay nasilayan niya ng bonggang-bongga. Napalunok siya at sa pagkakataong iyon ay may iba siyang naramdaman lalo na nang mabasa niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito.   Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siyang muli.   “S-saan mo ako dadalhin?” tanong niya.   “Bubuntisin kita, mas maganda nang totohanin natin ang kasinungalingan mo kaysa pareho tayong malagay sa alanganin!” nakangising sagot nito habang naglalakad sila palapit sa elevator.   Ano daw?! Nanlalaki ang mga mata niya nang ma-realize ang sinabi nito at huli na para makapag-react siya dahil nakapasok na sila sa elevator at itinulak siya sa wall ng elevator at hinawakan ang dalawang kamay niya sa itaas ng uluhan niya at agad siyang hinalikan sa labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook