bc

A Summer With You

book_age18+
2.3K
FOLLOW
12.0K
READ
love-triangle
second chance
friends to lovers
arranged marriage
sweet
childhood crush
enimies to lovers
first love
friendship
rejected
like
intro-logo
Blurb

Austrid Meduya took her vacation in the province where she grew. Ngunit sa pagbabakasyon niyang iyon ay may makikilala siyang isang estrangherong lalaki na kailan man ay hindi niya inaasahang bibihag sa damdamin niya.

Sino nga naman ba ang hindi mapapa-ibig sa isang Altter Rio na maliban sa pagiging isang businessman ay marami ding nagkakandarapa dito dahil sa pagiging magandang lalaki.

Lalo pa siyang hindi makapaniwala when Altter confessed his feelings towards her, which was the reason kung bakit naging masaya ang iilang araw ng pagbabakasyon niya sa probinsya. Nakaramdam siya ng sobrang saya at sarap nang hayaan niya ang lalaking pumasok sa buhay niya.

Pero ano kaya ang gagawin niya kapag nalaman niyang may namamagitan sa gitna ni Altter at ng kababata niya?

Kakalimutan niya ba ang nararamdaman sa lalaki o kakalimutan niya ang pagkakaibigang nabuo nila ng kababata niya?

Will she keep her promise to have a summer with him?

Read more, know more.

A Summer With You a novel written for you by Ishykin.

chap-preview
Free preview
Prologue
"You have a new project, Auwie!" Masiglang ani ni Tj nang pumasok ito sa opisina ko.   Napabitaw ako sa hawak kong ballpen at atomatikong napahilot sa sarili kong sentido. We are in the same company which my family owns. In my circle of friends, eh, tatlo kaming nandito nagtatrabaho habang ang iba naman ay nasa kompanya nila Raffael, na siyang isa din sa mga kaibigan namin at ang iba naman ay nasa ibang kompaniya naman.   I looked at her with my left brow up. "Ugh! I'm tired. Di ba pwedeng pass muna for new projects?" Pagod na pagod na talaga ako at isa pa I have a lot of pending works na hindi ko pa natatapos at nasisimulan! Bat ba kasi ako yung ginawang head ng department na ito? Eh, hindi ko naman gusto ‘tong posisyon na 'to? Tuloy ako palagi yung na s-stress. Hindi ko naman magawang ipa-handle sa mga intern ko for now iyong mga ibang projects kasi hindi pwede. Ano na lang ang sasabihin ni Daddy? Na pabaya ako? No! Hindi pwede iyon! Kaya kahit labag sa kalooban ko ginagawa ko lahat ng trabaho ko kahit magkanda-ugaga pa ako... pero seryoso, pwedeng pass muna sa mga bagong projects?    I sighed once again and massaged my forehead.   "Ikaw lang siguro ang kakilala kong humi-hindi sa mga magagandang opportunity, Auwie! Ayaw mo ng grasya girl?  Ang tamad nito! Kung ayaw mo edi sa akin na lang?" She said and rolled her eyes while sliding his butt on my table. Napailing ako. Ang babaeng ito!   "Hear me out first. Okay? Baka after mong malaman kung ano ito eh ito pa ang uunahin mo kesa sa mga nauna sa linyang mga gawain mo!" Tumawa siya pagkatapos ay umayos sa pagkaka-upo, at the same time ay nilagay sa taas ng lamesa ko ang iilang folders na bitbit niya.   “Doon ka nga sa upuan!” Sita ko sa kanya.   “Nakaupo na ako. Wag ka ngang pakialamera!” She hissed.   Punyetang ‘to.   "This is different!" Excited niyang sabi. "I know you'll say yes for this." Itinaas baba niya ang mga kilay niya na tila nakakasiguradong o-oo talaga ako sa project na ipo-propose niya sa akin ngayon.   Dahil roon ay nagsalubong ang mga kilay ko. Pano naging magkaiba kung pareho lang naman akong  ma s-stress dun?  Grabe! Kailan ba ako ulit makakaroon ng time para makapagrelax? Kahit beauty rest lang please! o di kaya kahit isang araw lang sa beach!   Tuloy dahil sa pagkakamiss ko sa beach, eh naiimagine ko na at naririnig ang tunog ng mga mumunting alon na nagbibigay ingay sa mga tenga ko. Ahhhh! I want some vacation! It’s been years at ni isa ay wala pa akong mataastaas na naging bakasyon.   May mga planong gala naman ang mga kaibigan ko pero lahat ‘yon ay hindi natutuloy dahil sa pare-pareho naming mga hectic na schedules, knowing that we are just started and we have to work hard in order to get promoted as early as we can para lumaki din ang sahod namin agad. I stretched my back dahil sumasakit na yung likud ko. Gusto ko munang mag bakasyon, umay, wala man lang akong time for myself to chill and have some fun!   "A foreign businessman personally picked you! To be their architect!” Pangunguna niya na parang mas excited pa sa akin. “ This is new dahil it’s for a restaurant! Yieeee!” Tinaas niya ang dalawang kamay.   “Diba!? Diba? Gusto mo ‘yan diba?! Restaurant ang i-de-design mo, Auwie!" Sabi niya na inaangat-angat pa ang pwet mula sa inuupuan niyang lamesa ko. Nakakaasar tignan pero mas nakuha ng mga sinabi niya ang atensiyon ko kaya hindi ko na pinansin ang ginagawa niyang pambababoy sa lamesa ko at napatili!   Nang marinig ko ang huling linya ng mga sinabi niya ay parang tumagingting ang dalawang tenga ko at tila nakuha niya na agad lahat ng atensyon kong kani-kanina lang ay walang pake sa kung ano man ang mga sasabihin niya.   “Ngayon mo sabihing ayaaw mo!” She laughed. She knows very well that I want to design a restaurant.   "Oh my god! Talaga ba? Seryoso ba ‘yan?" I asked interesed at nasa kanya na ang buong atensyon.   Sa ilang taon kong pagtatrabaho bilang isang arkitekto ay never pa akong nakakakuha ng project for restaurants kaya na-excite agad ako nang marinig ang sinabi ni Tj. This will be my first time to design for a restaurant, if ever. Kadalasan kasi ay buildings and houses ang pinapagawa sa akin. I actually have a lot of drafts ng mga magagandang styles for cofee shops, restaurants and even clubs na nasa condo unit ko! Kasi noon kapag walang time nagiging hobby ko na ang gumawa ng drafts. Samantalang yung mga gawa ko naman for building and houses unit-unti nang nauubos because lot’s of my clients liked and took it.   "Oo." Umayos siya ng upo at tiningnan ang document na hawak-hawak. Binasa at hinanap kung sino ang bago kong client.   “Ang sabi ni Bianca. The man went here kahapon kaso ikaw bruha ka umuwi ka na naman ng maaga.” Napakamot ako sa sentido. Maaga akong natapos kahapon kasi hindi naman ako umuwi. I worked until morning kaya maaga kong natapos ang lahat. Kaya nga I need to rest! Ahhh, pero gusto ko rin yung project!   "Atty. Merrer." basa niya.   "Sa tingin ko Atty. lamang ito ng bago mong client. " Ani niya kaya kinuha ko ang papel sa kamay niya upang basahin na rin ito. Oo nga, Atty. lang pero duh! Aarte pa ba ako? I'm tired but I want to design a resto!   Di-nial ko ang phone number niya and waited for him to answer my call. Ilang ring lang ang tinagal niyon at sinagot niya na agad ang tawag ko.   "Hello?" I greeted when someone answered the call. "This is Architect Austrid Meduya speaking." I introduced my self.   "Oh! Architect!" He said on the other side   Nag-usap kami about the contract and we will meet later kasi pupunta siya ng Palawan bukas, kaya I grabbed the opportunity agad. Gosh! Ngayon pa lang ay nagaganahan na ako, I am so excited! There was a contract na ipanadala with the letter at dahil sa sobrang galak ay pinirmahan ko agad iyon. It was so fast, the attorney is really doing well with his work. Pero, ahhh! Na e-excite na talaga ako. Dadalhin ko iyong mga designs and some papers ko mamaya  kaya we will just settle all of it later kasama ang client niya rin na siyang may ari ng itatayo na restaurant.   Mamayang hapon lang din ang vacant ko kaya, we settled it and napagsang-ayunan naming later afternoon na mag me-meet dahil yun lang din ang vacant time niya for this day.   The client want it done as soon as possible kaya we planned to meet later agad to start and get some needed informations in able to start my archi stuffs.   Hindi naman pwedeng hindi ko i-consider ang gusto ng may-ari. Mabuti na rin iyon at para machange ko na iyong mga gusto niyang papalitan sa possible designs na maaari niyang magustuhan sa mga sketches ko ng resto’s.   Tinapos ko muna ang iilang trabaho ko nang umagang iyon at umuwi sa unit ko to get some samples of my works for restaurants. Naligo na rin ako para fresh bago umalis papunta sa isang cafe kung saan namin napag-usapang magkita ni Atty. Merrer.   15 minutes before bago ang oras ng napag-usapan namin ay naroon na ako sa cafè. Kahit noon pa mang mga unang araw ko sa trabaho ay early bird na talaga ako. I practiced to wake up early and value time of others, di bale nang hindi nila vina-value yung sa ‘kin, tsarr. I'm afraid to make someone wait. Okay lang na ako yung maghintay, nasanay naman na ako.   3 pm na pero hindi pa rin dumadating si Atty. baka natraffic lang kaya naisipan kong pag-aralan na lang muna ang mga gawa ko.   Actually student pa lang ako nang gawin ko ang mga ito, marami ang nagawa kong mga designs for restos kaya I hope may mapili siya rito. Ilang minuto ang dumaan ay hindi pa rin dumadating ang ka meeting ko. I looked at my wrist watch and nakitang 5 minutes na siyang late.   Maya-maya, I heard my phone beeped and received a text from Atty. Merrer.   I'm sorry, Architect. I can't make it up there, but my client is on his way there already. I'm really sorry for the inconvenience.   So, I will be talking only to my foreign client now? Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Sanay naman na akong makipag-meet sa mga kliyente ko, hindi ko lang alam sa pagkakataong ‘to. Kinakabahan ako at hindi mapakali.   My god! Di ako ready terr!   Nagmadali ‘kong kinuha ang salamin sa bag ko to look kung okay lang ba ang mukha ko. Malay ko ba, baka baggets ang lolo niyo.   Charr lang!   I waited for three more minutes at napahinto lang nang may isang matangkad na lalaki with a blonde hair ang pumasok kaya napatingin ako sa gawi nito. My brows furrowed a little, likuran pa lang ang nakikita ko pero nasisiguro kong he’s still young pa kesa sa inaasahan ko but there's something about his back that looks so familiar to me. Nakatalikud siya sa akin at tila may hinahanap. Nilihis ko na lang ang tingin sa kanya at napatingin sa katabi kong malaking bintana na gawa sa tempered glass, at kung saan makikita ang mga taong busy sa paglalakad papunta sa mga destinasyong nais nilang puntahan.   Napatingin muli ako sa likuran ng lalaki. Simple lang akong nakaupo habang naghihintay sa bagong kliyente ko.   But why the heck is my heart beating abnormally?!   F*ck! What's the matter, self?   I remembered someone dahil sa postura ng likuran niya. Napapikit ako ng mariin dahil doon. Hindi ko gusto ang iniisip kong ito.   Kakalimutan na nga diba? Kakalimutan na? Ugh! Bakit ka ba sumusolpot na lang out of nowhere sa isipan kong Labanos ka!   I almost choke to death when the guy turned and faced my direction. Nagtagpo ang mga mata namin, para akong mabibilaukan kahit wala namang iniinom o kinakain na kung ano. Kung kanina ay excited ako, ngayon ay parang gusto kong umalis na lang biglas a lugar na iyon o di kaya'y magpalamon sa lupa! Gusto kong tumayo at umalis na But my knees doesn’t even have the strength to stand!   Nang makita ako'y nag lakad ito papalapit sa akin. It’s been three years when I last saw him at sa tatlong taong iyon ay tila marami nang nagbago sa kanya. Samantalang ako'y nasa kinaroroonan ko pa rin, ganun pa rin yata sa tingin ko.    Sa tingin ko'y mas tumangkad ito ng kaunti. Mas nagmukhang maputi pa ito dahil sa blonde niyang buhok.   When he walked towards me. It feels like he walked in slow motion.   Some girls were even looking at him, pero hindi man lang ito nag-abalang lingunin ang mga ito. Instead ay diretso lamang ang tingin niya sa akin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa lalaking ganito kagwapo?   "Austrid" Malumanay na tawag niya sa pangalan ko. Wala sa sariling napatayo ako. Siya ba talaga ‘to? Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. They have the same nose, matangos at pointed. He’s eyes that is chinky, at kulay brown. Yung mga makakapal niyang kilay at matataas na pilik mata.   “Austrid.” He called my name again and smiled.   Napalunok ako ng sariling laway. Siya nga. It’s him.   "A-Altter" what the?! Why the hell am I stuttering?   Nagkatinginan kaming dalawa. My knees were trembling but I fighted to stand firmly.   After a long three years ay nagkita kaming muli. It’s been three years after I chose to let go and sacrificed everything for his happiness.   Yung kaba ko kanina tila nahaluan ng sakit. Bumalik sa akin yung ginawa niya sa akin in the past. Tipid akong  ngumiti sa kanya.   "We've met again." Sabi niya na tuluyang bumasag sa damdamin ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
583.0K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.2K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.2K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

Love Donor

read
86.7K
bc

Unexpected Romance

read
38.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook