bc

RED KNIGHT'S SHIELDED HEART (Filipino / Tagalog)

book_age16+
1.4K
FOLLOW
11.0K
READ
love-triangle
family
friends to lovers
kickass heroine
boss
drama
comedy
bodyguard
friends
passionate
like
intro-logo
Blurb

Alexander will have the most embarrassing moment of his life when he proposes to Ara in front of their families and friends... but she will say NO. Cassie will witness it all. Alexander will run away and Cassandra will follow him to protect him from harming himself and of course, as part of her job. He will try to mislead her and escape from her but he will fail... big time. She is a professional female bodyguard and very good at it and she proved it to him a hundred times already.

But the question is, will Cassandra be able to escape from Alexander’s charm this time around especially when he is in his most vulnerable condition? How will she say NO to him when her heart wanted to say YES ever since they were kids?

But how about Clay, the one who stole her heart away during their military training and is now confessing his love to her? Will she just let him go even though he is more of a man than Alexander?

Will Cassandra be able to continue protecting Alexander once she discovers the mysteries and the intertwined relationship of their families? And will she be able to continue her relationship with Clay once she discovers his true personality and uncovers his secrets?

Family and Friendship.

Loyalty and Betrayal.

Trust and Doubt.

Love and Pain.

Happiness and Sorrow.

Will the revelations to be unfolded help them resolve their issues or will it just cause chaos in their already chaotic lives?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
BUEN AMOR PROVINCE. Isa sa pinakamatatag at matagumpay na probinsya sa bansa sa aspeto ng kultura, agrikultura, likas na yaman, at ekonomiya. Binubuo ang probinsya ng mahigit na dalawampung maliliit na isla, iba’t ibang anyo ng tubig at apat na malalaking bundok na nakapalibot sa pinakamalaking isla ng probinsya kung saan matatagpuan rin ang kabisera ng probinsya — ang Gran Estrella. Kamakailan lamang ay naging matunog at nakilala ang lalawigan dahil sa naging mabilis na pag-unlad nito sa loob lamang ng mahigit dalawang taon na panunungkulan ng kasalukuyang gobernadora ng lalawigan na si Alejandra dela Fuerte. The governor was born with a silver spoon in her mouth. Her father, Alonzo Vargas dela Fuerte, is the only son and eldest among the children of the business tycoon Don Henriquieto Soledad dela Fuerte — the owner of the Verterse Island — that the family inherited from their ancestors. Verterse Island is legitimately owned by the dela Fuertes — both by heart and by law. Alejandra was a lawyer in profession. Most of her cases were pro bono and before entering politics, she had lost only one case among the cases she handled. This significantly resulted to her fame on being one of the most-sought after and well-loved lawyers in the country. Hindi sana tatahakin ni Alejandra ang mundo ng politika, subalit ang mga taga-Buen Amor mismo ang nagluklok sa ginang na maging gobernadora ng lalawigan. It was a definite and clear landslide win for Alejandra. Maging ang kabilang kampo ay walang anomang reklamo sa naging resulta ng eleksyon.   GABI ng parangal. Sa gabing iyon ay nakatakdang gawaran ang gobernadora ng isang parangal mula mismo sa pangulo ng Pilipinas na gaganapin sa loob mismo ng Malacañang. Ang napipintong pagtanggap ng karangalan ang dahilan kung kaya naman kanina pa ito paroo’t parito sa paglalakad sa loob ng hotel suite na inookopa nilang mag-asawa at ng mga tauhan nila para sa tatlong araw na pamamalagi nila sa Maynila. “Leya, kanina pa ako nahihilo sa paglalakad mo. Maupo ka nga muna at nang matapos na si Ara sa pag-aayos sa iyo,” natatawang puna ni Leonardo Amorsolo dela Fuerte, ang butihing kabiyak ng gobernadora. Tama. Sina Alejandra at Leonardo ay mula sa iisang angkan ng mga dela Fuerte at ang dalawa ay malayong magkamag-anak. They met and fell in love almost instantly without realizing their bloodline. Noong una ay naging mahirap ang relasyon ng dalawa dahil sa pagiging magkamag-anak ng mga ito, ngunit sa huli ay nanaig ang nararamdaman ng dalawa sa isa’t isa na lalo pang pinagtibay nang magkaroon ang mga ito ng anak, si Alexander Leandro. Tumigil sa paglalakad ang gobernadora saka inirapan ang asawa bago muling umupo sa upuan paharap sa dresser. “You should relax, Leya, ano ka ba?” payo ni Leonardo na noo’y hindi pa rin inaalis ang tingin sa asawang kasalukuyang inaayusan ni Ara, ang modelong nobya ni Alexander. Muling umismid ang gobernadora habang sinisipat ang sarili sa salamin bago bumuntong-hininga at sumandal sa upuan. “I’m sorry, hija. I’m just too nervous and I don’t know why,” baling nito kay Ara na noon ay nilalapatan na ang gobernadora ng face powder. Simpleng ayos lamang ang ginawa ng dalaga kay Alejandra dahil kahit may edad na ay taglay pa rin ng gobernadora ang angking ganda. “You deserve that award, Tita Leya,” anito saka ngumiti. “Ngayon ka pa ba kakabahan?” biro ni Leonardo dahilan para irapan itong muli ng gobernadora. Natatawa na lang si Ara sa nasasaksihang lambingan ng dalawang matanda. “Sige, asarin mo pa ako—” Hindi na natapos ng gobernadora ang sinasabi nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iluwa ang isang taong may malapad na pagkakangiti sa labi habang nagniningning ang mga mata pinagsalit-salitan ang tingin sa tatlong nasa loob ng silid na pawang nakaawang ang bibig sa gulat. “Surprise!” magiliw na bati ng lalaki habang papasok sa loob ng silid. Nakabukas ang mga kamay nito at bakas ang labis na kasiyahan sa mukha nito. “Mom!” Nanlalaki ang mga mata ng tatlo dahil sa hindi inaasahang pagdating ni Alexander. Bakit nga naman hindi sila mabibigla? Alexander is currently on his last year for his Masters Degree in Management and Administration in United States and he mentioned to them that he has no plans of coming home this year as he wanted to finish his masteral before coming back to the Philippines. Agad na naglaho ang pagkabalisa sa mukha ng gobernadora. Mabilis na nagliwanag ang ekspresyon nito at napalitan iyon ng matamis na ngiti. Kaagad na tumayo ang ginang saka sinalubong ang anak. “Hindi mo sinabi na uuwi ka, anak!” buong pagmamahal na niyakap at hinalikan ng gobernadora si Alexander. Isang taon at mahigit din kasing hindi nakalipad papuntang Amerika si Alejandra dahil sa responsibilidad niya bilang gobernadora ng lalawigan ng Buen Amor kay naman miss na miss na niya ang nag-iisang anak. “I wouldn’t miss it for the world, mom. I know how important this event to you is. Siyempre, gusto ko, nandito ako when you receive your award!” Nasa tono ng binata ang pagiging proud para sa ina. “Oh, salamat, hijo! What a wonderful surprise! I am so happy!” muling turan ng gobernadora. Muli ay niyakap nito ang anak nang sobrang higpit bago ito bumitiw at ngumiti sa binata. “Okay, I need to relax.” Bumuntong-hininga ito saka pinisil ang pisngi ni Alexander. “Now, I’m ready!” anito saka muling umupo sa harapan ng salamin para sa final touches ng hair and makeup nito. “Na-surprise ka rin ba, baby?” malambing na tanong ng binata sa nobyang si Ara. Binigyan pa nito ng isang mabilis na halik sa pisngi ang dalaga habang ang huli ay ipinagpapatuloy ang pag-aayos ng buhok ng gobernadora. “Of course! You did not mention anything about coming home when we were on the phone earlier,” natatawang sagot ng dalaga bago inilapag ang spraynet at nagsimula namang i-retouch ang eye makeup ng gobernadora. Muling humalik ang binata sa nobya saka dumistansya. Pigil naman ang ngiti ni Ara habang abala sa ginagawa. “He wants to surprise us, Ara. Alam mo naman ‘yang batang iyan, he loves surprises!” singit ni Alejandra habang nakangiting pinagmamasdan ang anak at nobya nito sa salamin. How she loves looking at them. It reminds her of how she and Leon started as lovers. “You should have at least told me that you’re coming home, son, para naipasundo kita sa airport,” wika naman ni Leonardo na noon ay lumapit na rin sa anak at umakbay rito. “Don’t worry, dad. Si Cass ang sumundo sa akin kanina,” sagot ng binata saka yumakap sa ama. “Just as I thought. Ang galing talagang magtago ng sikreto ng batang ‘yon,” natatawang wika ni Leonardo patungkol sa anak ng head security ng mga dela Fuerte at best friend ni Alexander na si Cassandra. Tinapik ni Leonardo sa likod ang anak bago sinipat ang gobernadora. “You’re stunning, mahal ko,” puri nito sa kabiyak na ikina-blush naman ni Alejandra. “Dad, mom, baka naman langgamin na tayo rito!” tudyo ni Alexander na ikinatawa ng lahat na naroon sa silid. Sasagot pa sana ang gobernadora nang muling bumukas ang pinto at iniluwa ang mag-amang Salve at Cassandra na kapwa naka-itim na uniporme. “Dumating na ang mga taga-Malacañang, Leon,” pagbibigay-alam ni Salve. “All right, tapos na kami rito,” seryosong wika ni Alejandra bago tumayo. “Thanks, sweetheart,” malambing na wika nito kay Ara. Ngumiti lang ang dalaga bilang pagtugon saka inalalayan ang gobernadora sa pagtayo. Kaagad naman itong umangkla kay Leandro samantalang si Alexander naman ay mabilis na hinawakan ang kamay ni Ara nang humakbang na palabas ng kuwarto ang mag-asawa. “You looked stunning yourself, baby,” bulong ng binata sa nobya na ikinabungisngis nito saka tuluyang lumabas ng silid kasunod si Cassandra na siyang nagpinid ng pinto pagkalabas nilang lahat. *** THAT afternoon… “Alam mo, Cass, you’re so formal. Magkaibigan tayo and we’re alone in the car. We could tell jokes like we used to. Bakit ka ba nagkakaganyan, ha? Huwag ka ngang ganyan sa ‘kin!” reklamo ni Alexander kay Cassandra habang lulan sila ng kotse na minamaneho ng dalaga. Kung hindi pa nga siya nagpumilit na sa unahan siya sumakay ay pasasakayin talaga siya nito sa likuran ng kotse. “Iba noon, iba ngayon, Lex. Marami nang nagbago noong umalis ka at isa na ito roon,” tugon nito habang ang mga mata ay seryosong nakatuon sa daan. Panandalian niyang tinitigan ang kaibigan at inisip ang mga sinabi nito. She’s still beautiful, no doubt about it, but she’s quite different now. Napailing na lang siya pagkuwa’y humugot ng hininga saka mas humarap pa rito. “I can’t believe you’re acting like this, Cass! Ano ka ba?” Kinalabit niya pa ito sa balikat. Saglit lang siya nitong sinipat saka muling ibinaling ang mata sa daan. “Bodyguard mo na ako, Lex. Iyon ang nagbago,” pakli nito. Pilit niyang binasa ang emosyon sa mukha ng kaibigan but he couldn’t figure out her emotion. Hanggang ngayon, napakagaling pa ring magtago ng emosyon ni Cassandra, something he is envy from her. Umayos siya ng upo saka padabog na sumandal sa upuan. “Ah, Whatever! Friendship should not change anything kahit pa maging presidente ng Pilipinas ang mommy,” nagkibit-balikat siya. Kahit pa nga medyo pormal na ito sa tuwing kausap niya sa telepono, hindi naman niya inakalang magiging ganito kailap sa kaniya ang kababata. They were like siblings bago siya pumunta ng Amerika para mag-aral. “We didn’t see each other for so many years tapos ganyan ka sa ‘kin? That military training changed you a lot and I don’t like it!” kunot-noong patuloy niya. Nakabusangot na siya at ipinahalata talag rito na nagtatampo siya. But it was ineffective. Nanatili lang na walang kibo si Cassandra and it’s killing him. They are best friends for Christ’s sake and he really liked her more than that they were kids.   Muli niyang sinipat ang dalaga saka inalala kung paano siya nito pinakitunguhan kanina sa airport. Pagdating pa lang niya kanina sa arrival area, hindi niya talaga kaagad nakilala si Cassandra. He was actually quite surprised when she approached him and took her belongings after introducing herself to him. She realized that he didn’t recognize her. “Are you here to abduct me?” biro pa niya na hindi inignora lang nito. Well, his joke was valid. She was wearing an all-black attire just like Will Smith on the movie Men in Black. Kung hindi pa dahil sa nunal nito sa ilong at sa mata nitong kulay kape ay hindi niya talaga ito makikilala. She’s changed a lot physically. At ngayong kasama niya ito sa sasakyan ay napagtanto niya na hindi lang pala pisikal na anyo ang nagbago rito kundi pati na rin ang ugali at pakikitungo nito sa kaniya. She’s as cold as ice when she didn’t even hug him back when he embraced her at the airport. He heaved another sigh then shook his head and looked at her again. “Anyway, thanks for picking me up… and for picking up my luggage. You really surprised me, Cass!” iiling-iling pa ring pahayag niya. Para kasing nakalalaki ang dalaga kanina nang ito pa talaga ang nagbuhat at naglagay ng mga maleta niya sa sasakyan—literally! Hiyang-hiya tuloy siya kanina sa arrival area habang pinagtitinginan sila ng mga tao roon. “Parte ng trabaho ko iyon kaya huwag ka nang magulat,” diretsang wika nito. “To protect me, yes. But to carry my luggage? Ano ka, kargador?” sarkastikong anas niya na ikinailing lang nito na para bang hindi naapektuhan sa patama niya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng tampo. He looked outside the door then continued, “Well, I told you that I’m coming home not because it’s part of your job… as always, ikaw ang palaging unang nakakaalam ng lahat ng nangyayari sa akin because you’re my best friend.” Hindi niya tuloy napansin na kagyat na natigilan ang dalaga saka napalunok sa sinabi niya. She was taken aback by what he just said and how he said it. He looked back at her when he practically felt softness in her voice when she spoke again. “Pasensya ka na, Lex…” Hinintay niya pang magpatuloy ito sa pagsasalita ngunit bumuntong-hininga lamang ito at minabuti na lang na manahimik at ipagpatuloy ang atensyon sa pagmamaneho. Tumango-tanong lang siya saka sumandal bago nagpakawala ng hininga. “I missed you, Cass, you know that, right?” bulong niya habang ang mga mata niya ay nasa kalsada. Muli niya itong sinipat at napansin niya ang muling pagbabago ng ekspresyon nito. Saglit na lumambong ang lungkot sa mata nito na agad rin nitong ipinasantabi at ibinalik ang kaseryosohan sa mukha nito. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa daan nang ma-realize niya na wala namang pupuntahan ang pagtatampo niya rito. “So, you’re willing to die for the sake of my mother, huh?” maanghang na sabi niya. “I signed up for this, Lex. It’s in my contract. Hindi lang si Governor Alejandra kundi ang buong angkan ng dela Fuerte,” malamig na sagot nito. “What? Are you serious?” He made it obvious that he over-reacted. He was actually more amused than surprised. Seryosong tumango ang dalaga bago humarap sa kaniya pagtigil ng sasakyang nasa unahan ng kotse nila. “Mahal ko ang trabaho ko, Lex. Ilang ulit ko naman sinabi sa iyo sa teepono, ‘di ba? Bukod sa alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang nanay mo, ayokong masira ang pangalan ng tatay ko at pangalan ko sa industriya na ginagalawan namin. Sa trabaho ko, dapat ipasantabi ko ang relasyon at emosyon para makapag-focus ako sa ginagawa ko. Maintindihan mo sana ako, Lex,” paliwanag ng dalaga sa kaniya bago muling ibinaling ang atensyon sa kalsada nang umandar ang mga nasa unahang sasakyan. “All right, all right, Ms. Cassandra Villamayor, I understand,” pagsuko niya kasunod ng pagtaas ng dalawang kamay niya na para bang sumusuko. “Ihahatid kita sa hotel para makita mo sina Gov. saka tayo didiretso sa Malacañang. Mamaya ko na lang ibibigay sa iyo ang pass mo pagkakuha ko kay Tatay.” Bahagya itong nag-preno saka bumusina nang bigla na lamang sumingit ang nasa unahan. Napailing na lamang ito saka muling nagpatuloy sa pagsasalita habang nagmamaneho. “Pagkatapos ng awarding ay babalik tayo sa restaurant ng hotel para sa inihandang sorpresa ng daddy mo para kay Gov.,” dire-diretsong pahayag ni Cassandra ukol sa schedule ng kaniyang ina. “Wait, how about my room?” tanong niya. It was more of a test than a question. Inginuso nito ang kaharap niyang compartment. Binuksan niya iyon at kinuha ang Room key access card na may nakasulat na 909. “9th Floor, Room 909. Doon ko na ipapadiretso ang gamit mo pagdating natin sa hotel. Puwede ka nang dumiretso sa Royal Suite Room sa 10th Floor, gahol na kasi tayo sa oras kaya mamaya ka na lang siguro makakapagpahinga,” tugon at paliwanag nito. Natatandaan pa rin pala nito na ayaw niyang nagtatagal sa reception area, partikular sa lobby area ng kahit na anong building dahil sa trauma niya noong bata pa siya kung saan muntik na siyang ma-kidnap. Kaya nga sa tuwing mag-i-stay sila sa hotel ay sinisigurado ng magulang niya na handa na ang kuwarto nila pagdating nila. “You still remember, huh,” nangingiting anas niya. A smile flashed on Cassandra’s lips. But it was as fast as a bullet train. And before he could even say anything, Cassandra called her father, Salve, to inform him that he arrived safely. Pagdating nila sa hotel ay agad itong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng pintuan. Napailing na lang siya at hindi na umimik pa. Nasa hotel entance na rin si Salve na halatang hinihintay talaga ang pagdating niya. Unlike his dear best friend, Cassandra, Salve welcomed him with warm embrace and guided him towards the hotel lobby. Bago sumakay ng elevator ay lumingon pa siya sa may lobby kung saan nakita pa niya si Cassandra na may kausap na isa pang bodyguard bago magkasabay ang dalawa na lumabas ng hotel. “Ah, si Clay,” pukaw sa kaniya ni Salve bago pa man siya magtanong. Tumango lang siya bago muling sinipat ang dalawa na noo’y tuluyan nang nakalabas ng hotel.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.8K
bc

Reckless Hearts

read
256.1K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.4K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook