Chapter 1 (Ang Pagkikita)
Excited si Jherone sa unang pagkikita nila ni Ynno. Araw ng Lunes iyun. Ito din ang araw ng kanyang restday mula sa pinapasukan niyang Supermarket dito sa Calamba, City kung saan isa siyang Supervisor dito isang taon na ang lumipas mula ng ma-promote siya.
Magkalahong kilig at kaba ang nararamdaman ni Jherone ng mga sandaling iyun habang nagbibihis siya.
Unang beses palang siyang makikipagkita sa hindi niya kakilala.
“Sana mabait, kahit hindi masyadong pogi” nasa isip ni Jherone habang nagsusuklay ng buhok na
nakaharap siya sa malaking salamin ng kanilang sala. Ang nasa isip niya ay si Ynno. Ang pagkikita nila.
“S-saan na naman ba ang punta mo, Jhe?” puna sa kanya ni Aling Rose habang pinagmamasdan siya
nito na nasa may lamesa ng kanilang kusina.
“Sasaglit lang po ako sa SM nanay.” tugon ni Jhe habang pinagmamasdan ang suot niyang long sleeve
hahang nakaharap pa rin ito sa malaking salamin.
“Okay, ingat anak,” ang bilin ng ina ni Jhe sa kanya. At tuluyan na itong pumasok ng kuwarto para
magpahinga.
Ilang saglit pa ang matuling lumipas. Hindi na nag-aksaya ng oras si Jhe. Matapos mag-ayos ng sarili ay
sumakay na siya ng tricycle papunta sa SM kung saan sila magkikita ni Ynno. Ang una niyang ka-meet na
nakilala niya sa Blued.
“Malapit na ako,” ito ang nabasa ni Ynno sa kanyang cellphone mula sa inbox ng blued kung saan sila
nagkakilala nito.
“Sige. Hintayin kita dito sa second floor malapit sa National Book Store. Nakaupo ako sa bench.” Agad na
response ni Ynno sa mensahe ni Jherone.
“Anong kulay ng suot mo?” muling chat ni Jherone kay Ynno.
“Naka-navy blue ako na long sleeve na may tatlong stripe na puti sa harap,” tugon ni Ynno sa chat ni
Jherone.
“Okay, see you later! Malapit na ako.” Si Jherone.
Matapos makapasok sa SM ang binatang si Jherone ay mabilis niyang tinungo ang second floor kung
saan naroroon si Ynno na naghihinay sa kanya.
“Kanina ka pa ba?” bungad ni Jherone kay Ynno na halatang may garalgal ang boses. Agad namang
lumingon si Ynno. Alam niyang ito na ang kanyang hinihintay.
“A-ahhh! Hindi naman. Mga 15 minutes siguro bago ka dumating,” nakangiting tugon ni Ynno mula kay
Jherone. Sabay taas ng bahagya sa suot niyang salamin sa mata.
“Jhe nga pala.” Sabay lahad ng kanyang palad para kay Ynno. “Jhe nga pala.” Sabay lahad ng kanyang
palad para kay Ynno.
“I`m Ynno. Nice meeting you,” agad namang tugon niya sa kausap.
May kakaibang kuryente ang dumaloy sa bawat himaymay ng kanilang kalamnan. Kuryenteng hindi nila
alam kung saan ito nagmula. Kakaibang kiliti na kapwa hindi nila mawari ang isa`t-isa ng maramdaman
nila ang kakaibang puwersa na iyun.
“K-kumusta ka?” tanong ni Ynno kay Jhe sabay bawi ng palad nito.
“Heto, ayos naman. Mabuti at rest day ko nagkita tayo.” Si Jhe na nakatitig ang mga mata sa mukha ni Ynno.
“A-anong pinagkakaabalahan mo?” si Ynno muli.
“Working ako sa isang Supermarket dito sa Calamba bilang Supervisor. Ikaw anong pinagkakaabalahan
mo?” dugtong na tanong ni Jhe kay Ynno.
“Isa akong aspiring writer/poet.” Tugon ni Ynno na nagawa ding tumitig sa bilugang mukha ni Jhe.
“W-wow! Famous ka pala? Madami ka na sigurong na-publish na libro?” susog ni Jhe.
“Naku, hindi naman! Sa katunayan baguhan palang ako sa ganitong larangan. Pero s`yempre gusto ko
talagang makapaglimbag ng libro,” mahabang tugon ni Ynno.
“Ikaw pa! Alam kong kaya mo iyan! Unang kita ko palang sa ini-send mong picture sa akin sa Blued alam
kong genious ka,” puri sa kanya ni Jhe na may halong kilig sa kausap.
“O-oo naman! Nandiyan ka na eh?” pabulong na tugon ni Ynno na bahagyang ibinuka ang bibig kaya
hindi masyado itong nakinig ni Jhe.
“Ano kamo? Pakiulit? May sinasabi ka ba?” pagtatama ni Jhe kay Ynno. Kunwari ay hindi niya nakinig ang
tinuran ni Ynno. Pero ang totoo kinig na kinig niya iyun.
“Ah, hindi! Wala!” Mabuti pa kumain na muna tayo. Baka kasi gutom ka na din,” sabay iba ni Ynno sa kanilang usapan.
Wala nang nagawa si Jhe kundi ang sumunod sa nais ni Ynno. Sabay silang naglakad-lakad sa loob ng SM hanggang humantong sila sa isang kilalang restaurant. Iilan lamang ang costumer ng mga sandaling iyun
kaya dito na sila nagpasyang kumain ng tanghalian.
Matapos makapag-order ay agad ng kumain ang dalawa. Noong una ay wala silang imikan habang sabay
na kumakain ng mga sandaling iyun.
" Favorite mo din pala ang sugpo?” sabay basag ni Ynno sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Jhe.
“O-oo, bata palang ako favorite ko na talaga ito. Sabi kasi ni nanay dito daw niya ako ipinaglihi,” tugon ni Jhe.
“K-kaya pala?” Ako din gusto ko ang sugpo kahit hindi ako dito ipinaglihi,” nakangiting sabi ni Ynno
sabay subo ng kanin na may kasamang ulam.
“Maiba ako, nasaan ang mga magulang mo?” tanong ni Jhe kay Ynno.
“Nasa Gumaca sila sa Quezon. Doon talaga ako ipinanganak. Sina Tatay at Nanay matagal na silang
hiwalay. Dalawa kaming anak sa una. Isa ang kapatid namin sa nanay at siyam ang kapatid nmin sa tatay.
Lumaki kami ng nakababata kong kapatid na babae sa lolo at lola naming sa mother side. Simula
elementary hanggang kolehiyo sila ang nagpaaral sa amin ng kapatid ko,” ang mhabang pliwanag ni
Ynno sa tanong ni Jhe.
“S-sorry nga pala sa tanong ko, huh?” Hindi ko sinasadya,” may pag-aalalang sabi ni Jhe.
“Iyun ba? Wala `yun. Walang problema. Mahalaga naging totoo ako sa `yo. Ako iyung tipo ng tao na
walang inihihilim lalo na kung malapit ito sa akin,” si Ynno na mababakas sa boses ang kalungkutan.
“O-oo naman. Salamat sa pagtitiwala na kahit ngayon lang tayo nagkita andun na agad iyung tiwala mo
sa akin. Magkakasundo tayo.” Pagtatama ni Jhe.
“Salamat.” Agad na tugon ni Ynno kasabay ang pagsilay ng mga ngiti sa labi nito.
“Welcome!” sabay ngiti din ng matamis kay Ynno.
Nang matapos ang dalawa sa pananghaliang iyun ay bumalik sila sa second floor ng SM. Naglakad-lakad
saglit hanggang napagpasyahan na tumambay muna sila sa bench. Saglit na namagitan sa kanila ang
katahimikan. Habang nag-chachat si Jhe sa kanyang telepono ay palihim na sumulyap sa kanya si Ynno.
Tinitigan niya ang maamo at bilugan nitong mukha. May kakaibang kiliti at kilig ang bumalot sa
kalamnan ni Ynno. Kilig na ngayon lamang niya naramdaman habang kasama niya si Jhe. Ang totoo lihim
na siyang nagkakagusto dito. Ang kailangan niyang malaman bago sila pansamantalang maghiwalay ni
Jherone ay kung single ba ito. Mas mabuti na iyung walang sabit. Masarap pumasok sa isang relasyon na walang ibang nagmamay-ari nito.
"S`ya nga pala, ano ang hanap mo sa Blued at naisipan mo akong i-chat?” si Jhe na saglit tumigil sa
pagba-browse ng kanyang telepeno at humarap kay Ynno para titigan siya nito sa mata.
“Totoong relationship.” walang kagatul-gatol na tugon ni Ynno. Sabay harap at titig din nito kay Jhe.
Sa sinabing iyun ni Ynno ay napalunok ng laway si Jhe. Sa totoo lang ay my lihim din siyang pagtingin
para kay Ynno. Kaya nga niya ito ini-reply sa chat sa Blued. Na pareho nilang napagkasunduan para
magkita sila. At naganap na nga sa mga sandaling ito.
“So, ibig sabihin single ka din?” si Jhe na seryoso ang pananalita.
“Oo, seryoso single ako,” Kapag ba niligawan kita wala bang magagalit?” agad na tugon ni Ynno.
“Wala. Matagal na akong single.” may ngiting nakasilay sa mga labi ni Jhe habang nakangiti din siya kay
Ynno.
“Yes! Di tayo na ngayon?” paniniguro ni Ynno na labis-labis ang kasiyahan ng mga sandaling iyun.
“Seryoso? Tayo na agad? Wala pa ngang 24 hours tayong magkakilala e? Tapos tayo agad?” medyo may
kataasang tono ng pananalita ni Jhe na kakikitaan ng kilig at excited.
“Oo nga! Single ako at single ka di ba? Walang masama at wala namang magagalit, right?” si Ynno na
may ngiti sa mga labi.
“Tama! Oo tayo na. Sinasagot na kita, Ynno!” masayang tugon ni Jhe. Isang mahigpit na yakap ang
naitugon ni Ynno sa pagsang-ayon na iyun ni Jhe sa agarang panliligaw nito sa kanya. Pansamantalang
naghiwalay ang landas ng dalawa na may kakaibang ngiti at kilig na kapwa hindi maipinta ang labis na
kasiyahan. October 3, 2019 ang petsa kung kailan naging mag-on sina Ynno at Jherone. Ito ang araw na
hinding-hindi malilimutan ng dalawang pusong pinagbuklod ng panahon. Mga pusong kahit sa sandali
nilang pagkikita ay mababakas na agad ang di matatawarang pagmamahalan para sa isa`t-isa.
Mga pusong kahit pareho man ng kasarian ay my karapatan ding ipadama ang tunay na lagablab at
hiwaga ng kanilang pagmamahal. Dalawang parehong kasarian na walang makakahadlang kahit
husgahan man sila ng nakararami. Pilit at Pilit pa rin na ipaparamdam na ang bawat indibiduwal, ano
man ang antas na kasariang kinabibilangan ay may kalayaan pa rin na pumili ng kanyang iniirog.