bc

She's A Devil

book_age18+
3.8K
FOLLOW
12.4K
READ
escape while being pregnant
manipulative
heir/heiress
drama
sweet
female lead
realistic earth
gorgeous
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Si Chloe Madrigal ay nag-iisang anak lang. Nasa kaniya na rin ang lahat. Yaman, ganda at talino. 

Ngunit sa kabila ng katangian niyang iyon ay uhaw na uhaw naman siya sa pagmamahal. 

Marami ang nanliligaw sa kaniya pero hindi niya binigyan ng pansin ang mga iyon dahil alam niyang isa lang ang pakay ng mga ito sa kaniya at 'yon ay ang yaman niya.

Hanggang sa may makilala siyang isang lalaki na nagngangalang James Roxas. 

Ang lalaking isa sa mga nagsanla ng lupa sa yumao niyang ama. 

Ang kaisa-isang lalaki na walang pakialam sa kung anong meron siya. 'Yon ang dahilan kung bakit niya ito nagustuhan at minahal. 

Ang akala ni Chloe ay natagpuan na niya ang lalaking magmamahal sa kaniya ng totoo. 

Ang lalaking inakala niya na bubuo sa pagkatao niya at magmamahal sa kaniya ng totoo ay siya pa lang wawasak sa puso niya.

Ito rin ang magiging dahilan kung bakit kamumuhian niya ang mundong ginagalawan niya.

Kung ang pagmamahal ang naging dahilan ng pagkawasak ng puso niya. Ito rin kaya ang maging dahilan para mabuo ulit ang pagkatao niya?

O, baka naman habang buhay na siyang tatawagin na demonyo ng mga taong nakapaligid sa kaniya dahil sa ugali niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Pinagmasdan ni Chloe ang sariling niyang repleksiyon sa full-length mirror na nasa harapan niya. Her long curly hair was tied up in a chignon. She wore a black t-shirt, pants, and black rubber shoes. She has everything. Money, beauty, and power but she's not happy with what she has. Bukod kasi sa nag-iisa lang siyang anak ay ulila na rin siya. Noong nakaraang buwan kasi ay namatay ang mga magulang niya dahil sa isang aksidente. Kaya lahat ng mga kayamanan nila ay naiwan sa pangalan niya na nagdudulot ngayon ng sakit sa ulo niya. Kaya heto siya, inaayos ang sarili dahil aalis siya ngayon papunta sa opisina ng family lawyer nila para pag-usapan ang dapat na pag-usapan. Ayaw niya nga sanang pumunta, eh. Kaya lang pinayuhan siya ng yaya niya na kailangan niyang kausapin ng maayos ang abogado nila. Kailangan daw kasi siya nitong makausap sa lalong madaling panahon. Naputol lang siya mula sa malalim na pag-iisip nang makarinig siya nang sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng kuwarto niya. "Anak, nakahanda ka na ba?" tanong ng isa sa mga taong pinakamahalaga sa buhay niya. Ang Yaya Lucy niya. "Malapit na po, Inay," tugon niya rito. "Anak, bilisan mo na at kanina pa tumatawag si Attorney Diego. Kanina niya pa tinatanong sa akin kung nakaalis ka na raw ba." Hinagod niya muna ang suot niyang damit at nag-plaster ng isang pekeng ngiti bago niya binuksan ang pinto. Ang nakangiting yaya niya ang nabungaran niya. Punong-puno ng pagmamahal ang ipinapakita ng mga mata nito sa kaniya ngayon. Sa tuwing pinapakitaan siya nito ng ganoong emosyon parang gusto niyang umiyak nang umiyak. Hindi kasi nito ipinaparamdam sa kaniya na mag-isa na lang siya sa buhay. "Napakaganda mo talaga, Anak," puri nito sa kaniya ng pagbuksan niya ito ng pinto. "Inay," tawag niya rito sa mahinang tinig habang nakangiti ng pilit. "Huwag na lang po kaya akong pumunta. Alam ko naman po kasi ang sasabihin sa akin ni Attorney, eh." "Hindi mo puwedeng takasan kung ano ang nakatadhana, Chloe. Nag-iisa ka lang na anak ng mga magulang mo kaya natural na sa 'yo mapupunta ang lahat. Mas mabuti pa rin na magkausap kayo para alam mo kung ano ang mga dapat mong gawin," payo nito sa kaniya. Tumango-tango siya dahil may punto ito. "Lagi kang ngumiti kahit na marami kang problema, Anak. Lagi mong iisipin na nandito lang ako sa likod mo. Hindi mo dapat na nararamdaman na nag-iisa ka kahit wala na ang mga magulang mo dahil nandito pa naman ako." Huminga siya nang malalim bago sinagot ang butihing yaya. "Alam ko naman po 'yon, Inay. Kaya ko pong lampasan ang lahat ng problemang darating sa akin basta po nasa tabi ko lang kayo palagi. Ipangako niyo rin po sana na hinding-hindi niyo ako iiwan kagaya ng ginawa sa akin ng mga magulang ko," aniya sa butihing yaya habang nakangiti para hindi ito mag-alalala. "Oo naman! Oh, siya! Bilisan mo na ang kilos mo at baka naiinip na iyon," paalala nito. Pansamantala siya nitong tinalikuran dahil nagtungo ito sa drawer niya. Siguradong kukuha na naman ito ng panyo para ilagay sa likuran niya. Kapag nawala ang Yaya niya hindi niya alam kung makakasabay pa ba siya sa agos ng buhay. Nakangiti itong humarap sa kanya habang may hawak-hawak na itong panyo. Hindi nga siya nagkamali. "Tumalikod ka nga muna sandali at lalagyan kita ng sapin diyan sa likod mo," utos nito sa kaniya. Matanda na siya pero itinuturing pa rin siya nitong batang paslit. Nang hindi kaagad siya kumilos ay bahagya nitong pinitik ang tainga niya. "Tulala ka na naman. Ang sabi ko, tumalikod ka muna sandali para malagyan ko ng panyo 'yang likod mo," pag-uulit nito kaya naman agad siyang tumalikod para sundin ito ang sinabi nito. "Salamat, Inay. Mahal na mahal ko po kayo," madamdamin niyang pahayag sa yaya niya habang nilalagyan siya nito ng panyo sa likod niya. "Alam mo naman na mahal na mahal din kita, 'di ba? Mas mahal pa nga kita kesa sa sarili kong buhay, eh." Tumango-tango naman siya. "Pareho po pala tayo, Inay. Mas mahal din po kasi kita kesa sa sarili ko, eh." "Ikaw talagang bata ka, lagi mo na lang akong ginagaya!" Bahagya tuloy siyang natawa dahil sa sinabi nito. "Kumain ka muna bago ka umalis para hindi ka magutom sa daan," saad nito matapos siyang malagyan ng panyo sa likuran niya. "Nag-uumpisa na naman tayong mag-iyakan nito, eh. Halika ka na at bumaba na tayo para makakain ka na." "Sige po, Inay." "'Di ba ang sabi ko sa 'yo 'wag na 'wag mong pababayaan ang sarili mo? Eh, bakit ang sabi ni Mila hindi ka raw kumakain minsan? Totoo ba 'yon, ha, Chloe?" tanong nito sa kaniya. Hinawakan pa nito ang mga kamay niya at sabay na silang naglakad pababa ng hagdanan. "Kumakain naman po ako, eh," katuwiran niya rito habang nakanguso. "Inay, salamat po talaga dahil lagi po kayong nasa tabi ko. Kung wala po kayo hindi ko na po alam ang gagawin ko," wika niya sa Yaya niya habang naglalakad sila. "Lagi po akong nagdadasal na sana hindi n'yo po ako iwanan. Kahit na nagtatampo po kayo sa akin minsan, sana hindi niyo pa rin po ako iwanan." Huminto ito sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Tiningnan siya nito sa mga mata niya kaya ganoon din ang ginawa niya. "Ano ka ba namang bata ka! Siyempre hindi kita iiwan dahil mahal kita at anak na ang turing ko sa 'yo, 'di ba? Hindi ko rin naman masisikmura na iwanan ka rito dahil siguradong mangungulila rin ako sa 'yo." Gusto niyang umiyak sa harapan nito at humagulhol pero pinigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang mag-alala ito. "Salamat po talaga, Inay." "Mananatili ako sa tabi mo kahit na magkaroon ka na ng asawa at mga anak. Hangga't hindi pa ako nawawalan ng hininga hindi kita iiwan. 'Yan sana ang lagi mong tatandaan, Anak. Magiging maayos din ang lahat kaya 'wag kang masyadong malungkot. 'Yong mga magulang mo kahit wala na sila rito sa mundo, alam kong ginagabayan ka pa rin nila." "Salamat po, Inay. The best po talaga kayo!" Niyakap niya ito nang mahigpit at hinalikan ito sa pisngi. "Kumain na po tayo. Sa susunod po kapag nagugutom na kayo mauna na po kayong kumain. Huwag niyo na po akong hintayin." Lagi kasi siya nitong hinihintay dahil wala na raw siyang kasabay na kumain kapag nauna na ito. "Gusto ko sabay tayong kumain palagi para nakikita kita. Ilang beses na kitang nahuhuli na hindi ka kumakain ng maayos kapag hindi ako nakaharap. 'Yong mga kasambahay natin dito ay nagsusumbong din sa akin. Kaya sa susunod, hihintayin kita palagi sa sala para bantayan kang kumain." Marami naman silang kasambahay pero ito ang personal na nag-aasikaso sa kaniya. Ito rin ang personal na nagluluto ng mga kakainin niya. "Kain na." Hindi niya napansin na sinandukan na pala siya nito ng pagkain. Ipinagtimpla na rin siya nito ng gatas kaya naman wala sa sarili na napatingala siya sa kisama. Kalaunan ay pumikit siya ng mariin para hindi matuloy ang pagdaloy ng mga luha niya. "Tigilan mo nga 'yan at ako'y naiiyak na rin kapag naiiyak ka. Ano ka ba namang bata ka!" Dahil sa sinabi nito ay tuluyan nang pumatak ang mga luha niya. "I love you, Inay." Nakita niyang nagpupunas din ito ng sarili nitong luha kaya naman mas lalong tumulo ang mga luha niya. Halos araw-araw yata ay ganito ang sistema nila ng Yaya niya. Simpleng pag-uusap na laging nauuwi sa iyakan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook