bc

After The Kiss

book_age12+
959
FOLLOW
6.2K
READ
fated
friends to lovers
sensitive
neighbor
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

“All right, Audrey, I love you. More than a sister, much more than a friend. Satisfied?”

Rico and Audrey were best of friends.

Palaging nanunukso ang mga malalapit sa kanila na made-develop din sila sa isa't isa. Pero ang katwiran nila, hanggang doon lang sila talaga. Magkaibigang matalik. Pero hanggang doon nga lang kaya?

No one wanted to dare. Not until one night, when they unexpectedly shared one kiss.

chap-preview
Free preview
Part 1
NAG-INAT si Audrey matapos mailagay sa puwesto ang huling paso ng gumamela. Kombinasyon ng dilaw at pula ang kulay ng bulaklak at hindi nalalayo sa gamit niyang pinggan ang laki.       It was a collector’s item kaya naman wala siyang balak na itanim sa lupa. Hindi niya intensiyong paramihin iyon para lang mahingi ng kapitbahay. Mas mahal pa ang bili niya roon kaysa sa puting bromeliad na sa Laguna pa niya nakuha.       Sabihin nang madamot siya pagdating sa halaman, pero walang so-so plants sa garden niya. Hindi lang minsang nangyari na halos masaid ang laman ng wallet niya kapag nagpupunta siya sa garden show. Wala naman siyang pagsisisi. Umuuwi siyang bitbit ang rare variety ng halamang nagustuhan niya.       Iyon lang naman ang kaligayahan niya. Beinte-nuwebe na siya at siya mismo ay aminado na boring ang kanyang social life. Pinaka-nightlife na niya ang humarap sa TV at subaybayan ang mga telenobela. Wala naman siyang reklamo. Tinanggap na niyang ganoon na lang ang takbo ng buhay niya.       Kinuha na niya ang hose at nagsimulang magdilig. Araw-araw ay ganoon ang routine niya. Pagdating buhat sa trabaho ay halaman agad ang haharapin niya. Maligaya na siyang makita na walang humpay sa pamumulaklak ang mga iyon. Alam niya na sulit na sulit naman ang pagod at oras na ibinubuhos niya sa mga iyon.       “Hoy! Sinabi na ba sa iyo ng mga halaman mo kung sino ang mapapangasawa mo? Hindi na babalik sa iyo ang ex mo.”       Hindi na siya nagulat sa nang-aalaskang tinig na iyon. Pa-slow-motion pang nilingon niya si Rico.       “Hindi nila sasabihin sa akin dahil hindi ko naman itinatanong,” nakairap na sagot niya.       “Iyan! Nuknukan ka kasi ng suplada kaya magme-menopause ka na ay ni wala ka man lang steady date!”       “Sino ang magme-menopause? Ikaw nga, andropause na! Bata pa ako, excuse me. Nasa kalendaryo pa ang edad ko. Ikaw, two years ago ka pa nilipasan!” pagtataray niya.       “Marami naman akong girlfriends! With ‘s’, plural.” ngumisi ito. “Abutin mo ito. Diyan ako kakain sa bahay mo.”       Nakita niya ang isang bucket ng KFC fried chicken na dala nito. “Nagluto ako, at fried chicken pa! Bakit hindi ka muna nagtanong para hindi nadoble ang pagkain?” Sa halip na magpasalamat ay galit pa ang tinig niya.       “Nagluto ka? Ikaw ang may kasalanan,” balik nito. “Sa ating dalawa, ikaw itong once in a blue moon kung magluto. Dapat ay ako ang sinabihan mo na nagluto ka para hindi na ako bumili.” Ibinaba na lang nito sa paanan ng gate ang binili. “`Di bale, baunin na lang natin bukas iyong matitira. “Uuwi lang ako sandali.”       “Bumili ka ng Coke. Masarap ang fried chicken kapag may soft drinks!” habol niya rito.       “Akina’ng pambili,” balik nito sa kanya at napakunot ang noo. “Ano ka ba, Audrey, napakaiksi naman pala niyang shorts na suot mo. Saka iyang damit mo, ang luwang ng kilikili.”       Tinaasan niya ito ng kilay. “Dito ako komportable. Saka wala namang private parts na nakikita, ah?”       “Wala nga, kaso naman nakakatuksong tingnan. Huwag ka ngang d-um-isplay sa labas na nakaganyan. Mare-r**e ka nang wala sa oras.”       Lihim siyang nagdiwang. “Bumili ka na lang kaya ng Coke at abonohan mo na tuloy,” malambing na taboy niya rito.       “Pumasok ka na sa loob,” utos nito bago muling tumalikod.       Bumalik na ito sa kotse nito at iginarahe iyon sa garahe sa kabilang bahay. Kinuha naman niya ang pagkain bago pa iyon matilamsikan ng tubig.  Hindi na niya inabala ang sariling ipasok iyon sa loob. Basta itinabi lang niya iyon sa lugar na hindi makakaabala sa pagdidilig niya at ipinagpatuloy ang ginagawa.       Pitong taon na silang magkaibigan. Pareho silang bagong lipat sa lugar na iyon nang magkakilala sila. Manager siya ng isang chain ng beauty salon. Nang mag-franchise ang milyonaryang kliyente nila sa main branch, pinirata siya para maging manager.       Nagpapirata naman siya dahil hindi biro ang compensation package na alok sa kanya. Iyon nga lang, namaalam siya sa pagiging Manila girl. Pero hindi na niya naiisip iyon dahil well-adjusted na siya sa Pampanga. Iyon na nga ang itinuturing niyang tahanan dahil kapag may okasyon na lang siya nakakadalaw sa pamilya niya sa Sta. Mesa.       Nauna lang siya nang isang buwan kay Rico sa pagdating sa lugar na iyon. Na-promote naman itong sales supervisor ng isang kompanya ng gamot at iyon ang naging area. Kagaya niya, laking-Maynila rin ito. Sa San Juan ito ipinanganak. Pareho silang produkto ng PUP; magkaiba nga lang sila ng batch. Iyon marahil ang unang dahilan kaya naging magkasundo sila agad.       Tulad niya, mas gusto rin nitong kumuha ng hulugang bahay kaysa umupa ng apartment. Tama naman sila sa kanilang naging desisyon. Sa kalakaran ng renta ng apartment sa ngayon, halos kapantay lang iyon ng hulog niya sa housing loan at mapapasakanya pa ang bahay niya pagkaraan ng ilang taon. Sa kanilang dalawa, siya na lang ang hulugan pa ang bahay.        Masipag ito. Ni hindi nito pansin ang basic pay dahil sa laki ng komisyon nito sa trabaho. Ang alam niya, last year pa naging fully paid ang bahay nito.       Saksi rin siya sa hindi mabilang na babaeng naging girlfriend nito. Ang iba ay naging kaibigan na rin niya. Noong una ay nalulungkot siya kapag bigla na lang ay may bagong babae itong ipinapakilala sa kanya, pero natauhan din siya.       Kung hindi nito iniinda ang pagkawala ng dati nitong nobya dahil nga may bago na naman ito, bakit ba siya ang mas naaapektuhan? Nang lumaon, sanay na siya. Hindi na siya nagugulat kapag iba na naman ang nakikita niyang babaeng kasama nito.       “Hindi ka pa rin tapos magdilig?” wika nito sa kanya nang lumipat ito sa bakuran niya.       Naka-shorts at sando na ito, na mukhang mas matanda pa yata sa pagiging magkaibigan nila. Kapag napunit iyon sa susunod na paglalaba ay hindi na siya magtataka. Sigurado siyang mas makapal pa ang tela ng basahan niya kaysa sa suot nito.       Hindi nga niya ito maintindihan kung bakit habang lalong lumuluma, mas gusto nitong isuot. Sa hitsura nito ngayon, walang mag-aakalang ito na ang manager ng isang malaking d**g company sa makalabas ng expressway.       “Ang init ng panahon, `no? Alangan namang wisikan ko lang ang mga ito. Ikaw kaya ang bumilad sa araw nang buong maghapon? Tingnan ko lang kung hindi ka magprotesta kapag bahagya ka lang nadiligan!”       “Ang sungit mo naman, Miss. Akina iyang hose, ako na ang magdidilig. Doon ka na sa kusina, maghain ka na. Kain na tayo. Hindi ako nakapag-merienda, eh.”       “Hoy, Rico, wala kang karapatang makialam sa mga halaman ko. Wala kang green thumb!”       “Sobra ka namang magsalita!” sabi nito na kunwa ay napahiya. “Baka nakakalimutan mo, ako at tanging ako lang naman ang inaalila mo sa pagbubuhat niyang mga driftwoods mo. Sino ba ang nagtitiyagang magbaon niyan sa lupa? Sino ba ang nagpapakapagod na lagyan ng garden net iyang mga halaman mo? At sino rin ang kinukulit mo kapag nangangati ang mga paa mong pumunta sa mga garden shows?”       “Ikaw,” nakangising sabi niya.       “Tama at huwag mong kakalimutan iyan! Maganda pa nga lagi ang sasakyan mo at abonado pa ako sa gasolina. Sigurado akong kapag natuloy kang bumili ng kotse, ako rin ang gagawin mong driver.” Nagkamot ito sa ulo. “Para ano pa’t nag-aral kang magmaneho, wala ka namang interes magmaneho.”       “Mayroon naman. Ayoko lang i-drive iyang kotse mo dahil baka mabangga, wala akong pampagawa.”       “Tigilan mo na nga iyang pagdidilig mo, Audrey. Tingnan mo iyang mga dahon, namamaga na. Lunod na iyang mga halaman.”       “Engot! Diyan ka kasi sa mga cactus nakatingin. Natural nang mapipintog iyan. Saka huwag mo akong guluhin. Alam mo namang may schedule ng dilig ang bawat halaman ko. Alam ko ang ginagawa ko. huwag mo akong pakialaman.” Pinanlakihan pa niya ito ng mga mata na tila bata ang kausap niya.       “Kumain na tayo. Nagugutom na ako.” Parang nagpapaawa na ang tono nito.       Tumalima rin naman siya. Pinatay na niya ang gripo at inirolyo ang hose.       “Kunin mo sa terrace iyong KFC mo. Wala ka kasing green thumb kaya hindi mo naa-appreciate ang mga halaman ko.”       “Sa iyo na ang green thumb mo! Basta ako, may green mind!”       “Bastos!” nanlalaki ang mga matang nilingon niya ito.       “Tigang!” ganti naman nito. “Mas masuwerte pa sa iyo ang mga halaman, sagana  sa dilig!”       “Rico, sumosobra ka na, ha!” pikon na wika niya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

Reckless Hearts

read
256.0K
bc

OSCAR

read
225.9K
bc

His Cheating Heart

read
40.4K
bc

The ex-girlfriend

read
138.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook