bc

Back In Time

book_age18+
2.5K
FOLLOW
14.2K
READ
second chance
friends to lovers
badboy
goodgirl
sweet
like
intro-logo
Blurb

Ramona's life is miserable. Matandang dalaga, mag-isa sa buhay at higit sa lahat, bitter ng dekada. Yes, dekada! For god's sake hindi pa din siya nakaka-move on sa ex-boyfriend niya 15 years ago.

But how could she forget him? If he's her first love, first kissed, first make out, first heart break, first in everything!

It sucks, right?

She's trapped in his memories.

Nahiling tuloy niya. . .

Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, babaguhin ko ang lahat. I'll make sure that, I will not end up alone. . .

Ramona's eyes widened. "Oh.. my.. god.." She mumbled as she stares at her reflection in the mirror.

She woke up 15 years back in time!

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : Broken Vow
"Ramona Annalize..." Nag-echo ang tilian at hiyawan ng mga estudyante sa loob ng gymnasium nang lumuhod si Resse sa harapan ng gulat na si Ramona. Inikot ng dalagita ang paningin sa paligid at namumula ang pisnging niyuko ang nobyo. "Reese! Nakakahiya! Tumayo ka ng diyan..." "Mona, alam kong mga bata pa tayo... But I've never been this sure in my whole life. I've never felt this way to anyone," madamdaming pahayag nito pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at dinala iyon sa dibdib. "I've never fall in love this hard." "Reese..." speechless na nakagat ni Ramona ang ibabang labi. "Will you you marry me?" Napasinghap si Ramona nang ilabas ni Resse ang kulay pula at maliit na box sa bulsa nito. Nang buksan iyon ng binata tumambad ang singsing na kumikislap ang maliit na bato sa gitna. Nanlabo ang paningin ni Ramona mula sa pangingilid ng luha sa sulok ng kaniyang mga mata. He's her first boyfriend, first kissed, first in everything... Asking her to marry him... felt surreal. Is this a dream? Just when Ramona thought it was a dream, napaigtad siya sa malakas na tunog ng alarm clock. "Oh, great!" Nagdadabog na kinapa niya iyon sa ibabaw ng bed sidetable table at in-off at saka sabog ang buhok na dumilat. That freaking dream again.. Ang tibay rin talaga ng ala-alang 'yon, ano? Ayaw pa rin siyang tigilan. Ilang taon na ba ang nakalipas? Hindi na niya mabilang sa sampung daliri. Nakakatawa lang dahil para bang kahapon lang 'yon nangyari. Mapait siyang napailing at patamad na bumangon. Naglakad siya sa sliding door palabas ng balcony at binuksan iyon. Nilipad ng hangin ang buhok ni Ramona. Maaliwalas ang kalangitan. Tirik na tirik ang araw kahit alas syete pa lang ng umaga. Buwan na kasi ng Marso at nagsisimula na ang tag-init. Natuon ang tingin niya sa mga sasakyan sa ibaba na naipit sa araw-araw na traffic. Maiitim ang ibinubugang usok niyon galing sa tambutso at maingay na maririnig ang mga pagbusina. This is what she hates moving in the city. Polluted na nga, maingay pa. Kaso wala naman siyang pagpipilian noon. Mas gugustuhin na niyang magkasakit siya baga at ma-stress kesa paulit-ulit na masaktan. Hindi siya masokista. Naiiling na bumalik sa loob si Ramona. Binuksan niya ang ref sa kusina at tinungga ang karton ng gatas. Sinimot at tinakpak pa niya sa bibig ang kahuli-huliang patak niyon bago dumiretso sa banyo. Mag-isa lang siyang nakatira dito sa unit at hindi uso sa kaniya ang mag-grocery. Sa labas kasi ng condo niya ay tabi-tabi na ang fastfood chains at restaurant. Gabi na rin kung umuwi galing sa trabaho si Ramona kaya wala na siyang oras para magluto. Nasanay na siya sa takeout na pagkain. Kasama sa benepisyo ng kumpanyag pinagtatrabahuan ni Ramona itong unit. Bukod sa maganda ang pasweldo, kaibigan rin niya ang may ari. Kaya kahit hindi walang alam noon mamuhay sa syudad, nakipag-sapalaran siya. At sa loob nga ng sampung taon, nasanay na rin siya sa environment niya. Palibhasa bahay at trabaho lang rin naman ang routine niya sa araw-araw. Hinubad ni Ramona ang mga damit. Pinagmasdan niya ang repleksyon sa full sized mirror. Parang ilang araw na lang ang itatagal niya sa mundo. Dinaig pa niya ang malnourished sa sobrang impis ng kaniyang katawan. Humpak ang pisngi na puno ng freckles at tila wala nang nananalaytay na dugo sa ugat niya dahil sa maputlang kulay ng balat. "Pathetic..." mapait na bulong niya sa sarili. Lumapit si Ramona sa salamin at sinuri ang anit. Napasimangot siya nang makitang lumalabas na naman ang tunay na kulay ng buhok niya. She's a natural ginger hair. Namana niya ang foreign features sa ama na isang banyaga. Noong bata pa si Ramona, tampulan siya ng tukso ng mga kababata. Inaasar siyang anak ng maligno at sirena. Iba naman ang kaso pagtuntong ni Ramona sa highschool. Pinuntirya siya ng mga naiinggit na kaklaseng babaeng. Dahil karamihan sa kaklaseng lalak ay nais mapalapit sa kaniya. Hindi siya lumaban noon. She always chose to be the bigger person. Sabi nga ng Mommy niya, silence is not a sign of defeat. It's a strong self control. Ngayon na nga lang niya pinagsisihan ang pananahimik noon. Sana pala natutunan niyang lumaban at ipagtanggol ang sarili. Sana mas naging aware siya sa totoong intensyon ng tao sa kaniya. Para nagawa niyang iwasan ang mga taong naging dahilan bakit miserable ang pakiramdam niya ngayon. Bigla gumitaw ang mukha ng lalaki sa nakaraan... his deep set of blue eyes, his smile, his brown hair.. his smell.. Hindi ka pa rin talaga nagsasawa?! It was freaking fifteen long years! Tama na! Move on rin! Inis na binuksan ni Ramona ang drawer at ibinuhos na lang ang galit niya sa pag-aapply ng pang-kulay sa buhok... •~•~•~•~•~•~•~• Ipinuyod ni Ramona ang buhok na lampas balikat. Pinatungan niya ng manipis na make-up ang mukha upang itago ang mga freckles sa kaniyang pisngi at saka isinuot ang large frame na salamin sa mata. Umikot siya sa full sized mirror. Puting polo shirt na inipit sa ilalim sa navy blue pencil cut skirt at flat shoes na itim ang napili niyang isuot. Siguradong kapag nakita siya ni Lizzy sasabihin na naman niyon na para siyang terror teacher sa social studies. Kaya walang nanliligaw sa kaniya. Hindi naman iyon ang ipinunta niya sa opisina, no! At lalong wala siyang balak na mag-boyfriend ulit. Kota na siya sa sakit na naranasan niya noon. Ayaw na niyang sumubok ulit. "Nippy! Pepper! Rain!" Pasigaw na tawag ni Ramona sa mga pusa niya habang nilalakad ang pasilyo patungo sa kitchen. Lumabas ang tatlong pusa galing sa mini office niya. Isang siamese at dalawang persian cat. Hindi siya pet lover. But these cats are cute and easy to take care of. Hindi kailangan ng atensyon di tulad ng mga aso. Madalas na madaanan ni Ramona pag-uuwi siya galing sa opisina ang tatlong pusa na nasa gilid ng daan Nakapagtatakang walang dumadampot sa mga ito gayong maganda naman ang breed. Isang araw sinundan siya ng tatlo hanggang sa tinitirhan niyang building. At kinabukasan naroon pa rin ang mga ito. Wala na siyang nagawa kundi kupkupin. Kaysa mapahamak at masagaan sa kalsada. "Kayong tatlo..." Dinuro niya ang tatlong pusang nagsitalon sa ibabaw ng lamesa. "Huwag kayong nagkakalat ng dumi niyo, okay? May litter box naman kayo 'di ba? Bakit 'di kayo doon tumae!" Sumusunod ang ulo ng mga ito ang bawat kumpas ng kamay niya. "Kapag kayo matitigas ang ulo hindi ko na kayo papaikinin! Ililigaw ko kayo! Maliwanag ba?" L Mahinang ungol ang naging tugon ng mga alaga pagkatapos ay dinilaan ang katawan. Sumimangot si Ramona habang nakatitig sa mga pusa. Malakas siyang bumuntong hininga. Baliw na ata siya. Pati ba naman mga pusa kausapin? Naiiling na isinukbit niya ang bag at tinungo ang front door. Muli niyang binalingan ang mga alagang alam niyang nakasunod sa kaniya. "Huwag kayong magkakalat!!" angil niya bago pabagsak na isinara ang pintuan. * * * * Makakatabi at nagtataasang mga gusali ang araw-araw na nadadaanan ni Ramona papasok sa opisina. Ilang bloke lang naman ang layo niyon sa condo unit niya. "Good morning, Ma'am!" Bati sa kaniya ng guwardya pagpasok ni Ramona sa Amores Building. At tulad ng dati, tanging tango ang tugon niya. Sa 10th floor ang opisina nila. Malamig sa mata ang peach na kulay ng pader, may maliliit iyong disenyo ng bulaklak na daisies. Puti naman ang ceiling at tanaw ang nagtataasang building sa labas ng salaming pader. "Mona!" Bungad ni Lizzy sa kaniya nang madaanan niya ang kaibigang papalabas sa cubicle nito. "Next week is the big day! Are you ready to go back to your hometown?" Umiling siya at nagpatuloy patungo sa sarili niyang cubicle. As usual sumunod si Lizzy sa kaniya. At hindi nakaligtas sa sulok ng mga mata ang pag-ngisi nito. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng events organizing company dito sa Manila sa kanila pa napiling magpa-book ng dating mga kaibigang ikakasal next week! "Hindi ako sasama." Umarko kaagad ang kilay ni Lizzy. "At sinong may sabi?" Magkaklase sila ni Lizzy mula freshmen at kalaunan nga ay naging matalik silang magkaibigan. Pag-aari ni Lizzy at ng asawa nito ang Make It Happen Event's Planning Company. Dalawang taon na ang business ng kaibigan nang ialok nito sa kaniya ang HR posisyon. She couldn't say no to her offer. Maliit lang ang sinusweldo ni Ramona noon bilang isang aide sa Asylum. Malaki rin ang bayad sa inuupahan niyang apartment. Lizzy's offer could cover up all of her expenses, dahil doble sa dati niyang trabaho ang pa-sweldo nito. May iba pang benepisyo bukod sa housing accomodatuon. May travel vacation na sagot ng kumpanya ang lahat ng gastos once a year na hindi niya nagamit kahit isang beses. At libreng sasakyan rin na inaamag sa basement ng unit niya dahil mas prefer niya ang maglakad. But here's the catch though, kailangan niyang tiisin ang pinaka-susumpa niyang wedding events! Nadagdagan ang ka-bitter-an niya kapag nakakakita ng masasayang couple na ikinakasal. Nagkakasala rin siya dahil palaging nasa isip niya na maghihiwalay rin ang mga ito. Nasusuka siya sa mga vows at lalo na kapag binabanggit ang salitang forever. The sweetest lie. "I told you Liz, ayokong sumama." Ulit ni Ramona at naupo sa swival chair niya at binuksan ang laptop. Umikot ang eyeballs ni Lizzy. "Ano ka ba, Mona. Alam mong wala si Jamie at Lalaine!" tukoy nito sa dalawang kasamahan sa creative comittee. Kaunti lang ang empleyado ng Make It Happen Events Planning Company. Dalawang Program Administration na kinabibilangan ni Lizzy at ng asawa nito, lima sa Creative Comittee, apat sa Operations Liasons na taga-ayos sa techinicalities at ang Treasury Comittee na kinabibilangan niya na nag-aayos naman sa over all budget ng bawat event. Kapag malakihang events tulad ng kasalan na gaganapin sa susunod na linggo kumukuha sila ng extra tao sa labas dahil kukulingin sila sa staff. Patamad na binalingan niya ang kaibigan. "Naayos ko na lahat ng kailangan sa budgeting. Babayaran na lang nila kayo dun." "Kulang nga tayo sa tao!" Giit nito. Ramona shrugged. Alam na niya ang kahihinatnan ng argumentong ito. "Pwede namang mag-hire ng taga-labas. Ganoon naman ang ginagawa natin kapag kinukulang sa tao, di ba? Wala rin naman akong maitutulong sa inyo doon. Hindi ako creative at alam mo namang sa lahat ng events allergic ako sa wedding." "Ows, talaga?" Bakas ang kunwaring amusement sa tono nito. "Oh, baka naman natatakot ka lang makita ang ex mo?" Sinulyapan ni Ramona si Lizzy at binalik uli ang tingin sa laptop. Ayaw niyang sagutin ang tanong nitong obvious naman ang isasagot niya. "Mona, naman kasi... fifteen years na ang nakalipas, hindi ka pa ba rin nakaka-move on?" Open book ang buhay niya kay Lizzy. Dahil noong nasa lowest point siya ng buhay niya— kay Lizzy niya inihihinga ang lahat ng sakit. "Kung may dapat na mahiya sa pagkikita namin Liz, alam mong hindi ako 'yon," blanko ang ekspresyong tugon niya dito. "I'm now okay... I mean, I'm starting to move forward..." "Ows?" nakataas ang kilay na nagdududang anito. Nag-iwas siya ng tingin. It was a lie of course! Sa araw-araw ba naman na lumilipas, nag-fa-flash pa rin sa isip niya ang nangyari sa nakaraan na parang kahapon lang naganap ang lahat ng iyon. "You know what? You should really come! Malay mo... closure lang pala ang kailangan mo para tuluyang mabitiwan 'yang exes baggage na dala-dala mo. Jusko, lampas dekada na yan." "As if naman magkita kami doon! At hindi ko kailangan ng punyetang closure niya!" Halos madurog ang enter button nang pagalit niyang pindutin iyon. "Hindi? But look at you, nabubuhay ng miserble. You deserve more than that, Mons. Kailan ka ba magigising?!" Kinumpas ni Lizzy ang mga kamay. "Wala ka pang 40's pero mukha ka ng nasa 50's." Lalong nalukot ang mukha niya. "Seryoso?" "I'm just kidding!" Pinandilatan siya nito bago bumuntong hininga. "Pero kung ipagpapatuloy mo iyang pagiging bitter mo, hindi malayong mangyari maagang pumuti 'yang mga buhok mo. Wake up, Mona. Fifteen years is too long for yearning! Napag-iiwana ka na sa biyahe." Lizzy slapped the cruel truth to her face again. Sa edad na thirty three napag-iiwanan na talaga siya. "I don't care kung tumanda akong dalaga." "Well, I do care. Gusto kitang mag-asawa 'no at maging masaya. Sana tulungan mo rin yung sarili mo." Naiiling na tumalikod ito at naglakad. Subalit hindi pa man ito nakakalayo nang lumingon ulit sa kaniya. "Mag-ready ka na dahil isasama kita bukas sa ayaw at sa gusto mo!" "What?!" Napatayo si Ramona sa pagkakaupo saka sumilip sa labas ng cubicle. "No way!" "Yes, way!" Tugon nito sabay nilayasan siya. Kilala niya si Lizzy na kapag may sinabi kahit anong mangyari dapat masunod. Kun'di baka ipasunog nito ang condo niya. She groaned in frustration at pabagsak na naupo sa swival chair, isinandal ang ulo sa sandalan tsaka pumikit. What if... magkita nga sila ni Reese doon? Hindi imposible. Dahil naging kaibigan din nito ang ikakasal na sina Benjamin at Penelope. Pa'no niya haharapin ang lalaking 'yon? Maging ang dating mga kaibigan, matapos siyang umalis ng walang paalam? She's not ready for this. Kahit kailan ay hindi siya magiging handa para doon. Napahilot si Ramona sa sentido niya at tumulala sa kisame. Bakit ba siya nag-aalala? Kung may dapat man na mahiya hindi siya iyon! It should be, him and her. Sila ang may atraso sa kaniya! •~•~•~•~•~•~•~• PASADO alas syete nang mag-out sa opisina si Ramona. Hanggang alas sais lang talaga ang oras sa trabaho nila pero nakasanayan na niyang umuwi ng late. Hindi tulad ng mga kasamahan na excited magsipag-uwi dahil may pamilyang naghihintay at daratnan sa sariling tahanan, siya ay ang walang buhay na condo at tatlong pusa ang araw-araw na naghihintay sa kaniya. Gusto niya pag-uwi, matutulog na lang siya. Niyakap si Ramona ang sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Nilalakad niya ang kahabaang daan ng Aurora Drive. Kakaunti na lang nakakasalubong niya dahil past rush hour na. Ang pang gabing establisyemento tulad ng food bazarre sa kabilang kalsada ay nag-o-operate na at dinudumog ng mga empleyadong nag-ta-trabaho sa malapit na call center. Bukas na rin ang tabi-tabing bar 'di kalayuan sa kainan, na para bang nang-e-engganyong kumukutitap ang neon lights mula sa ibat ibang hugis at laki na signage. Buhay na buhay ang paligid sa gabing madilim. Natigilan sa paglalakad si Ramona nang makarinig ng tunog ng wind chime. Luminga-linga siya sa paligid at nagtaka nang makita ang nag-iisang store na tanging bukas sa hilera ng tabi-tabing building na nilalakaran niya. Parang ngayon lang niya nakita ang tindahang 'to, ah? Dala nang curiosity nilapitan niya iyon. Tumingala siya at binasa ang nakasulat sa karatula. "La Vie Est Belle. Huh? ano kayang ibig sabihin nun?" Mula sa kinatatayuan, nakikita niya ang loob dahil salamin ang pader niyon. Hindi siya sigurado kung bookstore ba 'yon, souvineer shop or nagtitinda ng mga crafting materials. Tinulak niya ang pinto at marahan iyong tinulak. Sumilip siya sa loob bago tuluyang pumasok. Pumailanlang ang mabagay at mahinang tugtugin. Wise men say, only fools rush in But I can't help falling in love with you Inilibot ni Ramona ang tingin sa paligid. Hindi niya mapigilang humanga sa mga nakikita. Lahat ng nandoon, vintage items! Nilapitan niya ang vinyl record na nakasalansan ng maayos sa mahogany na katabi ng antique na Jukebox. Napangiti siya at maharang hinaplos ang plaka na may pangalan ni Frank Sinatra. One of her mom’s favourite artist. “Wahhh…” namimilog ang matang namamanghang ani Ramona nang makuha ang atensyon ng puting vanity dresser sa sulok. Nilapitan niya iyon at pinaraanan ng daliri ang wooden surface. May maliliit na cracks at stains na halatang dala ng kalumaan. Since high school facisnated na siya sa lumang mga bagay. Nagsimula iyon nang makita niya ang old pennies ng yumaong ama. Naagaw na naman ang atensyon ni Ramona ng mga memorabilia nakapatong sa limang layer ng shelf. Tinungo niya iyon saka inisa-isang hinawakan at tiningnan. A little smile form on her lips when saw an old cassette of blink 182. Her favorite band way back high school. Those days... when she still believes in forever and all happily ever after. Inilapit ni Ramona ang cassette tape sa dibdib. As she closed her eyes— memories of the past flashed in her mind…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook