bc

Love is an Accident

book_age18+
16.6K
FOLLOW
144.8K
READ
billionaire
revenge
contract marriage
arranged marriage
CEO
drama
bxg
city
wife
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

❗R-18 | MATURE CONTENT❗

Shantelle See, ang hindi paboritong ampon na babae ng See Family. Dahil sa hindi magandang pagtrato sa kanya ng kinalakhang pamilya, nagsikap siyang makatapos ng pag-aaral sa kagustuhang makaalis sa poder ng pamilyang umampon sa kanya.

Nag-aral siya nang mabuti para sa pangarap niya na maging isang matagumpay na Fashion Designer.

Ngunit lahat ng iyon ay hindi niya natupad dahil sa isang lalaki. Lalaking sumira ng kanyang mga pangarap. Ang lalaking pumilit sa lolo niya na maikasal sila para maisalba ang naluluging kompanya ng lolo niya. At dahil doon ay gumuho ang mundo niya dahilan para mapoot siya sa binata.

Ang taong dahilan ng lahat ng iyon ay walang iba kun'di si Stanley Hao, anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa, matangkad, guwapo ngunit suplado.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sa isang marangya at magandang silid, isang babae ang nakahiga sa isang malaki at malambot na kama. Sa pagmulat ng kanya mga mata, isang nakasisilaw na liwanag na tumagos sa kurtina ang bumungad na kanya. Napalingon siya nang marinig ang tunog ng pagbukas ng pinto. Kasabay niyon ay ang paglabas ng isang lalaking nakatapis lang ng tuwalya. Mukhang bagong ligo dahil basa ang buhok. Tinapunan siya ng malamig na tingin. Pagkatapos naglakad ito palapit sa kama at naupo sa tabi niya. Sa hindi malamang dahilan, hindi niya napigilan ang mga kamay na abutin at haplusin ang maganda at matipuno nitong dibdib. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila kakaibang init ang kanyang naramdaman. Hindi pa siya nakuntento. Mula sa dibdib nito, dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay upang haplusin ang mukha at mapulang labi ng lalaki. Napangiti ang lalaki sa ginawa niya. Lalo itong nag-init na hindi niya kayang palampasin ang pagkakataong matikman ang magandang babae… ******** The golden autumn sunshine of Japan country is extremely brilliant. Malugod at maligayang dumating ang See family sa isang malaki at hindi malilimutang okasyon. Iyon na ang araw na pinakahihintay nila. Ang pag-iisang dibdib nina Ashley See at Stanley Hao. Para sa kanila, ang kasalang iyon ang makapagpapaahon sa naluluging kumpanya. Ang napaka engrandeng kasal na iyon ay ginanap sa pinakamagandang beach sa bansang Japan. Kay sarap tingnan ng paligid dahil sa mga nakadekorasyong iba’t ibang uri ng bulaklak. Napuno rin ng magaganda at guwapong mga panauhin ang bulwagan. Bakas sa mukha ang saya at pagkamangha. Ngunit isang tao lang pinakamalahaga sa kasalang iyon. Iyon ay walang iba kun’di ang anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, si Stanley Hao. Dahil sa yaman nito, tila wala lang sa kanya ang bilyun-bilyong nagastos sa kasalang iyon. Kung hindi mo siya kilala, marahil ay masasabi mong wagas ang kanyang pagmamahal sa babaeng pakakasalan niya dahil sa kakaibang kasalan na iyon. Pero para kay Stanley, iba ang plano niya. ****** Dressing room! Maingat na hinawakan ni Shantelle See ang mga mamahaling bulaklak para sa kanyang pinsan. Ginawa ang mga ito mula sa libu-libong nakasisilaw na mga brilyante na kapag nawala niya ay hindi niya kayang bayaran kahit pa siguro magtrabaho siya ng bente kuwatro oras sa isang araw sa loob ng isang buong taon. Sa kanyang harapan, nakaupo sa harap ng salamin ang kanyang pinsan na tinatanggap ang serbisyo ng apat hanggang limang tao. Nakasuot ito ng isang pasadyang puting damit-pangkasal. Lalong rin itong gumanda dahil sa makeup nito. “Hoy Shantelle, mag-ingat kang huwag mawala ang mga brilyante.” Saway nito sa kanya nang makita siyang binibilang ang mga iyon. Agad na napahinto ni Shantelle sa kanyang naiinip na kilos at ngumiti. "Pinsan, huwag kang mag-alala. Wala ni isang nawawala." "Anyway, don't be in such a hurry. After I get married, it'll be your turn." Ashley smiled faintly. "Ayokong magpakasal,” mabilis niyang sabi habang umiling-ling. "Narinig kong sinabi ni lolo na iririto niyang makipag-date ka sa anak ng pamilyang Nang sa susunod na linggo." Nang marinig ang sinabi ng pinsan, agad na nagdilim ang mukha ni Shantelle. Dahil doon ay napahigpit ang paghawak niya sa bulaklak na nasa kanyang kamay. Hindi maaari, hindi naman siguro tutuhanin ng lolo niya iyon. "Ashley, bilisan mo. Malapit na dumating ang takdang oras.” Nang marinig ang boses ng daddy ni Ashley doon lang tila nagising sa malalim na pag-iisip si Shantelle. Agad naman sumilay ang masayang ngiti sa labi ni Ashley nang marinig ang ama. Tumayo siya tulad ng isang prinsesa at inagaw ang mga bulaklak mula sa mga kamay ni Shantelle. Inabot niya ang braso ng kanyang ama at dahan-dahang lumabas ng pinto. "Bakit hindi ka pa sumusunod? Ayaw mo bang makita akong ikakasal? O baka naman ayaw mo kasi naiinggit ka sa akin?” pairap na wika ni Ashley. Huh! Kahit kailan hindi ako maiinggit sa iyo! Gusto sanang sabihin iyon ni Shantelle pero pinigilan na lang niya ang sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit ito palaging galit sa kanya samantalang ito naman ang tunay at paboritong apo ng pamilyang See. Kung tutuusin ay wala naman dapat itong ikagalit sa kanya. Bigla siyang napuot nang maisip niya ang sinabi ni Ashley sa plano ng kanilang lolo na ipagkasundo rin siya. Hindi siya makakapayag. Hindi iyon ang gusto niya mangyari. Kakatapos lang niya sa unibersidad at nag-a-apply ng trabaho na gusto niya. Kay tagal niyang hinintay ang pagkakataon na iyon na kapag may trabaho na siya, puwede na siyang umalis sa pamilyang See. Kung hindi nga lang kabastusan ay hindi na siya dadalo sa kasalang iyon. Mas gusto pa nga niyang mag-apply ng trabaho kaysa sayangin ang oras sa kasal ng kanyang malditang pinsan. Napailing na lang siya saka yumuko at patago na naglakad sa lugar ng mga panauhin at umupo sa isang sulok. Ashley's wedding, she really didn't care at all. So, she lowered her head and continued to scroll in her social media account! Nagsimulang tumugtog ang musika, at tumahimik ang eksena. Ang mga mata ng lahat ay nakatuon sa direksyon ng pasukan. Kasabay ng tugtog, ikinawit ni Ashley at kamay sa braso ng kanyang ama at kaaya-ayang umapak sa mahaba na grade red carpet sa ilalim ng kanyang mga paa at lumakad patungo sa gitna ng kristal na palasyo. Nang marinig ang tugtog, bahagya namang itinaas ni Shantelle ang kanyang ulo at sinulyapan si Ashley. Para sa kanya, kahit pa ikakasal na ito sa pinakamayamang tao ay wala man lang siya ni katiting na inggit na nararamdaman para rito. Ang gusto lang niya mangyari ay umalis sa puder ng mga See. Matapos masulyapan ang pinsan, akma na sana niyang bawiin ang kanyang tingin nang maramdaman ang tila nakakapaso na titig na nagmula sa kung saan. Luminga-linga siyang upang hanapin kung saan galing ang mga titig na iyon ngunit wala naman siyang nakita. Strange! Guni-guni ko lang ba iyon? Dahil walang nakita, ibinalik na lang niya ang atensyon sa kanyang cell phone. ****** Habang nakatayo sa hugis-puso na stage na may mga palamuting bulaklak. Tahimik lang ang lalaking ikakasal. Napaka-guwapo nito sa suot na black three piece suite na bumagay sa makisig at matangkad nitong katawan. Kung isa ka sa babaeng panauhin ay tiyak na maiinggit ka talaga sa babaeng pakakasalan nito dahil bihira ka lang naman makakita ng lalaking saksakan ng guwapo’t mayaman pa. Nang tumigil na ang tutog, nakatayo na rin si Ashley sa harap ni Stanley. Nakasuot siya ng light at transparent na belo—na sapat na para matakpan ang kanyang namumulang mukha dahil na nararamdamang hiya nang makita ang mukha ng magiging kabiyak. Mayabang at arogante si Ashley pero wala siyang lakas ng loob na salubungin ang tingin ni Stanley. This man’s aura was too powerful. His pair of eyes were deep like a deep pool of water rippled with light, causing people's souls to tremble. Just a single glance was enough to kill them. When Ashley was finally in front of Stanley, all the distinguished guests present couldn’t help to wait for the couple to agree to their vows.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.3K
bc

NINONG II

read
618.4K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.3K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook