bc

The Heir (Completed)

book_age18+
18.5K
FOLLOW
247.8K
READ
sex
family
friends to lovers
manipulative
submissive
badgirl
drama
tragedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Tagalog Romance (Tagalog) Completed

The Heir

Mula nang dumating sa hacienda ang ampon ng kanyang Papa ay nagbago na ang lahat sa buhay ni Jeannie. Hindi lang ang atensyon ng Don ang inagaw ng bastardong lalake bagkus ay ginawa pa itong tagapagmana ng kanyang papa at tatayong guardian niya hanggat hindi pa siya nakakapag-asawa. Pero hindi siya makakapayag, gagawin niya ang lahat upang mabawi ang nararapat na para sa kanya but everything changed in just a blink of an eye. Sino ang babaeng hindi maaakit sa kakisigan at kaguwapuhang taglay ng lalake? Kasusuklaman pa ba niya ito after the whole night they spent together?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 0NE
UMIKOT-IKOT siya sa harap ng malaking salamin pagkatapos ay sinipat-sipat ni Jeannie ang sariling repleksiyon. At nang hindi makontento ay muling nagpahid ng blush on sa pisngi at muling nagwisik ng mamahalin niyang pabango na nabili pa niya sa Paris noong nag-unwind sila ng mga kaibigan niya noong isang linggo. Of course, she has to be more presentable, stunning, witty, fabulous, and perfect sa paningin ng bawat makakasalamuha niya—hindi lamang sa loob ng unibersidad na pinapasukan niya. Mayaman, maganda, matalino, at biniyayaan ng magandang kurba ng katawan—ilan lamang iyan sa mga papuring natatanggap niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. At batid niyang may katotohanan ang mga paglalarawang iyon sa kanya na lalong nakadagdag sa kumpiyansa niya sa sarili. Tinitingala at kinaiinggitan din siya sa buong eskuwelahan dahil bukod sa siya ang Queen of the Campus ay aktibo rin siya sa larangan ng sport. Higit pa riyan ay maraming mayayamang binata ang nahuhumaling sa kanya. She can always get what she wants kung gugustuhin niya. Spoiled brat to be exact, she grew up with a golden spoon in her mouth and never bothered herself to fill her own glass of water dahil marami siyang katulong na dapat gumawa n’on para sa kanya. Bukod sa nag-iisang anak ni Don Ignacio Madrigal, siya rin ang nag-iisang tagapagmana ng kanyang papa and there’s no doubt about that dahil wala naman siyang kahati sa mga ari-arian ng Don. She arched the skeptical eyebrow at taas noo siyang lumabas ng ladies’ room. Kampante at tila isang prinsesang naglalakad sa pasilyo ng eskuwelahan habang nakamasid sa kanya ang bawat estudyanteng nadadaanan niya, nasa mga mata ng mga ito ang paghanga, respeto, at inggit sa kanyang pisikal na kagandahan. Laglag naman ang panga ng mga kalalakihan sa kanyang taglay na alindog na sinasadya talaga niyang ilantad sa publiko upang takamin ang mga kabaro ni Adan. Mabilis namang nakasunod sa kanya ang mga kaibigan na katulad niya’y nagmula rin sa kilalang pamilya. “Hi, Jean!” nakangiti at kampanteng bati ni Zairus sa kanya. Humarang pa ito sa daraanan niya. Katulad niya ay sikat din ang lalaki sa buong unibersidad at kilala sa pagiging heartthrob at playboy nito na halos lahat ng magagandang estudyante ay napasagot na nito maliban na lamang sa kanya. Sa halip na tugunin ang nakangiting lalaki ay nilampasan lamang ito ni Jeannie na wari bang hindi nag-e-exist sa mundo. “Let’s hangout together, anywhere you like. Just name the place,” habol dito ni Zairus na tila siguradong positibo ang makukuhang sagot mula sa kanya. Tinanggal ni Jeannie ang shades sa mata at pasimple itong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tipid na ngumiti. “Don’t block my way, Zairus. Seeing you early this morning is indeed, completely ruining my day.” Itinulak niya ito sa balikat at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. “Hinihindian mo ba ang isang tulad ko, Jean?” “Isn’t that obvious?” “You should be glad and thankful dahil ikaw ang gusto kong maka-date sa araw na ’to,” dagdag na pagmamayabang pa ng lalaki. Umarko ang kabilang kilay niya sa tinurang iyon ni Zairus. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang lalaking dinaig pa si Nasus sa kayabangan at sobrang bilib sa sarili. “Having a date with you is the most dreadful thing that would ever happen to me, Zairus.” “What?!” “You heard me, don’t you? Now, get out of my way!” Nagmistulang ibinabad sa dinikdik na sili ang hitsura ni Zairus sa sinabi niyang iyon, marahil ay napahiya ito sa mga estudyanteng nasa paligid na nakasaksi sa ginawa niyang pagtanggi sa alok nito. Who cares?! Wala siyang katiting na paghanga sa damuho at mayabang na lalaking ’yon. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na marami itong dini-date na kapwa niya estudyante. “I don’t even know if you’re plain stupid or nagpapakipot. I mean, hello?! Zairus La Verde is a good catch—” “And he’s not my type, the hell of that fool,” maagap na putol ni Jeannie sa iba pang sasabihin ng kaibigan. “Seriously?” “Mukha ba akong nagbibiro, France?” “That’s ridiculous, Jean. Ikaw lang yata ang hindi nagkakagusto sa kanya sa paaralang ito,” sang-ayon naman ni Maritony kay France. “And besides, mabait naman ’yon,” dagdag pa nito. “If I say I don’t, I mean it! End of discussion.” Inirapan niya ang mga kaibigan at nagtuloy sa una niyang klase sa araw na iyon. Natural, pinsan ng nobyo ni Maritony ang kupal at alam niyang walang magandang patutunguhan ang usaping iyon. Masisira lang ang magandang mood niya kapag pinatulan pa niya ang mga ito. Matagal na itong nagpaparamdam sa kanya pero hindi ang mga tipo ni Zairus ang magugustuhan niya at papasa sa mga pamantayan niya. Kahit sabihin pang papalit-palit din siya ng nobyo ay wala sa bokabularyo niya ang patulan ang isang katulad ni Zairus. Saksakan na nga ng yabang ay wala pang dating sa kanya. Isasali lamang siya ng hudyong lalaki sa listahan ng mga babae nito. Subalit sa kabila ng pagiging playgirl niya ay pangarap din naman niyang makatagpo ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya nang buong-buo at mamahalin din niya habambuhay. Iyong lalaking mamahalin siya hindi dahil mayaman siya at maganda. Pagkatapos ng kanilang huling klase ay niyaya niyang lumabas ang mga kaibigan at hindi naman siya hinindian ng mga ito. Itinaas niya ang kabilang kamay at ikinumpas sa ere bilang tawag-pansin sa bartender. Three glasses of whisky are not enough for her. Drinking brandy is crazy good but she’s not alcoholic. Umiinom lang siya kapag gusto niya. At sa mga sandaling iyon, wala siyang gustong gawin kundi ang uminom hanggang sa magsawa siya. She never bothered herself to think about money. Parties, gimik, and wasting a lot of money are some of her hobbies. She’s rich indeed, the only one heiress, at kahit oras-oras siyang magwaldas ng pera ay magbubuhay prinsesa pa rin siya. “Thanks,” aniya nang iabot sa kanya ng tagasilbi ng alak ang kanyang inumin. Kampante niyang isinandal ang likod at sinimsim ang laman ng kopita habang pinagmamasdan ang pagsasayaw ng mga kaibigan. Regular costumers na sila sa naturang club at isa rin ito sa mga paborito niyang lugar kapag gusto niyang magliwaliw. “Don’t tell me na uupo ka lang d’yan at panonoorin lang kami hanggang sa magsara ang club?” sita sa kanya ni Maritony nang lumapit ito at pinamaywangan pa siya. “Get up, girl! Move your ass and let’s dance!” Hindi na hinintay ni France ang sagot niya, mabilis nitong hinila ang kamay niya patungo sa dance floor. At dahil hilig niya ang pagsasayaw ay pinagbigyan niya ang mga ito. Umindayog siya at sumabay ang galaw ng kanyang katawan sa maharot na tugtugin. Music is normally part of her life. She enjoys every melodic, rock, or pleasing tune. Bumalik lamang sila sa kanilang mesa nang pare-parehong makaramdam ng pagod. “So, where should we go after this?” hinihingal pang tanong sa kanya ni France. “Kung dumiretso na kaya tayo sa Boracay? We can use my father’s private helicopter.” “Not bad. Weekend bukas so we can stay there for two days. And besides, kaarawan ni Bob on Sunday, we can even celebrate there. What do you think, Jean?” sang-ayon ni Maritony na ang tinutukoy ay ang nobyo nito. “Not now, uuwi muna ako ng San Carlos.” “Are you sick?!” halos magkapanabay na bulalas nina Maritony at France, parehong hindi makapaniwala sa narinig. Kilala na kasi siya ng mga kaibigan at alam ng mga ito kung gaano niya kaayaw umuwi ng San Carlos. “Did I say something silly?” balewalang turan niya, bahagya pang nakataas ang isang kilay. “Well, we’re just wondering, what’s with the sudden change of mind?” Pinaikot niya ang mga mata bago sinagot ang kaibigan. “Hell! I’m not gonna stay there for long. I just want to see my father.” Totoo naman ’yon, ilang buwan na ba niyang hindi nadadalaw sa hacienda ang ama? Ang huling pagkikita nila ay noong nakaraang buwan pa; kung hindi pa siya nito pinuntahan sa condo niya ay hindi rin sila magkikita. Isa pa’y abala rin ang kanyang papa sa pag-aasikaso at pagpapalago ng kanilang mga negosyo na alam niyang mapapasakanya rin balang araw. “Make sure, Jean. Hindi ka dapat mawala sa birthday ni Bob.” “I won’t miss that, sissy.” Pagkatapos ay tumayo siya upang magtungo sa ladies’ room. “Hi, gorgeous. Wanna dance with me? I saw you and I like the way you move,” wika ng isang matangkad na lalaki na humarang bigla sa daraanan niya. May hitsura pero wala namang dating sa kanya. “I take that as a compliment,” balewalang sagot niya. She already passed by him but he immediately caught her arm. “So, I deserve to dance with you then.” “Take your hands off.” She raised her eyebrow showing dislike. “Not unless you dance with me, miss,” nakakalokong wika nito, ang mga mata’y nakatuon sa kanyang makinis na binti. Maikling skirt na hanggang gitna ng hita ang laylayan na tinernuhan ng maikling pang-itaas ang suot niya kaya hindi nakapagtataka kung may makapansin sa kanya. Pero ano’ng karapatan ng kutong-lupang ito upang pangunahan siya at utusang makipagsayaw rito? Ano’ng tingin nito sa sarili, si Chris Evans? The jerk! Kinalma niya ang sarili at matamis na nginitian ang lalaki. Lumapad naman ang mga ngiti nito sa pag-aakalang nasindak siya. “What’s your name?” “Mark,” mabilis na sagot ng lalaki, lalong lumapad ang pagkakangiti na binalingan ang mga kaibigan at nakipag-apir pa sa mga ito. “Pretty good, but . . .” Binitin niya sa ere ang nais sambitin at pinasadahan ng mapanuring tingin ang tampalasang hudyo. “Your name doesn’t suit you. Don’t you know about that?” She smirked. “And besides, hindi ka naman mukhang tao para makipagsayaw ako sa ’yo,” pagkawika niyon ay nilampasan niya ito na tila nandidiri. Namula ang mukha ng lalaki, tanda ng pagkapahiya sa mga kaibigan at sa ibang costumers na nakarinig sa mga tinuran ng dalaga. Galit na hinablot nitong muli ang braso niya at sapilitang kinaladkad. “How dare you embarass me in front of my friends?!” “Ano ba?! Nasasaktan ako! Bitiwan mo nga akong kabayo ka!” Lumipad ang kamay niya sa pisngi ng lalaki na ikinalaki ng mga mata nito. Napatakip ng mukha si Jeannie nang akmang sasampalin din siya nito, pero biglang may kamaong sumalo sa kamay ng lalaki. “Hindi pinagbubuhatan ng kamay ang babae, bagkus ay minamahal at lalong hindi pinipilit!” Pagkawika niyon ay binigyan ng nakakahilong sapak ng tagapagligtas niya ang damuhong kupal na siyang nakatawag-pansin sa ibang costumers sa bar. Sumaklolo naman ang mga kaibigan nito, pero dahil mas malaking lalaki ang savior niya ay hindi nito ininda ang mga sapak ng tatlo. Halos magkapanabay na tumakbo palabas ng bar ang mga ito. “At ikaw naman, miss, magsuot ka ng desente para hindi ka mabastos! No wonder kung mapagkamalan kang—” Hindi na nito itinuloy ang nais sabihin bagkus ay tinalikuran na lamang nito ang dalaga. Nagpanting ang magkabilang tainga ni Jeannie sa sinabing iyon ng lalaking tagapagligtas niya kuno. Hahabulin sana niya ito upang mangatwiran pero mabilis nang nakalapit sa kanya ang dalawang kaibigang humarang sa harapan niya. Hindi man lang niya nakita ang hitsura ng lalaking nagtanggol sa kanya na ininsulto lang din siya sa huli. At ano ang gusto nitong sabihin? Na isa siyang mababang uri ng babae? That’s bullshit! “Sissy, are you hurt? Shall I bring you to the hospital?” eksaheradang tanong sa kanya ni Maritony. “Shall I call the police to report those stupid morons?” saad naman ni France. “I’m fine. You two are being so exaggerated,” balewalang aniya pero ang mga mata ay nakatuon sa bahaging sulok ng bar kung saan bigla na lang naglaho ang antipatikong lalaki. “E bakit ka ba napaaway sa mga kumag na ’yon?” Pinaikot lamang ni Jeannie ang bilugang mga mata, tanda na wala siya sa tamang kaisipan para magkuwento sa mga ito. “I got to go, girls,” aniya, at sa halip na magpunta sa washroom ay tinungo niya ang labasan. “Give us a call, Jean.” Ikinaway lamang niya ang kamay bilang pagtugon at hindi na nag-abalang lingunin pa ang dalawa. Nakaramdam siya ng panghihinayang sapagkat hindi man lang niya nasilayan ang mukha ng lalaking nagtanggol sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
165.9K
bc

Sexytary |SPG|

read
536.8K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.2K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook