bc

Desperate Heart

book_age16+
2.5K
FOLLOW
8.1K
READ
arrogant
confident
comedy
sweet
genius
campus
city
rejected
school
naive
like
intro-logo
Blurb

Rein Gabriel is genuis as hell. He's famous for being intelligent, witty and snob. He's cold and more focused in studying-making him more attractive to everyone.

Stella Ormanda is one of those girls who's wishing to be with Rein. She ridiculously confessed and immediately got rejected. But faith literally did something to get them closer, leaving them no choice but to see each other.

Despite of big differences-will Stella and Rein could fall for each other?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Perfect. Napa-isip ako patungkol kay Rein. Kailan kaya kita maaabot? Kahit napaka-imposible na mapansin mo ang isang katulad ko. Sana nga magkaroon ng twist at magkalapit tayo. Sana, sana! Pero kahit na alam 'kong malayo siya sa'kin at hindi 'ko siya maabot, hindi 'ko pa rin mapigilan ang sarili 'ko na hangaan siya. Kiligin sakanya pag nakakahakot siya ng awards at marami pang achievements. Siguro ang tingin sa'kin ng iba ay parang kawawa. Pero hindi, I enjoy watching Rein from behind. Parang langit at lupa ang drama, pero hindi sumagi sa isip 'ko na sumama sakanya o abutin ito sa langit. "Storm naman!" Nagising ako sa sigaw ni Tina at Weng. Nakatingin ang mga ito sa'kin. Problemado. Ngumiti ako sakanila at nag-peace sign. Alam naman siguro nila na natutulala ako dahil busy ako kakaisip sa pangarap 'ko! "Alam naming wala 'kang brain pero please naman, makinig ka. Jusme!" Alanganing napangiti ako. "Hehe. Ano 'bang sinasabi niyo?" Parehas silang napabuntong hininga. "Si Rein na naman iniisip mo, 'no?" Asar ni Tina. Malakas iyon at sapat na para marinig ng iba! Ano ba 'yan! Hindi manlang hininaan ang boses! Nilingon 'ko ang  classroom para tignan sana kung may nakatingin sa'min. Sana hindi nila narinig! Nanlaki ang mga mata ko. Napalingon ako sa paligid at ang buong section six ay nakatingin sa'kin. Bakit kasi ang ingay ng bunganga ni Tina! Kaiyak! "Ha?! Hindi 'ah? Ba't ko naman siya iisipin? Gusto ko ba siya?" Napatawa ako. "Kayo guys 'ah. Ma-issue pa ako!" Tumaas ang kilay ng dalawa. Inaabangan din ng iba ang reaksyon 'ko. Mga titig na titig pa sa'kin! Nakakahiya! "Bakit? Hindi 'ba?" wika ng halos buong section namin. Nagulat naman ako at biglaang namula! Bwisit talaga! Paano kung ma-bash ako dahil sakanila?  Napanguso ako. Grabehan. Talaga 'bang pagtutulungan nila ako? Hindi ba pwedeng tumahimik sila? "Alam mo girl, Kahit naman malaman ng buong campus na may gusto ka kay Rein, wala silang pakialam!" ani Weng. "Kasi, commoner ka. Hindi ka nila mapapansin. Sa dami ba naman ng nagkakagusto 'don na maganda from section one! Nako!" Sumunod pa si Tina. "Kaya huwag kang mag-aalala! Hindi makakarating 'yan kay Rein!" Wika ni Tres. Napanguso ako. Hindi ko alam kung magkaka-confidence at mamo-motivate ako sa sinabi nila--or ma-ooffend ako? Kaibigan 'ko ba talaga sila? Parang hindi naman! Parang lalo nilang pinapamukha na wala akong pag-asa sa lalaki... Oo alam 'ko.. Pero masakit pa rin kasi pakinggan! "Pero friend, ang lala mo na kay Rein. Ba't hindi mo subukang. .. umamin?" wika ni Weng na nakapagpalaki ng aking mata. Ang pinagbabawal na salita, lalo na pag ang gusto mong tao ay si Rein! "Umamin?!" napasigaw kaming dalawa ni Tina sa sinabi ni Weng. Tumaas ang kilay nito. "Oo. Umamin. Bakit hindi, diba?" Hindi naman sa nag-over reacting kami, ngunit hindi pwede iyon! Matalino ang lalaki, pero ubod naman ng sungit at misteryoso! Akala mo ay laging pinagbagsakan ng langit at lupa! At ang lahat ng umaamin sakanya ay nilalagpasan lang niya! Wala pa ring winner kahit maraming umaamin sakanya. Matalino man o maganda, or both! Hindi niya pinapansin!  "A-Ah. ..Parang sinabi mo naman na mag-suicide--"  Pinutol ako ni Weng sa pagsasalita. Hinawakan niya ang balikat 'ko at tinignan sa mata.  "Ano ba! Hindi naman pagpapakamatay ang pag-amin kay Rein! Tao naman siya kahit papaano!" kumbinsi ni Weng. Napaisip ako. Sa buong dalawang taon na pagsilay sakanya, hindi ko naisipang umamin dahil nakaka-intimidate talaga ang aura ng Rein 'ko!  Matalino siya. Gwapo. Maraming nagkakagusto sakanyang babae--at lahat ng babaeng 'yon? Hindi niya pinapansin gaya nga ng sabi 'ko kanina! Wala siyang kaibigang babae. Hindi ko alam kung allergic ba siya sa kauri namin pero okay lang! At least walang epal sa lovestory naming dalawa! Minsan ay naisip 'ko na babae siya by heart, pero hindi! Hindi iyon ganon! "Pero.. .baka kabahan lang ako pag nasa harap niya. Alam niyo naman di'ba?" Napanguso ako. Paano ako magco-confess doon 'eh ang hirap niya nga hagilapin! Tuwing umaga ko lang siya nakikita. At tuwing uwian. Pero sa loob ng school? Kahit 'ata magpunta ako sa kabilang wing kung nasaan ang section niya, hindi ko pa rin siya makikita dahil lagi daw itong nasa loob ng room! "Alam mo, i-try mo ang pagsulat ng love letter! Kung hindi mo kaya sabihin, edi love letter!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tina. "Tama! Tama! At ilagay mo sa locker niya! Ganon!" Napangiti ako at tumili. "Guys! Ang talino niyo talaga kahit papaano! I love you guys!" Napahagikgik ako at may naisip. Paano kung pagkatapos niyang basahin ang letter ko. ..at bigla siyang susugod sa room ko dahil. ..na-realize niya na ako ang babaeng para sakanya?! Lalo akong natuwa sa naisip. "Stella!" Napatalon ako dahil sa narinig kong sigaw. "Vane?!" "Ano 'tong naririnig 'kong magbibigay ka ng letter sa Rein na 'yon?!" Niyugyog nito ang balikat ko. "Ha?! Ang bilis mo namang malaman? Wala ka dito kanina, ha?" Gulat na sigaw ni Weng. "Hindi na mahalaga 'yon! Storm. ..Love. .Darling!" "Vane!" Tinapik ko ang kamay niya. "Alam mo? Matatapos na ang junior life ko. Kaya kailangan, umamin na ako! Hindi pwedeng magiging senior high na ako tapos. .." walang karanasan sa pag-ibig---Kasama si Rein! "Nandito ako, Storm! Hindi ba pwedeng ako na lang?" yugyog ulit sakin ni Vane. "Hoy Vane. Kung kayong dalawa ni Storm ang magsasama habang buhay, may patutunguhan ba kayo? Baka parehas kayo magutom." Wika ni Tres. "Anong. ..sabi. ..mo!?" napatili kami ng mga kaibigan ko ng sakalin ni Vane si Tres. "At least, mamumuhay kaming puno ng pag-ibig! Gago ka!" "V-Vane! Kaibigan natin 'yang si Tres!" Napaupo ako. Isang sulat, huh? "Oh, nandito ka na. Traffic ba?" "Opo, Mama. Ah. Sakit ng likod ko doon sa bus." "Nine-thirty na. Isang oras din ang ni-late mo. Nag-aalala talaga ako sa'yo tuwing uuwi ka." "Mama naman. Ayos lang. Akyat na po ako!" Okay lang naman. Hindi ako napapagod sa byahe dahil tuwing uwian, nakikita ko naman si Rein. Kahit walang emosyon o ngiti ang mukha nito, nae-engganyo akong umuwi ng maraming energy! Pagkatapos maglinis ay napatingin ako sa langit at tinignan ang pinaka-bright na star. Ipinikit ko ang aking mata at humiling. "Sana, may himalang mangyari sa'ting dalawa, Rein."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
198.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.1K
bc

My Husband's Mistress

read
297.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook