bc

Once His Nanny Book 2

book_age18+
1.7K
FOLLOW
11.6K
READ
billionaire
revenge
possessive
kidnap
arrogant
manipulative
billionairess
drama
Girl Power Counterattack
like
intro-logo
Blurb

(Please read first the Book 1: ALL AROUND NANNY)

"I lost my wife and almost lost my child. I will never allow any culprit along my way--not even the prettiest snatcher I bumped. She must be punished!" Ylejah Ortega.

"I wanted to live anew. I tried--but my past kept on hunting me. I will not let him hunt me!" Zayna Hermosa.

Two people who had met by chance, two people who were connected to their painful past. What could happen if Ylejah met his hot-dead snatcher? Of course, he hated culprits after what had happened to his late wife! Zayna must be punished.

Zayna worked two jobs at night and a student in the morning. She opted to changed her life and live anew. But things in life was never been so easy for her—it kept on hunting her over and over again. And now, Ylejah Ortega is hunting her and even her heart is at stake.

chap-preview
Free preview
♛Prologue♛
♛Prologue♛ Flashback: “Maawa po kayo, maam..” Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ni Martha Hermosa—sunod-sunod na sampal at tadyak sa tiyan nito.  Dugoan ang ilong at putok ang mga labi. Sa attic siya dinala ng galit na babaeng amo nasi Sheryl de Villa. Kinaladkad siya ni Sheryl papunta sa attic at walang nagawa si Martha kundi harapin ang kasalanan niya sa amo. “Maawa!? Damn you! Nagpabuntis ka sa asawa ko, animal ka! Isa kang pesteng katulong! Papatayin kita..!” Sobra ang galit ni Sheryl sa katulong. She made a timing to scorn the pitiable woman nang may business flight ang asawang si Martin—he made sure that on the day he’d arrived, wala na si Martha sa buhay nilang mag-asawa. “M-Maawa po kayo sa b-bata..sa tiyan ko..” Pilit na ungol ng dugoang babae na nakahandusay sa malamig na sahig. Nanginginig ito ng mangitang may lumandas na dugo at tubig sa sariling binti. “M-Maam, ang a-anak ko.. A-Ang anak k-ko..” Humiyaw ito ng malakas—ramdam niya ang pagrasa ng matinding sakit sa kaibutoran niya. “Mamatay kayo ng bastardong anak mo! You better rot in hell!” Lumabas ito ng attic saka kinandado ang labasan. Martin!  Hiyaw ng isipan ng isang babaeng naghihingalo. Isang babaeng nagmahal at nagkasala. Isang babaeng walang magawa ngayon kundi isilang ang isang sanggol na nagbabadyang lumabas sa sinapupunan nito. “Aaahhhh!!” Sigaw niya. Masakit ang buong katawan niya dahil sa sampal at tadyak na tinamo niya galing sa among si Sheryl. Pero hindi rin niya magawang magalit rito dahil alam niyang isang malaking kasalanan ang kanilang nagawa ni Martin.. Napahawak ito sa paanan ng isang maliit na mesa saka umiri. Ngunit wala na itong sapat na lakas. Sobra na siyang nanghihina.. Anak.. ‘Wag kang mag-alala—isisilan kita.. Huminga ulit ito ng malalim—saka umiri ulit. Napasigaw si Martha—at sa wakas ay nasilayan ang munting anghel sa paanan niya. Dugoan at balot na balot. Nanghihina man ang babae pero alam nito ang gagawin. Gumapang ito para kunin ang anak at hiniga sa ibabaw ng kaniyang dibdib.. *** “Dios ko! Rafael, s-si Martha!” Ang mag-asawang katulong nasi Maria at Rafael ay siyang naglakas loob na puntahan sa attic si Martha. Sobrang nag-aalala sila sa maaaring sinapit ng dalaga sa kamay ni Donya Sheryl nang malaman nitong ang ipinagbubuntis ni Martha ay siyang sariling laman ng asawang si Martin de Villa. “Martha! Dios ko..! Ang bata!” Kaagad namang kinuha ni Maria ang bata mula sa dibdib ng ina. Napaiyak si Maria dahil sa kalunos-lunos na lagay ni Martha. Bakas rito ang mga tinamong sugat at pasa sa mukha at katawan.  Ilang beses niya bang binalaan ang dalaga na huwag ng makipagkita sa amo? Pero ito mismo ay hindi nakinig! Ang masama ay nagbunga pa ang kasalanan ng dal’wa.. At heto na nga ang sinapit niya.. Maingat na kinarga ni Maria ang batang babae na iyak ng iyak. Kaagad niyang binalot ng kumot ang bata nang pinigilan siya ng nanginginig na kamay ni Martha. “M-Maria.. M-Maawa ka—ilayo mo r-rito si Z-Zayna..” Nanghihingalong sabi ni Martha. Mahigpit itong nakahawak sa braso ni Maria—matalik silang magkaibigan at gusto niyang pagalitan ang babae pero sa kalagayan nito ay nahabag siya. Naiiyak nitong hinawakan ang kamay ni Martha at saka may isang papel na ibinigay rito. Saka naman dumating si Rafael na may bitbit na tubig at towel saka inalalayan si Martha. “I-Ibigay m-mo sa anak ko.. S-Sabihin mo sa k-kanya—m-mahal na m-mahal k-ko siya..” Halos hindi na ito makahinga pero pilit pa ring nagsalita. “Ano ka ba, Martha. M-Magpakatatag ka para sa anak mo! K-Kung makapagsalita ka diyan parang..” Ani ng kaibigan na pilit nilakasan ang loob. Pero sa kaibutoran nito ay lubos itong nabagabag sa sitwasyon ni Martha—lubhang maraming dugo ang nawala rito! “M-Maria.. P-Pinagsisihan ko kung b-bakit..hindi a-ako nakinig s-sayo.. P-Pero h-hindi ko kailaman p-pagsisihan ang i-isilang ang a-anak k-ko.. Ilayo mo s-siya.. U-Umiwi k-kayo ng P-Pilipinas.. T-Tulongan niyo ako ni R-Rafael.. Tulongan niyo a-ako…” “M-Martha!!” At siya’y binawian ng buhay ng gabing yun. Masakita man para sa isang kaibigan na iwan itong nakahandusay sa malamig na sahig—tumakas sila sa mansyon ng mga dela Villa nung gabing yun. Sinunod nila ang huling hiling ni Martha—ang ilayo si Zayna sa kamay ni Sheryl.. At gustohin man nilang humingi ng tulong sa among si Martin de Villa ay hindi nila alam kung paanong kokontakin ang ama ng bata na hindi sila ma-te-trace ni Sheryl.. Sa ngayon, nawalan man sila ng isang matalik na kaibigan ay biyaya naman kung ituring ng mag-asawa ang pagdating ni Zayna.. Zayna Hermosa.. Ang ipapangalan nila rito..  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
26.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.7K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
337.7K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook