bc

Man Of Her Dreams 2: Dimmitry

book_age16+
1.7K
FOLLOW
14.8K
READ
sensitive
twisted
sweet
bxg
female lead
small town
feminism
first love
lonely
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Althea sa Isla Del Fuego, ang islang minana pa niya sa kanyang yumaong mga magulang. Dahil sa hindi kanais-nais na trahedya noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot at panginginig kapag nakakakita ng lalaki. Tanging mga pinsan lamang niya ang hinahayaan niya na makalapit sa kanya. Pero narito sa isla si Dimmitry, ang binatang piloto ng isa sa mga copper nila na mula sa bintana ng kwarto niya ay palagi niyang nahuhuli na nakatanaw sa kanya. Lingid sa kanya ay ito pala ang tutulong sa kanya para malagpasan ang takot niyang iyon nang masumpungan niya ang sarili na nasa mga bisig ng binata.

chap-preview
Free preview
Prologue
PANGIT na mga mukha, animo'y multo kung tumawa, malalaki ang mga tiyan at maiitim ang mga lalaking nakapaligid sa batang si Althea. Hilam sa luha ang kanyang mga mata dahil kanina pa siya iyak ng iyak.  "Ano, hindi ka talaga kakain?" anang unang lalaking nagngangalang Fredo kay Althea. Ibinaba nito sa tabi niya ang pinggan na may lamang kanin at pritong isda.  "Ayoko niyan!" sigaw niya sabay tabig sa pinggan na may lamang pagkain. Sumabog ang mga iyon sa sahig.  "Aba't ginagalit mo talaga kami, ah!" Lumapit si Fredo at biniling sa sampal ang mukha ng bata. Nagpalahaw ito ng iyak.  "Ikaw kasi, e." Lumapit ang pangalawang lalaki at akmang patatahanin siya. "Kumain ka na kasi at---" "Ayoko!" Sabay kalmot niya ng dalawang kamay sa magkabilang mukha nito.  "Aray! Punyeta kang bata ka, ah!" Kagaya nang unang lalaki ay nagliyab din sa galit ang mga mata nito. Tawanan ang iba pang kasamahan nito sa di-kalayuan.  "Wala, Dax, talagang takot sa 'yo. Mukha ka kasing kapre kaya napagtripan ng bata na kalmutin ang mukha mo."  "Mga siraulo!" Binalingan nito ang mga kasamahan pero muling hinarap siya pagkatapos. "At ikaw, humanda ka sa akin dahil ikaw na lang ang kakainin ko!" Pinanlakihan nito ng mga mata si Althea at itinaas pa ang lahat ng daliri na sa wari ba ay sasakmalin siya. Napatili ang bata.  "TITA Maja…" umiiyak na wika ni Althea nang makita sa wakas ang tiyahin na hawak-hawak ang matandang kalbo na nagpadukot sa kanya.  "Althea!" "Pakawalan mo ako, hayan na ang pamangkin mo," nanginginig ang boses na sabi ni Don Ramon.  "Huwag kang mainip at makakalaya ka rin, Don Ramon. Utusan mo ang mga tauhan mo na pakawalan ang bata at palapitin dito ngayon din." "O-Oo. Kayong lahat, pawalan ang bata, bilis!" Noon din mismo ay kinalagan ng mga ito si Althea na patakbong lumapit kay Maja.  "Althea, sumakay ka sa kotse na 'yan!"  "O-Opo, Tita!"  MABILIS ang patakbo ng Tita Maja niya sa sasakyan. Matataas na talahib at mabato ang daan sa kalsadang tinatahak nila, at kahit isang bahay ay walang nakikita si Althea.  "M-Maja, saan mo ako dadalhin?" bakas ang takot sa tinig na tanong na naman ni Don Ramon.  "Isang salita mo pa, ihuhulog kita riyan." Natigil ito pagsasalita. Nakamaang lang ang batang si Althea sa lahat ng nagaganap habang nakaupo sa likuran ng sasakyan at nakasuot ng seatbelt. Masayang-masaya siya at nagawa siyang iligtas ng kanyang tiyahin sa kamay ng mga nakakatakot na lalaking iyon. "Makukulit talaga ang mga tauhan mo, Don Ramon. Sinabi ko ng huwag susunod, nagsisunod pa rin!" gigil na wika ni Maja na mas lalong diniinan ang tapak sa silinyador. Hintakot namang napakapit sa gilid ng sasakyan si Althea. Nalulula na siya sa bilis ng patakbo ng tiyahin.  "Hindi ka makakaligtas sa kanila, Maja! Kapag nahuli ka nila, papatayin ka nila sigurado kasama itong walang muwang mong pamangkin!" bulyaw ni Don Ramon.  "Tumigil ka!" Umigkas ang isang kamao ng dalaga sa mukha ng Don. Sapul ito sa panga at lahat ng iyon ay kitang-kita ni Althea. Nawalan ng malay ang matanda. Maya-maya ay dahan-dahang bumagal ang takbo nila hanggang sa tuluyang huminto ang sasakyan sa gilid ng daan.  "Tita…" "Bumaba ka, Althea." "T-Tita…" "Ang sabi ko, baba!"  "Ayoko po, natatakot ako!" "No, kailangan mong bumaba, Althea, kung ayaw mong makuha ka ulit ng mga lalaking iyon. Magtago ka sa mga talahib. Kapag may nagdaang tao ay humingi ka ng tulong." "A-Ayoko po. Natatakot po ako, Tita." "Huwag kang matakot. This time ay kailangan mong maging matapang, Althea. Kung hindi ay pareho tayong mapapahamak." Walang nagawa ang bata kung hindi ang bumaba sa gilid ng daan. Pagkuwa'y tinanaw na lamang niya ang papalayong sasakyan lulan ang tiyahin. Ngunit hindi pa iyon masyadong nakalalayo ay sumabog na. Gimbal ang nakatanaw pa ring si Althea.  "Tita Maja…" Nagsimulang humagulgol ang bata na tuluyan ng nalugmok sa loob ng talahiban. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook