bc

Strike Me Right Duo Book 1: THE CEO'S DATING PROFILE (Tagalog)

book_age16+
6.3K
FOLLOW
52.3K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
CEO
comedy
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

STRIKE ME RIGHT DUO BOOK 1

Tila sumiklab ang puso ni Savanna sa galit nang malaman niya na ang sikat na Dating App na PerfectSwipe ang sumira sa relasyon niya kay Gerald. Ang tanging gustong gawin ni Savanna ay ipamukha sa mga tao na walang magandang maidudulot ang Dating App kaya gumawa siya ng bad review at pinost sa social media. Naging trending ang review na iyon hanggang sa umabot ang balita kay Aldrich Benitz—CEO ng NorthE Tech at app developer ng PerfectSwipe.

But then, Savanna secretly created an account until she matched a hot gorgeous man on PerfectSwipe. Masayang kausap niya ito hanggang sa malamang CEO ng NorthE Tech pala ang naka-match niya.

Paano kung isang pagkakamali pala ang inaakalang true love ni Savanna?

2021 © Ziellanes. All rights reserved.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SAVANNA’S POV NANLAKI ang mata ko nang biglang lumuhod si Gerald sa harapan ko saka pinakita sa’kin ang engagement ring. “Will you marry me, Savanna?” Napatakip ako ng bibig nang marinig ko ang sinabi ni Gerald na gusto na niya akong pakasalan. Sa loob ng limang taon ay masaya naman ang pagsasama naming. Bihira lang kami mag-away, mahaba rin ang pasensya namin sa isa’t isa at saka nagtutulongan din kami para maabot ang aming mga pangarap sa buhay. Sa aming dalawa, siya lang ang nakapagtapos ng kolehiyo dahil mas inuna ko trabaho para makatulong sa mga magulang ko. Nagkakilala kami ni Gerald sa subject naming Theology no’ng first year college ako. Tatlong buwan niya ako niligawan hanggang sa nahulog na ako sa kaniya at sinagot ko siya. Kailanman ay hindi niya ako kinaila sa mga magulang niya, bagkus naging proud pa siya dahil mas pinili kong tulongan ang aking pamilya. Nangako naman siya sa’kin na pagkatapos niyang makapasa ng board exam bilang Civil Engineer at magkaro’n ng trabaho ay tutulongan niya akong makapagtapos ng kolehiyo. “Gerald…”mangiyak-ngiyak na sambit ko sa pangalan niya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at muli siyang nagsalita. ”Will you marry me, Savanna?” Nagtama ang mga mata namin sa isa’t isa at naramdaman ko ang kaniyang pagmamahal nang mangyari iyon. Ilang segundo lang ay napayuko siya sa kaisipang baka tanggihan ko alok niya. “Wag mo ilayo ang tingin mo sa’kin, mahal,” aniko sa kaniya kaya muli siyang tumingala sa akin. Laking gulat ko nang makita ang luha mula sa kaniyang mga mata kaya napahigpit ako ng hawak sa kamay niya. “Pakakasalan kita, Gerald,” ngiting pagsagot ko saka inangat ko ang kaliwang kamay ko sa kaniya. Napangiti si Gerald saka kinuha niya ang engagement ring at dali na sinuot sa daliri ko pagkatapos ay napalukso siya at napasigaw sa tuwa. “Ikakasal na kami! Yahoo!” hiyaw niya pagkuwan kinagkahan ang mga binti ko at saka binuhat. *** “BAKA naman mamaya pagsisihan mo iyan sa huli,” wika ng matalik kong kaibigan na si Lyla habang nginunguya ang pork steak. Kinuha ko ang orange juice sa mesa saka ininom iyon bago nagsalita. “Mahal ko si Gerald, Lyla at kailanman hindi ko pagsisisihan iyon,” depensa ko sa kaniya. “Oo nga mahal mo siya pero ang tanong, handa ka na ba sa mga susunod na mangyayari? Katulad ng mga nakikita ko sa palabas na hindi sumipot sa kasal ang groom.” Napakunot-noo ako sa sinabi niya. “Hindi ba dapat bride yung hindi sumisipot? Hindi ba ‘yon ang kadalasang nangyayari?” sabat ko sa kaniya. Ayokong pagdudahan si Gerald dahil marami na siyang ginawa para patunayan ang pagmamahal niya para sa’kin. “Hindi naman mangyayari iyon. Sobrang sincere niya kaya no’ng nag-propose siya sa’kin kagabi,” dagdag kong kilig na wika sa kaniya. Parating na ang order kong Fettuccine Alfredo at nilatag ng waiter ang pagkain sa mesa. “Idaing na lang natin iyon sa Dios na hindi mangyari ang mga nakikita kong palabas sa TV,” natatawang sabi niya sa’kin. Kinuha ko ang tinidor at pinaikot ko iyon sa pasta. “Alam mo, Lyla. Masyado ka nang kinain ng Kdrama. Ibahin mo kami ni Gerald, mahal naming ang isa’t isa at—” napatigil ako sa pagsalita nang mapansin kong kanina pa siya nakaharap sa cellphone at kilig na kilig habang tinitipa ang screen. “Lyla,” tawag ko sa kaniya ngunit di niya ako dinig. Pinitik ko ang daliri sa harap niya upang kunin ang atensyon ngunit di umobra kaya tinawag ko siya ulit gamit ang totoo niyang pangalan. “Luzviminda kurdapya!” malakas na tawag ko saka dinagdag ko ang palayaw niyang kurdapya no’ng mga bata pa kami. Napahinto ng pagtipa si Lyla at binigyan niya ako ng masamang tingin dahil ayaw niyang marinig muli ang buo niyang pangalan lalo na ang palayaw niya. Binigyan ko siya ng mapang-asar na ngiti. “Hindi mo ako pinapansin, sino ba ‘yang kausap mo sa cellphone at tipa ka nang tipa sa screen?” tumulis bigla ang nguso ko at aktong nag-seselos ako sa ginagawa niya. “Ang OA mo ghurl!” sagot niya sa’kin. “Eh, sino nga ‘yang kausap mo?” Bigla niyang pinakita sa’kin ang screen ng kaniyang cellphone at napansin ko ang guwapong picture ng kausap niya. “Wow! Ang hot naman niyan! Amerikano ba? Saan mo nakilala?” gulat kong tanong sa kaniya. “Oo ghurl! Sinubukan ko kasi mag-open account sa PerfectSwipe tapos dito ko nakilala si Thomas. At alam mo? Sobrang mangha ako sa app na ito dahil ang dami mong makikilalang guwapong lalaki sa buong mundo! ‘Yung tipong hindi ka mauubusan ng lalaki? Tapos every minute palagi akong may nakaka-match?” kilig na salaysay niya sa akin. “Ay grabe naman ‘yang every minute?! Baka naman kasi nahuhumaling sila sa ganda ng filter mo?” wika ko sa kaniya saka siya ngumuso sa akin at binalik ang atensyon sa cellphone. Sinubo ko na lang ang pasta na inorder ko habang siya ay masayang nakikipag-chat sa kausap niya. Hindi ko kinahiligan ang mag-download ng mga application sa cellphone, kahit f******k at ** ay nangangapa pa ako kung paano i-download iyon. Siguro dahil prioridad ko ang kumita at makatulong sa pamilya ko kaya wala na akong oras para pag-aralan ang mga iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook