bc

BE MY HONEY (Be My Valentine)

book_age16+
5.0K
FOLLOW
37.5K
READ
opposites attract
arrogant
goodgirl
drama
tragedy
sweet
bxg
serious
small town
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Simpleng babae si Missy. Simple lang din ang buhay. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang matulungan ang biyudang ina na makaraos sila sa araw-araw na buhay. Kahit kailan, hindi niya ikinahiya na tindera siya ng tinapa sa palengke. Ang mahalaga sa kanya ay ang kumita para pambili ng pagkain nila at pambili na rin ng gamot ng nanay niya.

Tinanggap niya ang oportunidad na makapagtrabaho sa isang resort sa isla. Hindi niya akalain na doon niya makikilala si Ico Abella. Si Ico Abella na bukod sa guwapo ay sikat pang chef sa TV show. Pero hindi siya starstruck sa kaguwapuhan nito dahil ubod ito ng suplado at sa unang pagtatagpo pa lang nila ay parang may masama na itong iniisip laban sa kanya.

Pero himala ng mga himala! Nakipaglapit sa kanya si Ico. Sobrang pakikipaglapit na lubhang nakakalula. At hindi siya manhid para hindi maapektuhan ng mga paglalambing nito. Sino nga ba siya para magustuhan nito. And so, she fell in love with him. Hard.

Kaya naman nang masaktan siya ay labis din. Hindi niya akalain na pansamantala lang ang relasyong iyon. Sugatan ang puso niya na nilisan niya ang isla.

Pero hinanap siya ni Ico. Paano ba magtitiwala uli ang puso niyang minsan lang umibig ay nasaktan pa nang lubos?

chap-preview
Free preview
Part 1
  February 14, 2014   “AEGIS,” tanging nasabi ni Missy nang makita ang line-up ng mga kanta. “Aegis. At Aegis na naman,” naiiling na sabi ng kasamahan niyang musikero. Nginitian niya ang kaharap. “Tingnan mo, Flint. May Whitney rin. Where Do Broken Hearts Go?” “At I Love You Goodbye ni Celine Dion.” Pinasadahan nito ng daliri ang listahan. “At walang kamatayang Aegis.” “Wala tayong magagawa. Iyan ang gusto nila. Diyan sila nakaka-relate.” Kahit ako, mas nakaka-relate ako diyan, gusto sana niyang idugtong pero nanatili na lang sa isip niya ang pangungusap na iyon. “Concern lang din ako sa iyo. Sa vocal chords mo.” “Uy, salamat naman sa concern, Flint. Tunay ka talagang kaibigan.” “Puwede rin akong higit sa kaibigan. Ayaw mo lang.” “Ayan ka na naman. Tigil-tigilan mo ako, ha.” “Tuwing nagpapahaging ako, binabara mo na ako agad. Kapag ba magseseryoso ako, basted na rin agad?” Inirapan niya ito. “Trabaho na tayo, Flint. Kailangan nating kumita.” Una na siyang umakyat sa entablado ng Pepper’s Corner kung saan gaganapin ang medyo kakaibang event na Valentine Party For Singles. Regular singer na siya sa Belle’s Pepper kung saan may dalawang hall na pinagdadausan ng special events. Nagkataon ngayon na sa hall na iyon siya na-assign. Naisip niyang mabuti na nga din doon. Kung sa The Hall of Belle siya na-assign para kumanta, baka magkadaiyak lang siya. May dalawang tema ang restaurant para sa Valentine’s Day na iyon. Sa kabilang hall ay puro magsing-irog ang diners. Samantalang sa hall naman na iyon ay pawang mga walang ka-date, at sa biruan nga nila ng mga staff doon, iyon ay event para sa mga sawi. May mga inilaan din kasing activities doon para makapag-let go ng kinikimkim na sama ng loob ang mga diners. At sa wari ang highlight doon ay ang “tacsyapo” wall. Hindi orihinal na ideya pero lahat ay excited doon. Kahit siya man ay parang gustong-gusto niyang magbasag sa pader na iyon. Baka sakaling gumaan maski paano ang nararamdaman niya. Sa kasalukuyan, ang nagbabasag doon ay si Pepper ang isa sa mga kambal na kapatid ng may-ari ng restaurant na iyon. Mula pa kanina ay hindi pa niya nakikita si Sir Jack, ang talagang may-ari at big boss doon. Pero tiyak niyang darating iyon. Ilang beses din silang pinulong nito para sa event na iyon. “Sound check,” she said mechanically. “One... two... three.” Binigyan siya ng thumbs-up ng operator na nasa console. Tumikhim siya at umawit ng acapella. “Where do broken hearts go... Can they find their way home...” Nahagip ng mata niya na dumarating si Belle, ang isa pa sa kambal. Naakit din siyang tingnan ang kasama nitong babae. Sosyal na soyal sa tindig at bihis na pulang-pula. Napansin niya medyo natigilan ito at napatingin din sa kanya. Kimi siyang ngumiti. Tinawag ni  ang pansin niya. Tumango siya nang maintindihan ang senyas nito. Pumailanlang ang intro ng Luha. She cleared her throat. “Akala ko, ikaw ay akin, totoo sa aking paningin... Ngunit nang ikaw ay yakapin, naglalaho sa dilim...” Tinangay na siya ng indayog ng kanta. Inawit niya iyon na bigay na bigay. Sa ibaba ng entablado ay pumalakpak si Flint nang patapos na ang kanta. “Grabe ka. Bakit ka pumapalakpak?” tanong niya nang ibalik niya dito ang mikropono. “Ang galing mo, eh.” “Para bang ikaw ay hindi.” Naupo siya sa isang monobloc chair. “Hindi ka na magpa-practice?” “Nag-practice na ako kanina sa banyo habang naliligo. Kain muna tayo. Mamaya niyan, sunod-sunod na ang ang kanta natin.” “Sabi ni Sir Jack, allowed ang guests na kumanta din. Pag nasimulan iyan na kumanta, buti kung makakanta pa tayo.” “Bayad naman tayo sa gabing ito, kumanta man tayo o hindi. Halika na, may oras pa. Kain muna tayo. Treat ko.” “Wala tayong kakainan. Fully booked na lahat. Valentine’s Day nga ngayon, di ba? Punuan lahat ng kainan.” Tumawa si Flint. “Dirty mami o kaya ay balut at penoy lang ang kakainin natin, Missy. Kelangan pa bang magpa-book kay Manong o kay Ate?” Mabilis na siyang tumayo. “Sus! Hindi mo naman sinabi agad. De tara na! Mahaba pa ang lalakarin natin.” Ilang bloke pa ang layo ng ganoong klase ng kainan sa Grand Davis Hotel. Siyempre pa ay mga karaniwang tao lang ang kumakain doon. At hindi rin naman siya naiba. Bukod sa karaniwan lang siya at todo higpit ang sinturon niya. Lahat ng kinikita niya ay buong wais ang ginagawa niyang paggasta. “Pagkatapos nitong mami, saka tayo kumain ng balut,” sabi ni Flint. “Sabi kasi, masama daw kumain ng balut o penoy pag walang sapin ang tiyan. Magsusuka daw.” “Totoo ba iyon?” “Siguro. Hindi ko pa sinubukan pero mas masakit magsuka. Masakit sa lalamunan. Alam mo na.” “Ingat na ingat ka talaga sa boses mo, no?” “Ito ang puhunan natin, Missy. Pag nawala ito, paano na tayo?” “May point ka diyan.” Hinigop na nya ang natitirang sabaw. “Salamat sa libre, Flint. Pero ayoko nang kumain ng balut. Masosobrahan ako ng busog. Mahihirapan akong bumirit.” “Ganito na nga lang ang date natin, tatanggi ka pa sa balut?” “Loko, hindi date ito, ‘no.” Nang makabayad si Flint sa vendor ay humakbang na siya. Nakakailang hakbang na siya nang mapansin na hindi ito sumunod sa kanya. Napailing na lang siya nang makitang nagpapabalot ito sa dinaanan niyang balut vendor. “Mapilit ka rin,” aniya nang makaagapay na ito ng lakad sa kanya. “Malayo din itong lalakarin natin. Pagbalik natin sa hotel, gutom na tayo uli. Dinagdagan ko ang bili. Hatian natin sila,” tukoy nito sa iba pa nilang kasamang may gig doon. “Libre kain naman tayo sa hotel. Puwede ngang hindi na tayo umalis.” “Pagkatapos ng gig, date tayo, ha.” “Naku, tumigil ka, Flint, ha. Baka mapikon na ako sa iyo,” asik niya dito. “Friendly date, hindi puwede? Wala ka namang boyfriend, di ba? Wala din akong girlfriend.” “Kahit na. Gusto ko lang umuwi na pagkatapos.” “Ihahatid na lang kita,” pilit nito. “Ang tindi mo, Flint. Kundi lang talaga kita kaibigan kanina pa kita sinungitan.” “Hindi ka pa pala masungit nang lagay na iyan.” Iiling-iling na lang ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The Young Master's Maid

read
749.1K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.4K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.4K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook