bc

RCBS 6-My Ignorant Maid

book_age18+
865
FOLLOW
2.0K
READ
second chance
playboy
arrogant
boss
drama
sweet
enimies to lovers
poor to rich
seductive
like
intro-logo
Blurb

RACE CLUB BOYS SERIES #6

( Shawn De Villa )

Shawn & Ana- story.

Malimit punahin si Ana, sa kanilang magkakapatid dahil sa pagiging party goer niya. Nagiging wild kasi siya kapag siya ay nalalasing. Pero kahit gano'n pa man, may respeto pa rin siya sa kanyang sarili at nangangakong hindi niya ibibigay ang kanyang bataan sa kung kani-kanino lalaki lamang katulad ng paulit-ulit na sinasabi ng kanyang ina sa kanilang magkakapatid.

Para sa isang katulad niya na palaging napupuna dahil sa pagiging reckless niya ay may isang bagay siyang magandang nagawa, ang ipaubaya sa kapatid niya ang lalaking fiancee at nakatakda na sana niyang pakasalan.

Since, hindi naman niya ito mahal ay nagpaubaya siya sa kanyang kapatid dahil lingid sa kaalaman ng pamilya niya, nahuli niya ang mga ito sa loob ng kwarto at kalaunan ay nalaman niyang nabuntis nito ang kapatid niya. 

Kaya para hindi mapahiya ang kapatid niya, tumakas siya bago pa man ang nakatakda nilang kasal. Napadpad siya ng Maynila at namasukan bilang katulong ng isang masungit at babaerong lalaki na si Shawn De Villa.

chap-preview
Free preview
C1- Ana Rhea
"Woohoo! Go, Rhea! Talunin mo siya! Ilampaso mo ang babaeng chakang 'yan!" Pasigaw na utos ng mga kaibigan ko sa akin na akala mo ay nasa kabilang baryo pa ako kung makasigaw sila. Pakiramdam ko nga ay sasabog na ang eardrums ko sa lakas ng mga tili nila. Wala man lang pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin. Well, ganito nga pala sila, kapag nalalasing na. Nasa table kaming magkakaibigan malapit sa stage kung saang bar kami naroon para maghanap ng libangan. Mahilig kasi kaming magkakaibigan sa sayawan kaya nagkayayaan na magkita-kita ngayong gabi para i-celebrate ang birthday ni Nikkie, isa sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko akalain na dito niya kami kakaladkarin sa bar na iniiwasan ko. Ang akala ko kasi ay sa ibang bar kami pupunta. Pero s**t! Dahil hindi ko ito inaasahan at baka makita ulit ako ng fiancè kong si Warren dito. For sure, pagtatalunan na naman namin ito kapag nakita niya akong sumasayaw sa gitna ng stage. Or worst, ng mga kakilala ng mga magulang ko. Tiyak trending na naman ako nito bukas kapag nagkataon. "Pwede ba, huwag niyong isigaw ang pangalan ko! Baka nariyan lang si Warren at makita ako!" Inis kong saway sa kanila na may kasamang pandidilat ng mga mata. "So? Takot ka gano'n?!" mataray naman na balik-tanong ni Mitch sa akin. "Of course not! Bakit naman ako matatakot?!" maldita ko rin tugon na siyang itinaas ng kilay niya. "Then, anong problema, kung makita ka niya?!" sabad naman ni Jill. "Ayoko lang makita niya ako at baka mag-away na naman kami!" paismid kong sagot sa kanila. "Okay fine! Pero talunin mo siya, Rhea! Huwag mong hayaan na mapahiya tayo ngayong gabi! Look at her! Hinahamon niya tayo!" sabay-sabay pa nilang tugon at sa tingin ko ay pikon na pikon na sila sa babaeng kanina pa nagsasayaw sa itaas dahil patayin na nila ito sa titig. "No! Ayoko! Kayo na lang kaya!" mabilis kong tanggi at inirapan sila sabay gala ng tingin ko sa paligid. "What?! Huwag mong sabihin na magpapatalo ka sa kanya?" Hindi makapaniwala na tanong ni Mitch sa akin. Ramdam ko ang pagkagulat nila at parehong mag-isang linya na ang mga kilay na bumaling sa akin. "What the hell is your problem, Rhea?! You mean, hahayaan mo na maging talunan tayo ngayong gabi?!" Galit na galit si Jill nang humarap sa akin. Hindi ko sila iniintindi dahil mga lasing na sila. Hindi naman talaga nanghahamon ang babae kundi naiinis lang sila kasi magaling itong sumayaw at maraming sumisigaw na mga kalalakihan tuwing gumigiling ito pababa habang nakahawak poste ang isang kamay. Napakalambot pa ng katawan nito. Sa tingin ko nga ay match lang kami. Isa-isa ko silang tiningnan at halos gusto ko ng humagalpak sa tawa nang makita ko ang mga reaksyon nila kung paano nila sibatin nang tingin ang babae. "Wooh! You're so hot!" narinig ko pang sigaw ng lalaki malapit sa stage habang pilit na inaabot ang babaeng malanding gumigiling sa harap ng mga 'to. "Bakit pa kasi sa dinami-dami ng bar ay dito niyo pa naisipang mag-celebrate?!" sa halip ay asar kong reklamo sa kanila bago ininom ang alak na nasa baso at pasimpleng lumingon sa loob ng bar. Feeling ko kasi, nasa loob din si Warren at pinagmamasdan lang ako dito sa table namin. Hindi pa naman ako nagpaalam sa kanya na sasama ako sa mga kaibigan ko ngayon dahil galit na galit nga siya kapag pumupunta ako sa ganitong lugar. "Look at her, Rhea! She's looking at us! Hinahamon niya talaga tayo! Tingnan mo ang chaka niyang face, nakakabwesit!" Muling hiyaw ni Nikkie na may kasamang panlalait. At kahit madilim ay kitang-kita ko ang panlilisik ng kanyang mga matang matalim na nakatingin sa babaeng sumasayaw pa rin sa stage. Sinundan ko ang tingin niya at nagulat ako dahil mukhang tama siya sa pagkakataong ito. Sa amin nga ito nakatingin at parang naghahamon na ito ngayon, base na rin sa ngiti nito na para bang sinasabing hindi namin kaya ang ginagawa niya at siya lang ang magaling. Uminit ang ulo ko dahil sa pagngiti niya ng pang-uuyam kay Nikkie. Yes, kay Nikkie nga siya nakatingin at parang ginagalit niya pa ito lalo. "Kilala mo ba siya, Nikkie?" Biglang tanong ko. Feeling ko kasi ay parang galit ito sa kaibigan ko. Lumagok muna siya ng alak bago tumingin sa akin at sumagot. "Yes. She's the b***h na nag-flirt kay Garry kahapon!" tugon niya. "Ngayon ko lang siya naalala at feeling ko, ako talaga ang gustong galitin ng bwesit na 'yan!" dugtong niya pa. Napatingin ako sa kanya nang muli siyang lumagok ng alak at pabagsak na ibinaba ang baso sa table. Halatang galit na galit siya sa babaeng nang-aasar pa sa kanya. "s**t! Hinahamon talaga ako ng malanding 'to! Humanda ka sa 'kin, b***h, dahil kakalbuhin kita!" Pulang-pula ang mukhang saad nito bago padarag na tumayo sa kanyang upuan. Gano'n na lamang ang dilat ko nang mabilis itong naglakad paakyat sa stage. "Nikkie! Stop it!" sigaw ko sa kanya para pigilin sana siya pero diretso lang siyang naglakad at bago pa uli ako makasigaw, pahablot niyang hinila ang buhok ng babae dahilan na napalitan ng sigaw at tili ang tugtog. "s**t! Mitch! Jill, si Nikkie!" hiyaw ko sa mga kasamahan ko na mukhang makakatulog na anumang oras. Mabilis akong tumayo upang sundan si Nikkie sa stage dahil may humila na rin sa buhok nito sa likuran. Pinagtulungan nila ang kaibigan ko nang walang kalaban-laban. Maging ang dalawa ay sumunod na rin sa akin nang umagapay sila sa akin. "Bitiwan mo si Nikkie!" sabay pang sigaw ng dalawa na pagiwang-giwang na naglalakad paakyat sa may hagdanan. Nilampasan ko sila dahil nakita kong tatlo na ang sumabunot sa buhok ni Nikkie. "Bitawan mo ang kaibigan ko!" sigaw ko at malakas na hinila ang buhok ng dalawang babae na nanabunot kay Nikkie saka ko sila inikot pahagis kina Mitch at Jill para sila ang bahala sa dalawang epal na 'to. Hawakan niyo ang dalawang 'yan!" utos ko sa kanila bago muling bumaling kay Nikkie. "Nikkie!" Malakas kong sigaw nang makitang sumubsob na siya sa sahig dahil pinagtulungan na ng dalawa. "Bitawan mo siya!" gigil kong hiyaw at malakas na tinulak ang kakampi ng babaeng sumasayaw kanina. Gulat siyang tumingin sa akin. "Bwesit kang pakialamera ka!" sigaw niya at susugurin na ako. Ngunit bago pa siya makatayo ay inawat na siya ng bouncer. "Stop it!" sigaw ng bouncer at hinigpitan ang paghawak sa lasing na babae. "Bitawan mo ko!" sigaw niya at pumipiglas pero hindi man lang makawala sa higpit nang pagkakahawak ng bouncer. Nilingon ko si Nikkie na ngayon ay nakatayo na at akmang hihilahin pa sana ang buhok ng babaeng kaaway nito pero mabilis na itong hinawakan ng isa pang bouncer mula sa likuran nito. "Kapag hindi kayo tumigil, dadalhin namin kayo sa presinto!" Pahayag ng bouncer na umawat sa babaeng kaaway ni Nikkie. "Bakit ako?! E, siya ang nauna!" turo nito kay Nikkie. "You b***h!" tanging hiyaw ni Nikkie at akmang lalapitan sana uli ang babae pero mahigpit itong hinawakan ng bouncer. "Jack, get them out of here! Itapon mo sila sa labas!" mariing utos ng babae sa isang bouncer na malapit lang sa amin. Nakita kong tumango ang sinasabing Jack. Ibig sabihin ay magkakilala ang mga ito. Kaya nagsalita na ako dahil mukhang pinagkakaisahan kami. "Hey! Bakit kami lang, ha? Kung hindi siya nang-aasar sa kaibigan ko, hindi sana ito nangyayari!" mataray kong sabi at walang kurap ko siyang tiningnan. "Tama na 'yan!" Biglang sabad ng isang lalaki na sa hula ko ay may-ari ng mismong bar. "Tutal, sinira niyo na ang kaligayahan ng mga costumer ko, bakit hindi niyo na lang daanin sa sayaw ang init ng mga ulo niyo! Nang sa gano'n ay makabawi kayo sa akin at hindi ko na kayo ipapadala sa presinto." "Ano?!" sabay-sabay naming sabi at napamaang na nakatingin dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook