bc

Barely Heiresses - Vera Mae

book_age16+
5.0K
FOLLOW
41.7K
READ
contract marriage
one-night stand
family
second chance
friends to lovers
arranged marriage
goodgirl
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Para makuha ni Vera Mae ang kanyang mana ay kailangan niyang masunod ang habilin ni Don Alfonso: ang pakasalan niya si Brian.

Madali lang sana kung tutuusin. Inalok niya ng kasal ang binata. Subalit nagpapakipot pa ito.

“Ligawan mo muna ako,” ang sagot nito sa kanya.

“B-babayaran ba kita para pakasalan ako?” tanong niya

“Sinabi ko bang for sale ako?”

“Ano ang kailangan kong gawin para pumayag kang pakasal sa akin?”

“Convince me, Vera Mae. Bigyan mo ako ng alok na hindi ko matatanggihan.”

Kung malalaman lang ni Brian ang kanyang sikreto baka ito pa ang magmakaawa na pakasalan niya ito.

chap-preview
Free preview
Prologue
NAPAPIKIT nang mariin si Vera Mae. Hindi niya gusto ang halos awtomatikong pag-ipon ng mga luha sa mga mata niya subalit hindi niya iyon napigil. Mabilis ang mga unang patak na hindi nakayang pigilan ng madiin niyang pagpikit. Isang eksaheradong pagbuntong-hininga ang ginawa niya. Kung maaari nga lamang siyang sumigaw ay ginawa na rin niya pero pinigil niya ang sarili para doon. Ilang segundo pa ang pinalipas niya bago bumaba ng sasakyan. “Keep calm, Mimi,” she told herself. Pero duda siya kung kaya niya. Dahil habang pinipilit niyang ikalma ang kanyang sarili ay parang nagwawala naman ang buong kalooban niya. She locked the car door and took a step. Nasa harapan niya ngayon ang bahay na buong akala niya noon na mapapasakanya. Malaki ang bahay na bakas ang rangya at karakter. Malawak ang hardin na alaga sa tabas ang mga tanim. Even the huge European-inspired garden fountain was well-maintained. Malinis ang tubig na ibinubuga niyon. The pine trees were lined on both sides of the house. At sa likod ng mansyon ay ang tila walang katapusan ding pine trees. It was her grandfather’s grand vacation house in Baguio. Garden sets were strategically placed. At dumagdag sa kirot na nararamdaman niya ngayon ang masulyapan ang swing na paborito nilang puwesto ni Don Alfonso. Sa mga panahong naroroon siya at nagbabakasyon ay palagi sila doon. She would tell him stories at interesado namang nakikinig sa kanya ang matanda. He would also tell her a lot of things. Mga kuwento kung paano nito naabot ang kalagayan nito ngayon. Pero higit doon ay mas nakikinig siya sa matanda kapag tungkol sa buhay niya noong bata pa siya ang binabanggit nito. And through him, nakilala na rin niya ang kanyang amang hindi niya nagisnan. Another pain sliced through her. “Lolo,” she choked on that single word. At hindi na niya napigil pa ang pagkimkim sa nararamdaman niya. She lost strength on her knees. She took a step back at padausdos na napaupo sa gilid ng kanyang sasakyan. “Lolo,” she sobbed. Samu’t sari ang dahilan ng pag-iyak niya. She missed her grandfather so much. Napaghandaan na niya ang pagpanaw nito subalit hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing iisiping wala na nga ito. Bukod sa di-birong halaga ng pera sa bangko, a three percent share of stocks sa mining company nito at prime real estate property sa Quezon City ay ang bahay na ito ang takdang mamanahin niya. Subalit hindi pa sigurado iyon sapagkat nakatali sa isang kahilingan ang lahat ng ito para tuluyang mapasakanya. It was ironic. Noon ay bigay ito nang bigay at sila naman ng mama niya ang tanggi nang tanggi. And when Angel was born, the old man became extra generous. Sabi ng mama niya, tapos na ang pagmamatigas at kailangan na nilang maging praktikal. Kaya maswerte si Angel. Naranasan ng bata ang luho at rangya na dapat sana ay dinanas niya rin mula’t mula pa. Pero magkaiba ang kuwento nila ng kapatid niyang iyon. Kapatid. She sighed. Hindi iilang beses na naisama niya si Angel sa Baguio at Sagada. At si Don Alfonso ay kinakitaan niya ng labis na pagkagiliw sa bata. He was even calling her “Little Apo” na lihim ding nagpapagalak sa kalooban niya. Even Yumi, who stayed with her lolo showed special affection to Angel na lalong nagpapaligaya sa kanya. Siguro dahil nang mga panahong iyon ay iilan lamang silang miyembro ng pamilya. Hindi kalabisang sabihing mas madami pa nga ang taga-silbi kaysa sa mga amo. Pero hindi sukatan ang anumang pagkagiliw ng matanda sa kapatid niya, o ang mismong kabaitang ipinakita nito sa kanya noong nabubuhay pa para ipagkaloob sa kanya ang mana nang ganoon lang kadali. Abot-kamay lang sa tingin para makamit niya ang parte niya sa kayamanan ng matanda subalit malaki ang tsansa na mawala iyon sa kanya at mauwi sa kawang-gawa. More than those fifty million pesos cash and other assets, itong bahay na ito ang pinakamatimbang sa mamanahin niya. Maliit pa siya ay dito na siya nagbabakasyon sa tuwing may pagkakataon noon ang kanyang lolo na mahiram siya sa kanyang ina. She felt a certain connection with this house. Marami siyang alaala na nakatali sa bahay na iyon. She dried the tears in her eyes and looked around. Ang buong paligid ay nagpapaalala sa kanya ng lungsod na nakagamayan na niya. It was only a seven-minute drive from the city proper but the whole surrounding exudes the old Baguio. Basta naroroon siya sa bakurang iyon ay nakakalimutan niyang nakatapak din siya sa isang maingay na lungsod. All she could think was the cool weather, fresh pine scent, lovely flowers and fresh picks on the table. It was always the best experience. It was always the best time of her life. Tila hindi niya kayang pigilin ang pagdaloy ng mga ala-ala. Mabilis iyong pumupuno sa isip niya. Tila nagpapaligsahan ang masasaya at masasakit na alaala na halos ikasikip ng dibdib niya. “Vera Mae.” Nagulat siya sa pagtawag na iyon. Kilala na niya kung kanino ang boses. Ni hindi niya kailangang abalahin ang sarili na lumingon. Ni hindi siya tuminag. It was Brian. Sa sulok ng mga mata niya ay napansin niyang sa likod ng pick-up nya ay may nakaparadang isang bagong elf truck. Samakatwid ay kaylalim ng idinaloy ng alaala niya para hindi niya mamalayan man lang ang pagdating ng truck. “Ikaw pala ang dumating,” dugtong nito. Noon niya nilingon ito. “Bakit, hindi ba ako welcome dito?” “Huh?!” gulat na wika nito. Inilang hakbang nito ang pagitan nila at inilahad ang kamay sa kanya. “Ano pinagsisintir mo diyan? Tumayo ka nga.” Nang hindi niya inabot ang kamay niya at ito na ang yumuko at hinila siya patayo. Dalawang kamay siya nitong hinila. Walang dahilan para hindi siya magpatangay. Sa pagtayo niya ay halos masubsob siya sa dibdib nito. Instantly she breathed his scent. Kilala niya ang amoy na iyon. Amoy bagong paligo gamit ang karaniwang sabon. Agad na nalukot ang ilong niya at lumipad ang tingin sa truck. May babaeng nasa passenger seat at nakatingin sa kanila. Inayos niya ang pagtayo at bahagyang itinulak si Brian. “Galing ka sa motel.” It was a statement in a matter-of-fact tone. “Lumayo-layo ka sa akin.” Tumawa ito nang mahina. “Malaki ang topak mo ngayon, Mimi. Akyat ka na sa itaas. Pagod lang iyan. Magpahinga ka muna then we’ll have dinner later.” Sinibat niya ito ng tingin. “Hindi ako third wheel. I can eat alone. Sino na naman yang babae mo?” Nilagpasan niya ito at hinanap sa kanyang Jimmy Choo bag ang susi ng bahay. She groaned inwardly. Sa dami ng kung anu-ano sa bag niya, mas praktikal pang itaktak na lang niya ang laman niyon at mas madali pa niyang makikita ang hinahanap. “Deniece ang pangalan niya,” narinig niyang sabi ni Brian na nakasunod agad sa kanya. “Tayong dalawa lang ang magdi-dinner mamaya, okay? May dadaanan lang ako dito at ihahatid ko na siya sa kanila. Diyan lang siya sa Asin.” Umirap siya. “I’m not interested. Akina’ng susi ng bahay.” Nagbago ang isip niyang itaktak ang bag nang bumulaga sa kanya ang mga baon niyang feminine napkins. “Ang sungit mo,” may pagkaaliw na sabi nito. “Meron ka siguro.” “Ano naman ang malay mo sa schedule ng period ko?” “Napkin yun, di ba?” nguso nito sa nakangangang bag niya. “At ikaw, ang talas naman ng pang-amoy mo. Pano mo nasabing amoy-motel ako? Tambay ka ba sa motel?” “Bagong paligo ka. Wala namang paliguan sa inaangkatan mo ng gulay. Yung babae mo, bagong paligo din. At ordinaryo lang ang amoy ng sabon na naamoy ko sa iyo.” Umismid siya. “Para kang detective.” “Akina sabi ang susi,” pikon na wika niya. “Follow me,” sa halip ay sabi nito. Tumuloy sila sa back door at mabilis nitong binuksan iyon. “I’m sure, nandiyan lang sa bag mo ang susi mo. Hindi ko iiwan sa iyo itong akin. Baka mamaya umalis ka, pano naman ako pagbalik ko? Bubuksan ko pa ba ang kuwarto mo?” “Ako nang bahala. Umalis ka na.” “Sungit.” Ngumisi ito. At takda na itong patalikod nang bumwelta sa kanya. “Amuyin mo nga ako uli.” She almost gasped aloud. Brian was so near. Kung iyuyuko lamang niya nang bahagya ang ulo niya ay mahahalikan na niya ang leeg nito. Halos wala itong itirang espasyo sa pagitan nila. “Get out, Bri.” She didn’t like him near. So near. Kumakabog ang dibdib niya na hindi niya mawari. Matagal na matagal na siyang nagsisikap na kalimutan ang maraming bagay na may kaugnayan sa binatang ito. Pero alam niyang balewala lang ang pagtatangka niya. “Amoy Le Monet Hotel iyan, Mimi.” Kumindat ito sa kanya saka tumalikod na. Damn you, Bri. She sighed. Bakit ikaw pa rin hanggang ngayon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Property

read
945.2K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
88.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
414.8K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.0K
bc

The ex-girlfriend

read
138.2K
bc

Just Another Bitch in Love

read
26.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook