She loved him so much. So much that if she needed to let him go for his own sake, she would. Para sa kabutihan nito ang ginawa niya kaya kahit labis din siyang nasaktan noon ay hindi niya man lang tinangkang bumalik pa uli sa piling nito. It had been tough for her but fortunately, she survived.
Sooner or later, alam niyang makakaharap niya uli ang lalaki. Ngunit hindi sa ganitong pagkakataon! Hindi pa siya handa! Alam niya ang mga sasabihin niya dito oras na magkita silang dalawa pero ngayong nakaharap niya na ang lalaki ay nilipad na ang lahat ng iyon ng hangin. All she wanted to do right now was to hug him tight.
Pero hindi pwede.