bc

Tractatio

book_age18+
172
FOLLOW
1K
READ
others
self-improved
heir/heiress
twisted
bxg
magical world
another world
lies
like
intro-logo
Blurb

Si Acutus at Nitidus ay nabuhay sa isang malayong disyerto ng Harenae sa pangangalaga ni Gaza. Ngunit sa pagpanaw nito ay isang malaking palaisipan ang iiwan nito sa dalawa. Isang kwintas na nagkakahalaga ng $100 billion at ang Sugatsu Clan. Dahil sa palaisipang iyon ay mapapadpad sila sa lugar kung saan tanging buhay ang siyang kailangan nilang itaya upang sila ay mabuhay.

Sa pagdating nila roon ay makikilala nila ang kapatid ni Gaza. Ito rin ang magiging susi sa sikretong matagal ikinubli sa kanila tungkol sa kanilang tunay na pagkatao. Ngunit hindi nila aakalaing isang pangyayari ang tuluyang babago sa pagsasama nilang dalawa.

Sino nga ba ang Sugatzu Clan?

At ano ang kaugnayan nito sa nawawalang kwintas?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Acutus' POV Tahimik kaming naninirahan sa malayong disyerto ng Harenae. Kahit na makapal na buhangin ang bumabalot sa lugar ay mayroon namang maliit na oasis na aming pinagkukunan ng inumin at makakain sa araw-araw. Tanging ang bahay lamang namin ang nag-iisang nakatayo roon. Gawa lamang ito sa pinagtagpi-tagping kahoy, yero, at makapal na tela na yari sa balat ng hayop. Si Gaza naman, ang tumatayong aming ama, ito ang lumuluwas sa bayan upang makipagkalakalan at makipagsapalaran para pandagdag sa pangangailangan sa aming tahanan.   Ngunit magbabago ang lahat sa hindi inaasahang pangyayari…    "Nitidus, dapa!" sigaw ko sabay lundag sa kinaroroonan ni Nitidus at itinulak siya padapa sa buhanginan.   Isang malakas na pagsabog ang dumagundong mula sa likuran namin. Ang bahay namin ay unti-unting nilalamon ng apoy.   Lumingon ako sa likod ngunit wala na roon ang salarin na kanina lang ay may hawak na RPG at nakatutok sa direksyon namin. Sigurado akong balak kaming patayin ng lalaking iyon. Ngunit bakit?   Kaagad kaming nagtungo sa likurang bahagi ng natutupok naming bahay at doon natagpuan ang nakahandusay na katawan ni Gaza sa sahig. Puro galos, at sugat sa kaniyang mukha bagama't hindi nasunog ang katawan nito ay mababanaag sa itsura nito ang panghihina dahil sa natamong pinsala.   "A-Acutus... Nitidus..." pagtawag nito sa amin sa nanghihinang tinig.   "Ama, magpakatatag ka. Nandito si Nitidus gagamutin ka niya." Pilit kong pinalalakas ang loob niya gayundin ang sa amin lalo na at siya lang ang inaasahan naming dalawa ni Nitidus.   Kaagad na inalalayan ni Nitidus si Gaza upang maayos na maihiga sa kaniyang kandungan.   "Hindi na ‘ko magtatagal," mahinang sabi nito.   "Ano ba 'yang sinasabi mo?" Medyo nainis naman ako sa narinig ko. Hindi puwedeng mamaalam ito kaagad.   "Oo nga Gaza, lumaban ka. Ihahatid mo pa ako sa altar kapag kinasal na ako kay Inxs," sabi naman ni Nitidus kaya napatingin pa ako sa kaniya. Si Inxs ang kasintahan ni Nitidus na nakilala niya lamang nang minsan siyang isinama ni Gaza sa bayan.   "Isang daang bilyong dolyar... ang kwintas... S-sugatzu Clan..." nanginginig ang boses na sabi nito kapagkuwan ay tuluyang binawian ng buhay.   Kwintas? Sugatzu Clan? Isang daang bilyong dolyar? Hanggang ngayon ay hindi ko malaman ang ibig sabihin ni Gaza. Hindi kasi malinaw ang nais nitong iparating.   Labis naman ang pag-iyak ni Nitidus habang yakap-yakap ang pumanaw na si Gaza. Simula pa kasi noon ay naibibigay na ni Gaza ang gusto ni Nitidus mula sa mga materyal na kagamitan hanggang sa pagmamahal at pagkalinga ng isang ama. Tinapik ko ang balikat niya upang makaalis na kami sa lugar na iyon. Kahit na nalulungkot at nagdadalamhati ay alam kong mahirap na at baka bumalik pa ang kung sinuman ang may kagagawan ng pagkamatay ni Gaza. Hindi na ligtas para sa amin ang manatili rito.   Matapos ilibing si gaza sa kalapit na oasis ay nagpasya na kaming lisanin ang lugar at nang makarating sa bayan ay naghanap kami ng pansamantalang matutulugan. Sa isang apartelle namin napagdesisyunang magpalipas ng gabi. Bukod sa pagod na rin kami ay parang halos ang daming nangyari ngayong araw na ito.   "Nitidus, sa sahig na ako. Dito ka na sa kama matulog," sabi ko sa kaniya.   "Acutus, paano na tayo ngayon? Saan na tayo titira? Paano na tayo mabubuhay?" Kahit hindi niya ipahalata ay dama ko sa boses niya ang lungkot at pag-aalala.   “Sa totoo lang kahit ako ay hindi ko alam,” tugon ko. "Siguro sa lugar na lang na 'yon.” Nagsimula na akong mahiga matapos ayusin ang sahig na tutulugan ko. "Pero Acutus --"   "Wala na tayong ibang mapupuntahan Nitidus kung hindi roon na lang," pagputol ko sa pagtutol niya. "Mabuti pa matulog ka na. Maaga pa tayong aalis bukas. Magandang gabi, Nitidus."   Bumuntong-hininga naman ito bago ako tinugon.   “Magandang gabi rin, Acutus," sabi niya bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata.   Sa tinagal-tagal naming magkasama mula pagkabata ay hindi na sa amin lihim na hindi si Gaza ang tunay naming ama ngunit ni minsan ay wala rin naman siyang nababanggit mula sa aming pinagmulan. Ngayon ko lang din natitigan nang malapitan si Nitidus. Maamo ang kaniyang mukha. Tila isang manikang natutulog lang sa kaniyang kama. Mapupula ang kaniyang mga labi at makinis ang kaniyang kutis. Matangos rin ang kaniyang ilong na bumagay sa hugis obal niyang mukha. May alon-alon at mahaba siyang buhok na tugma naman sa mahahaba niyang pilikmata. Hindi maitatangging darating ang panahon at marami ang maghahabol sa kaniya at iibig sa kaniya. Napangiti na lang ako sa isiping iyon. Doon lang ako tila nakaramdam ng antok matapos kong haplusin ang kaniyang buhok.   Kinabukasan, alas-sais pa lang ay nakahanda na kami. Malayu-layo rin kasi ang aming lalakbayin tungo sa lugar na 'yon. Alam kong delikado ang lugar na iyon pero sa panahon ngayon ay alam kong ang lugar na iyon lang ang matatakbuhan namin. Sumakay kami ng raeda papuntang Terra Sanctificata at gabi na rin nang makarating kami roon. Kailangan pa naming maglakad ng tatlong kilometro mula sa binabaan namin dahil wala ni isang nangangahas na pumasok sa lugar na talagang sadya namin. Ang lugar kung saan ipinanganak si Gaza. Ang lugar kung saan buhay mo ang kailangan mong ipusta - ang Ludo.   Pagpasok namin sa isang maliit na sibilisasyon ay hindi mawala sa akin ang kaba, hindi lang para sa akin kung hindi para na rin kay Nitidus. Hindi mo makikita ang mismong itsura ng lugar hangga't hindi ka nakakapasok sa mismong loob nito dahil sa mga nakapalibot na matataas na kongkretong bakod na tila pinoprotektahan ang buong lugar sa nagbabadyang panganib at mga kalalakihang may hawak na armas sa may bandang itaas nito at ganoon rin sa nag-iisang pinto papasok roon. Kaagad naman kaming hinarang ng isang binatang may hawak na shotgun kasama ang tatlo pang kalalakihan na kaagad din kaming pinalibutan nang mapansing mga dayo kami rito.   "Sino kayo? Anong sadya ninyo sa lugar na ito?" matapang na tanong nito bago gumawi ng tingin kay Nitidus. "Mukhang maganda ang kasama mo ha?" sabi niya at ganoon na lang ang pagkabigla namin ni Nitidus nang bigla siyang hilahin ng tatlong kalalakihan dahilan upang maalarma ako subalit gaya nga ng sabi noon ni Gaza ay lubhang mapanganib sa lugar na ito kaya binilinan niya kaming huwag na huwag pupunta rito. Subalit wala kaming pagpipilian sa pagkakataong ito dahil sa huling habilin na kaniyang binitawan. Nakatutok na ngayon ang shotgun sa leeg ko at si Nitidus naman ay napaiyak na lang sa takot.   "Ako nga pala si Pecunia. Malugod namin kayong tinatanggap sa aming lugar kapalit ng..." inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko bago bumulong "buhay niyo."   Sa isang salita na iyon kahit bulong lang ay mukhang narinig naman ng lahat nang naroon. Nagsigawan sila at naghiyawan sa tinig na kahit sino ay hindi nanaising marinig. Halos kaladkarin nila kaming dalawa ni Nitidus papasok sa loob ng malalaking bakod at nagulat ako sa aking nakita. Dalawang tao ang naglalaban at halos magpatayan sa loob ng isang hawla. Ang kalakaran nila sa lugar na ito ay walang awa. Ang mahina ay namamatay at tanging malalakas lamang ang nabubuhay. Nakapalibot rin ang mga taong walang ibang inisip kung hindi salapi. Pumupusta sila batay sa kung sino ang sa tingin nilang mananalo sa laban na iyon.   Ilang minuto ang nakalipas at inanunsyo na ang nanalo at ganoon na lang ang hiyawan ng mga tao. Ngunit hindi ko inakala na kailangan kong pagdaanan ang pinagdaanan ng mga kalahok sa tila sabong na iyon. Itinulak nila ako sa isang malaking hawla na hindi ko alam kung ano ang meron bukod sa naglalakihang rehas nito. Nasa tuktok ito ng tila isang parang maliit na burol kung kaya't kita ang kabuuan ng lugar. Pilit kong binubuksan ang pintuan nitong yari sa matigas na metal ngunit hindi ko magawa. Nakita ko naman si Nitidus sa 'di kalayuan sa akin sa labas ng hawla na nakatali at nakabitin sa ilalim ng isang bangin kung saan may isang tigre na animo'y naghihintay lamang na makakain. Sa bandang itaas nito, sa kanyang bandang kaliwa ay isang lalaking may hawak na malaking palakol habang nakamuwestra na puputol ng tali ano mang oras. Sa isiping iyon ay wala na akong pagpipilian. Mukhang alam ko na ang lahat ng ibig sabihin nito. Kailangan kong manalo kapalit ng buhay ni Nitidus. Kapalit ng buhay naming dalawa.   Pero hindi magiging madali ang lahat. Isang pintuan ang bumukas mula sa ilalim ng hawla at isang lalakeng may malaking pangangatawan ang ngayon ay kaharap ko.   Kasinglakas ng sigawan ng mga naririto ang pintig ng puso ko. Oo, kinakabahan ako lalo na at hindi ko alam ang gagawin ko. Kung papatayin ko siya ay matatapos ang lahat subalit ni minsan ay hindi ko pa nagawa iyon. Alam ko kasing isang kasalanan 'yon sa Diyos pero kapag hindi ko ginawa iyon ay buhay ni Nitidus ang malalagay sa peligro. Wala rin akong kaalam-alam sa pakikipaglaban at payapa lang kaming naninirahan noong tatlo sa Harenae.   Sa pagtunog ng bell nagsimula ang lahat. Kaagad na umatake ang lalakeng may malaking katawan at parang isang batang musmos akong basta niya na lang binuhat at inihagis sa may bakod na rehas. Sa pagbagsak ko ay kasabay rin ang pagbulwak ng dugo mula sa aking bibig. Ramdam ko ang pananakit ng buong likuran ko ngunit mas nabahala ako nang makita kong may pinalakol ang lalaki sa gawing malapit kay Nitidus dahilan para bumaba ang taling nakagapos sa mga kamay ni Nitidus.   "Nitidus!" tanging nasambit ko at walang sabi-sabing kaagad akong sumugod sa kinaroroonan ng aking katunggali ngunit lubhang malakas siya kaya ganoon na lang ang biglang paghatak niya sa mga paa ko at pagbalibag sa sahig. Doble pa tuloy ngayon ang naramdaman kong sakit lalo na at nahaluan ng kaba nang bumaba pa lalo ang tali ni Nitidus. Isang bagsak pa at alam kong katapusan na niya. Ganoon din ako. Ngunit sa kabilang banda ay umiikot na ang aking paningin. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ang magpatuloy. Pero walang akong pagpipilian. Mas nanaisin ko pang pumatay kaysa sa mamatay si Nitidus sa mismong harapan ko. Kasabay ng pagsugod ng lalake ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Bumukas ang pintuan ng hawla at pumasok si Pecunia.   "Ang nanalo…" sabay taas niya ng kaliwang kamay ko kaya naman hindi halos makapaniwala ang lahat. Ngunit himbis na madismaya ay higit na mas malakas na sigawan ang dumagundong sa buong lugar. Lubhang nakakatakot ang manirahan sa lugar na ito ngunit alam kong wala akong pagpipilian. Dito ko lang maaaring malaman ang mga sagot sa katanungang bumabagabag sa akin, sa amin ni Nitidus. Iyon nga lang, wala rin akong magagawa kung hindi pumusta kapalit ng buhay naming dalawa. Kung mahina ka, mamamatay ka. Kung matapang ka, tiyak ang kaligtasan mo. Kasalanan man sa Diyos ang lahat ngunit ito lang ang kaya kong gawin upang maprotektahan ko ang taong minamahal ko ng lubos.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

NINONG II

read
618.1K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

NINONG III

read
362.6K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
46.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook