bc

KRUGER DEMORGON: The Ruthless Mafia Billionaire (TAGALOG R-18+)

book_age18+
17.6K
FOLLOW
155.4K
READ
billionaire
dark
possessive
badboy
badgirl
bitch
boss
comedy
bxg
humorous
like
intro-logo
Blurb

MY DANGEROUS LOVERS 1: Inosenteng matinong dalaga X mapang-abusong Mafia Boss.

WARNING: MATURE CONTENT!

LABAG sa kalooban ni Anghelina na maikasal sa isang lalakeng bilyonaryo. Kapalit ng perang pinambayad sa milyones na utang ng sugarol n'yang ama at nakakatandang kapatid na lalake, hiningi ng binata ang kan'yang kamay para sa isang kasal. Pumayag ang dalaga para hindi bawiin ang pinambayad na salapi.

Sumama s'ya sa mansyon kasama ang bilyonaryong iyon ngunit doon naman n'ya nakilala ang tumayong ama ng binata na umampon sa kan'ya. Isa syang 32 years old CEO and Owner ng Firearm Company. Ikinabahala ni Anghelina sa taglay nitong nakatakot na negatibong inerhiya. Ngunit paano na lang kung ibubulgar mismo ng kan'yang ama ang maitim na balak ng binata kay Anghelina?

Ang kasal na kasunduan ay isang pawang kasinungalingan lamang. Plano pala nitong gahasain ang dalaga. Sa malalim na dahilan, binaril nito ang binata.

Nakita mismo ng dalaga kung paano nawalan ng buhay ang lalakeng mapapangasawa n'ya sana at hindi inaasahan na marinig mula sa bibig ng adoptive father ng binata. "Marry me, you shall bear my child."

Linggid sa kan'yang kaalaman, ang tao iyon ay si— KRUGER DEMORGON, the Ruthless Mafia Billionaire.

Niligtas ba sya sa kapamahakan o may naghihintay pang kasamaan?

chap-preview
Free preview
TEASER
“Anghelina, nasa labas na si Mister Douglas.” Napa-kurap ng isang beses ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ni Mama at dalawang magkasunod na katok sa pintuan nitong k’warto ko. Tinititigan ko ang aking repleksyon sa salamin. Tatlong linggo na lang, ikakasal na ako. Hindi ko kinakatuwa iyan. Labag sa loob ko. “Anghelina?” Doon na ako tumayo sa pagkakaupo. Tinungo ko ang aking pintuan at binuksan. Bumungad sa ‘kin ang masayang mukha ni mama. Dalawang linggo ko nang nasisilayan ‘yan. Hindi ko na nakikita ang lungot at paghihirap sa kan’yang mga mata. Iyon ang naguudyok sa akin na huwag tanggihan ang alok ni Douglas. Hindi ko na gustong makitang na-d-depress at na-i-stress ang mama ko. Hindi na mainit ang kan’yang ulo. Hayahay na ulit s’ya kagaya noong masagana pa ang aming buhay. Mga panahong, buhay pa si Papa at Kuya. Nu'ng hindi pa sila nalulong sa sugal. “Susunduin na lang kami ni Anghelita sa araw ng kasal n'yo. Mag-enjoy ka lang doon anak ha?” Hinawakan n’ya ang aking magkabilang pisngi at marahang hinimas habang naka-kurba pa rin ang matamis na ngiti sa kan’yang mga labi. “May iniwan nang pera si Mister Douglas para sa tuition and allowance ng kapatid mo. Huwag kang mag-alala, nagaaral ng mabuti si Anghelita.” Wala akong nasabi. Tumango na lang ako ng dalawang beses. Hinatid n’ya ako sa labas ng bahay. Doon na naka-abang sa aming bakuran ang isang itim na kotche. Naka-tayo sa kaliwang gilid ng backseat ang isang lalakeng naka-black suit. S’ya ang umalalay sa akin papasok sa loob. Hindi ko muna binigyang pansin si Douglas na naka-upo na pala sa kaliwang bintana banda. Humihithit ng brown cigarette. Tamang-tama, pag-upo ko sa kan’yang tabi ay kasabay na binuga sa naka-bukas na bintana ang makapal na usok galing sa kan’yang bibig. Naka-ipit ang mamahaling sigarilyong 'yon sa hintuturo at gitnang darili ng kaliwa n’yang kamay. Aaminin kong may taglay s’yang kaguwapuhan na bihira ko lang makita sa isang lalake. Maganda rin ang hubog ng kan’yang pangangatawan. Burdado nga lang ng tattoo. Mukha n’ya lang yata ang walang naka-imprintang ganu’n. “Shall we go now, Anghelina?” Sabay binalingan ako ng malambot na tingin. Kahit nakakatakot ang kan’yang tindig at pustura, ang lambing naman n’ya sa akin. Maginoo pa. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kinikilabutan ako sa kan’ya kahit maganda naman ang pakikitungo sa akin sa nagdaang mga linggo. Ilang beses n’ya akong dinala sa mga mamahaling restaurant. Paraan n’ya siguro iyon para makilala namin ang isa’t-isa sa maikling panahon. Ang kabayaran ng lahat ng ginastos n'ya sa amin, hiningi n'ya ang aking kamay para sa isang kasal. “Opo—“ “What have we talked about? Drop that word. I am just 26 years old. You are making me old again.” Tinikom ko ang aking bibig at niyuko na lang ang aking ulo sa mga hita ko. I heard him chuckle. Parang tawa ng isang demonyo. Hindi ko alam pero iyon ang naririnig ko sa kan’ya. Mahina akong napa-singhap na’ng bigla n’ya akong inakbayan. Naramdaman ko agad kung gaano kabigat ang brasong pinatong n’ya sa aking mga balikat. Lumunok ako ng sarili kong laway. Aaminin kong hindi pa ako komportable sa kan’ya pero magiging asawa ko na s’ya sa mga susunod na linggo. Nahihiya ako dahil naiilang pa ako hanggang ngayon. “Relax, masasanay ka rin sa akin.” Tinayuan ako ng mga balahibo nang naramdaman ko ang mainit n’yang hininga na dumampi sa kaliwa kong tainga. Naamoy ko pa ang aroma ng kan’yang sigarilyo. Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa bumiyahe na kami palayo sa bahay namin. Nilaro-laro ko lang ang aking mga kuko sa kamay habang nasa biyahe. Panay hithit lang s’ya ng sigarilyo. Naririnig ko ang bawat sipsip at buga ng usok. Hindi n’ya rin inaalis ang pagkakaakbay sa akin. “We are close to the village,” saad ng driver. Makalipas ang mahaba-habang biyahe, inalalayan ako ni Douglas palabas sa kotche. Ipinasok n’ya ako sa mans’yon. Inakyat namin ang malaking hagdan papuntang ikalawang palapag at pumasok sa isang silid. “You’re here,” kalmadong saad ni Douglas. Sabay kaming napa-hinto sa loob. Mukhang living room itong pinasukan namin. Imbes na igala ko ang aking tingin, naagaw ang atensyon ko sa isang lalakeng naka-upo sa Cleopatra sofa. Mukhang nanood s’ya ng classic opera concert sa isang malaking flat screen TV sa unahan nitong silid. Ulo lang ang nakikita ko dahil naka-talikod ang sofa sa amin. Hindi ako kumurap na’ng dahan-dahang tumayo ang lalake. Napa-sunod ang ulo na halos titingala na ako sa kan’ya. Una kong nasilayan ang malapad n’yang likod. Napapalunok ako dahil ang laki rin n’yang tao. Naka-pamulsahan pa s’ya sa suot n’yang makapal at may kahabaang itim na suit jacket. “S-Sino s’ya?” mahinang usal ko na’ng dahan-dahan kaming hinarap ng lalake. Sa hindi malamang dahilan, huminto ang pag-t***k ng puso ko na ikinatigil agad saglit ng aking hininga dahil nasilayan ko ang kan’yang imahe. Nag-tama ang aming paningin na ikina-hina ng aking mga tuhod. Kinabahan ako bigla. Mas malala pa sa naramdaman ko noong una kong nakita si Douglas. His eyes are so intense na parang nanghihigop ng lakas. Nanlamig ang mga paa at kamay ko. I have never seen a man who has cold eyes like him. Titig na titig s’ya sa akin na hindi ko magawang iiwas ang aking tingin. Tuluyan akong napa-tulala sa matinding kilabot. “Anghelina, he is Kruger Demorgon. My father who adopted me.” “Douglas, is she your next victim that you were talking about?” Lumakas bigla ang pintig ng dibdib ko. Nakakatakot na nga ang kan’yang malalim na tinig, dagdagan pa ng nilalaman ng kan’yang sinabi. “Dad,” seryosong saway ni Douglas at tinanggal na ang pagkaka-akbay sa ‘kin. “She is my fiancé. We are about to get married after three weeks.” “V-Victim?” Halos hindi ko na masabi ang salitang iyon. “You are his next victim. He won’t marry you but he will rape and kill you, little girl.” “DAD!” Napa-igtad ako sa gulat na’ng umugong ang malakas na boses ni Douglas sa buong living room. “Shut the f**k up—“ Nanlaki ang aking mga mata dahil walang sabi-sabing inaalis ang kan’yang kanang kamay sa bulsa ng jacket suit n’ya. Sunod na napa-awang ang aking bibig dahil nakita ko na lang na hawak-hawak na n’ya ang isang revolver na baril. Tinutok n’ya iyon kay Douglas. Kumurap lang ako ng isang beses. Sa sobrang bilis ng pangyayari, umalingawngaw na lang ang isang malakas na putok ng baril at kasabay no’n pag-taksik ng dugo sa mukha ko. Na’ng binalingan ko ng tingin si Douglas sa aking tabi, naka-handusay na s’ya sa sahig habang unti-unting dumadaloy ang dugo palabas sa kan’yang ulo. Hindi ako naka-usal sa matinding pagkagulat. Ang panginginig na ng aking katawan ang damang-dama ko ngayon. “Anghelina Malafronte.” Biglang tinawag ng isang demonyo ang aking buong pangalan. Dahan-dahan ko s'yang binalingan ng tingin habang nangangatog ang aking ulo. He was looking at me in ruthless eyes. “Marry me. You shall bear my child.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook