bc

Until When [UNTIL PART 1] Complete Tagalog

book_age16+
6.0K
FOLLOW
18.1K
READ
family
fated
forced
goodgirl
brave
drama
sweet
abuse
illness
like
intro-logo
Blurb

Yuka is the special child. Isang isip bata na nasa katawan ng isang dalaga---malambing, iyakin, at isang masunuring dalaga. Sa loob ng labing siyam na taon sa buhay nito ay pinoprotektahan siya palagi ng taong nasa paligid niya. Ayaw na lumalabas siya o lalapit sa ibang tao dahil natatakot ang mga nakapaligid sa kanya na saktan na lamang siya ng kung sino. Ngunit sa kabila ng pagiging isip bata ay merong tinatawag si Yuka na 'Kuya'---si William---ang kilalang matinee hunk idol na sikat na sikat sa buong bansa. There's something to Yuka that William can't resist---at 'yon ay sa kabila ng pagiging isip bata ng dalaga ay marunong itong walain ang lahat ng bigat na kanyang nararamdaman.

Posible bang sa kabila ng pagiging isip bata ni Yuka ay magkaroon ito ng lalakeng mamahalin siya sa kabila ng kapansanan niya? At paano rin kung may isang pangyayari na hindi inaakala ni William na mangyayari.

chap-preview
Free preview
One
⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️ KABILA-KABILA ANG flash ng camera habang nagpo-pose si William kasama ang actress na ipinaparehas sa kanya para sa isang photoshoot. Very mature and sexy ang tema ng shoot kung kaya naka-topless at jeans lamang ang ayos ni William na hindi na bago sa kanya. Sanay na siya sa ganoong kalakaran sa industriyang pinasukan niya. At sanay na rin siyang ipareha sa iba't-ibang babae na hindi ma-resist ang karisma at kakisiga na tinataglay ng kanyang mukha at katawan. "Okay. Cut! Pack-up!" Napahinga ng malalim si William at napatingin kay Priyanka na tila walang balak na umalis sa kandungan niya habang nakaangkla ang mga kamay nito sa kanyang leeg. Ngumiti ito at hinaplos ang dibdib niya. Hindi maitatanggi na sexy at ubod ng ganda ang tinataglay ni Priyanka, at walang lalake ang hindi makakatanggi sa tinataglay nitong kaakitan. "Our shoot is done today. Baka naman gusto mong mag-unwind?" Alam niya ang pinapahiwatig ng babae at kung manok na ang lumalapit ay makakatanggi pa ba siya? Kung ang magandang manok na pagmamay-ari niya ang lumalapit sa kanya. "Okay, magbibihis lang ako." Napangiti ito at hinalikan siya sa labi. Agad na tumugon siya at tinayo ang babae para makatayo na rin siya. "Kuya, uwi na tayo." Napatigil siya at agad na pinigil si Priyanka sa paghalik sa kanya. Napatingin siya sa nagsalita---Si Yuka. Sobrang cute nito sa suot nitong blue dress habang naka-pigtail hair at hawak ang paborito nitong manika at nakaupo sa isang plastick chair. Nakalimutan niyang kasama nga pala niya si Yuka. "I call your Dad to fetch you. I'm sorry, Honey, hindi ako makakasabay." Tumingin ito sa kanya mula sa pagtingin sa manikang nilalaro nito. "Si Daddy?" napaikot ang mata nito tila ba nag-iisip. Umiling agad ito ng marahas, "magagalit sa akin si Daddy. Ayaw." niyakap nito ang manika pagkasabi nito no'n. Napahinga siya ng malalim at naupo sa tabi nito, "Hindi. Bakit naman magagalit sa 'yo ang Daddy mo?" "Ayaw! Ayaw! Gusto ko ikaw.." Napangiti naman siya at hinaplos ang tuktok ng ulo nito. Tumayo siya at tumingin kay Priyanka na umirap. "Not again, William. Palagi na lang nauudlot ang lakad natin dahil d'yan kay Yuka." Napahinga siya ng malalim, "Intindihin mo na lang, P. At kargo ko si Yuka dahil sinama ko siya rito." Napahinga naman ng malalim ang babae, "Bakit kasi sinama mo pa? Dapat sa kagaya niya ay manatili lang sa bahay." Lumapit siya sa pinaghubarang damit at sinuot. "Palaging nasa business trip ang parents niya at Yaya niya lang ang tumitingin. Kaya kesa iwanan mag-isa sa bahay si Yuka ay sinasama ko na." Sinuot niya ang leather black jacket at gloves na pang-motor niya, pati sumbrero para kahit papaano walang makapansin sa kanya sa labas. "Okay, I get it. Pero next time huwag mo nang isasama si Yuka. At 'yung pinag-usapan natin? Tuloy ba?" Napatingin siya kay Yuka na nangingiti habang tinataas sa ere ang manika nito. Tumingin siya sa wrist watch niya at alas syete na nang gabi. Tumingin siya kay Priyanka at tumango. "Okay, ihahatid ko lang si Yuka at pupuntahan na lang kita sa pad mo." Napangiti na si Priyanka at tumango bago humalik sa labi niya. Kasintahan niya ito at kinatuwa 'yon ng fans na humahanga sa kanila. Hindi naman mahirap magustuhan ang babae dahil hindi ito masyadong clingy at minsan lang mainis ang babae kung palaging patungkol kay Yuka ang pinag-uusapan nila at pinagtatalunan. Bumitaw na siya ng halik at tumingin kay Yuka. Ngunit gano'n na lang ang pagkabalisa niya ng makita na wala na ito sa kinauupuan nito kanina. "Yuka!" Agad na tumakbo siya palabas ng set at napahinga siya ng malalim ng mapatingin sa kanang bahagi kung saan naroon ang hagdanan. Nakaupo doon si Yuka. Nilapitan niya ito at pumunta siya sa harap nito bago maupo para mapantayan ito. "Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya. Umiling ito. Nang tumunog ang tiyan nito ay alam na niya kung bakit. Napangiti siya at tumayo. "Tara na. Kakain tayo ng gusto mo." Bigla itong napatayo at nagtatalon habang pumapalakpak pa. "Talaga, Kuya? Yehey! Gusto ko spaghetti, fries, at ice cream!" dahan-dahan pa ang pagkakasabi nito sa nais nitong kainin. Tumango siya at hinawakan ito sa kamay, "Okay. Lahat 'yon ay kakainin mo. Pero behave ka lang ulit, maliwanag?" Tumango ito at kumapit sa braso niya habang sa isang kamay nito ay hawak ang manika nito. Sinuot niya ang mask at inaya si Yuka palapit sa motor niya. Bugatti ang model ng motor niya. Imbes na kotse ang i-invest niya sa pag-a-artista ay motor ang mas pinili niya para makaiwas sa pa-parazzi. Less hasle din ito lalo kapag traffic at mas gusto niyang gamitin 'yon dahil madalas ay inaangkas niya si Yuka para makita nito ang bawat daang dinadaanan nila. Gusto niyang maalala nito ang daan pauwi. "Dito si Lily. Ako dito." Nilagay nito ang manika sa harap niya at tinuro nito ang likod niya. Umiling siya rito para ipahiwatig na hindi siya pumapayag. "Sa unahan kayo ni Lily. No more buts." Gumalaw-galaw ang nguso nito at nais pa sanang magdabog ng unahan niya ito ng maawtoridad niyang tono. "Gusto ko sa likod. Ate sakay sa likod Kuya Paul. Ako rin gusto gano'n." Ang Ate nitong si Yuri na half sister nito ang tinutukoy nito at ang nobyo nitong si Paul. Anak sa labas si Yuka, sa pagkakaalam niya, pero tinanggap ito ng pamilya ng mga Laxamana. At siya ay dakilang ampon rin ng mga laxamana. Nais siyang kunin ng ama ni Yuka na si Eduardo para ipasok sa company nito bilang Tresurer. Isang malaking company ng pagawaan ng iba't-ibang ma-dekalidad na laruan ang negosyo ng pamilya nila Yuka. Inampon siya ng mamatay ang nanay niya na isang secretary noon ni Eduardo. Dalawa ang kapatid ni Yuka--si Yuri at Yvo--na sa kasamaang palad ay hindi niya gusto ang ugaling pinapakita ng mga ito kay Yuka. Kaya ayaw niyang iwan mag-isa si Yuka sa bahay dahil pinagtitripan ng half sister at half brother nito ang dalaga. Kinse anyos pa lang siya noon at si Yuka ay walong taon ng makita niyang tinulak ni Yvo si Yuka sa pool. Galit na galit siya dahil kung hindi siya lumabas sa silid niya ay baka nalunod na si Yuka. "Wala kang pakialam rito, William! Sampid ka lang din!" Gumalaw ang panga niya sa mga oras na 'yon. Kung hindi dumating si Eduardo ay baka napatulan na niya ang spoiled brat na si Yvo. "Yvo, watch your words. Anong nangyari rito?" Humarap siya kay Eduardo habang inaalo si Yuka na umaatungal sa iyak. Basang-basa ito. "Itinulak ho ni Yvo si Yuka sa pool. Kung hindi ako lumabas ay baka nalunod na si Yuka." Nakita niya ang biglang pagbagsik ng mukha ni Eduardo at binalingan si Yvo na napayuko. "Bakit mo ginawa 'yon sa kapatid mo, Yvo?" Nilabas ni Eduardo ang sintron hudyat na papaluin nito si Yvo, ngunit pinigil niya ito. "Hindi ho makakabuti na makita 'yan ni Yuka, Sir Eduardo." Natigilan naman ito at napatingin sa anak. Lumambot ang mukha nito at nilapitan si Yuka kaya medyo lumayo siya. "Are you alright, Hija?" Yumakap rito si Yuka, "Ayoko na doon. Inom ako tubig. Hindi ako makahinga," kasabay ng paghikbi-hikbi nito. Tumango-tango si Eduardo, "Okay, okay. Bukas na bukas rin ay ipapaalis ko ang tubig sa pool. Huwag kang matakot, Hija, I'm here." Nakita naman niyang nagdadabog na umalis si Yvo na may masamang tingin kay Yuka at sa Daddy nito. Alam niya na hindi pantay ang pakikitungo ni Eduardo sa magkakapatid pero nauunawaan niya kung bakit pinoprotektahan nito si Yuka. Dahil special ito at mas kailangan nito ng taong tutulong. Dahil sa sitwasyon nito ay hindi nito kayang pangalagaan at ipagtanggol ang sarili. "Kuya! Kuya, bingi ka na ba? Huhu.. Ayaw ko bingi ka. Hindi mo ako maririnig." Natawa naman siya at pinisil ang pisngi nito. Sa lalim ng pagbabalik-tanaw niya ay hindi niya namalayang kinakausap siya nito. "Hindi ako bingi, Honey. Tara na nga." "Sabi ko nga tara na! Ayaw mong magsalita, hmp! Kasalanan ng babae. Kinain niya ito." tinuro nito ang labi niya kaya natawa siya. "Ikaw talaga." ginulo niya ang buhok nito at pinasakay na sa harap niya. Sinuotan niya ito ng helmet at saka niya pinaandar ang motor. Naaamoy niya ang bango ng buhok ni Yuka. Hindi ordinary na shampoo ang gamit at tila shampoo na pambata. At nababanguan siya doon kesa sa malalakas na amoy ng shampoo. "Bakit walang ganito si Lily?" biglang tanong nito na ang tinutukoy ay 'yung helmet. "Hindi na niya kailangan." "Bakit hindi? Ikaw at ako ay meron. Magtatampo siya." Napangiti na lang siya at hindi na sinagot ito. Nag-seryoso siya at naisip ang sitwasyon ni Yuka. Hindi mahirap alagaan si Yuka pero tiyak niyang kung sa ibang tao mapupunta ang pangangalaga kay Yuka ay baka hindi nito kayanin at pabayaan lang. Pati siya ay nangangamba na kapag kailangan niyang umalis sa tabi nito ay baka maiwan ito sa malulupit na kamay. "Yuka, bakit ayaw mong magpasundo sa Daddy mo?" Umiling-iling ito, "Ayaw ko. Magagalit sa akin si Tita Risa." Isa pa ang stepmother nito. Napahinga siya ng malalim at hininto ang motor sa isang fastfood chain drive thru. "Hi, welcome to Mcdonalds, Sir. What can I do for you?" "Hi. Pa-order kami ng--" "Spaghetti, maraming fries, at ice cream!" Hindi pa siya natatapos magsalita ng tapusin na ni Yuka ang sasabihin niya. Natawa na lang siya at napailing bago tumingin sa kahera ng fastfood na napasinghap ng makilala siya. "Omg! William Dela Torre!" Sinenyasan niya ito na huwag maingay kaya tumango ito at agad na inasikaso ang order nila. "Baba ako! Gusto ko tignan 'yon." Tinuro nito ang malaking statue ni Mcdonalds pero inilingan niya ang nais nito. "Hindi pwede. Ginagayak na ang order natin at bawal iwan ang motor rito." Napanguso ito at niyakap ang manika nito. Marahas na napabuga siya ng hangin at inalis ang helmet. "Talaga naman. Next time 'wag mo akong gagamitan ng ganyan." Nang pababain niya ito at alisan ng helmet ay ngumiti na ito at agad na tinakbo kung nasaan si Mcdonalds. Sinenyasan niya ang kahera na saglit lang at nag-thumbs up ito. Agad na sinundan niya si Yuka at yakap-yakap na nito si Mcdonalds. Marami namang napapatingin na mga kumakain sa dalaga. Sinuot niya ang mask at sumbrero para hindi siya masyadong makilala. Ayos lang naman na makita siyang kasama si Yuka, pero kapag nangyari 'yon ay baka pati tahimik na buhay ng dalaga ay magulo dahil sa kanya. "Kuya, hindi siya gumagalaw." Napangiti siya, "Hindi talaga dahil statue lang 'yan." Tumingin ito sa statue at napatango. Masayang yumakap muli ito kaya lumapit pa siya rito at inaya na. "Huwag kang masyadong yumakap at marumi 'yan. At tara na." "Gusto ko pa rito. Dito na lang tayo." Parang bata na inakay niya ito at ayaw pang magpahila sa kanya. "Hindi masaya rito. May alam akong masaya kesa rito." Bigla ay napangiti ito na kinawala ng pagnguso nito. Nagtatalon na kumapit ito sa braso niya na kanina ay ayaw pang magpahatak. "Sige, sige. . . Punta tayo doon. Gusto ko doon." Tumango-tango na lang siya at lumapit na sila sa motor. "Pasensya na. Magkano ba lahat?" "Ayos lang, Sir William. . . 340 lang po." "Okay." naglabas siya ng sapat na pera at binigay sa kahera. Kinuha naman niya ang plastick na naglalaman ng pagkain ni Yuka. "Penge!" Agad na sisilipin sana nito ang laman ng plastick ng itaas niya ito upang hindi nito maabot. "Hindi puwedeng kumain rito. May kasunod na tayo. Sakay ka na." Masunurin naman ito at sumakay na kaya sumakay na rin siya. Sinuotan niya ito ng helmet bago sila umalis doon. Pinahawak niya rito ang plastick na magalak naman nitong hinawakan. Lihim na natawa siya dahil dumudukot ito ng fries. Hindi talaga niya mapigilang matuwa sa bawat ginagawa nito. Kaya nakakakonsensyang hindi i-spoiled ito. Umuwi sila ng mansyon ng Laxamana at inaya niya si Yuka na kumain sa labas ng bahay kung saan may kubo na nakatayo sa garden. "Bago kumain, anong dapat gawin?" Tanong niya. "Pray." pinagdikit nito ang mga palad at pumikit, "Papa God, gusto ko na po kumain. Kaya po papakain na ako ni Kuya William. Salamat po. Amen." Napailing siya at nilabas na ang pagkain. Tila takam na takam na talaga ito. "Tapos na ako magdasal, Kuya! Kain na! Kain!" "Oo. Here." nilapag niya sa harap nito ang spaghetti at binigay niya ang kutsara't tinidor na plastick. Magana na kumain ito kaya sumandal siya sa kinauupuan at napakapa sa pantalon ng mag-ring ang cellphone niya. Pagkakuha at pagkakita sa tumatawag ay napahagod siya ng buhok at napabuga ng hangin. "P.." "Oh? Ano nang plano mo? Anong oras na at wala ka pa? Siguro naman naihatid mo na si Yuka." Bakas man ang kalmadong tono sa dalaga ay alam niyang malapit na itong mapuno. "Okay, papunta na ako.." "Okay, hintayin kita. Siguraduhin mong dadating ka, Wil." Napahinga siya ng malalim bago sumagot, "Yes." Tumingin siya kay Yuka na busy sa pagkain na binili nila. Hinawakan niya ito sa braso kaya napatingin ito. "Tatawagin ko ang Yaya mo para samahan ka rito at ipasok sa loob." "Okay po." Nagpatuloy muli ito sa pagkain kaya ngumiti siya at ginulo ang buhok nito. Tumayo siya at iniwan muna ito saglit.. "Yaya Pen.." Lumingon si Yaya Pen na kasalukuyan pa lang na papasok sa kwarto ng tawagin ito ni William. "Oh, Hijo. . . Nariyan ka na pala." sinilip nito ang likod niya tila hinahanap si Yuka, "Si Yuka?" "Nasa kubo ho. Aalis kasi ako kaya hahabilin ko na siya sa inyo. Kumakain pa kasi." Napatango naman ang ginang, "O, sige, ako na ang bahala." Nagpasalamat siya rito at muling lumabas. Hindi na siya lumapit sa kubo dahil baka kapag nalaman ni Yuka na aalis siya ay tiyak na sasama ito. Sumakay siya sa motor at sinuot ang helmet. Pinaandar na niya ang motor at muli siyang tumingin sa gawing kubo bago patakbuhin paalis ang motor. To be continued...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

CLOSER

read
140.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.9K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.7K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook