bc

Almost A Cinderella Story

book_age0+
2.8K
FOLLOW
14.4K
READ
adventure
opposites attract
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) Ang kwento ni Ekang, ang kanyang no-gart panty, pustiso at ang kanyang tatlong prinsepe! Samahan natin siya sa kaniyang pagiging kakaibang "modern-day Cinderella"!

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"PWET NA NILATIBA!" Halos tumalsik ang pustiso ko sa pagkagulat nang biglang umusok iyong likod ng screen ng portable na DVD na nasa harapan ko. Kumisap-kisap iyon hanggang sa mawala na ang pinapanood ko doon. Pustiso. Oo, pustiso. Meron na agad ako niyan kahit na third year high school pa lang ako. Mahilig kasi ako sa matatamis noong bata pa ako. Resulta? Ang isa-isang pagkalagas ng ngipin ko. Hindi na sila tumubo pa. Nagtampo siguro. "Ekang! Bakit ka sumisigaw, ha?! Ano iyong parang sumabog diyan sa lungga mo?!" sigaw ni Madam Loisel na siyang stepmother ko. Nakakapanginig talaga ang boses niya. Akala mo isa siyang malaking dinosaur. Ay, teka. Paano 'to?! Nasira ko yata iyong portable DVD. Actually, hindi sa akin ito, eh. Kay Ciara ito na kakambal ni Tiara. Sila naman ang kambal sa uma na stepsisters ko. Ayaw kasi nilang magpahiram kaya tinakaw ko na lang sa kwarto nila ang portable DVD. It's my fault naman kasi. Minarathon ko 'yong mga movies sa DVD na nabili ko sa bangketa! Hindi na yata kinaya ni portable DVD, ayun...nag-over heat. Narinig ko ang mga yabag ng mga paa ni Madam Loisel na papunta sa basement. Sa basement kasi ang kwarto ko. Kwarto ko dati ang kwarto nina Ciara at Tiara pero after na mamatay ni Papa dahil sa heart attack five years ago ay dito na ako natutulog. Everything has changed simula ng mawala si Papa. From prinsesa to muchacha ang naging drama ko. Pabalag na binuksan ni Madam Loisel ang pinto ng basement. "Anong amoy iyon? Bakit amoy..." nanlalaki ang butas ng ilong nito sa pag-singhot. "Amoy sunog na wire!" Mabuti na lamang ay natakpan ko agad ng kumot iyong portable DVD pero naamoy pa rin pala ni Madam Loisel ang singaw ng explosion. "Ah...eh... Iyong b-blower ko po, sumabog! Hindi yata kinaya ang dryness ng buhok ko," isang kabadong ngiti ang lumitaw sa labi ko. Umirap lang siya at umalis na. Tila nabunutan ako ng tinik nang maniwala si Madam Loisel sa palusot ko. Naihilamos ko tuloy ang mga kamay ko sa mukha ko sa sobrang kaba! Ouch! Ang sakit naman, oh. Nakalmot ko kasi iyong hinog kong pimples. Kumuha ako ng bulak at humarap sa salamin upang punasan ang pumanaw kong tighiyawat. Napasimangot ako ng bongga nang makita ko ang sarili kong reflection. Marami kasi akong pimples at pimple marks sa mukha. Lalo na sa pisngi. Pwede ka na ngang maglaro ng connect the dots sa sobrang dami nila, eh. Pango pa ang ilong ko at idagdag mo pa ang bahagyang malapad kong noo. Masakit mang aminin pero pangit ako! Aminado naman ako sa katotohanang iyan. "Ano daw iyon, Mommy?" boses ni Ciara mula sa salas. Pinag-uusapan na naman nila ako. "Ang blower ng gaga, sumabog!" "Grabe, nagpapaganda ba si Ekang? Hopeless case na ang mukha niya!" si Tiara naman iyon at nagtawanan pa silang mag-iina. Nilait na naman ako ng mga iyon! Akala mo kagandahan. Lamang lang naman sila ng tatlong paligo sa akin! "ANG dramatic naman ng posing mo, bakla!" puna ni Qwerty sa pangangalumbaba ko sa canteen. Si Qwerty o Quadrado sa totoong buhay ay ang bakla kong kaibigan. Kinder pa lang ay magkasama na kami niyan. "Eh, paano nasira ko iyong portable DVD ni Ciara. Akala ko maitatago ko pero nalaman nila! Ayun, naligo na naman ako sa kurot!" malungkot kong tugon. Bakla...iyan ang tawagan namin. Umupo siya sa tabi ko. Ang tapang ng perfume niya! "Kawawa ka naman, bakla! Pero akala ko ba immune ka na sa kurot at pananakit nila? Nail cutter ba ginamit nila sa pagkurot sa'yo?" Tiningnan ko siya ng masama. "Ikaw kaya kurutin ko ng nail cutter," pinakita ko sa kanya iyong mga marka ng kurot sa braso ko. "Look, oh...ang sakit kaya." Muntik na akong mapasigaw nang biglang may humawak sa braso ko from my back. Magugulatin talaga ako. Pero napangiti na lang ako nang makilala ko kung sino iyon. "Aljun naman, eh! Magkaka-heart attack naman ako sa entourage mo." Aljun is also my friend since bata pa lang ako. Magkaibigan kasi ang Papa ko at Daddy niya na may-ari ng isang ice plant dito sa Laguna. Medyo mayaman at kilala ang family niya. "Napaano ito? Bakit may pasa ka sa braso mo?" kitang-kita ko ang pag-aalala niya sa Bumbayin niyang mga mata. Gwapo si Aljun. Maputi, matangkad at may pagka-bombay ang kagwapuhan niya. Marami nga ang nagtataka dito sa school kung bakit kaming dalawa ni Qwerty ang lagi niyang kasama gayung ang cha-chaka daw namin! Mga tao talaga, masyadong judgemental when it comes to physical looks. "Hay naku, Aljun...nag-question mark ka pa talaga? Sinetch pa ba ang gagawa niyan sa friendship natin kundi ang evil stepmother and stepsisters niya!" "Totoo ba ang sinabi ni Qwerty, Ekang?" tumango ako bilang pagsagot. Hinimas niya ang mga pasa ko sa braso at hinipan iyon pero wala akong naramdamang iba sa ginawa niya. "Hindi pa ba sila kuntento na inaalila ka nila dahil pati ang pisikal na saktan ka ay ginagawa nila?" Binawi ko ang braso ko. "Hayaan mo na nga. Kasalanan ko naman kasi nasira ko iyong portable DVD ni Ciara." "Kahit na. Hindi iyon rason para saktan ka nila. If there is only I can do to help you," napapalatak pa si Aljun. "Anyway, pupunta muna ako sa library kasi magreresearch pa ako sa report ko bukas." "Alam mo, Ekang, malakas ang pang-amoy ko diyan kay Aljun," sitsit ni Qwerty nang makaalis na si Aljun. "Na ano? Na beki siyang katulad mo?" "Gaga, hindi," umusog siya palapit sa akin and whispered. "Siguro may gusto sa iyo 'yon..." Napasimangot ako sabay batok sa kanya. "Hibang ka ba, bakla?! Imposible! Sa gwapong iyon ni Aljun, magkakagusto sa akin?" umiling ako. "Diba ang sabi ko sa iyo, tigilan na ang droga!" biro ko pa. "Eh, baka ikaw naman ang may gusto sa kanya." "Ay, 'yan naman ang hindi mangyayari. Alam mo naman na very loyal ako sa aking Aldrich," kinikilig na tugon ko. Hay...nakikita ko na naman sa imagination ko ang simpatikong ngiti ng fourth year Accountancy student na si Aldrich. Ang very expressive niyang mga mata, ang mapupulang lips at matangos niyang ilong. Talagang hearthrob siya dito sa Wellington Academy at sobrang daming nagkaka-crush sa kanya. Isa na ako doon, ah, hindi pala kasi love ko na yata siya! Ang pagbatok sa akin ni Qwerty ang nagpabalik sa akin sa realidad. "Hoy! Nag daydreaming ka na naman diyan. Iniimagine mo na naman si Papa Aldrich!" "Bakit masama ba? Alam mo, panira ka talaga ng moment! Tara na nga at baka nasa room na si Miss Top," at hinila ko na si Qwerty palabas ng canteen. Wish ko lang ay masilayan ko ngayong araw si Aldrich para mawala ang bad vibes sa akin. SIX-THIRTY pa lang ng umaga pero nandito na agad ako sa labas ng school habang hawak ang isang walis tingting. Actually, alas-otso pa ang simula ng klase namin. Ugali ko na ang pumasok ng maaga dahil kay Aldrich kasi six-thirty siya pumapasok ng school. Alam niyo na, nagpapapansin din pag may time. Hindi naman porket pangit ako ay wala na akong time para lumandi! Siyempre, landi-landi din pag may chance! At itong walis na hawak ko ay props lang. Pag nakikita ko na paparating na si Aldrich ay nagkukunwari akong nagwawalis kahit na alikabok lang ang winawalis ko. Tapos lagi niya akong sinasabihan na ang sipag-sipag ko then ngingiti siya. Oh my golly! Kung nakakamatay lang ang ngiti niya baka inuuod na ako ngayon sa sementeryo. Teka, bakit kaya wala pa siya? Kinamot ko ang legs ko. Kinagat ng lamok. Nang walang anu-ano ay isang humahagibis na kotse ang nakita kong papasok sa school. Bigla akong nataranta dahil sa tantiya ko ay mahahagip ako nun. Waaahhh! Tumalon ako sa kanal pero na-out of balance ako at napaupo sa maduming tubig. Nagtalsikan pa ang iba sa blouse ko! Umahon ako sa kanal. Sino kaya ang napakawalang modong driver na iyon na walang utak na humaharurot papasok ng school? Hindi ba niya alam na dangerous ang ginawa niya?! Shocks! Sobrang baho ko na! Ayun, ayun ang kulang tingga na kotse na muntik na akong patayin! Umuusok ang ilong na nilapitan ko iyon at malakas na kinalampag ang hood. "Lumabas ka diyan! Harapin mo ako kung sino ka mang hudas ka!" Wala akong pakialam kung magiba man ang sasakyang ito dahil sa pagbayo ko. Bumukas ang pinto sa may driver seat at natulala ako nang isang matangkad at mestisong lalaki ang lumabas sa kotse. Naka-shades siya at ang style ng buhok niya parang iyong mga member ng EXO. Pinigilan niya ako sa ginagawa ko sa pamamagitan ng paghawak niya sa dalawa kong kamay. "Stop! Sisirain mo ba ang Bugatti Veyron ko, ha?! Do you know what you're doing? Mas mahal pa ang kotseng iyan kesa sa buhay mo!" Parang pamilyar siya. Grabe, ang pogi naman niya. Ay hindi! Si Aldrich lang ang pogi. Ipinilig ko ang ulo ko. "Talagang sisirain ko iyan dahil muntik na akong patayin niyan!" sabay piksi ko. Binitiwan niya ako at tinanggal niya ang shades na suot niya. Kyaaahhh!!! Chinito by Yeng Constantino!!! "You... Y-you...you..." ang dila ko, nagkakandautal-utal na. "Pwede ba, fix your mouth, pangit!" Parang nagdilim ang buong paligid ko sa sinabi niya. T-tinawag niya akong pangit?! Oo, hindi ako bingi. I heard him loud and clearly. Tawagin mo na ako kahit ano pero wag na wag ang salitang "pangit". Because...truth really hurts! Naghalo-halo na ang lahat ng negatibong expression sa mukha ko. "Anong sabi mo?" pilit kong nagpapakahinahon. "Ang sabi ko, pangit ka. Bakit? Hindi mo pa ba alam?" Grrr... Ang yabang! Magsasalita pa sana ako nang makaramdam ako ng pag-uga ng lupa. L-lindol?! Lumilindol! Ay, hindi pala. Isang kumpol ng mga estudyanteng babae ang tumatakbong papalapit sa kinaroroonan namin. Binangga-bangga nila ako kaya halos matumba na naman ako. Bakit ba sila--- ahhh...kaya pala. Ang mga malalanding iyon! Kilig na kilig na pinalibutan nila ang lalaking iyon! Bakit ba nila pinagkakaguluhan ang mayabang na iyon? Artista ba siya? "Pa-autograph naman, Alden Park!" tili ng mga babae. Alden Park? Now I know, kung bakit pamilyar ang lalaking iyon sa akin. Siya iyong finalist sa artista-talent search sa TV na Starstruck na half-Korean yata, na after two years yata sa showbiz ay nalaos din dahil ayon tsismis ay may attitude daw. Well, ngayon ko napatunayan na totoo ang tsismis! Okey, artista nga siya pero mayaman ba ang mokong na iyan? Hindi naman--- "Wow, pare! Tingnan mo ang kotse ni Alden Park, Bugatti Veyron!" "If I am not mistaken, two million dollars ang halaga niyan! At ang balita ko ay dito na siya mag-aaral sa Wellington." Narinig kong usapan nung dalawang lalaki. Pati ba naman ang mga lalaking ito?! Hmp! Oo na, he's a celebrity at mayaman. Pero mabait ba siya? Iyong sobrang bait ay kahit pahiran siya ng nenok ng manok sa labi ay hindi siya magagalit... Haha! Oh, diba, hindi siya mabait. Napakayabang niya at arogante. Hindi man lang siya nag-sorry sa akin. At ano daw? Dito mag-aaral ang mayabang na 'yon? Pwes! Nagkamali siya ng school na pinili. Hindi ako makakapayag na ganun-ganun na lang iyon. Gaganti ako sa'yo Alden! Kahit pangit ako ay hindi ako papayag na api-apihin. Kawawa na nga ako sa bahay pati ba naman dito sa school? Hindi naman yata fair iyon! PAPUNTA na ako sa shower room ng school para maligo. Sobrang baho ko na kasi talaga. Actually, para lang talaga sa mga college students ang shower room kasi they engage in a lot of sports. Makikigamit lang talaga ako. Kapag minamalas ka nga naman, oh! Paano ba naman, occupied na ang limang cubicle. Halos thirty-minutes na lang at magsisimula na ang first subject ko. Mas lalo akong kinabahan nang maalala ko na may quiz pa pala kami! Hay naku talaga! Kasalanan ito ng Alden na iyon, eh. Kasalanan niya ang lahat ng ito! No choice. Mukhang papasok ako na amoy basura. Palabas na sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng isa sa mga cubicle. At sobrang shock ako nang makita kong mula sa cubicle ay lumabas si Qwerty na nakatapis ng tuwalya. "Bakla, anong ginagawa mo diyan? For girls 'to!" "Tumambling! Nag-sirko ako sa loob!" sarcastic na sagot niya habang papalapit ako sa kanya. "Malamang naligo para freshness. Teka, ang baho mo naman, Ekang!" "Alam ko at mamaya na ako magpapaliwanag!" papasok na sana ako sa cubicle nang biglang may magsalita mula sa aking likuran. "Wait! Kami muna ang mag-sha-shower!" Kaasar! Sina Ciara at Tiara pala. "Pero---" "Aapela ka pa?" pinandilatan pa ako ni Tiara. "Isusumbong kita kay Mommy." Nakamot ako sa ulo. Panira talaga ang kambal na ito. Kontrabida sa buhay masyado! "Bakit ba, hindi pa ba kayo naliligo sa bahay?" tanong ko. "Mas trip namin na maligo dito kasi may shower!" at tinabig nila ako. Si Ciara ang unang pumasok. Napaka-bano pala ng kambal na iyon. Humarap ako kay Qwerty. "Paano na ito, bakla? Male-late na ako sa quiz natin. Help me naman, ayokong pumasok ng amoy burak! Shyness!" Hinila niya ako palayo kay Tiara. "Alam ko na, doon ka na lang sa shower room ng boys maligo." Naweirduhan ako sa idea niya pero somewhat ay may point siya. Si Qwerty nga na isang lalaki ay nakaligo sa shower room for girls, bakit hindi ako sa shower room ng boys, diba? "Tara, samahan mo ako." Umiling siya. Tinanggal niya ang nakabalabal na tuwalya sa katawan niya. Diyos ko, nagtuwalya pa, eh, nakasuot na naman pala ng uniform. "No, no, no, no, no! Ikaw na lang, bakla. Ayaw kong ma-late. Sige, gorabels na akez. Vavush-ki!" at mabilis pa kay Lydia de Vega na tumakbo siya paalis. Qwerty!!! Makakalbo talaga kitang bakla ka. Napakabuti niyang kaibigan. Hindi nang-iiwan, nang-tatakbo lang! Wala na akong inaksayang oras, kailangan kong magmadali. Pumasok na ako sa shower room ng mga lalaki. Sakto, walang tao! Napangiwi ako nang malaman kong wala palang pinto ang mga shower cubicle dito. Bahala na. Nilapag ko na sa sahig ang bag ko sabay takbo sa pinakadulong cubicle. Naghubad na ako at tanging panty at bra lang ang tinira ko sa kasuotan ko. Binuhay ko na ang shower. Kuskos dito, kuskos doon. Hindi matanggal-tanggal ang kaba ko habang naliligo ako. Wala sanang makahuli sa akin... Wala sanang--- "Hoy! Bakit dito ka naliligo?! For men to, ah!" boses ng isang lalaki. Shocks! M-may nakahuli sa akin!!! Teka, kailangan ko ng pantakip sa katawan ko at nandoon malapit sa pinto ang bag ko kung saan nakalagay ang towel ko. Diyos ko po, bakit niyo naman hinayaang may makahuli sa akin? Nakakahiya. Nanatili na lamang ako sa pagtalikod. Hanggang sa marinig ako ng footsteps papalapit sa akin. Bahala na. Humarap ako sa nakahuli sa akin pero tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko. Para safe ang identity ko. "Sorry po, hindi na po mauulit..." Napatili ako ng tanggalin ng lalaki ang kamay sa mukha ko. "You?!" aniya. Pagmulat ko ay nagulat ako nang makita ko ang nakahuli sa akin. "Alden?! A-anong ginagawa mo dito?! Binobosohan mo ako, ano!" Natigilan siya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng tumawa. "Nababaliw ka na ba? Anong nakakatawa?!" "Eh, sino naman ang hindi matatawa sa suot mong panty? No-gart!" itinuro pa niya ang pang-ibaba ko habang laugh trip pa rin siya. "Bastos ka! Umalis ka na nga dito!" Pinahupa muna niya ang pagtawa bago muling nagsalita. "Actually, I just came back here kasi naiwanan ko dito iyong wristewatch ko," may kinuha siya sa lagayan ng sabon sa cubicle where I am in. "Thanks God at hindi mo ito kinuha." "Bakit ko naman 'yan kukunin? Hindi ako clepto! Isa pa 'di ko nga nakita iyan, eh!" sabay irap ko. "Malay ko ba. Anyway, pwede ba na sa susunod wag mong gamitin itong shower room na ito. This is for boys only. And lastly, I suggest na bumili ka ng mga bagong panties. You need it!" at humagalpak na naman siya ng tawa. Tiningnan ko siya ng masama. Sagad na talaga ako sa lalaking ito. Sobra-sobra na ang insulto niya sa akin! Teka nga, may naiisip akong magandang ideya! Maybe, this is the perfect time for my revenge. Humanda ka Alden Park sa gagawin ko! Parang feel kong mag-evil laugh ngayon...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.3K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.2K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.1K
bc

NINONG III

read
363.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook