WARNING!
Rated 18
This novel strictly not suitable for minor readers.
HINIDI sapat ang kinikita ni Ashea bilang sundalo. Kailangan niya ng malaking halaga para maipagamot ang kaniyang kapatid. Inako niya ang responsibilidad sa pamilya magmula noong namatay ang kanyang mga magulang.
Nang mabalitaan niya na nagtatago sa Pilipinas ang Filipino-Japanese most wanted d**g Lord na si Nakama Shitaru ay nagpasya siyang tanggapin ang trabaho bilang assasin na papatay sa suspect at makuha ang reward na sampung milyong yen.
Nakiisa siya sa Wild Heart Organization na siyang matagal nang may hawak sa kaso ni Nakama. Pero nadismaya siya sa grupong inaniban. Hindi siya sigurado kung masusuportahan siya ng mga ito dahil sa mga miyembrong puro kalokohan ang alam. Pero nakilala niya ang isa sa weird na miyembro, si Steve Hartnett na tila walang bilib sa kanya. Pero sa kabila ng inis ay natuklasan niya ang isang mapait na sekreto ng binata kung bakit nito tinalikuran ang pagiging assassin.
Hindi man niya aminin ay nahuhulog siya sa binata. Kokonsintihin ba niya ng puso kahit ito ang magiging kahinaan niya?