bc

Pwede bang Umasa? (Filipino Romcom)

book_age12+
745
FOLLOW
2.5K
READ
opposites attract
CEO
maid
comedy
sweet
humorous
secrets
assistant
bodyguard
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Isang market vendor si Francheska Punzalan na sanay sa tawag na Cheka. Iba’t-ibang klaseng lamang-dagat ang itinitinda niya sa palengke katulong ang kapatid na si Empoy. Bukod dito ay suma-sideline din siya sa paggawa ng relyenong bangus na siyang nagtataguyod sa buhay nilang mag-aama.

Isang simple ngunit masayang buhay ang mundo niya, malayo sa mundo ng isang Steven Salcedo na walang ibang prayoridad kundi ang mapaunlad ang architectural firm at construction business nito. Para dito, palamuti lang sa buhay ang isang babae at kung sakaling mag-aasawa ito ay upang may makatuwang lang sa pamamahala ng mga negosyo nito. Hindi rin nito kailanman itinanggi na mataas ang standards nito sa pagpili ng tamang babaeng pakakasalan: matalino, disente at kabilang rin sa mundong ginagalawan nito.

Kaya’t ang umibig sa isang Steven Salcedo ay isang pangarap lamang para sa isang prinsesa ng banyerang tulad ni Cheka. Isang ilusyong kailangan niyang kalimutan sa lalong madaling panahon. Pero paano niyang basta isusuko na lang ang nararamdaman kung kay Steven na mismo nanggaling na may mahika ang halik niya rito? Hindi kaya sensyales iyon na pwede pala siyang umasa? Na baka sakaling isang araw, magbago ang isip ni Steven at magustuhan na rin siya nito—nang totoo. Puwede nga kaya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ang Prinsesa ng Banyera: Francheska Punzalan MULI niyang sinipat ang relong pambisig. Ganap nang alas-singko ng hapon at namimitig na ang mga paa niya sa kahihintay subalit wala pa rin kahit anino ni Empoy. Kabilin-bilinan pa naman niya sa kapatid na huwag mahuhuli sa oras ng sundo dahil ibig niya sanang dumaan pa sa kaibigan niyang si Blessy. Napapalatak siya sa inis.             “Iska, baka mahugot sa balikat ang leeg mo! Sobra ka namang makalinga diyan!”             Mabilis ang naging paglingon niya sa nagsalitang si Crisanto. At gayundin kabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang mapagmasdan ang paraan ng pagkakangiti nito.             “At ano naman sa’yo kung matanggal man sa hugpungan ang leeg ko? Affected ka? Ha? Affected ka ba?!” wika niya sabay irap dito.             “O, eh bakit naman galit na galit ka agad? Para binibiro ka lang eh. Sino ba kasi ang hinihintay mo, Iska?”             “Wala kang pakialam kung sinoman ang hinihintay ko! At minsan mo pa akong tawagin sa pangalang ‘yan ay makikita mo ang hinahanap mo!” muli niyang pagtataray. Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay ang usyusero. O baka naman hindi. Baka naman dahil lang si Crisanto ang bumubuska sa kaniya kaya siya naiinis.             “Oist, tama na nga ‘yan, Crisanto! Hindi na natapos ang araw na hindi mo ininis si Francheska. Pabayaan mo na nga lang ang lalaking ‘yan, anak at sa tingin ko ay kursunada ka lang niyan kaya ganyan!”             Sabay pang napaismid ang dalawa sa huling sinabi ni Mang Fred. Inis na inis ang dalaga samantalang nakangisi naman si Crisanto.             ‘Good Lord, kung sa mukhang palakang petot lang na ito ay huwag na lang po…’ bulong niya.             Muling binalikan ni Francheska ng tingin ang naglalako ng isdang si Crisanto. Ilang tulingan at galunggong pa ang nasa harap nito at tiyak na hindi pa ito agad makakauwi, samantalang siya ay kanina pa nakaubos ng paninda. Sabi nga ni Nanay Ida ay magdagdag siya ng paninda sa araw-araw dahil mabili raw ang isda niya. Okey sana ang ideyang iyon pero mas ibig na rin niya ang maagang makauwi para makapag-aral pa ng kaniyang leksiyon. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at ilang buwan na lang ay negosyo at hindi na isda ang aasikasuhin niya...iyon ang kung papalarin dahil unti-unti nang nauubos ang pera sa banko na lihim na iniwan ng nanay niya sa kaniyang pangalan.             Muli niyang sinipat ang relong pambisig at hindi na niya naiwasan ang mapabuntong-hininga sa labis na inis. Mabuti na lamang at sa hindi kalayuan ay natanaw na rin niya sa wakas si Empoy.             “Ate, pasensiya ka na; inutusan pa ako ni Tatay eh—”             “Lagi ka namang ganyan eh! Tingnan mo, kanina pa ako nakaubos ng paninda pero ngayon ka lang dumating. Sayang ang oras ko, Empoy. Sana pala ay nagdala ako ng notes para nakapag-aral habang naghihintay sa’yo.” Napakamot ng ulo ang binatilyo. “Si Tatay naman kasi, Ate eh…”             “ O siya, siya…saan ka ba nautusan ng Tatay?” tanong niya.             “Pinabili niya ako ng lapad sa tindahan ni Aling Mely dahil may mga bisita siya. Saka nga pala Ate, maalala ko, naroon sa atin si Bojo. Siya nga ang nagbigay kay Tatay ng perang pambili ng lapad eh.”             Napatulis ang nguso niya sa iritasyon. Si Bojo? Ito lang naman ang manliligaw niyang numero una sa kahambugan. Palibhasa ay mayaman at anak ng pulitiko kaya kung anu-ano ang mga sinasabi na puro naman sa ikababango ng pangalan nito.             “Ano ang sinabi mo sa kaniya? Sana ay sinimplehan mo ang kumag at sinabing gagabihin ako ng uwi…”             “Ate naman, parang hindi mo kabisado ang Tatay. Siyempre ay sasabihin niyang bilisan mo ang lakad mo dahil may bisita ka sa bahay. Isa pa ay inabutan ako ni Bojo nito oh…”             Ibig-ibig niyang kutusan si Empoy nang ipakita sa kaniya ang isang dadaaning piraso ng papel. Talaga bang iniisip ni Bojo na mukhang pera ang pamilya niya? Sa bagay ay may dahilan naman ito dahil hindi naman kahit kailan tinanggihan ng kaniyang ama at kapatid ang pera o regalo man na ibinibigay nito. Mabuti na lamang at hindi pa siya nito ganap na binibili dahil kung hindi ay tiyak na matagal na rin siyang naibenta ng pamilya niya.             “Empoy, pati ba naman ikaw? Akala ko ba ay magkakampi tayo?”             “Paano ka namang kakampihan ng kapatid mo kung si Manuel Roxas na ang nakaharap sa kaniya!” sabad ni Crisanto na nakikinig pala sa usapan nilang magkapatid.             Inis siyang napalingon rito. “Ikaw ba talagang lalaki ka ay walang gagawin sa araw-araw kundi ang makialam sa buhay ng iba? Wala ka bang sariling buhay? Ibili kaya kita!”             “Bakit ba ang sungit mo sa’kin, prinsesa ng banyera? Palibhasa ay makakatapos ka na sa susunod na taon kaya ganyan ka kung makaasta.”             Tumaas ang isang kamay niya at lumanding sa malapad nitong noo.             “Hoy palakang petot na busarga ang ilong, dati na po akong ganito noh! Nakakainis na kasi ang pagiging pakialamero mo kaya tanggapin mo kung nasosopla ka!”             Bumububod na tumalikod si Crisanto at saka lang muling hinarap ni Francheska ang kapatid. “Sige na, Empoy. Mauna ka na. Ihatid mo kay Tiya Maring ang relyenong bangus at saka ka umuwi. Kapag tinanong ako, pakisabi na bukas na ako dadaan doon.” Tumango naman si Empoy at matapos kuhanin ang bayong na nasa kamay niya ay tumalikod na ito upang umalis. Si Tiya Maring ay kapatid na nakatatanda ng kaniyang ina. Mabait ito subalit istrikta. Dalawang magkapatid lang ang mga ito kaya naman nang mamatay ang nanay niya sa panganganak kay Empoy ay ito na ang umako sa pagpapaaral sa kapatid niya. Ito rin ang nagsabi na may kaunting ipon pala ang nanay niya para sa pagkokolehiyo niya kaya naman naipagpatuloy pa rin niya ang pag-aaral sa kabila ng pagpapabaya ng kanilang ama. Hindi naman niya masisi ang tatay niya dahil mabuti naman itong tao. Talagang hindi lang nito nagawang tanggapin ang maagang pagyao ng asawa kaya sa halip na ipagpatuloy ang buhay ay nalulong ito sa alak at kung anu-anong bisyo. Maging si Tiya Maring ay nauunawaan rin naman ang tatay niya. Ayon kasi dito ay alam naman nila ang sakit sa puso ng kaniyang ina at hindi nagkulang ang kaniyang ama sa pangungumbinsi dito na sa ospital na manganak. Dangan nga lamang at matigas ang ulo ng nanay niya. Nanghihinayang daw kasi sa pera—na siyang naging mitsa naman ng buhay nito. Muli siyang napabuntong-hininga. Hindi mawala sa isip niya ang oras na nasayang sa pagtunganga niya roon. Kung alam lang niyang hahapunin si Empoy sa pagsundo sa kaniya ay dinala na sana niya kahit ang handouts na pina-photocopy niya kahapon. Nasa ikatlong taon na siya sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Business Admininstration. Sa umaga ay nasa palengke siya at nagbebenta ng mga isdang hinahango sa matandang babaeng dati nang dealer ng nanay niya noong nabubuhay pa ito. Sa hapon naman ay saka siya pumapasok sa unibersidad na hindi kalayuan sa bahay nila. Lunes hanggang Huwebes lang ang klase niya kaya sa araw ng Biyernes hanggang Linggo ay pagbebenta ng isda ang inaatupag niya.   Minsan pa niyang sinipat ng masamang tingin ang nakabusangot na si Crisanto saka niya tuluyang tinalikuran ito. Kailangan niyang magmadali dahil naghihintay na ang kaniyang bestfriend na si Blessy.   Mr. Sungit: Steven Salcedo “SO, anong oras na daw puwede ang Hermosura na ‘yan?” angil niya sa nahihintakutang si Mayeth. Sa ganitong klaseng kliyente kasi nauubos ang pasensiya niya. Kung umasta ay akala mo mga walang sekretarya para malimutan ang mga meeting na pinaghihirapan ng sarili niyang assistant.             Dapat sana ay may luncheon meeting sila ni Mr. Hermosura sa sa isang hotel para pag-usapan ang isang project na ila-launch nila pero heto nga at naghahanda pa lamang siya ay heto na si Mayeth upang sabihing canceled daw ang meeting ayon sa sekretarya ng Hapon. And the idiot didn’t even have the decency to at least hide the reason behind the cancelation – isang nakaiinsultong ‘because he forgot about it’ lang naman ang sagot na natanggap niya.             “Eh Sir, hindi pa po nagko-confirm ang secretary niya. Ang sabi po ay…”             “s**t! What do we do now? Hindi ba niya naiisip ang impact nito sa launching natin? And then what, kapag pumalpak ay ako ang sisisihin niya? We have already set the date here, Mayeth! Dapat ay sinabi mo ‘yan sa tonta niyang sekretarya!”             “Oo nga po Sir, pero—”             “Hindi ba at sila ang humingi ng meeting na ito because according to that old man, marami silang demands and changes na kailangang i-insert sa plano para dito! Bakit ngayon ay nag-cancel sila? Didn’t they know that I won’t always be around to accommodate them? Na kung magka-cancel sila today ay hindi ko na alam kung kailan pa sila isisingit sa schedule ko?!”             “Iyon nga po ang sabi ko pero—”             “That’s bullshit! You know what Mayeth, I begin to realize that you are somewhat responsible for this…you should have called that assistant yesterday to remind her of our meeting!”             Kasabay ng sigaw na iyon ay ang malakas na pagbagsak ng wooden paperweight sa ibabaw ng executive table at ng mga papeles sa lapag na hinawi ni Steven. Napaiyak nang malakas ang sekretarya at lalo lang nadagdagan ang inis ng lalaki.             “Can you please stop crying like a poor child, Mayeth? Go to your table and fix this problem! I’ll be waiting until this afternoon and please, give me a good report this time.”             “Yes, Sir…” Iyon lang at nagmamadaling lumabas ang sekretarya. Paglapat ng pinto ay saka niya inihagis ang hawak na ballpen. Inis na inis talaga siya. Napakaraming trabahong dapat asikasuhin at meetings na dapat ilagay sa schedule niya pero heto at lumakad nang walang kuwenta ang oras niya dahil sa kliyenteng iyon.             Umunat siya at isinandal ang sarili sa swivel chair. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na kinalma ang sarili.             ‘Patience, Steven…what happened to your patience?’             Dumilat siya at hindi naiwasan ang mapahugot ng malalim na paghinga. Bakit ba ‘pag nagsimula ang kamalasan ay sunod-sunod na iyon? Akala pa naman niya, ang kasabihang ‘when it rains, it pours’ ay para sa suwerte lang. Pati rin pala sa mga kapalpakan at kamalasan iyon.             Gaya kaninang umaga na nagmamadali pa naman siya ay walang Mang Caloy na dumating para mag-drive. Ang sabi ng katiwalang si Manang Aning ay hindi raw ito makakapasok sa loob ng dalawang buwan dahil kinailangan nitong umuwi ng Isabela. Namatay ang isang kaanak nito na hindi na nila nalaman kung sino dahil nga naging biglaan ang pag-alis ng matanda. Kay aga tuloy na sumakit ng ulo niya. Bawat oras ay mahalaga para sa kaniya. Isang minuto lang ng aberya ay katumbas ng malaking pera. Ganito siya pinalaki ng mga magulang kaya wala siyang planong ubusin ang panahon sa mga walang kakuwenta-kuwentang bagay. Multi tasking ang forte niya. Both his brain hemispheres always work at the same time. Kung may pangatlo pa nga ay tiyak na sumasabay rin. Kahit sa kotse habang daan ay nagtatrabaho pa rin siya—reviewing his reports, checking his prospective clients’ files, and talking to his secretary over the phone. Kaya isang malaking abala ngayon na sa halip na magawa niya ang mga ito ay sa steering wheel at sa daan nakatutok ang atensiyon niya. Muli siyang napatingala nang maalala ang Hapones na si Mr. Hermosura. Ilang beses na rin nitong inubos ang pasensiya niya. Subukan pa nitong gumawa ng ikatlo at ibibitin na niya ang proyekto nito! Napailing na lamang siya sa sarili at hopeless na naihilamos ang mga kamay sa kaniyang mukha.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married By Mistake

read
170.6K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
388.7K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.5K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook