bc

(Filipino) Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster

book_age0+
3.6K
FOLLOW
31.1K
READ
murder
revenge
dark
kickass heroine
drama
twisted
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

"Hush... There's a monster in you..."

Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humahawak sa mga murder cases na mahirap lutasin. Isang serial killing case ang una nilang kaso.

Jemimah was given a promising roster of team members: si Mitchel, isang napakatalinong profiler; si Paul na isang matulunging prosecutor; si Douglas na masunuring rookie cop; at si Ethan, isang napakagaling at misteryosong private investigator.

Isang matalino at malupit na serial killer ang kailangan nilang hanapin at hulihin. At habang tumatagal, unti-unting nare-realize ni Jemimah na mas personal pala ang kasong iyon kaysa sa inaasahan niya...

chap-preview
Free preview
Prologue (Killer)
“Monsters are not born. Monsters are made.” “ALAM MO ba na tuwing haharap ako sa salamin... hindi ko magawang makita ang sarili ko. Ang nakikita ko lang ay kayo... ang mga taong gumawa sa akin ng kasamaan... sumira sa buhay ko.” Galit na galit na tiningnan ng killer ang lalaking nasa harap. “Kayo ang unang naging halimaw.” “T-tigilan mo na `to... p-parang awa mo na,” pagmamakaawa pa ng lalaki. “Walang mangyayari sa ginagawa mong `to. Sa tingin mo ba may mababago pa? Isa kang mabuting tao simula pa noon... a-alam ko `yon.” Tumalim ang kanyang mga mata. “Hindi mo ako kilala…” malamig na wika ng killer. “Hindi mo alam ang sakit na pinagdaanan ko. Hindi mo alam ang galit na nasa puso ko! Wala kang alam!” Nanginig ang buong katawan ng lalaki nang makitang itinaas niya ang hawak na baril para itapat sa sentido nito. “H-huwag... h-h-huwag...” garalgal na pagmamakaawa nito. “Hindi mo pa rin ba sasabihin kung nasa`n ang hinahanap ko?” mayamaya ay tanong ng killer. “Papatayin mo pa rin ako kapag sinabi ko, hindi ba?” tanong nito, may galit na ang mga mata. “Mahuhuli ka rin balang-araw. Sigurado akong makikita ng mga taong naghahanap sa`yo ang iniwan kong mensahe kung sakaling mangyari `to.” Nag-igting ang kanyang mga bagang, higit na idiniin ang ulo ng baril sa sentido ng lalaki. “Kaya kong idamay ang kahit na sino…” mariing wika ng killer. Akmang magsasalita pa ang lalaki nang iputok niya na ang baril kasabay ng malakas na putukan sa labas ng iba’t ibang mga paputok bilang pagsalubong sa Bagong Taon. Pinagmasdan niya lamang ang lalaking wala nang buhay at ang dugong umaalpas mula sa sentido nito…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

His Cheating Heart

read
40.6K
bc

He's Cold Hearted

read
160.3K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.2K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook