bc

Si Orange (The Pinay Cinderella) Book 1

book_age16+
858
FOLLOW
2.8K
READ
arranged marriage
student
drama
comedy
sweet
humorous
campus
childhood crush
disappearance
first love
like
intro-logo
Blurb

Nang mamatay ang nanay ni Anastacia at nagdesisyong muling mag-asawa ang kanyang ama ay tila gumuho ang kanyang mundo. Ang masakit, ang madrasta niya ay kaibigan pang matalik ng kanyang ina. Nasubaybayan nito ang paglaki nilang magkakapatid at sa maraming pagkakataon ay naroon ang presensiya nito sa buhay nila. In short, kilala niya mula pagkabata ang kanyang madrasta. Ang katotohanang ito ang papalit sa nanay niya sa puso ng ama ay napakasakit para sa kanya.

Nang itira ng ama sa kanilang bahay ang asawa nitong kauli kasama ang dalawa nitong anak na sina Marsha at Hanna ay nagsimula ang kalbaryo sa buhay ni Anastacia. Lumayas ang dalawa niyang kapatid na babae at naiwan siya sa ama. Ang mga dating kanya ay pilit na inaagaw ng step sisters niya ngunit pero sa huli ay siya pa rin ang lumilitaw na masama—dahil daw may motibo siya. Hindi raw siya sang-ayon sa mga nangyari kaya gumaganti siya, ayon sa bagong pamilya nito.

At isang solusyon ang pumasok sa utak ng dalagitang si Anastacia—ang kunwaring makipagtanan at sumama sa Fine Arts student na si Carlo na nakilala lang niya nang araw na tinatakasan niya si Marsha. Tiyak na mapapansin na siya ng ama. Baka tuluyan na ring iwan nito si Tiya Rosa at mabuong muli ang kanyang pamilya.

Ganoon nga kaya ang mangyari o sa halip ay lalo lamang masuong si Anastacia sa isang masalimuot na buhay? At si Carlo, paano niya aangkinin ang puso nitong pag-aari pala ng iba kung alam naman niyang simula pa lang ay pagpapanggap lang ang ‘deal’ na tinanguan nito sa kanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
NAIINIS ako! Paano ba namang hindi gayong umaga pa lang ay wala nang habas sa katatalak ang aking madrasta… “Angge, nasaan ka bang tinamaan ka ng lintik na bata ka at napakabingi mo?” “Sorry Tiyang, naglalaba pa kasi ako…” sagot ko habang tumatakbo palapit kay Tiya Rosa. “Aba’y bakit mo pinagsabay ang pagsasaing at paglalaba eh hindi mo naman pala kayang pangasiwaang pareho? Tingnan mo ang kanin…tutong! Kung itapal ko kaya iyan sa mukha mo?!” “Tiyang naman…” Tiyang naman…dalawang salitang lagi ko na lang sinasabi bilang tanda ng pakikiusap sa aking tiyahin, pero sa huli, mali pa rin ako. Igigiit pa rin niya na siya ang tama at ako’y isang hamak na mangmang sa mundong ginagalawan niya at ng kaniyang mga anak sa una niyang asawa. Ako si Orange…Orange del Mar pero alias ko lang iyan. Ang totoo kong pangalan? Anastacia del Mar. Tinawag lang naman akong Orange dahil palagi akong pinagtitinda ni Nanay ng dalandan, suha, ponkan at kahel noon pa mang bata ako. Nahinto lang iyon nang mamatay si Nanay dahil sa sakit na anemia. Siguro, iyon ang sakit na nakuha niya kakakain ng maaasim naming paninda. Ewan. Sabi kasi ni Tiya Rosa, ang totoo raw ikinamatay ni Nanay ay kunsilitis – pinagsamang kunsomisyon at diabetes. Siyempre, naniniwala naman ako dahil mabuti naman silang magkaibigan mula pa sa pagkabata nila. Sa sobra ngang ganda ng kanilang friendship, inarbor pa ni Tiya Rosa si Tatay nang igupo ng sakit at tuluyang namatay si Nanay. Malapit na sana akong maka-graduate noon. Ilang araw na lang at maiaakyat ko na si Nanay sa stage ng school namin na noon ay bagong gawa pa lang. Proud ako, siyempre dahil sa wakas ay mahahawakan ko na rin ang aking diploma. Pahirapan man ang pag-uusap tungkol sa usaping pagkokolehiyo, ang importante ay tapos na ako ng high school. Ano’t-ano man, puwede akong dumiskarte sa sarili kong paraan para makatapos. Thank God, hindi ako inabutan ng Kto12! Kung hindi, uugud-ugod na siguro si Tatay ay nag-aaral pa rin ako. Hay…sayang talaga. Hayun na e. Ramdam ko na ang diploma. Doble pa ang saya ko dahil sa award na ipagkakaloob ng paaralan. Sayang na sayang. Graduation Day mismo nang mamatay si Nanay. Gumagayak siya habang ako naman ay inaayusan ni Bubbles, ang bading na kapatid ng best friend kong si Chikki. Kaya pala ang tagal niya sa banyo…wala na pala siya. Sayang na sayang talaga. Hindi na niya nakita nang naluluha kong inabot ang aking diploma gayundin ang aking loyalty award. Iyon ang simula. Tatlong buwan matapos ilibing si Nanay ay sumulpot sa bahay namin si Tiya Rosa. Ang bait niya noon; ang dami niyang dalang prutas at kung anu-anong pagkain. Nagtaka ako pero dahil itinuro ni Nanay na huwag daw masyadong maging mabait dahil madalas daw sa hindi ay mas kailangan nating maging paranoid sa lahat ng bagay kaya diniretsa ko si Tiyang. “Para saan po ang lahat ng ito?” tanong ko. Umismid si Tiya Rosa pero saglit lang iyon nang makita niyang sagad hanggang buto ang uri ng pagkakatingin ko sa kaniya. “Ayaw mo ba, Orange?” Inabot ko ang isang black chocolate at saka pinangos. “Gusto po pero bakit? Hindi naman kayo ganito dati nang buhay pa si Nanay.” Iwinasiwas ni Tiyang ang mga kamay nito habang nagsasalita. “Ikaw naman! Natural ay hindi puwede noon dahil buhay pa si Bessy. Ngayong wala na siya, puwede ko nang gawin ito.” “Bakit naman po? Mahilig din naman si Nanay sa chocolate at puwedeng-puwede kayong magdala kahit noon.” “Gaga ka talaga! Gusto mo bang isipin ng nanay mo na excited na akong mamatay siya?” Bumulong pa si Tiyang pero narinig ko din ang sinabi niya “Ka-shunga talaga…” “Po? May sinasabi kayo?” lakas-loob kong tanong. “Ang sabi ko, cashew…humanap ka ng may cashew nuts at iyon ang pinakamasarap sa lahat.” Nagniningning pa ang mga mata ni Tiyang habang ako naman ay napapakunot na ang noo. Ano ba ang akala niya sa akin, shunga nga? Tanga? Baka akala niya ay hindi ko nararamdaman na may interes siya kay Tatay. Kahit naman noong buhay pa ang Nanay ay obvious ang kislap ng mga mata niya kapag si Tatay ang kausap. Mabait lang talaga si Nanay dahil sa kabila noon ay patuloy niyang pinakitunguhan nang maayos si Tiya Rosa. Magsasalita pa sana ako upang hanapin ang chocolate na may cashew nuts na ipinagmamalaki niya nang biglang dumating si Tatay. Ang akala ko ay magugulat siya sa pagdalaw ng aming bisita pero sa halip ay heto ang dialogue niya. “Bakit ngayon ka lang, Ross?” Huh? Ross? Kailan pa tinawag ni Tatay ng Ross si Tiyang? Nang mag-beautiful eyes ang matanda ay nahulaan ko na ang mga susunod na mangyayari. Ang sakit. Bakit naman ganoon si Tatay? Tatlong buwan pa lang buhat nang mawala si Nanay pero heto at nakikipagngitian na siya kay Tiya Rosa. Ang mas masakit pa, mag-bestfriend nga ang dalawa. “Tay,” sabad ko. “Hindi ba tayo dadalaw sa puntod ni Nanay ngayon?” Bahagya lang pinansin ni Tatay ang aking sinabi. Busy kasi siya sa pakikipagtitigan kay Tiyang kaya sumiksik ako sa gitna nilang dalawa at saka ko kinuha ang atensiyon ni Tatay. “Tay, hindi po ba tayo—-” “Kayo na lang ng dalawa mong kapatid. May aasikasuhin pa ako,” tugon nito habang walang kakurap-kurap ang mga mata at nakatitig kay Tiya Rosa. “Aasikasuhin? Si Tiyang po ba ang aasikasuhin mo, ‘Tay?” tanong ko. Hindi ko kasi mapigilan ang hinanakit ko noon. Doon ko nakuha ang atensiyon ni Tatay. ‘Yung baling niya sa akin na iyon ay daig ko pa ang masamang tao na inuusig ng hukom. “Itikom mo ang bibig mo, Anastacia! Hindi mo ako dapat pinagsasalitaan nang ganyan dahil wala kang alam!” Hayun. Ini-stress na naman ni Tatay. Doon siguro nagkaroon ng idea si Tiyang na wala akong alam. Sa maikling salita – shunga…mangmang… eng-eng. Iyon nga siguro ang simula kung bakit mula noon hanggang magsama ang dalawa sa aming bahay—na ang Nanay ang naghirap na magpagawa—ay walang respeto si Tiyang sa akin. Nagbalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang may maramdaman akong mainit sa aking palad. Nang yukuin ko ang aking kamay ay may nakatapal nang kanin doon – bagong luto at umuusok pa. Napahiyaw ako sa sobrang sakit habang nakaismid si Tiya Rosa.          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

That Night

read
1.1M
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook