bc

Isla Marupok: Fernando

book_age18+
2.0K
FOLLOW
18.2K
READ
second chance
dare to love and hate
drama
bxg
bisexual
humorous
mystery
small town
cheating
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Galit si Fernando sa mga gold-digger.

Natrauma na kasi ito sa ex-fiance na ipinagpalit sya sa mas mayaman daw sa kanya. Alam mo yung mas masakit? Ipinagpalit sya ng ex-fiance sa mismong tatay nya!

Gustuhin man magwala at magalit ni Fernando, mas pinili nya na lang magpakalayo at mag-isip muna. Kaya bumalik sya sa Isla Marupok kung saan makikilala nya ang maganda ngunit masungit na si Carmelita. Higit sa lahat, nalaman nyang ito pala ay isang gold-digger at kabet ng mga mayayamang DOM sa isla.

Kaya naman nagpasyang gumanti si Fernando para sa lahat ng niloko ng mga gold-digger na babae at ang unang biktima ay si Carmelita. Nagpanggap na kargador at dukha ang binata. Bago pa maisagawa ng plano nya'y nagulat sya ng alukin sya ng babae ng kasal.

Hindi maiwasang magduda ng lalake pero nagtuloy pa din ito sa pagpapanggap at tinanggap nya ang proposal ng babae, sa isang kondisyon. Ano 'yon? Ligawan muna sya nito.

chap-preview
Free preview
IM 1: Ang Pinagpalit
"DAD? Callie?" ang mga katagang nasambit ko ng makita ang hubo’t hubad kong fiance na nakapatong sa aking ama at naka-unbutton ang suot na polo. Nakahiga ang tatay ko sa sofa ng kanyang office habang nakaupo ang fiance ko sa bandang tiyan nito. "Fernando!" gulat na bulalas ng dalawa at hindi nakagalaw ng ilang segundo. Naitulos na rin ako sa aking kinatatayuan. Samo't saring emosyon ang bumabalot sa akin ngayon. Gusto kong magalit at magwala ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil nasa opisina kami. Oo, nasa opisina kami. To be exact ay nasa private office ng presidente ng kompanya, na walang iba kundi ang aking tatay. Pinuntahan ko siya ngayon dahil may i-didiscuss sana akong bagong marketing strategy para sa canned products namin. Kaya pala todo pigil ang sekretarya ng aking ama kaninang pumasok ako sa opisina nito. Pinagtakpan pa nito ang aking ama na wala raw ito doon ngunit nakarinig kasi ako ng ungol kaya nagtaka ako at sumilip sa opisina niya. Hindi ko naman ugaling makialam sa affairs ng tatay ko pero narinig ko kasi ang pamilyar na pangalan na kanyang sinambit kaya hindi ko napigilang mag-usisa. At heto nga ang aking nasaksihan. Bago pa nakagalaw ang dalawa ay nagpasya na akong umalis. Dahil kapag hindi ko ginawa 'yon, baka may magawa pa akong alam kong pagsisisihan ko din sa huli. Narinig ko ulit ang pagtawag ni Callie sa aking pangalan pero tuloy-tuloy na akong umalis at sumakay sa elevator pababa ng parking area. +++ THREE WEEKS LATER... "Kuya! Kuya, alam kong nandyan ka. Buksan mo 'tong pinto." Nagising ako sa ingay ng pagkatok at pagtawag ng pangalan ko nang makulit kong bunsong kapatid. Si Federico, twenty five years old. Iniwan ko sa kanya ang lahat ng responsibilidad ko sa kompanya magmula nang mangyari ang cheating incident ng ex-fiance ko. Ako si Fernando Desejo Jr., twenty eight years old. Ang vice president ng Desejo Group Incorporated. Ang kompanya namin ay ang producer at distributor ng kilalang canned sardines sa bansa. Hands on ako sa field kaya ako lagi ang bumibisita sa mga factory at fish farm namin. Ang tatay kong si Fernando Desejo Sr. ang siyang presidente. Fifty three years old na ang tatay ko pero health conscious ito kaya matikas pa rin at hindi papatalo sa kakisigan. Kamukha nito ang local actor na si Edu Manzano. Kaya hindi nakakapagtaka kung maraming babaeng nahuhumaling dito. Ang masaklap lang, pati ex-fiance ko ay nagkagusto rin dito. Kahit na sabihing mas bata, gwapo at mas macho ako kaysa sa aking ama, may isang bagay na mas lamang ito kaysa sa akin. At 'yon ang dahilan kung bakit nagawa akong pagtaksilan ng aking dating kasintahan. "Kuya! Buksan mo 'to kundi sisirain ko 'tong pinto!" muli kong narinig na sabi ng aking kapatid. Nandito ako sa one bedroom condo unit ko sa Ortigas. Hindi ko alam kung paano nya ako natunton dito dahil ako lang naman ang nakakaalam sa condo unit na ‘to. Matagal ko ng hindi ginagamit ang unit na ‘to. Magmula kasi ng maging girlfriend ko si Callie, lagi na kaming nasa bahay ko sa Makati. Yeah, we used to live together. After three months of our relationship, I asked her to move in with me. And in the fourth month, I asked her to marry me. Ang bilis, 'di ba? Pero sure na kasi akong si Callie ang gusto kong mapangasawa ng time na yun kaya hindi ko na pinatagal pa at hiningi ko na ang kamay nya. Gladly, she said yes. Plano naming magpakasal after a year ng relasyon namin. Yun kasi ang hiling ni Callie. Kung ako lang masusunod nung time na yun, pakakasalan ko na agad sya kaso nirespeto ko rin  ang kahilingan nya. Pero lumampas na lang ang isang taon, humihingi pa rin ito ng extension. Kesyo hindi pa daw ito ready. Magkakakaroon na rin daw kasi ito ng big break at magiging bidang babae sa isang teleserye. Kaya ayun, ipinagpaliban muna namin ang planong kasal. Pero hanggang ngayon, wala pa ding nangyari. Pinaasa lang pala ako ng gaga. Naririnig ko na yung guardia sa labas na kausap ng kapatid ko. Siguro sinita na sya. Naawa naman ako kaya patamad na akong bumangon. Nakaboxer shorts lang ako pero hindi na ako nag-atubiling magbihis. Bahala na kung sino man ang nasa labas at kung anuman ang makita nila sa katawan ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero alaga ko ang katawan kong 'to sa exercise kaya kahit medyo napapabayaan ko ang sarili ko nung nakaraan, hindi ko nakakalimutan ang aking daily exercise. Kumakamot pa ako sa aking singit ng binuksan ko ang pinto. Nakita kong lumingon sa akin ang mga taong nasa harapan ngayon ng unit ko. Si Federico, ang guardia ng building, at ang nakatira ng katabing unit kong si Aling Nena. Nakita kong napanganga pa si Aling Nena habang unti-unting pinagmamasdan ang katawan ko. Naglalaway pa ata ang ginang lalo na ng bumaba ang tingin nya sa umbok ko. "Ahem," tikhim ko. Parang natauhan naman ang ginang at kunwaring tumingin sa ibang direksyon. "Sir, bisita niyo po ba si sir?" tanong ng guard. "Ah, opo. Pasensya na sa abala," sagot ko. "Kung anuman ang problema nyo, pag-usapan nyo ng maayos. Nakakaabala kayo sa ibang unit owners, kay lakas pa naman ng boses ng isang 'to. Umagang-umaga eh, ang ingay-ingay," masungit na sabad ni Aling Nena. Hindi na ito makatingin sa akin. "Pasensya na po kayo. Hindi na po mauulit," hinging paumanhin ko ulit at hinila na ang kapatid ko sa loob. Bago ko pa maisara ulit ang pinto ay nagbanta na naman ito. "Iho, umayos ka sa mga pinaggagawa mo. Ilang beses ka ng nang-aabala sa mga karatig unit mo. As a president of the unit owners, last warning mo na 'to. Kung gusto mong mag-ingay, magwala o magparty at magdala ng kung sinu-sino sa unit mo, okay lang naman. Pero keep it down. Again, last warning mo na 'to. Pwede kitang ipakick-out dito," sabi ng ginang. "Pasensya na po ulit. Hindi na mauulit." Nagpacute ako sa ginang at nginitian ito. "Hmp. Kung ‘di ka lang macho," pabulong na sabi nito at nakasimangot na umalis. Humingi rin ako ng paumanhin sa guardia tsaka umalis na rin ito. Sinara ko ang pinto at diretsong pumunta sa aking mini-fridge at nagbukas ng isang can ng beer. "Kay aga naman nyan," sita sa akin ng bunso kong kapatid. "Vitamins," ang nasabi ko na lang at tinungga ang beer. Ang sarap ng malamig na alak! "Anyway, hindi ako magtatagal. I am just here to tell you na pinapabalik ka na ni Dad sa office." Upon hearing what he said, inisang piga ko ang can ng beer na naubos ko na. Nayupi ito at shinoot ko sa basurahan. Hindi sumapol. Hinayaan ko na lang ang lata ng beer sa sahig at nagbukas ako ulit ng isa pang beer. Alam kong pinagmamasdan lang ako ng aking kapatid. Naglakad ako papunta sa aking mini-living room at naupo sa sofa, hawak pa rin ang aking malamig na beer. Nagkalat ang mga gamit ko sa buong unit. Naghalo ang mga damit, pagkain, lata ng beer at kung anu-ano pa sa sahig. "Upo ka muna, Ferdie. Hindi mo ba ako namiss?" "Ayoko. Madumi at ang kalat. Pumunta lang ako dito para ipaalam sa iyo yung sinabi ni Dad. Hindi rin ako magtatagal. Paalam," diretsong sabi nya at mabilis na nakaalis na sa unit ko. Natawa na lamang ako. Kahit kailan talaga napakacold at seryoso ng kapatid kong yun. Minsan nga kung umakto ito ay parang sya pa ang mas matanda sa aming magkakapatid because he's so uptight. Though Ferdie is really strict and serious pero alam kong nag-aalala rin ito sa akin kaya nya ako pinuntahan dito. If I know, he just wanted to check kung buhay pa ba ako. Alam ng mga kapatid ko na nagcheat ang ex-fiance ko sa akin kaya ako nagkakaganito. Pero hindi nila alam na tatay ko mismo ang involve. Hindi ko na sinabi. Ayoko ring masira si Dad sa mga kapatid ko. I respect the man so much kaya hindi ko talaga alam kung paano ko idideal yung sitwasyon ngayon. Kaya nagpasya na lamang akong magkulong at magpakalayo-layo para makapag-isip. Si Callie Jimenez, twenty three years old. Isang hindi naman kasikatang celebrity pero nung una ko pa lamang itong nakita ay nabighani na ako sa kanya. Marami na akong babaeng nakilala at nakafling pero never akong nagseryoso. Bakit sa kanya pa? Hindi ko rin alam. Sabi nila, ganun daw talaga basta natamaan ka ng pana ni kupido. Nung una ay hindi ako naniniwala sa pag-ibig na yan. Pero nung makilala ko si Callie, nag-iba ang lahat ng paniniwala ko. Bukod sa maganda at sexy si Callie ay napaksweet nito at mahinhin. May pagkakahawig din sila ni Marian Rivera. Magaling magdala sa sarili. Prim and proper. Kaya hindi ko lubos maisip na may taglay pala itong kalandian. I was not her first pero hindi naman yun mahalaga sa akin. Ang mas minahal ko pa about sa kanya ay sobrang maalaga nito at thoughtful. Materialistic si Callie, I admit pero wala sa akin yun kasi yun din ang isang way ko para maipakita sa kanya on how much I appreciate and love her. You can say na lahat ng luho nya ay ibinigay ko. Dad and Callie tried to explain their side. Hindi ko na kinausap ang aking ama ngunit tinanong ko si Callie kung bakit nya nagawa sa akin yun. She just answered na mas mayaman daw kasi ang tatay ko kaysa sa akin. Yun ang isang bagay na mas lamang sa akin ang aking ama. With that, nagising ako sa katotohanang balat kayo lamang pala ang pinakitang pagmamahal ng babae sa akin at talagang pera lang ang habol nito. Sobrang nasaktan ako sa nangyari. Akala ko talaga sya na. Nagkamali ako. Kaya heto, nagbuhay hermitanyo ako dito sa condo. Nakapatay ang phone ko at wala kong balak buksan iyon hangga't hindi naman kailangan. Kung wala ako dito at umiinom, nandun ako sa mga bar at naglalasing. Mag-uuwi ng random girls sa condo at at itutoy ang party. Syempre kasali na dun ang mga one night stand. Ang iingay din kasi ng mga babaeng nadala ko dito. Kaya ayun kinabukasan, marireprimand ako ng presidente ng unit owners. Walang iba kundi si Aling Nena. So, yun lang mostly ang nangyari sa buhay ko after ng mahuli kong nakapatong ang ng ex-fiance ko sa aking ama. Natatawa ako sa part na kung kailan ako nagpasyang maging seryoso, tsaka naman ako ginago. Karma na nga sigurong maituturing pero ang sakit, ang sakit-sakit pala. Sa dami rin kasing babaeng pinaluha at sinaktan ko. Ngayon, nakakarelate na ako. Tangina. Lumalagok ako ng aking beer ng mapadaan ang tingin ko sa isang lumang painting na gawa ng aking ina. Ang painting na yun ay may imahe ng karagatan habang papalubog na ang araw. May shadow din ng dalawang batang naglalaro sa dalampasigan. Sa nakita, agad akong nag-impake ng aking mga gamit. Pupunta ako sa lugar kung saan ginawa ang painting na yun.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook