bc

His Little Secret

book_age16+
4.1K
FOLLOW
16.0K
READ
badboy
band
student
comedy
campus
coming of age
secrets
school
lonely
classmates
like
intro-logo
Blurb

All girls school ang paaralang ito ngunit bakit may lalaking nakapasok dito? Iyan ang tanong ni Switzell Rae Tebez ang isang scholar girl mula sa lalawigan ng Samar na patay na patay sa leader ng League of Five na si Kyo Vallino. Ngunit paano na lamang ang kaniyang gagawin kung ang makakasama niya sa dorm ay ang ka-kambal ni Kyo Vallino na si Kiarra Vallino?

 

At ano na lamang ang kaniyang gagawin kung ang Kyo Vallino na kaniyang hinahangaan ay nagpapanggap pala bilang kaniyang kakambal?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
WARNING: UNDER MAJOR REVISING PROLOUGE Switzell's KASULUKUYAN akong naglalakad papunta sa building namin dito sa Mary University. Madaming mga babae ang nag-lalakad patungo sa kani-kanilang building dahil ilang saglit na lamang ay mag-sisimula na ang klase. "Sino naman kaya ‘yon?" dinig kong bulungan ng mga kababaihan sa gilid habang ang nakikipag-chismisan sa kani-kanilang kaibigan. "Imposibleng may makapasok na lalaki dito dahil isa ‘tong all girls school ‘no!" halos mapahinto ako sa paglalakad ng ma-realize ko kung ano ang sinabi nila na hindi ko sadyang narinig. Yakap-yakap ko ang aking libro ng mahinto ako sa aking paglalakad. Hindi kaya tama ang hinala ko? Ngunit, masama ang mag-bintang dahil wala naman tayong proweba. Napapikit ako bahagya at saka umihip ng hangin, hindi ko muna to dapat isipin. Gagawa ako ng paraan upang malaman ang totoo. Agad akong nag-lakad patungo sa building namin saka dumiretsho sa pangalawang palapag at tinahak ang room na kung saan ay aking dapat puntahan. Pag-pasok ko pa lamang ay nakitan ko na agad si Kiarra, agad naman akong tumabi sa kanya. Inayos ko ang aking mga libro saka ko inilagay sa ilalim ng mesa. Nitong nakaaran lamang ay naninibago ako kay Kiarra mula sa kanyang kinikilos at sa kanyang pakikitungo sa akin at sa iba pa. Hindi rin ito masyadong pala salita tulad ng noon dahil ang kilala kong si Kiarra ay masyadong madaldal. "Tapos ka na ‘ba sa mga assignments mo? Di mo kasi ako inintay kanina sa dorm." pagsisimula ko, nakakapagtaka pero imposible naman ang hinihinala ko sa kanya. Nakatingin ako sa kanya habang nakangiti, unti-unti niya akong binigyan ng atensiyon. Bahagya itong umubo at saka ngumiti sa’kin. "Tulog ka kasi.." halos ipit nitong sabi kaya naman hindi maipinta ang mukha ko, nakakapag taka na talaga. "Masakit pa rin ‘ba ang lalamunan mo? Kaya nag-iiba boses mo?" pagtatanong ko muli sa kanya, agad naman itong tumungo. Madami-dami na ang na pasok mula sa classroom namin at inaantay na lang namin ang aming unang subject. Hindi maalis sa tingin ko si Kiarra sapagkat hindi naman siya ganito kung pakitunguhan ako. Mali ang pag-bintangan ko siya. Ako lang din naman ang mapapahiya kung sabihin kong lalaki siya at ito siya ngayong nag-aaral sa all girls school. Matagal ko na rin naman na siyang nakasama ngunit nito ay nag-iba ang ugali niya. Hindi nag-tagal ay dumating na rin ang unang mag-tuturo sa amin. Kagat-kagat ko ang aking labi ng may maisip akong paraan upang malaman ko ang totoo. Susundan ko siya kung saan man siya pupunta mamaya, ayan ang aking na-isip. Hindi ako mapakali habang may nagtuturo sa harap, batid kong nawawala ang pagka-focus ko sa pag-aaral dahil sa aking na-iisip ngunit hindi talaga ako mapakali. "Tebez, mukhang hindi ka nag-bibigay pansin sa aking tinuturo, binibini." napa-angat ako ng tingin ng tawagin ni miss, ang aking apelido. Ang tingin ng aking mga ka-klase ay sa’kin nakatungo. Mukhang nakuha ko nanaman ang kanilang atensiyon. "Pasensiya na po, Miss. Hindi na po ma-uulit." tayong sabi ko saka humingi ng pasensiya. Agad akong yumuko upang mag-bigay ng paumanhin. "Maari ka ng umupo, sa susunod ay baka pwede mo namang ibahagi sa amin ang ‘iyong iniisip." pagsasabi ni miss. Nakagat ko ang ibabang labi saka ako umupo sa aking silya. "Si Kyo Vallino nanaman ang iniisip ni ‘yan, Miss." dinig kong malakas na sabi ni Alyanna mula sa harapan . Malakas na tawanan ang nag-silbing ingay mula sa loob ng silid. Napapahiya nanaman ako ngunit wala naman silang magagawa. "Kung gano’n ay pinag-papantasyahan mo ang kakambal ni ‘tong ni Kiarra? Kung hindi ako nag-kakamali?" natatawang tanong ni miss, mukhang naki-sakay sa aking mga classmate. "Sikat naman ‘yung kambal niya at malaki ang kinikita pero heto ang kakambal niya scholar.." muling banggit ni Alyanna na kinayukom ng aking kamao. "Ano ang masama sa pagiging scholar?" hindi ko na napigilan ang aking damdamin, ayoko sa lahat ng lalaitin ang kaibigan ko dahil lamang siya ay scholar sa paaralang ito. "Tama na ‘yan." saway kong narinig mula kay miss, saka tumutok sa white board at nag-sulat ng kung ano-ano, bakit hindi man lang niya pag-sabihan ang mga ganitong istyudante na magaspang ang ugali? Bakit ba takot sila lagi sa mayayamang student? "Balibhasa gustong magpa-good shot sa kakambal ng crush niya kaya ganyan siya." rinig na rinig ko ang bulong ngunit pinipigilan ko muling sumabog mula sa aking inis at galit. "Crush na crush niya kasi at kulang na lang ay sambahin niya ‘yong kambal ni Kiarra." rinig ko pa na sabi ng kaibigan ni Alyanna. Bakit ba ay hindi nila lubayan ang buhay ko? Wala naman akong ginawa sa kanila at hindi ko naman pinapakialaman ang buhay nila kahit anong maling gawin nila! Bakit lagi na lang nakikitaan ng mali ang ginagawa ko? Hindi ko na ito palalagpasin. Tatayo na sana ako para sugudin ang dalawang iyon ngunit nagulat na lamang ako ng may humawak bigla sa pulsuhan ko. Halos dumiin ang hawak sa’kin ni Kiarra, gamit ang mga tingin niya sa mga mata ko ay napa-buga na lamang ako ng hangin. Turong tingin niyang tinignan ang upuan ko na sinasabi niyang umupo na ako at hayaan ko na lamang ang mga babaeng iyon. Bakit hinahayaan niya lamang na makarinig siya ng masasama tungkol sa kaniya? Ngunit gano’n din ako. Once na nakakarinig ako ng masama tungkol sa’kin ay nalulungkot din ako ngunit hindi ko hinahayaan na babuyin nila ang sarili ko. Ang mahalaga ay kilala ko kung sino ako at wala akong inaapakang tao. "Balibhasa kasi hindi na siya ang top notcher kaya ganyan siya." mahinang sabi ko ng makaupo ako, binitawan ni Kiarra ang pagkaka-hawak nito sa pulsuhan ko at saka tumingin muli sa harapan. Hindi talaga siya nag-papa-apekto pag may ganitong pangyayari noon pa man. Lagi niyang sinasabi na totoo naman ang lahat ng sinasabi nila. Na ang kakambal niya lamang ang pinapahalagahan ng pamilya niya, dahil hindi niya kinuha ang kursong gusto ng kanyang ina. “Huwag mo ‘nang pansinin ang mga naririnig mo tulad ng dati,” kahit may bigat sa loob ko ang sinasabi ko mula sa kaniya dahil ayoko na nakakarinig siya ng ganoon dahil kaibigan ko siya. Kahit hindi naman siya ang kambal ng taong kinaka-adikan ko sa larangan ng pag-sasayaw at pag-kakanta ay gagawin ko pa rin ang pag-tatanggol ko sa kaniya. Ang akin kasi ay huwag mo sanang apakan ang pangarap ng iba sapagkat hindi naman ikaw ang nag-papaaral at bumubuhay sa taong iyon. Ang hindi ko lubos ma-isip bakit nila kailangan umapak ng tao? Nang marinig ko ang kwento sa’kin ni Kiarra tungkol sa kaniyang pamilya ay mas lalo ko pa siyang gusto maging kaibigan. May tao pa pa lang gusto tuparin ang pangarap kahit hindi nila sundin at ipag-tabuyan ng kanilang pamilya. “Kahit hindi ikaw ang kapatid ni Kyo, tutulungan pa rin kita.” ngiting banggit ko sa kaniya na kinalaki ng kaniyang mga mata. Kahit ang pag-pula ng kaniyang tainga ay aking nakita. “Gusto ko sana na malaman mo na totoong mahal na mahal ko ang kapatid mo at kahit hindi niya ako kilala ay patuloy ko pa rin siyang su-suportahan,” pagpapatuloy kong sinasabi sa kaniya dahil gusto ko na malaman niya ang tunay na pakay ko kaya ko ito ginawagawa. “At kahit hindi ikaw ang kapatid niya ay ipag-tatanggol pa rin kita. Kahit sino ka pa.” ngiting sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay. Kahit pinag-isipan kita na ikaw si Kyo ang taong bumago sa buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
224.9K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
397.6K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
597.6K
bc

Love Donor

read
85.9K
bc

He's Cold Hearted

read
160.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
290.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook