bc

Two faces of love

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
Fantasy Romance Ⅱ Writing Contest
Romantic-Suspense Writing Contest
like
intro-logo
Blurb

Karlo and Kylie became each other's first love since they were in their 2nd year in college. They both decided to hide their relationship because they do not want to be the talk of the campus and of the conditions they promised to their parents not to be involved in a relationship unless they both finished their studies and have a work. Upon senior year, tables have turned that will test their relationship.

chap-preview
Free preview
Kabanata Uno: Kylie
"Kylie, bumangon ka na diyan!" narinig kong sabi sa akin ng isang boses babae. Pero ayaw ko pang bumangon kasi inaantok pa ako pero niyuyugyog ako ng babaeng gumigising sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang unti-unti kong imulat ang aking mata. Sakto naman na siya ding binuksan ang kurtina sa kwarto ko para malaman ko na umaga na pala. "Yaya ang aga pa! Inaantok pa ako" sabi ko kay Yaya Pining. Bata pa lang kami ni Kai siya na ang nag-aalaga sa amin. "Anong maaga pa? Alam mo bang pasukan na ngayon? At kapag hindi ka pa tumayo malalate ka sa unang araw ng second semester niyo" "Yaya sa susunod na linggo pa pasukan namin!" siyempre hindi ko siya pinaniwalaan. Alam ko kaya ang araw ng pasukan namin. "Bakit di mo tignan ang cellphone mo para malaman mo ang araw ngayon?" sinunod ko naman ang sinabi niya. Nanlaki bigla ang mata ko ng makita ko kung anong date ngayon. Dali-dali akong tumayo at pumunta ng banyo. "Ikaw talagang bata ka. Di pa ako masyadong matanda para maging ulyanin na" niyakap ko si Yaya at hinalikan siya sa pisngi. "The best ka talaga" napangiti ko naman siya sa ginawa ko. "Kanina pa nakaluto papa mo" lumabas na ako ng kwarto ko. Sa kakamadali ko nabangga ko tuloy si Kai na nakaayos na at pababa na din. "Aray! Bakit ka ba kasi nagmamadali ate?" tanong niya. "Malalate na kaya ako" "Tayo ang sabihin mo. Late ka pa kasi nagising eh" di ko nalang siya pinansin. Nagpunta na ako ng kusina para kumain. Naabutan ko pa si papa na patapos palang kumain. "Magandang Umaga sa pinaka-guwapo kong papa" pang-uuto ko sa kaniya hehehe. "Late ka na naman nagising kung hindi ka pa ginising ni Pining hindi ka babangon. Bilisan mong kumain, maligo at magbihis kasi 7 aalis na tayo." na tapos ng kumain at umakyat na sa itaas. Tumingin ako sa orasan. 6:10 am. Nahuli ako ng sampung minutos sa agahan. Sampung minuto nalang akong kakain. Nag-tinapay nalang ako at pinalaman ang isang hotdog saka ininom ang juice. Bago ako maligo nagsabi ako sa kapatid ni yaya Pining na si yaya Rosa na pabaunan ako ng ulam na niluto nila dahil parang masarap saka para tipid na din ako. "Ate aalis na tayo!" sigaw ni Kai sa baba. Nagmadali na akong bumaba. Narinig kong nagbibilin si papa kina yaya Pining at yaya Rosa noong paglabas ko ng bahay. "Pag nakauwi na silang dalawa i-lock niyo na ang mga pinto at ang gate. Magtetext o tatawag nalang ako sa inyo kapag nasa guard house na ako." tumango naman sina yaya sa sinabi ni papa. "Ingat kayong dalawa dito" "Ingat din po kayo sir" Pumasok na sa kotse si papa at umalis na kami. "Kayong dalawa dumiretso kayo kaagad ng uwi at magtext kayo sa akin. Baka naman kung saan pa kayo magpunta na hindi ko alam. Matuto kayong magpaalam sa akin sa text kung saan kayo pupunta at kung sino kasama niyo. Ayaw ko sa lahat iyong nagsisinungaling." sabi nito habang nagdadrive. Ng walang marinig na sagot tumingin siya sa salamin. "Naririnig niyo ba ako?" "Opo!" sagot namin. Abala kasi kami pareho ni Kai sa pagtetext. Babe asan ka na? Kakaalis pa lang namin ng bahay. Di pa ako nakakaalis, nagbibihis palang ako. Kahit naman di ka magmadali papasok di ka naman malalate kasi malapit lang bahay niyo. Siyempre! hehehe labyu! Labyu too! Bihis lang ako. Sige Isang oras kasi kaming nagbabyahe papasok. Hinahatid kami ni papa papasok kasi nadadaan din niya papasok ang University na pinapasukan namin pareho ni Kai. First year college palang si Kai. Ako naman fourth year na. Katulad ng ibang lalaki Engineering din kinuha niya. Di ko alam kung ano mismong kurso ng Engineering dahil di ko naman kabisado lahat. Ako naman AB Communication kinuha ko. Bakit? Kasi di ako pumasa sa Journalism course na siya naman talagang inapply ko. Pero noong nag-interview ako sa Associate Dean namin sabi niya pang-creative story daw ako hindi sa news writing. Kaya kahit failed ang nakalagay sa card, pinasok ako sa course na Communication. Nilagay din kasi iyon ng Assoc. Dean sa recommendations. Sa totoo lang di ko naman talaga alam noong una kung ano ba pinag-aaralan sa Communication. Tanging alam ko lang ay malapit ito sa field na gusto ko, ang Filmmaking. "Nandito na tayo!" Sabi ni Papa. Humalik muna kami kay papa saka bumaba na. Welcome sa Winston's University! Paglabas palang namin ni Kai ng sasakyan ay pumunta na kaagad siya sa building nila ako naman hinanap ko mga kaibigan kong sina Jonas at Anna at siyempre pati na rin si Karlo. Pero hindi ko siya nakita na kasama ng dalawa. "Kylie!" Sigaw ni Anna sa likod ko na naglalakad papunta sa akin. Kasama niya sj Jonas na boyfriend niya. "Kamusta? Ano excited na ba kayong pumasok ulit?" Tanong ko sa kanilang dalawa. "Oo excited na nga ako. Mas lalo nga itong si Anna kasi kanina pa ako tinatanong kung ano na daw gagawin namin ni Karlo sa thesis. Kung saan ko daw balak mag-ojt at madami pang iba" pilit namang ngumiti si Jonas. Tinarayan lang siya ni Anna. "Asan na nga pala si Karlo?" Tanong sa akin ni Anna. Pagkatanong niya noon bigla nalang kaming may narinig na mga sigaw ng mga babae. Paglingon ko nakita ko si Karlo na padating na at maraming nakasunod na babae sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad. Tumigil lang siya para sabihing tara na. Siyempre iyong ibang babae na hindi sa building namin humiwalay na. Nakasunod lang kaming tatlo sa kanila. Siyempre hindi na sila makakapasok sa classroom. Pagdating naman namin sa loob ng classroom nakita kong madaming snacks ang nakalagay sa upuan niya. Grabe itong mga babaeng ito. "Karlo namiss kita" sabi ng isa. "Sobrang namiss ka namin Karlo" sabi ng iba. Ilang minuto rin silang nasa harap lang ni Karlo. Umupo lang sila noong dumating na ang professor namin. Bigla namang nag-buzz iyong cellphone ko. Namiss kita. Kung hindi nga lang ako naharang kanina pupuntahan ko kaagad kayo. Namiss din kita saka okay lang iyon sanay na ako :) Ang bait talaga ng babe ko. Date tayo mamaya. Sige Nakangiti lang ako habang nagrereply sa text niya. Tumingin ako sa kanya tapos kinindatan lang ako. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa lalaking ito. Hindi na kami nagkaroon pa ng introduction kasi graduating students na kami. "First day of second semester. 6 months nalang graduate. I am sure that you are now ready to face the real world" sabi ni sir Marco na siyang adviser mg 4th year. Hindi rin naman masyadong matagal ang klase kasi first day palang. Pagkatapos, nagpunta kami ni Karlo sa isang park. Andami naming nakikitang magkasintahan at pamilya na nasa park. Dami ding bata na naglalaro sa mga oras na ito. Nakahiga ngayon si Karlo sa lap ko. Habang ako naman nakatitig lang sa mga pamilya na nandito din. Ang saya-saya nilang tignan. Sana buo pa rin ang pamilya namin ngayon. Di ko na matandaan kung ilang taon na kami noon ni Kai noong iniwan kami ng mama ko para magtrabaho sa London. Sabi niya magtatrabaho lang siya doon pero bigla nalang niya kaming hindi tinawagan. Sobrang nag-alala si papa kasi baka daw may nangyaring hindi maganda kay mama. Lahat ng kakilala ni papa na katrabaho ni mama tinawagan namin hanggang sa may nag-send sa amin ng picture ni mama na may kasamang ibang lalaki. Nagpunta si papa ng London, para makumpirma ito. Naalala ko na pagbalik ni papa sinabi niya nalang sa amin na patay na si mama. Di ko iyon maintindihan dati dahil bata pa ako. Ngunit habang nagkakaisip at nabubuksan ang isip ko sa maraming isyu doon ko naintindihan na hindi kami ang pinili niya. "Ang saya nila" sabi ko. Bumangon si Karlo at tumingin sa tinitignan ko. "Oo nga. Pag nagkapamilya na tayo gusto ko ganyan lang tayo kasaya" tignan mo itong lalaking ito. "Magtapos muna tayo mag-aral at magtrabaho" sagot ko sa kanya. "Ilan gusto mong anak?" Pang-aasar niya sa akin. "Kilabutan ka nga diyan, pareho pa tayong hindi handa noh" inirapan ko siya pero tumawa lang siya. Kainis talaga itong lalaking ito! "Halika na nga" Tumayo ito sa pagkakaupo. "Saan tayo pupunta?" "Magtanan na tayo" nabigla ako sa sinabi kaya nahampas ko siya ng malakas sa braso. Tumayo na rin ako. "Biro lang iuwi na kita..... Sa bahay natin" bulong niya. Naitulak ko siya sa sinabi niya habang nakatawa. Naglakad ako ng mabilis papunta sa sasakyan. "Iuuwi na kita sa inyo" sigaw niya habang nakatawa. Di ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Oops! Kylie hindi ka pa handa at marami ka pang pangarap. Nagpapahatid lang ako kay Karlo hanggang sa gate ng subdivision. Mahirap na may makakakita pa sa amin at isumbong ako kay daddy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.8K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.2K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.3K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook