bc

My Stranger Husband

book_age18+
219.2K
FOLLOW
7.2M
READ
drama
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Masaya at kuntento. Iyon ang pamumuhay na nakalakihan ni Kristina kasama ang pamilya. Masipag na Tatay, mapagmahal na Nanay, mabait na Kuya at makulit na bunsong kapatid ang mayroon siya. Ngunit dumating ang malaking problema sa kanilang pamilya, napeligro silang mapalayas sa bahay na tinitirhan. Ibinenta ang bahay na pagmamay-ari pa ng kanyang Lolo at Lola ng kanilang kamag-anak mismo.

Dala ng kagipitan ay nilapitan niya ang lalaking nagngangalang, Reynald De Silva. A business tycoon. Inalok siya nito ng perang higit pa sa kailangan niya—ngunit ang kabayaran ay ang maging asawa siya! Higit siyang nabahala sa sitwasyong pinaggigitnaan niya. Ang matitirhan ng pamilya o ang sariling kaligayahan. At sa huli ay tinanggap niya rin ang mapakasal sa hindi kilalang lalaki para sa bahay.

Paano niya pakikisamahan ang isang estranghero o talaga bang estranghero ito sa buhay niya? Isang madilim na nakaraan ang kanyang naungkat sa lalaki.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 “ATE! Nandito na si kuya Hero, bumaba ka na raw!” Sigaw ng bunso kong kapatid na si Glen mula sa baba. Kaya naman nagmamadali kong sinuot ang relos ko, mabilisang paglalagay ng lipstick at marcara. Ilang pasada pa ang ginawa ko sa buhok, ni hindi ko na nga hinintay ang sarili na ma-satisfy sa itsura ko basta presentable naman ay tinapos ko na para makapasok sa trabaho. Maaga naman ako nagising pero sadya yatang may pagkakataon na napapabayaan ko ang oras sa umaga. Si Hero ang matalik kong kaibigan. He’s gay by the way. Matagal na kaming magkaibigan, kaya kahit araw-arawin n’yang pagsundo at pagsabay sa akin papasok sa trabaho ay okay lang. Malalaking hakbang na ang ginawa ko pababa sa hagdahan, at doon pa lang ay dinig na dinig ko na ang munting pagsesermon ni Hero sa makulit kong kapatid. Napailing na lang ako perob natatawa na rin! “Hoy! kung makakuya ka naman wagas! Hiyang-hiya naman ang humpak ng makeup ko sa’yo bata ka!” Himutok ni Hero na napamaywang pa. Hindi n’ya talaga gusto iyong tinatawag siyang Kuya ni Glen, lalo kung umaalingawngaw sa buong bahay. “Sorry naman, ‘di ko alam ang itatawag sa iyo eh, kung manong na lang?” pang-aasar pa ng kapatid ko. Nasabihan ko na ‘to dati na ‘wag nang asarin ng ganoon ni Hero, e kaso sobrang kulit na bata. Kahit ako minsan ay nababara rin nito e! “Ay naku bata ka! Hoy Kris! dalian mo d’yan naghihintay na si manong driverlu sa labas!” Napabuga na lang ng hangin si Hero ay sabay paypay sa mukha. Napailing na lang ako at sinilip ang laman ng shoulder bag ko, sinuguradong wala akong naiwang mahalagang gamit. “Hndi ba kayo kakain muna bago pumasok ha?” Narinig kong tanong ni nanay mula sa kusina. Naririnig ko ang mga kalansing ng kubyertos at plato pa roon. “Hindi na po ‘nay, dapat maaga kami ngayon sa eskwela kasi final exam na--mahuhuli na ako sa flag ceremony!” At baka magkagulo na naman ang klase dahil hindi sumusunod sa pila. Alas-syete na ng umaga, dapat nasa eskwela na ko pero dahil masyado kong napabayaan ang oras, nagahol ako. Kitang-kita kong inip na si Hero. Magkaibigan na kami mula pa nung 1st year college ako. Pareho ang kurso namin, BS Education. at nagtuturo na ko ngayon sa Grade IV elementary. Pero si Hero ay hindi nakatapos sa pag-aaral at huminto nu’ng nasa 3rd year na kami. Dahil sa kinulang na raw sa tuition fee. Hindi naman maituturing na kamalasan ang nangyari sa kan’ya dahil nakapag-abroad ito at nakaipon, at nakapagtayo ng sariling salon. Sa kan’ya lang kasi umaasa ang pamilya n’ya. ‘‘Girl, bakit ka naman na-late ng gising? Himala yata ‘yon?” Tanong n’ya sa akin habang palabas na kami ng bahay. Binalingan ko muna ang nanay ko, “Nay, alis na po kami!” Hinintay ko munang sagutin bago ko sinagot ang tanong ni Hero. “Eh kasi bru, may problema si Tatay,” Hininaan ko pa ang boses ko. “Bakit ano ‘yun bru? May ibang babae na ba ng tatay mo o may ibang junakis na?” Nanlaki ang mga mata n’ya sa sariling tanong. “Gaga hindi! Hindi gano’n si tatay ‘no! Ni minsan hindi tumingin ‘yon sa iba!” aminado ako ako do’n at sobrang proud ako sa tatay kong iyon. “Oh, e ano’ng problema?” “Pinapalayas na kami rito sa bahay.” bulong ko sa kan’ya bago sumakay sa Tricycle na de-motor naghihintay sa amin. “What?!” bulalas n’ya sa akin. Halos kinagulat ko ang reaksyong iyon ni Hero. Kapag kasi medyo nashashock ito eh, napapasigaw. Bigla ko tuloy siya napalo ng mahina sa braso n’ya. “Bru, ano ba bunganga mo!” Halos pasigaw kong litanya sa kan’ya, sa ingay ng tricycle ay sinadya kong laksan ang boses ko. “Ay, sowry-sowry ateng! nakaka-shock naman kasi ‘yang sinabi mo. ‘Di bale sana kung tungkol sa lovelife, na alam ko namang waley eh ‘no, pero bakit naman kayo palalayasin at sino ang nagpapalayas? ‘di ba bahay n’yo ‘yan?” ani ni Hero, sabay bukas ng face powder at nag-retouch pa nang kaunti. “Manong, dahan-dahan lang sa pagda-drive at baka kumalas ang ganda ko!” Pasigaw na sabi nito sa driver. Hindi naman sumagot si manong o baka hindi n’ya lang ito narinig. “‘Yung kapatid ng Lola ko ang nagpapalis sa amin sa bahay. Sa kan’ya raw kasi pinamana ‘yung bahay at balak na yatang ibenta.” malungkot na sabi ko. Matagal na kaming nakatira sa bahay na iyon, bago pa naging mag-asawa ang mga magulang ko eh doon na nakatira ang tatay ko at ang lolo’t lola. Ang alam ko nga pagmamay-ari iyon ng lola pa ng tatay ko. No’ng nagbinata na si tatay at nakapag-asawa na ang ilang kapatid, ay nag-migrate na sa America ang lolo’t lola ko. At magpahangggang ngayon ay hindi pa umuuwi. Makalipas ang ilang taon o dekada ay nakatanggap ng tawag si tatay na ibebenta na raw ng kapatid ni lola ang bahay na tinitirhan namin. “Ay kaloka bru! bakit naman daw kailangan pang ibenta, ‘di na lang ibigay sa inyo, tutal kamag-anak din naman kayo?” tanong nya sabay lagay ng lipstick. “Sabi ni tatay ang kapatid daw ng lola ang may hawak ng titulo. Ang sabi rin naman ni tatay, hati raw iyong dalawang lola ko, pero matagal na raw ‘yon eh. Hindi naman masabi ng tatay sa lola ko kasi ayaw n’yang mag-alala pa sila sa amin.” “Eh, may kadamutan naman pala ‘yong kapatid ng lola mo Ang tagal ng panahon na iniwan nila iyong bahay at ngayon bigla-biglang aangkinin ng buo!” sabi ni hero, habang itinatabi ang mga makeup sa handbag n’ya. Sumimagot ako sa sinabi n’ya. “Ano’ng gagawin namin?” “Edi, no choice. lilipat kayo ng house...o kayo bibili nu’ng house!” sabi n’ya. Namamanghang tiningnan ko siya, hindi ko kasi naisip iyong huling sinabi n’ya. Pero parang may liwanag akong nakita para roon. ‘‘THREE million?!” halos sigaw na bulalas ko. Kumakain kami ngayon ng hapunan kasama ang buong pamilya ko. “Iyon ang presyo nitong bahay na pinabebenta ni tyang.” ani ni tatay na medyo matamlay ang pagkakasabi. “Ate, baket ano ‘yun?” curios na tanong ni Glenn. “Wala, wala kumain ka na d’yan. Usapang matanda ‘to.” “Usapang matanda, pero sa harapan ko pa kayo nag-uusap. Ano kaya ‘yun.” pabulong nyang sagot, pero rinig pa rin. Tinapuan ko naman siya ng matalim na tingin at saka natgpatuloy sa pagkain. “Naku Roger, napakalaking halaga pala ng presyo nitong bahay. Pero bakit naman pinabebenta na ni Tyang? Hindi na ba maganda ang kabuhayan nila sa America?” tanong ng nanay ko. Ako naman ay halos napahinto na sa kinakain at hinintay ang sagot ni tatay. “Hindi na rin bumabata si Tyang at baka hindi magtagal ay umuwi na rin ‘yon dito. Siguro, baka balak na ring ipamana o ibahagi sa mga kamag-anak n’ya. Hindi na rin naman kagandahn itong bahay para tirhan pa nilang mga sosyal at laking America.” sabi ni tatay. “Eh ‘tay, hindi ba, may parte rin naman si lola sa bahay na ‘to? ‘di ba po dapat kunin din muna ang consent ng lola bago pagdesisyonang ibenta?” “Oo, hati sila ng nanay sa bahay. Pero bago sila nag migrate ay nagkaalitan sila at nagkataon pang si tyang ang may hawak ng titulo. Mula noon, hindi na sila nag-usap pa o nagkamustahang man lang, dahil tuwing tinataning ko sa nanay kung kamusta na si tyang ay tahimik lang ito at walang kibo sa telepono.” malumanay sa sabi ni tatay. “Eh, tayo. ‘di na ba nila tayo tinuturing na pamilya?” “Anak, hindi naman yata ‘yan masasagot pa ng tatay mo. Kumain ka na nga.” Saway sa akin ni nanay. “Kung tayo na lang bumili ng bahay?” Bigla naman napahinto sa pagkain sina tatay at nanay. At s’ya ring paghinto sa pagsubo ni Glenn, dahil nakitang napahinto rin sina tatay. “Anak, alam mo ang sinasabi mo?” tanong ni tatay. “Kristina...” sabi ni nanay. “Wala tayong gano’ng halaga.” “Kung ang kalahati nitong bahay sa lola, e’di kalahati na lang din ang dapat nating ibayad sa kanila.” “Anak, kahit ibenta ko pa ang jeep natin, hindi parin yon aabot sa isa’t kalahating milyon.” sagot ni tatay, binalewala na lang ang sinabi ko. “‘Yung savings ko po, pwede ko namang isama. ‘Yung savings ko tay!” pagmamalaki kong sabi kay tatay. “Bakit ate, milyonarya ka na ba sa pagtuturo?” singit ni Glenn. Binalinga ko siya ng matalim na tingin.”‘Di ba sabi ko kumain ka lang, itikom mo ‘yang bibig mo.” Nginusuan n’ya ako. “Sabi mo kumain, pero pinatitikom mo yung bibig ko. Ano kaya ‘yun!” at muli n’yang binalikan ang kinakain. “Isa..” panakot ko sa kanya at hindi na siya kumibo. “Aabot nga ba nag savings mo anak? hindi ba’t nirereserba mo na ‘yun para sa pag-aaral ni Glenn?” Malumanay na sabi ni nanay. “Para sa’kin pala ‘yun eh.” sabi ni Glenn na nakatingin pa rin sa pagkain niya. “Matagal-tagal pa naman siguro bago mag-college ‘tong si Glenn at pwede pa po ako makapag-ipon ulit.” “Kahit isama pa natin ‘yan hindi pa rin sasapat.” sabi ni tatay na tila kimbinsidong kulang ang malilikom naming halaga. Pero kung sabagay, 1.5 milyon iyon. Ang jeep plus savings namin, talagang hindi milyonin. “Eh si kuya?” “May pamilya na ang kuya mo. Buntis pa uli si Jess. Maraming gastusin ‘yon.” sabi ni tatay. Pamilyado na nga pala si kuya Edwin. may isang anak na 3-years old at kasulukuyang pang buntis sa asawa nito. Pareho silang call center agents. Sa pagkakasabi ni tatay ay tila nanghina ako at nawalan na ng pag-asa. Wala talaga kaming makukuhang gano’ng halaga ng pera. Pero mahal ko itong bahay namin. Kahit gawa lang ito sa kahoy at luma na. Ito pa rin ang bahay nina tatay noong araw. 25years akong tumira dito. Maraming mga kaibigan at mag-alaala ang baka sakaling mawala na. “Maghahanap na ko ng buyer ng tricycle natin, para makalipat tayo ng bahay.” sabi ni tatay, saka sya tumayo na at pumasok na sa kwarto. Iyon na ang hudyat Kristina, kailangan na nila talagang lumipat. Ang bigat sa pakiramdam. Napayuko na lang ako sa plato ko, narinig ko rin ang malalim na buntong hininga ni nanay. Kahit wala silang sinasabi ay ramdam ko ang kalungkutan nila sa pag-alis sa bahay. Hindi lang basta sa pinansyal na aspeto, sympre- mahihirapin din kami sa kabuhayan-pero iyong bahay na kasi na ‘to, kinalakihan ng tatay ko, mga lumang ala-ala na hindi basta-bastang maiiwanan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook